Mabilis na kinuha ni Doc Pogi ang mga binigay niyang candies sa bata at mabilis na itinapon sa may basurahang naroroon. "I told you not to eat sweet foods, hindi ba? Bakit sinusuway mo ako?!" galit na sabi nito sa bata kaya mabilis niya itong nilapitan at pumagitna sa mga ito. "Bakit mo ba sinisigawan ang bata? Ako na lamang ang sigawan mo!" pagtatanggol niya rito. "Don't interfere here! Dinidisiplina ko lang ang anak ko!" inis na sabi nito sa kan'ya. "And besides, who the hell gave you permission para pakainin ng matatamis ang anak ko?!" "A-Anak mo?!" gulat na gulat na sabi niya rito. "M-May anak na pala tayo, asawa ko—este hindi ko alam na may anak ka na pala," wala sa sariling sabi niya dahil gulat na gulat siya na malamang may anak na ito. So ang ibig ba nitong sabihin ay may asa

