MULA SA di kalayuan tahimik na nagmamatyang si Brent sa bawat kilos ni Maggie, palihim niyang kinukuhanan ito nang larawan. Habang nakangiti itong nakikipag-usap sa mga kaklase nito. "Napakaganda mo talaga Maggie. You're really my angel." Kausap ni Brent sa larawang kakukuha lang niya. Nagawa niyang tumakas kaya't sisiguruhin niyang makukuha niya si Maggie. Nakahanda na ang helicopter na gagamitin nila ni Maggie. Dadalhin niya ito sa Davao at saka sila lilipad patungong Indonesia. He had bought a house there at doon siya magsisimula kasama ni Maggie. Pumalpak si Lucio at Renato na patayin si Noah. Kaya't siya na lang ang gagawa nang plano kapag naitakas na niya si Maggie. Alam niyang kapag wala na si Noah matutunan na siyang mahalin ni Maggie. Nang matapos ang graduation ay nakasunod pa

