Prologue
WARNING: Mature Contents, read at your own discretion.
****************************
MATAMANG napatitig si Maggie sa lalaking nasa harap niya, nag-unahan ang malakas na t***k ng kanyang puso ng magtama ang kanilang mga mata. Habang nilipad ng hangin ang mahabang buhok niya. Tila mas lumakas ang hangin sa sandaling 'yon sa gitna nang karagatan. Hindi na rin mainit dahil mag-aalas singko na nang hapon. At nanatiling kalmado ang takbo nang ferry na sinasakyan niya. Subalit ang pakiramdam niya ay inaalon siya nang malakas.
Na nagpapalambot nang tuhod niya.
"Noah," halos pabulong na usal niya. His eyes filched, saka blangkong ekpresyon nito nang tumitig sa kanya. The ambiance of their surrounding had given so much emphasis on Noah handsome feature. Wala pa ring nagbago dito sa nakalipas na tatlong taon, makisig at kaakit akit pa rin ito sa mga mata niya. "Was it really you?" Dama niya ang pait sa lalamunan niya.
Isang marahas na pag-iling ang ginagawa niya.
It can't be true, it was probably part of her imagination. Madalas nangyayari 'yon, kahil alam niyang galit ang dapat niyang maramdaman para dito. But he keep missing Noah since he left her without a word.
Kaya marahil hindi niya magawang magmove on sa nakalipas na taon, because she waited for his explanation. Umasa siyang babalik ito sa kanya. But those eyes---bakit kay lamig nang titig nito sa kanya. May nagawa kaya siyang mali dito? Hindi ba siya nito nakikilala?
Dama niya ang pag-init nang pisngi niya. When a volumptuous woman snakes her arms around Noah's arm.
"Darling, why are you here?"
"Nagpapahangin lang." His deep husky voice brings shiver to her bone. Kay tagal niyang hinangad na muling marinig ang tinig nito. Pero tila hindi siya nakita ni Noah na nilampasan siya nang hilahin ito nang babae.
Sigurado siyang nakilala siya nito, tatlong taon lang naman mula nang...
"Noah!" Pasigaw na tawag niya dito. The woman stop and turn to her? But he never did look back.
"Who are you young lady? Bakit ganyan mo i-address ang taong mas matanda sa'yo." May inis sa mga mata nitong pinasadahan siya nito ng tingin. Ewan niya pero parang gusto siyang insultuhin nang babaing mukha ngang edukada pero hindi niya gusto ang ginagawa nitong paglingkis sa braso ni Noah. "Do you know her?" Kunoot noong baling nito kay Noah.
"No, I don't. Let's go." Then he left without even looking back at her.
"How dare you, hindi mo ako kilala?" Inis na usal niya na ikinapadyak pa niya. Paanong hindi siya nito kilala. Halos ibigay na niya pati kaluluwa niya dito. Nag-init ang ulo niya sa inis.
Kaya't kuyom ang kamaong sinundan niya ito. Pero hindi na niya ito nakita pa. Dama niya ang pag-init nang mata niya. Biglang parang gusto na niyang maglupasay at umiyak. How the hell he forget her that easy? Marahas siyan umiling.
Hindi na siya tulad nang dati. Kahit paano nagmature na rin naman siya. Pero bakit ganun pa rin ang nararamdanan niya. Bakit nasasaktan pa rin siya.
Natagpuan niya ang sarili na naglakad patungo restaurant nang luxury ferry. She order wine sa bar counter. Nakasanayan na niyang uminum kapag nalulungkot. She just wanted to ease her pain. Saka mabilis na sinaid niya ang laman ng kopita, isa, dalawa, hanggang sa makadama siya nang pagkaliyo. Pero malinaw pa rin naman ang isipan niya.
Kaya naglakad siya patungo sa labas upang muling magpahangin. Palubog na ang araw. Kaya't napakaganda nang tubig sa dagat parang gintong kumikinang sa paningin niya 'yon. Naglakad siya sa dulong bahagi nang deck kung saan walang tao.
Gusto lang niyang mapag-isa at sumigaw nang malakas. Gusto lang naman niyang magbakasyon upang maglibang at tuluyan nang limutin si Noah at tangapin ang gusto nang ama niya. Bakit kung kailan handa na siyang bigyan nang pagkakataon si Brent, bakit saka pa babalik si Noah.
"Kainis ka talaga! How dare you do this to me? Hindi lang ikaw ang lalaki sa mundo. Buwisit ka!" Sigaw niya sa kawalan Pero hindi pa siya nakontento. Tumapak siya sa rails na naroon. Nang biglang tila siya nayanig. Nagulat siya!
Then she heard someone call her name. Sukat doon ay dumulas ang paa niya sa rails. She lose her balance. At bago pa niya makita ang may-ari nang tinig na 'yon ay dumulas ang paa niya sa rails at tuloy tuloy siyang nahulog. Kasunod ang pagbagsak niya sa malamig na tubig dagat.
Sinikap niyang kalamhin ang sarili habang tila siya hinihila nang tubig dagat pa-ilalim. She must be dreaming. Sana lang nananginip lang siya, dahil wala pa siyang planong mamatay. Nagsimula siyang kumampay paitaas, but she was just sinking. Nagsimula siyang makadama nang panic kaya nataranta siya. Until her eyes slowly shut on her.
"Someone please save me!" Piping usal niya bago siya tuluyang nawalan nang ulirat.