"LOOK what have you done!" sigaw ni Noah sa kanya nang makarating sila sa bahay nito. Kanina pa siya hindi mapakali dahil ramdam niyang galit ito. Mula nang makaalis sila sa presento kung saan pinasama sila nang police para sa stamement nila ay hindi na umimik sa kanya si Noah. Malibang kinausap lang nito ang police.
"Wala naman kaming ginawa doon sa----" nabitin sa ere ang sasabihin nang walang babalang kabigin siya nito. Bumanga pa ang mukha niya sa matipunong dibdib ni Noah. Then all her fear suddenly disappear dahil sa yakap nitong 'yon.
"Paano pala kong hindi ako pumunta? Kapag may ganun dapat umiwas na kayo!" Sermon nito. Kapag ito ang nanenermon sa kanya, iba talaga ang dating sa kanya. Parang kinikilig ang mga nerves niya, kaya nakalimutan na tuloy niyang muntik na siyang atakihin sa puso kanina.
Hindi niya napigilan ang sariling mapangiti. Saka gumanti nang yakap dito. At naroon na naman ang init sa kaibuturan nang pagkatao niya.
"Huwag mo nga akong pinag-aalala." Frustrated na turan nito. Saka masuyong hinaplos ang buhok niya. Kung puwede lang manatiling ganun sila lagi.
"Pero ang galing mo kanina, saan mo natutunan 'yon?" Hindi niya napigilang komento nang pakawalan siya nito. Inaksyon pa niya sa kamay niya ang ginawa nito sa baril kanina. "Cool."
"Hindi ako natutuwa, Margeline." Sukat doon ay naglaho ang ngiti niya sa labi, ayaw niyang tinatawag nito ang pangalan niya dahil alam niyang galit na ito. "Muntik ka nang mapahamak, nagagawa mo pang ngumiti nang ganyan." Napailing ito. "Umakyat ka na sa taas at matulog ka . At ayaw ko nang makikita kang sout mo 'yang skirt na 'yan."
"Ikaw bumili nito,"
"Then get rid of it!" Pasinghal na utos nito saka siya tinalikuran. Nagtungo ito sa pinto patungo sa dining room. Siya naman ay umakyat na lang sa silid na ginagamit niya kapag naroon siya sa bahay nito.
Kung tutuusin mas madalas pa siya sa bahay nito kaysa sa bahay nang ama niya nitong nakaraang tatlong taon. Lagi lang kasing katulong ang kasama niya sa bahay.
Pabagsak na nahiga siya sa malambot niyang kama nang nakarating siya sa silid niya. Noon lang niya napagtantong napagod siya nang husto. Ilang sandali siyang nasa ganung ayos nang maramdaman niyang may nakatitig sa kanya. Kaya napa-upo siyang muli, only to meet Noah's dark eyes na bahagyang nag-iwas tingin.
May bitbit itong ice pack. Noon niya naalala ang braso niya. Dahil nakasleeveless siya kaya kitang kita sa maputing balat niya na nagkapasa na ang braso niya.
"Sabi ko magbihis ka na diba?" Anang nito saka muling gumalaw ang adams apple nito.
"Mamaya na." Sagot niya nang makalapit na ito at naupo sa tabi niya, then gently held her arms, saka dumampi ang malamig na ice pack sa balat niya. Napakislot pa siya. "Salamat pala kanina." Basag niya sa nakakabinging katahimikan sa pagitan nila. Masyado kasing malakas ang t***k nang puso niya.
"You're welcome."
"Pero bakit ang tagal mo kanina?" Kuryos siya kaya itinanong na rin niya. Muling gumalaw ang adams apple nito.
"Ouch!" Daing niya nang mapadiin ang hawak nito sa braso niya. May naramdaman siyang hapdi sa balat niya. Hindi nakaligtas sa mata niyang biglang natigilan ni Noah, bago tumukhim at huminga nang malalim, saka napamura nang bahagyang i-angat ang braso niya. Naroon ang marka nang tatlong sugat mula sa kuko nang lalaki kanina.
"Kukuha ako nang gamot." Anito na napatitig hita nito. Nakahawak pala ang kamay niya doon malapit sa umbok nang pantaloon nito. Saka ito mabilis na tumayo sabay lumabas.
Iyon hindi ko sinadya 'yon. Promise.
Napangisi siya, "Muntik ko na palang mahawakan hehehe." Habang nag-aantay ay nagpasya siyang magbihis na muna. Nagkahalf-bath at nagtoothbrush na rin siya. Maluwag na silk shorts at t-shirt ang ipinalit sa sout niya.
Paglabas niya ay naroon nang naka-upo sa gilid nang kama niya si Noah. Bitbit nang maliit na medicine kit.
"Iniwan mo 'yong ice pack sa bed." Anang nito na natitig sa nabasang parte nang kama. Kaunti lang naman 'yon.
"Matutuyo din 'yan." Kibit balikat na saad niya. Saka siya lumapait dito. Ito pa ang naglaluskos nang mangas nang t-shirt niya, saka nilagyan nang ointment ang sugat niya.
"Matulog ka na." Anang nito matapos gamutin ang munting sugat niya.
"Ayaw mo ba sa akin?" Naudlot ang pagtayo nito dahil doon.
"Don't say that, bata ka pa at----"
"Hindi na ako bata no, puwede na anga akong gumawa nang bata eh." Walang gatol na turan niya dito. Halatang nagulat ito.
"Huwag na nating pag-usapan 'yon. Maganda ka at marami ka pang makikilalang lalaki. Someone na-----"
"In short ayaw mo nga sa akin---" she pout her lips, disappointed. Medyo masakit sa ego niya 'yon. Halos magkandarapa ang mga lalaki sa campus para lang pansinin niya. Kaya naniniwala siyang kahit si Noah puweding magkaroon nang feeling para sa kanya.
"Hindi sa ayaw ko sa'yo, your beautiful but you're too young for me."
"Ano namang kinalaman nang edad ko doon. Basta decided na ako, liligawan na lang kita." Deklara niya dito na ikinagulat ata nito.
"Tumigil ka, at matulog ka na." Sumusukong saad nito.
"Dito ka matulog."
"No."
"Bakit?"
"Hindi ka na bata----"
"See, hindi na talaga ako bata. Kaya bakit di na lang maging tayo, wala ka namang girlfriend." Nakangiting turan niya saka ito hinila. Siguro dahil nagulat ito kaya, natumba ito sa kama nang hilahin niya ito. Pero naitukod nito ang braso nito kaya hindi ito tuluyang bumagsak sa kanya. Pero saglit na napatitig ito sa mata niya. Kitang kita niyang pagtaas baba ng adams apple nito.
"Stop fooling around Maggie, hindi mo alam kung anong ginagawa mo.." Anang nito saka mabilis na tumayo. At iniwan niya.
Paanong hindi ko alam. Alam ko kayang type kita.
Kinabukasan ay naka-alis na si Noah nang magising siya. Ayon sa katulong ay maaga umano itong umalis. Pero nagbilin na magpahatid siya sa driver pagpasok niya. Kaya naman nakasimangot siyang pumasok sa eskuwelahan.
"Matagal pa ang holy week friend." Pang-aasar ni Donna na pinisil pa ang ilong niya. "Pero alam mo ang cool nang pagsinta mo ah. Parang gusto ko ring mainlove sa tulad niya."
"Huwag mong pangarapin ang para sa'kin kung ayaw mong magkaroon nang digmaan." Pinanliitan pa niya ito nang mata.
"Hindi ko aagawin sa'yo ang pagsintang purorot mo. Pero teka anong nangyari kagabi? At mukhang natalo ka nang bente?"
"Sana nga mayr'on nangyari, kahit kiss lang."
"Hay bokya!" Nakangusong turan nito.
"Ano bang gagawin ko para mahulog sa bitag ko si Prof?" Bagsak balikat na tanong niya. Saglit naman itong tila nag-isip. Habang hinihimas ng kamay nito ang baba. Noon naman lumapit sa kanila si Marlon. Ang isa sa mga masigasig na manliligaw niya.
Donna smiled cunningly.
"You now have the answer."
"Anong---" palihim na inginunuso nito si Marlon.
"Ah, Magz, baka gusto mong sumama sa bahay, birthday ko sa Sabado. Mas masaya kung pupunta ka." Preskong saad ni Marlon. Sa lahat nang manliligaw niya ito ang pinakamahangin, well may rights naman ito dahil may hitsura rin naman ito, may pagka-amerkano kasi ito dahil kano ang ama nito. Kaya matangkad ito. Athletic rin ito kaya maganda ang katawan. At mas matanda sa kanya nang isang taon. Pero wala lang talagang effects sa kanya ang tulad nito.
"Sure, wala naman tayong lakad sa Sat diba?" Singit ni Donna.
"Talaga, asahan ko 'yan." Bakas ang excitement sa mukha ni Marlon. Kumaway pa ito bago bumalik sa mga kagroupo nito. Pero ilang sandali pa ay dinig niya ang kantiyawan nang mga kaibigan nito.
"Bakit ka pumayag?"
"Dahil gusto kitang tulungan sa kabaliwan mo sa pagsinta mo? Naririndi na kasi ako sa tanong mo, 'anong gagawin ko'? Ang lakas nang loob mong magconfess wala ka palang plano." She even rolled her eyes. "Just leave it to me darling. Besides wala namang masama kung magkaroon ka nang experience sa mas mature na guy diba."
"Alam mo kaya love kita eh, isa kang tunay na kaibigan."
"Dahil d'yan libre mo ako later."
"Sure, basta ikaw." Nagkatawanan pa sila dahil doon. Natahimik lang ang klase nila nang dumating ang guro nila.
Pero pagkatapos nang last subject ay lumabas na kaagad sila ni Donna. Nagfastfood sila, pero bago pa matapos ang kinakain niyang burger ay dumating ang sundo niya. Para ipaalam na dumating umano ang ama niya.
Excited na nagpaalam siya kay Donna.
Sanay naman siyang wala lagi ang ama niya dahil sa mga negosyo nito. Sa totoo lang wala siyang idea sa ibang business nang ama niya. Isang realtor ang kanyang ama at may ilang condo-apartment silang pag-aari sa Pasig at Ortigas.
Pero minsan nagtataka siya kung bakit laging umaalis ang ama niya. Ang madalas lang sabihin nito business trip. Hindi naman na siya nag-usisa pa.
"Dad!" Masayang yumakap siya dito nang maabutan niya ito sa living room.
"Oh, my little princess. How are you?" Anang nito saka hinaplos ang mukha niya. "Sorry kong hindi ako nakabalik noong birthday mo."
"Okay lang po Dad, sabi ko naman ayaw kong maghanda eh, malulungkot lang ako." Fifteen siya nang mamatay ang ina niya sa isang brutal na pangyayari. It was her birthday nang pagbabarilin ang kotse nang ina niya habang pauwi ito nang bahay.
Her mother death cause her depression, dahil pakiramdam niya kasalanan niya ang nangyari, at mula noon lagi na siyang mag-isa sa bahay, dahil laging wala ang ama niya.
Doon nagsimula siyang madalas iwan o ibilin siya nang ama kay Noah---. Noon rin siguro nangsimulang umusbong ang feelings niya dito. Dahil lagi ito nasa tabi niya kapag malugkot siya.
And speaking of...hindi niya mapigilang mapanganga nang pumasok ito sa bahay. Ang guwapo kasi nito lalo. Mukhang bagong shave rin ito. Gabi na pero mukhang mabango pa rin.
Her father smiled at him.
"So anong masasabi mo sa kadate mo, maganda hindi ba?" Muntik nang malaglag ang panga niya dahil doon, saka siya napatitig sa ama. Ipinakilala ba nito si Noah sa ibang babae?
"Ayos lang." Sagot nito na ngumiti pa. Kaya sinimangutan niya ito. Sa inis ay nagpaalam na lang siya sa mga ito. Baka kasi maasar siya sa ama niya.
"Mamaya ka na umakyat anak. Magdinner na tayo. Nagpaluto ako nang paborito mo." Pigil nito sa aktong pagtayo niya. Kaya muli siyang naupo sa tabi nito. "Kumusta ang pag-aaral mo?" Muling baling nito sa kanya. "Ayaw kong mapressure ka, pero sana makapasok ka sa University. Alam kong mas mabuti kong nalalaman nang Uncle Noah mo ang mga kilos mo sa school."
"Bodyguard ko ba siya?" Wala sa sariling tanong niya dito. Sympre gusto rin niyang makapasok sa university kung saan nagtuturo si Noah. Pero hindi siya ganun katalino para kumuha rin nang Law. Iyon kasi ang gusto nang kanyang ama.
"Sisikapin ko Dad, pero huwag kayong umasa na mag-abogado ang magandang anak n'yo."
"Subukan mo lang, top notcher ng bar ang tutor mo."
"Hayaan natin siyang pumili nang gusto niya, mas mag-eexcel siya kung 'yong gusto niya ang gagawin n'ya." Pagtatangol ni Noah sa kanya. Pero inirapan pa rin niya ito. Mukhang hindi nito inaasahan 'yon.
Kahit kinampihan siya nito, nakipagdate pa rin 'to kaya 'di niya ito bati.
"Eh ano nga bang gusto mo anak?"
"Maging Mrs. Rodrigo." Lihim na usal niya. "Hmm---kung saan ako makakapasa." Baliwalang sagot niya sa ama. Dahilan upang mapabuntong hininga ito. Maliban kasi sa pangarap niyang 'yon noon wala na siyang ibang inisip hanggang sa kasalukuyan kundi ang maging bahagi nang buhay ni Noah nang higit sa kung anong mayroon sila. May ilang buwan pa naman siya para mag-isip.
Nasa komedor na sila nang sandaling umalis ang ama niya para sagutin ang biglang tawag sa phone nito.
"Nakipagdate ka Prof?" Usig niya kay Noah na abala sa pagkain. Pero nainis lang siya nang tumango. "Maganda?"
"Kumain ka na nga lang."
"Ah kaya maaga kang umalis kanina, nagshave ka pa talaga." Inis na saad niya saka ito inirapan. Pero ngumiti lang ito na lalo niyang ikinaasar.
"I hate you."