Chapter 7

2063 Words
ILANG ulit nagpabaling-baling nang ulo si Maggie sa kama. Hindi kasi siya dalawin nang antok. Masaya, excited siya. Noah gave her, her first true kiss. Nayakap niya ang unan dala nang kilig na na nagpapalakas nang kabog ang dibdib niya. Baliw na nga siguro siya sa pag-ibig niya para kay Noah, but so what. She wanted him 'yon ang mahalaga. Muli siyang dumapa. Pero ilang saglit lang ay muli niyang tumihaya. Saka mariing napapikit at muling nagmulat. "Kung natupad na ang first kiss ko, nalapit na ring matupad na maging kami ni Prof Noah." Kausap niya sa madilim na kisame na tila ba nakikinig 'yon. Tanging ang ilaw mula sa labas lang ang nagsisilbing liwanag nang silid niya. Napahikab siya nang makadama na rin siya nang antok sa wakas. Ngunit ang antok niya ay nilipad nang pagkabasag nang kung anong bagay na ikinagulat niya. Napabangon siya, subalit isang bato ang muling tumama sa bintana niya. Kasunod nang muling pagkabasag nang salamin. Dahilan upang mapatili siya. Muntik na kasi siyang tamaan nang pabilog na kulay puting bagay na 'yon. Ilang sandali pa ay nagliwanag ang silid niya. At ang nag-aalalang si Noah ang nakita niya. Kaya napatakbo siya dito. "What happened here?" "May nagbato sa bintana." Nahihintakutang sabi niya. Noah check on her at nang masigurong ayos lang siya ay saka ito nakahinga nang maluwag. Hinila siya nito sa isang tabi, saka ito nanglakad patungo sa basag na bintana. Natigilan 'ito nang may kung anong dinampot sa sahig. "Anong nangyari?" Ang inaantok na tanong ni Manang Cecil. "Linisin n'yo na lang ito bukas Manang," turan ni Noah dito, may kung anong isinilid sa bulsa nito. Hindi nakaligtas sa mata niya ang pagtangis nang bagang nito. "Sino naman kaya ang gagawa nang kalukuhang 'yan sa ganitong oras? Nasaktan ka ba hija." Baling ng ginang sa kanya. "Ayos lang po ako, nagulat lang ako." Hindi niya maiwasang makadama nang matakot. May phobia siya sa mga ganung bagay. Dahil nangyari na rin ang ganun sa bahay nila noon. Bago nangyari ang aksidente sa ina niya. "Threats ba 'yon?" Panic na tanong niya kay Noah. "Hindi, may mga batang wala lang sigurong magawa." Anito nang makalapit sa kanya. Alam niyang hindi nagsasabi nang totoo si Noah. "Let's go. Huwag ka nang matulog muna dito. Ipapaayos ko ang bintana bukas." Anang nito saka siya inakay palabas nang silid. Sumunod naman si Manang Cecil sa kanila. "Ayusin ko ho ba ang isang kuwarto sa kabila?" "Huwag na, ako nang bahala kay Maggie. Matulog na ho ulit kayo." Taboy nito sa ginang. Saka hinapit ni Noah ang baywang niya patungo sa silid nito. Kung hindi siya natatakot kanina, siguradong magwawala siya sa saya. Noah lead her to his bed, saka siya binigyan nang isang basong tubig. Kinakabahan pa rin siya pero nang manoot sa ilong niya ang amoy sa silid ni Noah tila nilipad nang hangin ang takot siya napalitan nang labis na pag-aalala. "Anong nakasulat sa papel, tulad ba 'yon nang nangyari kay Mama." Kabadong tanong niya dito. "No of course not baby. Mga malukong bata lang ang may gawa noon, nothing to worried about." Hinaplos pa nito ang mukha niya. "Hindi ka nagsisinungaling? Kapag nawala ka rin sa akin, magagalit na talaga ako. Huwag mo akong iiwan ha." Nakiki-usap na anas niya dito. "Hey, it was nothing okay, masyado kang nagpapanic." Nagawa pa siya nitong ngitian saka siya niyakap. Ngunit lingid sa kaalaman ni Maggie, nagtangis ang bagang ni Noah dala ang galit at pag-aalala. Someone was trying to scare him. Pero sa maling kuwarto naipadala ang threat. Kaya lalong nainis si Noah. Alam niyang takot si Maggie sa mga ganung bagay. Kaya ilang buwan rin bago ito nakarecover dahil sa pagkamatay nang ina nito. She blamed herself for her mother's death. Ito ang nakatangap nang huling death threat nang ina nito noon. Isang mahusay na reported ang ina nito. Masyado kasi itong matapang at hindi sinasanto ang kahit na sino basta may hawak itong katibayan. Sa ina marahil na mana ni Maggie ang lakas nang loob nito, madalas impulsive. Pero sa kabila noon alam niyang mahina pa rin ito. Nakadama nang kapanatagan si Maggie habang nasa bisig siya ni Noah. Ang pag-aalala niya ay unti-unti nang napalitan nang kasiyahan. Subalit nanatiling makalas pa rin ang t***k nang puso niya. "Matulog ka ba, babantayan kita." Paanas na usal ni Noah. Inalalayan pa siya nitong mahiga sa kama nito saka inayos ang kumot niya. Maya maya ay nakadama na siya nang antok. But Noah remain on her side hanggang sa makatulog na siya. Kinabuksan ay wala na si Noah sa tabi niya nang magising siya. Hindi tuloy niya maiwasang makadama nang panghihinayang. Well she had all the time to seduce him. Kaasar kasi 'yong nambabatong 'yon. Pagbaba niya ay naabutan niya si Noah na may kausap sa phone nito. Pero nagpaalam na ito sa kausap nang makalapit siya. "Darating mamaya ang mag-aayos nang bintana sa silid ni Maggie, i-check n'yong maigi." Kausap nito sa mag-asawang Manang Cecil at Mang Simon. Kaagad namang sumagot ang mga ito. Tila noon lang napansin ni Noah na naroon siya sa likod nito. He instantly smile as soon as he saw her. "Magbihis ka na doon ka muna sa condo mo. Mas malapit 'yon sa eskuwelahan mo." Anang nito. "Kailan pa ako nagkaroon nang condo?" "Surprise gift dapat nang Dad mo 'yon sa'yo para sana sa graduation, pero mas mabuting lumipat muna doon." "Ano, ayaw ko ngang mag-isa doon. Alam mo namang ayaw kong mag-isa eh." Reklamo niya dito. "Sinabi ko bang mag-isa ka. Sasamaha kita. Kaya magbihis ka na." Utos nito kaya napasunod na lang siya dito. Pagdating niya sa kuwarto niya ay maayos na 'yon maliban sa basag na bintana. Nabasawan rin ang mga gamit niya sa drawer. Pati na ang uniform niya ay wala na rin doon. Pinili niya ang isang simpling bestida para isout. Somehow mukhang magandang idea ang paglipat nila. She smile as she went ito the bathroom. Matagal siyang maligo kapag hindi naman siya nagmamadali. She wanted to make sure she'll smell nice and fresh para kapag katabi niya si Noah, para maatract ito sa kanya. Ewan kong gaano siya katagal sa banyo. Dahil paglabas niya ay naka-upo sa gilid nang kama niya si Noah mukhang naiinip na ito. Napangiti siya ang napansin niyang nakatitig ito ternong underware red lace na nasa ibabaw nang bistida niya. "Huwag mong sabihing bet mo ang undies ko ha." Pang-aasar niya dito. Kaya napalingon ito sa direksyon niya. Saglit itong natigilan bago nakabawi. "Bakit ang tagal mo?" Tanong nito nang mapatitig sa kanya. Hindi nakaligtas sa mata niya ang paglunok nito sabay iwas nang tingin sa katawan niyang binalot lang niya nang tuwalya. Tumikhim ito. "Chenek ko lang baka kung napano ka na. Bihis ka na, antayin kita sa labas." Anito saka mabilis na lumabas nang silid niya. Talo pa nito ang napaso sa silid niya dahil sa bilis nang hakbang nito. "Masyado ka kasing hot." Pilyang kausap niya sarili na lumingon pa sa salaming naroon. Mabilis iyang nagbihis at inayos ang sarili. Sympre dapat maganda siya lagi sa mata ni Noah. Nag-aantay na ito sa kotse nang lumaba siya. "Hindi na ba tayo mag-aalmusal?" Tanong niya dito nang nasa biyahe na sila. Sabi nito magdrive thru na lang sila. "Akala ko ba mga malukong bata lang 'yong may gawa noong kagabi, bakit tayo lilipat." Maya maya tanong niyang habang nasa pila sila para bumili nang almusal nila. "Para mas malapit ka sa school mo." "Mapapalayo ka naman sa office mo." "I can drive from there." Anito saka pinaandar ang sasakyan. Hindi na ito nang tanong kong anong gusto niya. Noah knew everything about her. Chicken burger, large fries ang mcfloat ang order. Pareho nang order nito pero pineapple ang drinks nito. "Huwag mo nang isipin 'yong kagabi." "Alin 'yong nagbato o 'yong halik, puwede kong kalimutan 'yong nambato sa kuwarto ko pero 'yong kiss----"umiling siya. Saka pilyang nginitian ito. "Gusto ko 'yon." "Kailan ka pa naging ganyan kaprangka." "Noong mag-eighteen ako, sinabi ko sa sarili ko na sasabihin ko sa'yo lahat nang gusto ko. Kaya wala kang magagawa doon." Napailing ito saka muling pinaadar nang marahan ang kotse. Her stomach growl as soon as she smell the fries. Dahilan upang matawa si Noah. Lalo itong naging kaakit-akit sa mata niya dahil tawa nitong 'yon. Pero dahil gutom na niya kaya kaagad ang nilantakan ang fries niya. The took few piece at inilapit 'yon sa bibig ni Noah. He instantly accept the food she offer. Kinuha naman niya ang juice nito saka iyon naman ang inilapit sa bibig nito. He didn't complain that she was actually feeding him. Pinahid pa niya ng daliri niyang ang ketsup na sumagi sa gilid nang labi nito. May tila kuryenting nanulay sa balat niya mula sa labi nito. Kaya bigla siya kinabahan, aktong babawin niya ang kamay niya nang hawakan nito 'yon. At sa isang iglap ay isinubo nito ang daliri niyang may ketsup sa bibig nito. The lightly bit her finger. Lalong nagkagulo tuloy ang sistema niya, pero parang baliwala lang dito ang ginagawa nito. But damn that feels so good. Hanggang sa makarating sila sa condo-apartment na pag-aari rin nang ama niya hindi pa rin siya makaget over sa ginagawa nito. Kaya itinuon na lang niya ang atensyon niya sa interior nang condo. Tama lang ang laki noon, may dalawang kuwarto at isang banyo, May divider lang na naghihiwalay sa kitchen at living room. Inalis ni Noah ang cover nang di kalakihang sofa. Hindi tuloy niya maiwasang isiping 'yon ang bagong tahanan nila ni Noah. Kaya nakadama siya nang excitment. "Dapat pala, nagpaturo na rin akong magluto kay Manang." "Naisip mo pa talaga 'yan. Tinangnan mo ang silid mo baka may gusto kang ipaayos o baguhin." Anang nito saka ito nag-unang maglakad bitbit ang kanyang di kalakihang maleta. Wala namang especial sa silid niyang gagamitin. Pero pakiramdam niya komportable kaagad niya. Malaki ang kama na nasa dulo, may study table rin malapit sa bintana. She love the pastel color nakakarelax sa mata. Katulad nang kulay nang silid niya sa bahay ni Noah. Abala si Noah sa pag-aayos nang gamit niya sa cabinet na naroon. "Kaya ko namang gawin 'yan." Anang niya dito nang makalapit siya dito. She wrapped her arms around him. Saka isinandal ang ulo niya sa matipunong likod nito. "Ang suwerte ko talaga sa'yo, Noah." Ramdam niyang paggalaw nang muscles sa likod nito. Saka ito tumikhim, then continue what he was doing. "Hindi ko 'to matatapos kung nandiyan ka sa likod ko." Mahinang usal nito. Pero lalo lang niyang hinigpitan ang yakap dito. "Magbihis ka na ihahatid kita. Huwag ka nga palang aalis nang campus nang wala ako." "Huwag kang mag-alalala, hindi ako makikipagdate kung aalis man ako sa campus. Hindi mo pa nga ako sinasagot naghihigpit ka na." Tudyo niya dito. Hinawakan ni Noah ang mga palad niya saka siya nito humarap sa kanya. Aktong magsasalita sana ito pero natigilan ito nang titigan siya nito. He saw confusion in his eyes, para bang nalilito ito na hindi niya maipaliwanag. "Bakit mo ba ginagawa 'to sa akin, Maggie?" Sa wakas ay nagsalita ito. Sinalubong niya ang titig nito na puno nang kalituhan at paghihirap. Sukat doon ay naguluhan rin siya. Hindi naman ito mukhang galit, pero bakit parang nahihirapan ata ito. Kaya kusang kumalas ang braso niya sa pagkakayakap dito. "Hindi mo ba ako gusto?" Wala sa sariling tanong niya. Mukhang ito naman ang nagulat. "Then why did you kiss----" nabitin sa lalamunan niya ang tanong na 'yon nang walang babalang kabigin ni Noah ang batok niya saka 'yon sinalubong nang mapusok ka halik nito. Tila bulang nanglaho ang takot na bigla na lang lumukob sa pagkatao niya. She had learned how to respond to his kiss, fast learner siya, dahil mahusay ang tutor niya. And she's willing to learn more. "You might regrets this, baby." Paanas na usal nito sa punong tainga niya kaya lalo nag-init ang sikmura niya dahil doon. His seductive voice was making her body shiver in excitement. "I won't regret a thing as long as it's you Noah, noon pa man gusto na talaga kita. Hindi mo lang alam 'yon but I'm attracted to you." "Oh f**k! You're turning mo on, Maggie" Nilamon nang kabaliwan niya ang anumang pag-aalala sa isip niya. She tiptoe and kiss him. At hindi naman siya nabigo nang mas lumalim ang halik nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD