THE FAILED MISSION EPISODES 54 “HINDI KA pa rin ba magsasabi ng totoo, huh?” Hindi ko na napigilan ang aking sarili na mapairap sa aking mga mata. Sawang-sawa na ako na marinig ang mga tanong na ganun galing sa kanila. Wala bang ibang tanong? Kapag nagsalit naman ako ng katotohanan, hindi naman nila ako pinapakinggan. Lagi nilang sinasabi na nagsisinungaling lang ako. Kaya tinatamad na rin akong magsalita at ipaglaban ang aking sarili. Dumating na ata ako sa point ng buhay ko na kung ano ang gagawin nila sa akin, tatanggapin ko na lang ito. Tatanggapin ko na lang kung ano ang mangyayari sa buhay ko habang nandito ako sa facility ng Coleman Agency. Kung papatayin man nila ako… edi patayin. Wala na rin naman akong pupuntahan eh. Ako na lang din naman mag-isa rito. Wala na akong kakampi.

