"IKAW ang may gawa noon diba!" Paangil na kompronta ni Noah kay Morris nang puntahan niya ito sa bahay nito. Nagkunot noo itong humarap sa kanya. Dapat kanina pa siya pumunta subalit marami siyang inasikaso at gusto rin niyang makasiguro. Pero hindi siya papayag na matapos ang araw na hindi niya komprontahin ito. Dahil na kompirma rin niya na isa sa mga sasakyang ginamit ng mga nagtambang sa kanina ay pag-aari nito. "Hindi mo ba alam na kasama ko si Maggie nang muntik na akong tambangan nang mga tauhan mo. Ganun ka ba kadesperado?" "Anong sinasabi mo? Anong nangyari kay Maggie?" Gulat na sigaw nito na ikinabigla rin siya. Is he pretending or what? "Nagpadala ka nang mga tao para iligpit ako noong isang gabi hindi ba? Galit ka dahil sa pagpull-out ko nang investment ko kaya gusto mong

