Chapter 3

2099 Words
ALAS SINGKO ng hapon. Nagulat siya nang sabihin nang katulong na may bisita siya. Hindi niya inaasahang susunduin pa siya ni Marlon. Kaya nagmadali tuloy siyang mag-ayos, isang orange spaggetti strapped dress ang pinili niyang isout. Open naman siyang mag-gala basta nagpapaalam siya sa ama kahit wala ito lagi. Wala rin naman siyang planong magtagal sa party, pinagbigyan lang niya si Donna dahil pumayag ito sa imbitation ni Marlon. Palabas siya nang silid niya nang mabungaran niya ni Noah, naglaho ang ngiti nito nang makita siya. Saka pinasadahan siya nang tingin mula ulo hanggang paa. "Saan ka pupunta?" Kunoot noong tanong nito. "Kasama mo ba ang lalaking 'yon?" Dagdag pa nito. Kaya tumango siya at ipinaliwanag na dadalo siya sa party. "Wearing like that?" Halos mag-isang linya ang makapal na kilay nito. Nagulat siya nang hilahin siya nito papasok sa silid niya. "Get change!" Utos nito. "Bakit, maganda kaya 'to. Sexy nga eh." "Magbibihis ka o hindi ka makaalis nang bahay?" Banta nito. Bihira niyang marinig ang ganung tono dito, kaya medyo natakot siya. Madalas lang 'yon kapag may umaakyat nang ligaw sa kanya. "Pero bagay sa akin 'tong dress sabi mo diba." Giit niya. She wore that dress nang minsang magdinner sila. "Hindi ka magsosout nang ganyan sa harap nang ibang lalaki. Baka mamaya---"kusa nitong ibinitin ang sasabihin. "Magpapalit ka o bibihisan pa kita." Bakas ang kaseryosohan sa mukha nito. "Bakit ang sungit mo? Ikaw nga nakikipagdate kung kani-kanino." Reklamo niya saka siya napilitang maglakad patungo sa closet niya. "Malelate ako nito eh." Aniya, saglit siyang napatitig sa mga nakahangger na damit niya. Masama talaga sa loob niyang magpalit nang damit lalo na kapag nakamind set na siya sa outfit niya. Pumapangit ang tingin niya sa ibang damit. Aabutin sana niya ang skirt at blouse na nakahang-- nang maramdaman niya ang pagbanga nang katawan ni Noah sa likod niya. Then he took out her jeans at isang silk blouse. "Wear that." "Seryoso?" "Bihis na." Pabulong na usal nito pero hindi naman umalis sa likuran niya. "Paano ako magbibihis?" Wala sa sariling tanong niya nang tingalain niya ito. Mukhang noon lang nito napagtanto na halos magkadikit na ang katawan nila. Kaya't tila napapasong humakbang ito paatras, saka lumabas nang silid niya. "Kaya paano kita hindi magugustuhan." Kausap niya sa sarili, saka nagpasyang magbihis. "Be home before ten." Anang nito nang palabas na siya nang bahay. Akala niya ay nasa itaas na ito sa kuwartong ginagamit nito sa bahay nila. Mukhang inabangan nito ang pag-alis niya. Hula niya binabantayan nito ang sout niyang damit. Saka muling pinasadahan ang sout niya. Pero mukhang pati 'yon hindi nito nagustuhan. "Itext mo sa akin ang address, susunduin na lang kita." "Ako na lang maghahatid kay Mags pauwi Sir." Formal na sagot ni Marlon dito. "Hindi kita kinakausap." Pakli nito. Mukhang naaasar naman si Marlon pero ngumiti pa rin ito. Kaya hinila na niya ito palabas. "Sino ba 'yon? Hindi naman 'yon ang Dad mo diba?" "Hindi, siya ang guardian ko kapag wala si Dad." Paliwanag niya dito nang makasakay na sila sa kotse nito. Mukhang bago ang kotse nito. "Nabili ko 'to mula sa kita ko sa investment ko." May pagmamalaking saad nito. Na ikinangiti niya dito. Hindi naman siguro ata lahat nang lalaking kaedad tulad nang iniisip niyang nakaasa pa sa magulang nito. ILANG ULIT nang napabuntong hininga si Noah, habang nakatayo siya sa verandah. Panay ang tingin niya sa rolex watch niya, dahil pakiramdam niya ay hindi umuusad ang oras. Mag-aalas syiete pa lang, uuwi sana siya. Pero nagbago ang isip niya dahil gusto niyang masigurong masusundo niya si Maggie sa tamang oras. Nakuyom niya ang kamao dala nang irritasyong nararamdaman niya. Mula noong nakaraang araw na nag-confess ito ay hindi niya maiwasang makadama nang inis sa sarili. Dahil hindi niya maiwasang makadama nang labis na antisipasyon at kasiyahan. Bagay na alam naman niyang mali. Special sa kanya si Maggie dahil bata pa lang ito ay kilala na niya ito. He was twenty four nang una niya itong makilala. Makulit at sadyang pilya ito. At talagang cute ito. Kaya naman kahit saglit lang ay napalapit na ang loob niya dito. Iyon rin ang unang pagkakataong nakilala niya si Morris ang ama nito dahil kasama nito si Maggie noong magpunta ito sa mansyon nang abuelo niya. Mahusay si Morris sa paghawak nang negosyo kaya nang invest sa kompanya nito ang abuelo niya. At bilang tagapagmana ng matanda siya ang nangngasiwasa sa ilang negosyo nang pamilya dahil maaga siyang naulila sa mga magulang sa isang malagim na pangyayari. And six years ago iniwan naman siya nang kanyang abuelo nang atakihin ito sa puso. Sa isiping 'yon ay napailing siya kasabay nang pagtangis nang bagang niya. Ang magulang niya ang dahilan kaya siya nagpasyang maging isang abogado. Nasa malalim siyang pag-iisip nang matangap niya ang tawag ni Morris. "Noah, nasa bahay ka pa ba?" Magalang na tanong nito? "Oo bakit?" " Hindi ako makaka-uwi ngayon, nagkaproblema kasi sa pabrika." "Naiintindihan ko. Susunduin ko rin naman si Maggie mamaya." Formal niyang sagot dito. "Salamat." "Ayos lang, we're doing each other a favor." Aniya nito. "Siya nga pala, hindi ako interesado doon sa babae. May iba akong pakiramdam sa kanya..." "Hay pambihira ka! Baka matuluyan kang tumandang binata n'yan." Nakatawang saad nito. "Sabihin mo na kasi kong anong tipo mo sa babae, ihahanap kita kahit saan panig nang mundo. " Subalit mula kung saan ang inosenting mukha ni Maggie ang nakangiting sumungaw sa isipan niya. Kaya marahas siyang napa-iling. "Stupid." Usal niya na ikinatahimik nang kausap. "Huwag ka nang magpagod pa." "Hindi puwede, ibinilin ka ni Boss sa akin. Baka bumangon sa hukay 'yon kapag nagkuwarenta ka na binata ka pa rin. Hindi naman lahat nang babae tulad ni---" kusang binitin nito ang sasabihin. "Late na, susunduin ko na si Maggie." Seryosong saad niya dito. Na ikinabuntong hininga nito. Saka niya tinapos ang tawag. Napailing na lang siyang lumabas ang bahay. Saka sumakay sa kotse niya. Isang malaking bahay ang narating niya sa Cavite, mukhang hindi naman ganun karami ang panauhin. Mababa lang kasi ang puting bakod kaya kita niya ang mga kabataang nasa malawak na lawn habang nag-iinuman. "Mags inumum pa tayo, babe." Aya nang lasing nang lalaki dito. "Babe?" Ulit niya, tila nag-init ang ulo niya nang akbayan nito si Maggie. "Anong karapatan niya---" kusa niyang pinigil ang sarili, dala nang irritasyong hindi niya maipaliwanag. "I'm just trying to protect my baby." Kumbinsi niya sa sarili. Saka siya tumango pa, pero nang yakapin nito si Maggie ay walang babalang pumasok siya sa nakabukas na gate. "Oo na happy birthday." Natatawang saad ni Maggie na tila ba kinikilig pa ito sa yakap nang lasing na kaklase nito. Pero lumayo naman ito dito. "Kung sinasagot mo na ba kasi ako eh." Hirit pa nang binata saka tinukso ang mga ito nang mga kasama. "Oo nga naman, sagutin mo na kaya 'yan tagal nang in love sa'yo yan." Sulsol nang babaing kaibigan nito, what was her name again---Donna. Masamang tingin ang ipinukol niya dito nang napatitig ito sa direksyon niya. At mukhang nagulat ito kaya bumulong ito kay Maggie. Kaagad namang lumingon sa kanya ang dalaga. Kumaway pa ito sa kanya. Saka matamis na ngumiti. Kaya napatingin sa kanya ang mga naroon. Bago muling binalingan ang mga kasama at nagpaalam. "Paano ba 'yan guys, mahigpit ang Lolo ko." Pabirong turan nito. Saka dinampot ang purse nito. Muntik pa itong matumba nang maglakad ito, dala marahil nang kalasingan. Pero bago pa siya makalapit ay nahawakan na ito nang binatang katabi nito. "Careful babe." Hindi na niya nagawang pigilan ang matinding irritasyon niya. Kaya't hinila niya si Maggie mula dito. Dahilan upang magulat ito. "Don't touch her!" Banta niya na ikinabigla ng mga naroon na napatitig sa kanila. "Ay, bakit ka ba sumisigaw, Prof." nakangusong saad nito sa namumungay na mata. "Bye guys." Muling baling nito sa mga kaibigan, bago ito kumapit sa braso niya. "Nalasing ata ako." "Bakit ka kasi uminum? Binabastos ka na ng lalaking 'yon eh." "Hindi, naglalaro lang kami nang truth or dare." Nagulat siya nang bigla itong huminto nang palabas na sila. Then she look at her watch. "Grabe sabi mo ten." Anang nito sabay palatak. "Wala pa ngang alas nuwebe lasing ka na agad. Kulang na lang pumikit 'yang mata mo." Komento niya nang ipagbukas niya ito nang pinto nang kotse, inalalayan niya ang ulo nito upang hindi ito mauntog. "Di pa naman ako lasing eh, sadyang mapungay lang ang mata ko prof," anang nito saka tumawa pa. Her laugh was like music to his ears. Kay marahas siyang napailing . "Baka naman namiss mo kaagad ako," saad nito sa malambing na tinig. Saglit niya itong nilingon. "Seatbelt please." Utos niya, pero mukhang hindi siya nito narinig. Kaya napilitan siyang itabi muna ang kotse. Nagulat pa ito nang dumukwang siya dito. Bagay na gusto niyang pagsisihan. Hindi niya alam kung bakit ang isang tulad nito ay kaya siyang pasunurin sa lahat nang gusto nito. Noong mas bata pa ito dahil irrisistable talaga ang charm nito. Pero nang magsixteen ito, kulang na lang ay guwardiyan niya ito noon. At mukhang mas magiging mahigpit siya ngayon. "Will you kiss me Prof?" Salamat doon ay nahamig niya ang katinuan niya. Saka hinila ang seatbelt upang ilock 'yon. "Lasing ka na nga." Mahinang bulong niya. Saka muling itinuon ang atensyon sa kalsada. Mabilis silang nakarating sa bahay niya, mas malapit 'yon kaya doon na niya ito dinala. Wala naman itong reklamo, saka tuloy tuloy na naglakad paakyat nang hagdan. Pero dahil pa ekis- ekis na ang lakad nito kaya napasunod siya dito. Nanatili siyang nakasunod sa likod nito. "Apat, lima anin..." narinig niyang monologue nito. She was counting the stairs. Para pa rin talaga itong bata. Naiiling na kausap niya sa sarili. "labing lima." Nagulat siya nang pumihit ito paharap. " Bakit tayo nandito? Baka hanapin ako ni Dad?" Ipinaliwanag niya ditong hindi makakauwi ang ama nito. Subalit biglang sumimangot ito. "Grabe, kakauwi lang niya, ni hindi nga niya nagawang umuwi noong birthday ko." Maktol nito. "Busy lang siya." "He always is, kahit noong buhay pa si Mommy ganun naman siya." Bakas sa mata nito ang tampo, pero ngumisi ito. "Buti na lang andyan ka lagi para samahan ako." anito. Natagpuan niya ang sariling nakatitig lang sa dalaga. Mula kung saan ay ramdam niyang gusto niyang humakbang upang yakapin ito, subalit nanatili siyang nakatayo sa harap nito. He clench his fist to control his emotion. Hindi siya batang kaedad nito para mawala sa sarili. At bumigay na lang sa nararamdaman niya. His older, he should be wiser. Hindi tamang maramdaman niya 'yon sa dalaga. But to his surprise Maggie make the step closer to him. Saka walang salitang yumapos ito sa kanya. Gusto niyang sawayin ito, at ilayo ito sa kanya. Pero tila wala siyang lakas nang loob upang ilayo ito sa nagising niyang katawan. Ito rin ang kusang lumayo sa kanya. Saka ito napahikab. "Matulog ka na, may pupuntahan lang ako." He gritted his teeth as he spoke. "Aalis ka rin, iiwan mo rin ako? Magagalit ako." "Stop being stuburn baby, matulog ka na para tumangkad ka pa." Nagawa niyang biruin ito upang sawatain ang init na bumabangon sa katawan niya. Kaya nga niya pinagjeans ito, pero hindi pa rin maitago ang magandang hubog nang katawan nito sa sout nito. How the hell she's grown with such sexy body, hindi lang kaakit-akit na katawan ang mayroon ito, dahil makinis ang bahagyang namumulang maputing balat nito. Idagdag pang maganda ang hugis pusong mukha nito. "Ang aga pa kaya Prof." "Huwag nang makulit," aniya saka ito hinila papasok sa silid nito. Kaagad naman itong humilata sa kama. Kaya hindi niya ito mapabayaang uminum ito sa labas, dahil mahina ang tolerance sa alak. Kaya nga kahit ayaw niyang puntahan sana ito noong nakaraang nagbar ito, para iwasan muna ito hindi niya nagawang tiisin dahil nag-alala siya. Mukhang masyado na siyang nasanay sa presensya nito. He worried her every single time na wala ito sa paningin niya. "Saan ka ba pupunta?" Tanong nito sa inaantok na tinig. " Dito ka lang," malambing na tawag nito. He could feel his temperature rise dahil sa lambing nang boses nito. "May kailangan lang akong puntahan, babalik rin ako agad." "Huwag kang makikipagdate ha! Lagot ka sa akin." He choose not to answer her, hindi siya makikipagdate pero kailangan niyang lumabas para gumaan ang pakiramdam niya. Pagkalabas niya nang bahay ay tinawagan niya kaibigan niyang ang may-ari nang club. Baka kailangan lang niya nang babae para mawala ang init nang katawan niya. Dalawang buwan na rin nang huli siyang nagpunta doon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD