Kenric POV
Nilapag ni Xavier ang tablet at agad naman niya itong kinuha para tignan ang nakalagay sa screen.
"Akala ko ba okay na 'to? Bakit naulit-ulit?" Naguguluhan tanong ni Keegan
"That’s why I’m here to personally tell you that there is a traitor in our company."
"Si Mason na lang ang paayosin mo niyan. Busy ang schedule ko this week and throughout the month."
"Xavier, tawagan mo si Mason." utos ko kay Xavier
Tumango siya at agad sinunod ang aking inutos. Inilapag ni Xavier ang phone sa gitna ng table at pinindot ang speaker.
"Hello"
"Mason, my man, kumusta ka na?" tanong ni Keegan
"Get straight to the point."
"Ito naman, parang hindi kaibigan. Kumustahan muna tayo." Biro niya pa
"I'm busy. Say something or I’m hanging up."
I sighed bago sagutin ang tanong niya. "There's a small rat slowly ruining our company."
"Ang tindi rin ang dagang 'yon, hindi mahuli-huli tsk." sabat ni Keegan
"Nag lay low siya ng dalawang buwan at bumalik na naman." mahihimigan ang kanyang pagka irita
"Yes, kaya ka namin tinawagan para ikaw na ang humuli sa dagang unti-unting kinakain ang perang pinaghirapan na'tin." na napahilot na lang sa kanyang noo si Keegan
"Bakit hindi kayo ang gumawa? Bakit ako pa?"
"Busy ako ngayong buwan, hindi ko maisisingit 'yan. Ipinasa nila pansamantala sakin ang pamamahala sa ilang hospital, habang nasa honeymoon pa si Kuya Kaiden."
"Ikaw, busy? As far as I can recall, kahit gaano ka pa ka-busy, nagagawa mo pa ring unahin ang pakikipaglaro sa mga babae."
"Grabe ka naman sa'kin." Umaktong tila nasaktan si Keegan sa sinabi ni Mason
"Busy rin ako may kailangan akong asikasuhin." ani ko at sumandal sa sofa
"Sige, ako ng bahala."
Pagkatapos ng tawag ay tumayo na ako para bumalik sa hotel. Nakakailang hakbang pa lang ako ng tawagin ako ni Keegan.
Nilingon ko siya at tinaasan ng isang kilay. "Ken, may ipapasuyo sana ako." tumayo siya at pumunta sa kanyang table at binuksan ang kanyang drawer.
"Total palabas ka na rin naman dito sa opisina ko at mapapadaan ka sa nurse station pakibigay na lang 'to kay Nurse Anna. Pasabi na rin na magkita kami sa thursday same place. Thank you bro. Your the best." nag thumbs up siya at inabot ang paper bag, napakunot ako ng noo at tinignan ang paper bag.
Bast*rd. Ginawa pa akong utusan.
Hindi ko kinuha ang paper bag at agad lumabas sa kanyang opisina.
Xavier POV
Pagkalabas ni Mr. Hernandez ay kinuha ko ang pinapasuyong paper bag ni Mr. Serrano.
"Ako na ang magbibigay nito Mr. Serrano kay Nurse Anna." pagb-boluntaryo ko
"Mabuti pa nga. Ang sungit talaga ng amo mo ayaw ng inuutosan pero panay ang utos." kumamot ito sa kanyang kilay tanda ng pagkainis
"Sige, sir mauna na kami." tahimik lang akong lumabas at dumaan sa nurse station
"Is Nurse Anna here?" tanong ko sa isang nurse na nagsusulat sa hawak niyang medical clipboard.
"Yes, sir, I'm Nurse Anna. How may I help you?"
"Pinabibigay ni Mr. Serrano." binigay ko sa kanya ang paper bag
"Thank you, sir." sagot nito.
"Pinapasabi nga pala ni Mr. Serrano na magkita kayo sa thursday same place."
"Sige po, thank you ulit."
Tumango lang ako bilang paggalang at umalis
Naramdaman kong nag-vibrate ang aking cellphone, kaagad kong sinagot ng makita ang caller Id
*Mr. Hernandez calling*
"Hello, sir"
"Xavier, are you still in the hospital?"
"Yes, sir. May ipapasabi ba kayo kay Mr. Serrano?" tanong ko at bumalik sa loob ng hospital
"Nothing. I just…nevermind"
"Sige, sir. Kung wala na po kayong ipag-uutos—" napatigil ako sa pagsasalita dahil sa biglaang pagsigaw ni Sir Hernandez sa kabilang linya.
"Sir, okay lang po ba kayo?" tanong ko at nagmamadaling lumabas ng hospital
"Yes, a cockroach just…crawled on my shoulder."
Ang isang Mr. Hernandez takot sa ipis?
"Sige po, sir. Pabalik na po ako dyan sa hotel."
"Bago ka pumunta ng hotel dumaan ka muna sa isang restaurant mag take out ka ng pagkain damihan mo."
"Sige po sir"
"By the way 'wag sa mamahaling restaurant at idaan mo dito sa park yung take out. I'll send you the address."
"Copy, sir"
Pagkatapos ng tawag ay agad akong sumakay sa aking sasakyan at pumunta sa isang restaurant na madalas kong puntahan kapag gusto kong magtipid. Pagkarating ay bumaba ako at pumasok sa loob dahil wala silang drive-thru, hindi gaya ng mga fast food restaurant.
Kenric POV
Nandito ako ngayon sa park hindi kalayuan sa hospital, sinundan ko siya dahil napansin kong tila may problema siya base na rin sa mata niyang namamaga na nangangahulugang galing siya sa pag-iyak. Hindi ko alam kung ano ang nag-udyok sa akin na sundan siya gayong hindi naman kami magkakilala at dalawang beses pa lang kami nagkita, siguro ay dahil maawain lang ako na kahit mukha akong walang pakialam sa ibang mga tao at sa kanilang problema ay nakakaramdam pa rin ako ng konting awa para sa iba na talagang may pinagdadaanan sa buhay.
Habang pinagmamasdan ko siya ay hindi ko mapigilan ang pagkirot ng aking damdamin. Nais ko siyang lapitan ngunit baka magtaka ito sa bigla kong paglapit. Napayuko ako ng makita siyang biglang lumingon sa paligid na tila may hinahanap, mabuti na lamang at natatabunan ang pwesto ko ng halaman. Nataranta naman ako ng bigla na lamang mag vibrate ang cellphone ko, agad ko itong sinagot bago pa tumunog ang ringtone. Mahirap na baka makita niya ako dito at pagkamalang stalker.
“Yes?”
“Sir, nandito na po ako sa park. Saan kayo banda?” Tanong ni Xavier
“Ako na ang pupunta sa pwesto mo. Saan ka banda?” Tumayo ako para puntahan si Xavier hindi niya pwedeng makita kung nasaan ako
“Nandito ako Sir malapit sa arko ng park.”
“Okay, wait for me there.” Ani ko at binaba na ang tawag
Nang makalapit ako ay agad ibinigay ni Xavier ang pagkaing iniutos ko sa kanya.
“Sir, dito po ba kayo kakain?” Tanong niya at tila hindi makapaniwala sa biglaang kung pagpunta dito.
Tumango lang ako at akmang babalik na sa pwesto ko kanina ng magtanong ulit siya.
“Sir, hintayin ko na lang kayo sa kotse habang kumakain kayo.”
“No need. You can go back to the hotel and rest.” Hindi na ako nag-abalang harapin siya at naglakad na
“Noted Sir” pahabol niyang sabi
Pagkarating ko sa kanina kong pwesto, I sighed with relief dahil nandun pa siya sa kanyang pwesto at nakatungo ang ulo. Tinignan ko ang wrist watch ko at napakunot ang aking noo dahil ala sais y media na ng gabi. She’s been there for three hours, napatingin ako sa hawak kong pagkain kung paano ko ba ito ibibigay sa kanya ng hindi niya nalalaman na galing ito sa akin.
Naagaw ng pansin ko ang isang naka mascot costume hindi ko alam kung anong character iyon pero iilan lang ang lumapit sa kanya at nagbibigay ng pera sa alkansya na nasa harapan niya. Kapag may nagbibigay sa kanya ay sumasayaw siya o di kaya niyayakap, nakaisip ako ng ideya at lumapit sa naka mascot.
“Hi, could you give this food to that lady? I’ll give you five thousand pesos. By the way, don’t tell her that this is from me.” Itinuro ko kung saan siya nakaupo
Hindi nagsalita ang taong nasa loob ng mascot pero tumango siya at nag sign ng ‘okay’. Bago umalis ang naka mascot ay naglabas ako ng limang libo sa aking wallet at inihulog sa kanyang alkansya ng maglakad ang naka mascot ay bumalik ako sa pwesto ko kung saan kita ko silang dalawa.
Kinalabit niya si Ayah para makuha ang atensyon nito at ibinigay niya ang paper bag na may lamang pagkain, ayaw niya pang tanggapin dahil hindi naman niya kilala ang nagbigay pero naglabas ng ballpen at papel ang naka mascot at nagsulat. Hindi ko alam kung ano ang kanilang pinag-uusapan dahil malayo ako sa kanila at mahina ang kanilang boses, ngunit base sa reaksyon ni Ayah ay napilitan na itong tanggapin ang pagkain at nag bow bilang pasasalamat ganun din ang ginawa ng naka mascot at umalis para bumalik sa pwesto niya.