THE FAILED MISSION EPISODE 55 HINDI ako makapaniwala na nandito si Alessandro sa aking harapan ngayon. I thought I’m going to die. Akala ko ay nag-iisa na lang ako. But I was wrong, Alessandro stayed by my side and he’s here with me. “I can’t believe that you’re here,” mahina kong sabi habang mahigpit na nakayakap sa kanyang bewang. Naramdaman ko ang kanyang paghalik sa tuktok ng aking ulo. Nakasakay na kami ngayon sa van na sinakyan niya kanina. Ang mga dumakip sa akin kanina ay mga kasabwat din ni Alessandro. Kaya pala bigla kaming tumigil kanina dahil kinuha nila ako at nagpanggap na sila na ang magdadala sa akin kung saan nila ako papatayin. Pero hindi nila alam na itatakas na pala nila ako. Hindi ko alam kung paano ‘ito nagawa ni Alessandro lalo na’t sobrang higpit ng seguridad

