SIX months later... "ATE Maggie, ito ang sample flyers." Excited na saad ni Clara na inilapag ang bitbit nitong bag. "Ang gaganda ho nakuha mong mga pictures ate," may katuwaang saad nito habang tinitingnan ang dala nitong flyer. Anak si Clara ng may-ari nang resort na pinagtatrabahuan niya. Five months ago nang makapasok siya sa Me Amore resort sa La Union. Impulsive mang desisyon ang ginawa niyang pag-alis pero sa tingin niya nakatulong 'yon nang husto para umayos ang isipan niya. Paminsan minsan ay naalala pa rin niya si Noah lalo na kapag mag-isa na siya sa maliit na apartment na inuupahan. Naroon pa rin ang pait at sakit pero kahit paano maluwag na niyang nahaharap ang kalungkutan. Unti-unti matatangap rin niyang wala na talaga. "Nice! Wow ganda ko dito." Nakangiting usal ni Cla

