HINDI pa rin mapakali si Maggie nang makabalik siya sa hotel. Naguguluhan pa rin ang isip niya sa mga sinabi ni Brent. Isang marahas na iling ang ginawa niya. "Bakit ba ako nagpapaniwala sa sinabi niya?" Kausap niya sa sarili. Matagal na niyang kilala si Noah, kaya mas dapat niyang paniwalaan ito. Nasa ganun siyang pag-iisip nang magpasya siyang buksan ang TV na naroon. She started scrolling for something to watch nang napapunta siya sa news channel. She decided to watch news kaysa naman mabored siya sa pag-aantay sa pagdating ni Noah. "Para sa headline. Muling nangangamba ang mga tao dahil sa muling pagbabalik nang serial killer." Sinula nang anchor. "Na magpa sa hanggang ngayon ay hindi pa rin nagagawang tukuyin nang mga autoridad. Tanging isang pirasong butones na hawak nang biktima

