THE FAILED MISSION EPISODE 67 HINDI AKO makapaniwala sa aking nakita ngayon… sa tao na nasa aking harapan ngayon. Muli akong napa kurap-kurap upang tingnan kung totoo ba ‘tong nakikita ko—o namamalikmata na naman ako kagaya ng mga nangyayari noon. Kumunot ang noo ni Alessandro habang nakatingin siya sa akin. Bago pa siya magsalita ay may tumawag na sa kanyang pangalan kaya nabitawan niya ako. “Niklaus!” Napa kurap-kurap siya sa kanyang mga mata at napatingin siya sa tumawag sa kanyang pangalan at ganun din ako. Napataas ang aking kilay nang makita ko kung sino ito… si Gracelyn—iyong dati niyang kasintahan. Lumapit ito sa amin at agad niyang hinila si Alessandro palayo sa akin at idinikit niya ito sa kanya kaya mas lalo lang napakunot ang noo ko habang nakatinginn ng masama sa kanya

