Chapter 15

813 Words
Ayah POV Ilang minuto kong tinitigan ang paper bag na may lamang pagkain at inisip kung sino ang nagbigay nito gayung wala naman akong kakilala dito sa park kung saan ako pumunta para magpahangin at makapag-isip ng maayos. Dahil malapit na akong mabaliw kakaisip kung saan ako kukuha ng malaking pera para sa surgery ni papa, konti na lang ang natira sa ipon ko at halos wala na rin matira sa sahod ko noong nakaraan. Napabuntong hininga na lang ako at inilabas ang pagkain dahil biglang tumunog ang aking tiyan nagpapahiwatig na ‘wag na akong mag-inarte at kainin na lamang ang pagkain. Mukha naman itong safe dahil nakasara pa ang packaging at halatang kakaorder lang dahil medyo mainit pa ito. Nang matapos akong kumain ay naisipan kong maglakad pabalik ng hospital para naman bumaba kaagad ang kinain ko. Lumingon pa ako sa paligid para masiguradong walang sumusunod sa akin, mahirap na baka mahold-up pa ako ng wala sa oras e kapos ako ngayon. Pagkarating sa second floor ng hospital kung nasaan pansamantalang inilagay ang ama ko ay siya ring paglapit ng isang nurse na nag-assist sa’kin simula kahapon. Ang hitsura niya ay tila parang natatakot na naguguluhan at hindi alam ang gagawin. “Ma’am mabuti at dumating na kayo yung nanay niyo kasi hinahanap ka at sinigawan ako na kung hindi kita hahanapin ay tatanggalin niya ang lahat ng mga nakakabit na medical device sa katawan ng papa mo.” Nakaramdam ako ng inis dahil sa narinig at nagmadaling tumungo sa silid ng aking ama. Hindi ko alam kung tama ba ang hinala ko na kaya siya nandito at gumawa ng eksena ay dahil manghihingi ito ng pera. At talagang hindi niya pinalampas ang pagiging walang kwenta niyang ina kasi kahit dito sa hospital ay pinagngangalandakan nito ang pangit na pag-uugali. “Hanggang dito ba naman Lourdes gumagawa ka ng eksena, wala ka na bang kahihiyan sa katawan.” Masama ko siyang tinignan habang nakaupo ito sa monoblock sa tabi ni papa na parang isang mabuting asawa at ina. “Aba’y bastos ka na magsalita! Ipapaalala ko lang sayo na ako pa rin ang ina mo at nagluwal sayo sa mundong ito! Kung wala ako, wala ka dito at humihinga.” Panunumbat nito “Oh edi thank you!” Sarkastiko kong sabi at masama siyang tinignan Nagsukatan kami ng tiningin. Walang gusto magpatalo ngunit siya rin ang unang naasar “Ikaw—” “Lourdes!” sabay kaming napatingin kay papa na biglang sumigaw at halatang pinilit lang ang sarili na magsalita ng medyo may kalakasan ngunit bakas pa rin sa tono ng kanyang boses ang kanyang paghihirap sa kanyang kalagayan. Agad na lumambot ang aking ekspresyon at lumapit kay papa “Pa, kamusta ang pakiramdam mo? May masakit ba sayo? Nagugutom ka ba?” Sunod-sunod na tanong ko Habang hinihintay ko siyang sumagot ay pinindot ko ang bilog na button malapit sa higaan ni papa para tumawag ng doctor. “Ayos lang ako, nak” ngumiti ito at nagthumbs up na nagpapahiwatig na okay lang siya Gusto kong maiyak sa sitwasyon niya dahil kahit nasa ganoon siyang kalagayan ay nagawa niya pa ring iparating na kaya niya pa at ‘wag mag-alala sa kanya. “‘Wag kang umiyak hindi pa naman mamamatay itong tatay mo ngayon.” Baliwalang sabi ng nanay ko Masama ko siyang tinignan at napakuyom ang aking kaliwang kamay dahil sa namumuong inis na nararamdaman ko ngayon, pinigilan ko ang aking sarili na magsalita ng hindi maganda dahil ayokong mag-alala ang papa ko at lumala ang kalagayan niya ng dahil lang sa walang kwenta kong ina. “Good evening, everyone!” biglang nag-iba ang atmosphere dito sa loob ng silid ni papa dahil sa isang doctor na pumasok He has golden brown skin, tall, handsome and has some European features. He also looks young and has a playful aura. “Good evening Mr. Lauron. I’m Dr. Serrano from the Neurology Department.” pagpapakilala nito kanyang sarili “Good evening too, Dr. Serrano” binati ni papa ang doktor sa namamaos na boses Ngumiti naman ito sa kanya at bumaling sa’kin “I guess this is your daughter and your wife.” tumitingin siya kay mama na nakatayo malapit sa bintana “Good evening Doc” bati ko “Good evening too, Ms. Lauron” “Just call me Ayah, Doc” “Okay, Ms. Ayah” ngumiti ito at tumingin sa hawak niyang medical chart. “Mr. Lauron, your condition right now is quite stable, but I suggest that you undergo surgery as soon as possible to avoid further complications. Tomorrow, we will examine your heart so we can proceed with additional medical examinations. That’s all, Mr. Lauron. Please take care of yourself.” Ngumiti ito ng matamis pagkatapos magpaliwanag, nagpapahiwatig na magiging maayos rin ang kalagayan ni papa. “I will, Dr. Serrano, thank you.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD