
"You are not Cass, who are you?" Gumapang ang takot sa loob ko nang titigan ko ang kanyang itim na mga mata na para bang lulunorin ako nito. Kanina lang ay nakatingin sya akin ng may paglalambing ngunit ngayon ay nanglilisik na ang mga ito. Kahit may takot parin akong nararamdaman na baka ay may gawin siyang masama ay hindi ko mapigilan na tingnan ng mabuti ang kanyang kabuuan. Masasabi kong sanay na ang mga mata ko sa mga makikisig na lahi ni adan pero iba ang dating ng lalaking ito.
"Hindi ko alam itong Cass na tinutukoy mo at isa pa sino ka?"
