"MUKHANG Masaya ka boss," puna ni Marvin habang patungo siya sa maliit na salas bitbit ang umuusok na tasa ng kape. Kadarating lang nito. "Sa sofa ulit kayo natulog, baka mahulog ka naman boss." Paalala nito saka inayos ang kumot na naroon sa sofa. "Nalasing lang ako kaya ako nahulog." Depensa niya. Masakit pa rin ang bukol niya dala nang pagkauntog ng noo niya. Kulang na lang maalog ang utak niya. Boung magdamag kasi niyang pinapanood si Maggie habang mahimbing ang tulog nito. Tanging ang camera na lihim niyang inilagay sa silid nito ang nakakonekta sa laptop niya. Hindi naman niya inirerecord 'yon, he just wanted to see her face habang tulog ito. At madalas nakakatulugan niyang nasa tabi niya ang laptop habang pinagmamasdan ang tulog na dalaga. Pero simula ngayon magbabago na ang lahat

