THE FAILED MISSION EPISODE 66 NGAYON NA ang conference na magaganap sa black tower. Hindi lang conference ang mangyayari doon dahil may afterparty na magaganap. Pupunta ang iba’t ibang mga naglalakihan na may ari ng mga kompanya rito sa Italy at sa iba pang mga bansa. Kaya kailangan ko talagang pumunta sa event kasama si Mikhail dahil hahanapin din siya panigurado kasama ako na asawa niya. Gusto sana ni Alisa na sumama sa amin ni Mikhail pero hindi na namin ito pinayagan pa dahil sigurado akong ma bo-bored lang doon si Alisa dahil wala namang mga bata na pupunta doon at ayokong pagkaguluhan siya ng mga tao. “If my parents will make you uncomfortable, just say it to me and we will leave right after,” seryosong sabi ni Mikhail habang nandito kami sa loob ng kotse habang papunta kami sa

