bc

Taming The Arrogant Doctor (SPG)

book_age18+
7.3K
FOLLOW
60.3K
READ
HE
arrogant
doctor
drama
bxg
bold
office/work place
assistant
like
intro-logo
Blurb

Paano kung main-love ka sa isang Doctor na ubod ng sungit? Handa ka bang gawin ang lahat pati na ang magpasagasa para lang mapansin nito? Siya si Liliana "ANA" Cantutay. Ang babaeng gigising sa puso ni Dr. Yago Fegerson.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Ate Michelle, kunin mo na iyan. Nako! Magandang-maganda ka riyan! Tiyak na pak na pak ang beauty mo riyan!" Ngiting sabi niya sa suki niyang nurse sa may hospital na malapit sa bahay niya. "Eh magkano naman ito?" "470 na lang sa iyo iyan, lista ko na ha?" "Nako, Ana! Ikaw ha? Tinutubuan mo na naman ako ng malaki!" angal nito. "Umandar na naman iyang kakuriputan mo, Ate. Two gives na nga iyan e. Tsaka tiyak na lalaki ang dede mo riyan sa bra na iyan at magugustuhan ng sugar daddy mo!" malakas na sabi pa niya. Mahina naman siya nitong pinalo. "Huy, ano ka ba?! Huwag ka ngang masyadong maingay," pigil nito sa kan'ya. "Ay sorry Ate, na-carried again lang," seryosong sabi niya. "Baka carried away?" kunot-noong sabi nito. "Ay oo nga. Iyon na nga iyon. Ano ililista ko na ha?" Ngisi niya. "Oo na, sige na. Kung hindi ka lang malakas sa akin e," sabi pa nito. "Ikaw, Ate Dina? Due date na nang panty mo sa makalawa, ha?" paalala niya sa isang nurse roon na busy sa kaka-cellphone. "Oo na, sige na Ana at magro-rounds pa kami," sabi nito. "Sige na, salamat mga Ate!" At mabilis na siyang tumalikod sa mga ito dahilan para magkabungguan sila ng matangkad na lalaki. Dahil doon ay sumabog lahat ng dala niya sa may plastic dahilan para magkalat ang mga panty na tinda niya sa may sahig. "Ay pekpek!" gulat na sabi niya. Mabilis naman na lumuhod ang lalaki para tulungan siya nang matigilan ito at napahawak sa isang pirasong maliit na tela na lace t-back. Dahil sa panlalaki ng mga mata ay mabilis niya itong nahugot mula rito. Mabilis naman na tumayo ang lalaki. Matapos niyang kunin ang mga nagkalat sa may sahig ay mabilis na rin siyang tumayo para pagalitan sana ang lalaki nang bigla siyang matigilan. Nasa langit na ba siya? Bakit pakiramdam niya ay may Anghel sa harapan niya? Napakagwapo kasi nito sa suot nitong hapit na puting polo at telescope. Teka, doktor ba ito? Alam niya kasi na pang doktor lang iyon dahil pang-check iyon ng puso at baga. "Ah afternoon po, Dok. Mag-rorounds na po ba tayo?" At mabilis siyang kinurot ni Ate Michelle ng palihim sa may tagiliran para matauhan siya. Mabilis naman siyang ngumiti at tila nahiya. "Of course, why would I be here if not." At mabilis na itong tumalikod. "Ana, sige na at umalis ka na at baka masita ka pa ni Dok." Bigla ay mabilis na sabi ni Ate Michelle at mabilis na sinundan ang nakalayo ng Doktor. Pero siya ay nakatitig pa rin dito. "Hoy, Ana! Baka matunaw naman si Dr. Yago riyan sa titig mo!" bigla ay sabi ni Ate Dina sa kan'ya. "Ate, bakit ngayon ko lang iyan nakita rito?" "Kadarating lang kasi niya galing US. Ikaw, ha? Crush mo iyang si Dok ano?" "Mahal ko na siya, Ate!" At mabilis na napahawak sa may dibdib niya. "Loka-loka! Huwag ka nang umasa. Nungkang magugustuhan ka niyon. Sige na, mag-checheck pa ako ng presyon." At mabilis na rin siya nitong iniwanan. Pero siya ay nakangiti lang habang nag-i-imagine. Kapag siya ang nakatuluyan ko ay tiyak na gaganda ang buhay niya. At sigurado rin na magaganda ang magiging mga anak nila dahil maganda siya at gwapo naman ito. Mabilis siyang napahagikgik dahil sa naisip. Nang makasakay sa may elevator ay mabilis siyang napatakip ng ilong dahil may kakaiba siyang naaamoy. Nang tignan niya ang katabi niya ay kita niyang basang-basa ang kili-kili nito. Mabilis niyang kinalabit ang katabi niya at kunot noo itong kinausap. "Ate, may namumuong bagyo ba riyan sa may kili-kili mo?" "Ha? Bakit?" takang tanong nito. "Malakas kasi ang ulan." Bago pa ito makapagsalita ay mabilis nang bumukas ang elevator at lumabas na siya. Siya nga pala si Liliana Cantutay, mas kilala ng mga nurses, janitor at mga guards doon bilang Ana. Sa umaga ay nagluluto siya ng pagkain at pinapa-order sa mga empleyado roon, sa tanghali naman ay nagpapa-utang siya ng mga damit, bra, brief, panty at marami pang iba. At sa gabi naman ay nagtitinda siya ng balot o hindi kaya ay chicharon dito sa may tabi ng ospital. Mabilis siyang naglakad papauwi sa may maliit niyang barong-barong. She is living alone, hindi niya nga alam kung ano ang tunay na pagkatao niya dahil iniwan lamang siya sa may bahay ampunan. Pagpasok sa loob ay kaagad niyang inayos ang mga paninda niya. Pagkatapos ay lumabas siya para magpunta sa kabilang kanto para kumuha ng mga balot na ititinda niya mamayang gabi sa may harapan ng hospital. "Kaloy, bigyan mo nga ako ng isang daang piraso ng mga balot," sabi niya sa anak ng may-ari ng balutang iyon. "Wow, bigtime na talaga itong si Ana. Kung dati ay pa singkwenta-singkwentang piraso lang ito ngayon ay isang daan na. Hinay-hinay lang sa pagtatrabaho Ana, bakit hindi mo pa kasi ako sagutin para ikaw naman ang maging reyna ng balutan." Nakangising sabi pa ni Kaloy. "Hoy Kaloy, hindi ko pinangarap maging asawa lang ng may-ari ng balutan. Ang pangarap ko, makapangasawa ng isang doktor," habang nagniningning pa ang mga matang sabi niya habang na-iimagine niya iyong doktor na nakabungguan niya kanina. "Nako, Ana. Ang taas naman ng pangarap mo. Mabuti sana kung may pinag-aralan ka o hindi kaya ay ubod ng ganda. Ang tipo ng mga doktor, iyong sexy, maputi, matalino at mayaman. Hindi katulad sa atin na mahirap." Iiling-iling pa na sabi nito. "Hoy, Kaloy, kapag ako ay nakabingwit ng doktor ay huwag na huwag kayong makakahingi ng libreng check-up at gamot sa akin ha?!" inis na sabi niya rito. "Oh eto na ang mga balot mo para magising ka sa katotohanan." Ngising sabi pa nito sabay abot sa kan'ya ng basket na naglalaman ng mga bagong lutong balot. "Che! Don't talking in me okay? Babush!" At inis na nagmartsa papaalis. Oo alam niyang hindi naman siya matalino, bobo nga raw siya sabi ng karamihan pero wala naman imposible rito sa mundo hindi ba? Naniniwala siya na walang masamang mangarap. Pasasaan ba at makakatisod din siya ng isang kagaya ni Dok pogi. At bigla siyang kinilig sa naisip.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.2K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.9K
bc

His Obsession

read
72.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
91.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook