"ANO BANG iniisip nang batang 'yon." Pasigaw na tanong ni Morris sabay mura matapos muling basahin ang chat ng anak niya. "Wala man lang bang nakapansin na umalis siya." "Pasensya na Uncle hindi ko rin napansin. Hindi naman siguro siya kinidnap ni Brent diba?" Nag-aalalang saad ni Donna. " Pero bakit hindi man lang siya nagsabi. Pati phone niya iniwan niya?" Napahilamos siya dala nang frustration. Pero kaagad rin siyang natigilan. He remember the car na pumarada sa kabilang kalsada kagabi. "Sa tingin mo sumama siya kay Noah?" Biglang baling niya kay Donna? Na ikinagulat pa nito. "Panong---possible ba 'yon?" Inosenting tanong nito sa kanya, napalunok siya dala nang panunuyo nang lalamunan niya habang nakatitig siya sa mukha nito. Hindi tuloy niya alam kung ang frustration niya ay dahil

