"MANANG si Noah ho?" Nagitla pa ang ginang na abala sa paghihiwa nang gulay. Pinapasok naman siya nang security nang dumating siya. Nang tagawan siya ni Noah kagabi sinabi nitong naroon ito sa dating bahay nito. "Susmaryosep na batang 'to!" Napahawak pa ito sa dibdib nito. "Ang tagal mong hindi nagawi dito ah." Masayang saad nito. "Tulog pa ata si Atty." "Sige po gigisingin ko na lang. Dito ako makikikain ha." Anang niya saka iniwan ito. Tuloy tuloy siya sa silid ni Noah. Napangiti siya nang naroon pa rin ito sa kama. Dalawang araw na mula nang huli silang magkita kaya sobrang miss na niya ito. She made sure she lock the door. Saka maingat na naglakad palapit sa kama nito. Maingat na nahiga siya patagilid paharap dito. Itinukod niya ang kamay sa ulo upang mapagmasdan niya nang husto an

