KATATAPOS lang ang exam ni Maggie at Donna. Iyon ang ikatlong entrance exam nila sa university. Para sa qualification sa mga kursong pinili nila. "Dumugo ang ilong ko kanina sa exam ko sa Political Science na 'yon. Buti na lang natapos ko rin." Bagsak ang balikat na saad niya kay Donna. "Sigurado ka bang 'yon ang gusto mo?" "Iyon ang gusto ni Dad." Kibit balikat na usal niya. "Eh ano bang gusto mo?" Insist ni Donna. "Mag-asawa nang Atty na ang pangalan ay Noah." Nagawa pa niyang ngisian ito. Kaya napailing ito. Medyo relax na siya dahil naging busy ang ama niya nitong nakaraang buwan. Kaya matapos nitong sabihin na kilalanin niya ang binatang inirereto nito sa kanya ay naging tahimik ang mundo niya. Kaya pansamantala nakalimutan muna niya ang hirit nang ama niya. Besides okay naman

