Chapter 1

2302 Words
*********************** "MAGGIE," ang mahinang saway ni Prof Noah Rodrigo sa kanya nang pasimpling pinaglandas niya ang kamay sa maskuladong hita nito. Sabi nang bff niya sensitive raw ang lalaki kapag hinawakan niya ang pataas na bahagi nang hita nito. Kung puwede 'yong nasa gitna bakit hindi? Kaso bawal pa for minor---well hindi naman na siya minor as of four days ago. "Magfocus ka!" dagdag pa nito, but he notice that he swallow hard. "Oh sorry, di ko sinasadya Prof." Lihim siyang napangiti sabay alis ng kamay niya. Naroon sila sa study room para sa kanyang review. Pero paano siya magfofocus kong ganun ito kalapit sa kanya. His after bath scent was making her heart pounding, kaya na-eexcite ang utak niya. Iyon ang ikalawang session nang tutorial lesson nila. Kaya lalong nawiwindang ang mga hormones niya sa umaga. "Let's continue." Anang nito sabay hugot nang malalim na paghinga. "Madaling tandaan ang formula kung gagawa ka nang sarili mong pattern," his low husky tone brings shiver to her spine. Kahit ang pagpapaliwanag nito, habang pilit pinapaunawa sa kanya ang mathematical formula para sa physic na law of attraction--este law of conservation of energy, kinikilig pa rin siya. Ewan kong anong relate sa buhay niya nang mga ganun. Ang mga x and y's and square root. Graduating na siya nang senior high school at kailangan niyang magtake nang entrance exam sa mga sikat na university sa Manila. Kaya nagrereview sila. To be honest hindi naman siya bobo---o mahina ang utak. Kung baga average lang. Pero dahil gusto niyang nagpapaturo dito noon pa man, kaya pretending siya kapag feel niyang magpapansin dito. "Maggie, your not listening baby." Lukot ang mukhang muling baling ni Prof. Noah sa kanya. And my gad! Every time he call her baby parang nalulunod ang puso niya. Sarap kasi sa naglalanding puri niya. Kalandiang mang matatawag 'yon, pero keme lang. Ito ata ang bumuhay nang pagnanasa sa batang katawan niya. "Nakikinig ako, Prof." Nakangiting sagot niya. Inilapag nito ang hawak na lapis saka inikot ang upuan paharap sa kanya. Para tuloy gustong tumalon nang puso niya at magpasalo dito. "Kung araw-araw ganitong mukha ang makikita ko sa umaga, parang nasa langit na ako lagi." Lihim na usal niya nang mapatitig siya sa guwapong mukha nito. Ang feeling niya kay Noah ay inilalarawan nang kantang heaven by your side na pinili nang bestfriend niya para sa theme song nang one sided na kalandian niya para sa binatang abogado. "By the way, may nakalimutan pala ako," anang nito na tila may naalala. Saka may dinukot sa bulsa nang slacks nito." Isang di kalakihang rectangular box ang ibinigay nito sa kanya. " Alam kong ayaw mo nang magcelebrate nang birthday mo, but I can still give you a gift, right." Tila gustong tumalon nang puso niya nang makita ang kuwentas na laman nang box. Parang gusto tuloy niyang maiyak. Kahit hindi 'yon ang wish niya para sa kanyang eighteen birthday noong nakaraang lingo, masaya pa rin siya. Walang pagdadalawang isip na niyakap niya ito. Mukhang nagulat ito sa ginawa niya, pero hindi naman ito tumutol. Infact ramdam niyang tila humigpit ang ganti nang yakap nito sa kanya. Saka nito hinalikan ang ulo niya. It's been decided, dahil desi-otso na siya, puwede na niyang ilabas ang kanyang itinatagong pagnanasa dito. At mukhang 'yon na ang perfect timing para sa kanya. "Buti ka pa naalala mo." Pagdadrama niya, sinamahan pa niya nang kaunting teary eyes. "Huwag ka nang malungkot, alam mong busy lang ang Daddy mo. Para din naman sa'yo kaya nagsisikap siya." Anito, gusto niyang tumutol nang maglayo ang katawan nila. "Hmm---bata pa lang ako alam ko nang mayaman kami, no." Nakasimangot na usal niya saka kinuha ang kuwentas sa box, but Noah took the necklace at maingat na isinuot 'yon sa kanya. Muntik na tuloy huminto ang paghinga niya. "Hindi ako nagkamali na bagay sa'yo ang kuwentas na 'yan." Hinawakan pa nito ang pendant kaya sumagi ang daliri nito sa balat niya. Napalunok siya nang dahil doon. Ang nakakakiliting kuryenting dumaloy sa balat niya mula sa daliri nito, at tila naipon sa sikmura niya. Madalas niyang maramdaman 'yon kapag ganun sila kalapit sa isa't isa. Pero sa umagang 'yon iba. It was something else. Kaya't hindi niya naiwasang makagat ang labi niya. Dahilan upang mapatitig ito sa mukha niya. May kung anong emosyon siyang nakita doon. Bagay na hindi niya maipaliwanag. Then he cleared his throat. "OO maganda, kahit hindi naman ito ang wish ko---" "Wish mo? Ano bang wish mo, baby. Just tell me. Ibibigay ko sa'yo" Pang-eenganyo nito na ikinangiti niya. "Wish ko! Gusto kong magkaboyfriend," walang gatol na usal niya na ikinagulat ata nito. Hindi niya masabi kong nagalit ito, dahil saglit na nag-isang linya ang makapal na kilay nito. "Gusto kitang maging boyfriend, Prof." Lakas loob na saad niya, gulat, pagkabigla, pagkalito. Kung tama ang basa niya sa ekpresyon nito 'yon ang nakikita niya. Saka ito tumikhim. "Maggie what are you--- ikaw talaga, puro ka kalukuhan." Anang nito nang makabawi pero halatang nailang. "Seryoso 'yon, Prof!" Giit niya. Sino bang babae ang hindi makakagusto dito. Napahugot siya nang malalim na paghinga. Daring and bold at beauty and well....(walang perfect na tao no). Iyon titulo niya sa school nila. Kaya sikat siya at maraming boys ang nagpapansin sa kanya. Pero walang sinuman sa mga lalaking kaedaran niya ang nagpapatalon sa puso niya, tulad nang nararamdaman niya kay Noah. "I'm really attracted to you." Kitang kita niyang sunod-sunod na paglunok nito. But he remain silent for a while. Pero pagkalipas ang ilang sandali ay umiling ito. "Hindi mo alam ang sinasabi mo. I'm too old for you baby. Huwag mong kalimutan 'yon." "Alam ko, ako nga ata ang unang bumabati sa'yo sa birthday mo eh" Akala ba nito nakalimutan niya dahil sa mas bata ito tingnan kaysa sa edad nito. Noah Rodrigo a thirty four years old lawyer and close friend nang ama niya. Mas bata naman ito sa ama niya nang anim na taon. Kaya hindi pa maituturing na anak siya nito. "Tama na, baka napapagod ka na sa pag-aaral. Magpahinga ka na muna." Anito, saka tumayo. Pero bago ito nakahakbang palayo sa kanya ay hinawakan niya ang palad nito. "Galit ka ba Prof?" Nag-alalang tanong niya dito, hindi 'yon ang inaasahan niyang reaksyon nito. Noah used to adore her so much. Wala siyang hindi nakukuha kapag dito siya humiling. Kaya hindi niya maiwasang mag-alala. Pero kailangan na niyang sabihin dito ang feeling niya dahil ilang taon na ba mula noong mapagtanto niyang hindi lang basta Uncle ang turing niya dito. Kaya nga mas gusto niyang tawagin itong Professor mula nang maturo ito sa State University two years ago. "Alam mong hindi ko kayang magalit sa'yo. But I can't...ipinagkatiwala ka sa 'kin nang ama mo, I'm not going to ruin our long time friendship for this..." Bakas ang pagkalito sa mata nito bago siya tuluyang tinalikuran. "Naku, Margeline!" Sermon niya sa sarili. Pero sa kung anong dahilan tila wala siyang naramdamang pagsisi sa ginawa. In fact, her heart felt elated. Siguro dahil sa sinabi nitong ."I'm not going to ruin our long time friendship for this... Diba mas tamang sinabi na lang nitong ayaw nito sa kanya. "Bilib na talaga ako sa kabaliwan mo Margeline, inamim mo na talaga!" Ngising asong turan ni Donna. Habang sumasabay sa indak nang tugtog nang bar na kinaroroonan nila. Malakas at nakabibingi ang ingay kaya nagsisigawan silang mag-usap. Alam nito ang lihim niyang pag-ibig para kay Noah. Maging siya ay napapa-indak sa lively music sa loob ng bar. Parang pati dibdib niya ay tumatambol kasabay nang musika. "Sabi ko sa'yo aaminin ko kapag nag-eighteen na ko. Gusto ko nga sana noon birthday ko mismo kaso nasa business trip siya." Pasigaw na sagot niya para madinig nito. "So anong gagawin mo na nireject ka niya?" "Sus, ako pa ba, what Maggie want's Maggie gets diba. Kung kinakailangan i-seduce ko siya gagawin ko." Determinadong turan niya dito. "Kung sabagay, kasalanan naman niya kaya na fall ka sa kanya, ang sweet naman kasi nang treatment niya sa'yo. Isang tawag mo lang darating agad. Sarap sigurong may mature na boyfie." Oo nafall siya dito dahil--- dito niya nararamdaman ang mga bagay na una sa buhay niya. Kung paanong kinikilig ang puso niya kapag sinusundo siya nito sa school sakay nang kotse nito. Kapag nagdidinner silang dalawa lang. Ipinagluluto rin siya nito. At higit sa lahat, Noah always have time to check on her, madalas siya nitong tawagan kahit alam niyang busy ito para alamin ang ginagawa niya. Kung okay lang siya, kung kumain na siya. At kapag alam nitong busy siya he would send her foods, para lang siguruhing kakain siya sa oras. At kapag magkasama naman sila sa bahay. Para sila laging nagdedate. Sabi nito ayaw lang siya nitong nalulungkot. Pero para sa kanya, iba ang dating nang lahat nang 'yon. Kaya lalo siyang nahuhulog dito. Kahit sabihing labing anin na taon ang pagitan nang edad nila. Wala sa kanya 'yon. Ano bang mali na magkagusto sa lalaking tulad ni Noah. Siya ang perfect boyfriend material nang kahit na sinong babae. "Teka bakit wala pa siya, kanina ko pa siya chinat." Aniya saka inilibot ang mata sa paligid. Kahit hindi ganun kaliwanag kabisado naman niya ito. Pero hindi niya makita si Noah. She clearly told her na nasa bar siya, umiinum. Kapag ganun ang chat niya dito. Wala pang isang oras naroon na ito, kung nasaan man siya. Pero halos isa't kalahating oras na mula nang magchat siya hindi pa rin ito dumarating. "Mukhang hindi na darating ang pagsinta mo inday." Tudyo ni Donna. "Sabi niya hindi siya galit eh. Hala! Paano kong nagalit siya?" Panic na saad niya saka natampal ang sariling noo. "Paano kong hindi na niya ako puntahan? Paano kung--- hay kainis, di puwede ito." Gigil na usal niya. Parang gusto tuloy niyang maiyak. Hindi niya makakaya kapag iniwasan siya nito dahil sa ginawa. "Eh di 'yon na 'yon. Fall for someone close your age na lang." "Tumigil ka nga, alam kong may feelings rin siya sa akin no. Confident ako." "Oo na. Kaso paano mo sasabihin sa daddy mo?" "Puwede ba, saka ko na iisipin 'yon. Sabi nga I cross the bridge when I get there, kahit maputol pa ang tulay tatawid pa rin ako." Determinadong sagot niya dito. Si Noah lang ang para sa kanya. Wala nang iba. "Sinong may sabi?" "Kasasabi ko lang diba," aniya sabay ngisi. "Baliw ka talaga." Saka sila nag-apperan. "Hi!" Kapwa sila napalingon sa may-ari nang tinig na 'yon. Tatlong lalaki ang lumapit sa table nila ni Donna, mukhang lasing na ang mga ito. "Baka gusto n'yong makishare nang table sa amin, Miss Beautiful." Anang nang isang na lumapit pa nang husto sa kanya. Napaatras siya nang akbayan siya nito. "Excuse me!" Inis na saway niya dito. "May hinihintay kami---at ayaw kong makitable sa 'nyo." Pagtataray niya dito. Saka tinabig ang braso nang lalaki. "Ang arte mo naman," bakas ang pang-iinsulto sa mukha nito. "Ilang oras na kayong nandito, kaya kung may date kayo. For sure, inindian na nila kayo. Kaya sa amin ka na lang." Kasabay noon ay ang paghapit nang lalaki sa balakang niya. Sa inis ni Maggie ay itinulak niya ito. Kaya napamura ang lalaki na muntik nang matumba. "Sira ulo ka? Alam mo ba kung sino ako?" "Hindi kita kilala, and I'm not interested to know." Ramdam niyang napahawak sa kanya si Donna. Sinasaway siya nito. Pero hindi niya pinansin 'yon. Hindi tamang basta na lang manggugulo ang lalaking mukhang espasol na 'to dahil lang feeling nito makapangyarihan na ito. "Gago ka ha!" Nahintakutan siya nang maglabas nang baril ang lalaki---at itinutok sa mukha niya. Biglang umurong ang dila niya dahil sa takot. Oo matapang siya kaya nga daring and bold siya pero baril na 'yon at alam niyang wala siyang laban doon. Bago pa man siya maka-atras ay hinaklit na nang lalaki ang braso niya. Malapad ang palad nito para sa slim niyang braso. Kaya dama niya ang pagdiin nang kuko nito sa balat niya. Napahigpit naman ang hawak ni Donna sa kabilang braso niya. "Makitable ka sa amin kung ayaw mong sumabog 'yang mukha mo. " Nakangising asong turan nito, noon niya napansing namumula ang mata nang lalaki. Ilang ulit siyang napalunok. Saka lang nito pinawalan ang braso niya. "Sumama na lang muna tayo." Pabulong na usal ni Donna. Pareho ata silang dinaga ang dibdib. Pahakbang na sana sila para sumunod nang may mainit na palad na humila sa braso niya kaya napa-atras si Maggie. Sa isang iglap ay nasa likod na siya nang malapad na likod nang lalaking amoy pa lang alam na niya kung sino kahit nakapikit siya. "Huwag kang maki-alam dito, sa akin ang babaing 'yan?" "Paano naging sa'yo?"Bou ang matalim ang tinig na tanong ni Noah. "Ayaw makitable sa'yo nang babae, kaya ginagamitan mo nang dahas. Maliit siguro ang baril mo sa ilalim nang pantalon mo." "Trantado---" napasilip siya nang mahinto ang lalaki sa pagsigaw. At ganun na lang ang gulat niya na si Noah na ang may hawak nang baril nang lalaki. At nakatutok sa noo nang lalaki ang baril nito. Mukhang natakot rin ang luko. Higit na malaki si Noah sa tatlong lalaking nasa harap nila. Mukhang noon lang napansin nang security ang komosyon kaya lumapit ang dalawang bouncer sa kanila. "Tumawag kayo nang police," utos ni Noah sa mga ito. Kitang kita niya kung paanong nakalas ni Noah ang magazine nang baril. Tangkang aagawin nang lalaki ang baril pero isang malakas na palo gamit ang sariling baril nito ang tumama dito kaya bumagsak ito sa sahig. Kumaripas naman nang takbo ang dalawang kasama nito nang matauhan sa nangyari. Kaya siya binalingan ni Noah. Saka galit na tumitig ito sa kanya. Sinalakay siya nang kaba kaya't marahas napalunok na lang siya. "Galit nga siya."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD