"Hindi pa ba kayo aalis?" seryosong tanong ni Yago kay Ryan na busy lamang sa pag-inum ng mango graham shake nito. "Yago!" nanlalaki ang mga matang sabi niya rito. "Why? I am just asking him dahil gusto ko nang umuwi," seryosong sabi nito. "Pagpasensiyahan mo na siya ha? Mainipin lang talaga iyan," hinging paumanhin niya kay Ryan. "It's okay I understand, kailangan na rin naming umalis dahil may pupuntahan pa kami. Thank you for your time." Ngiting sabi nito sa kan'ya. "Chloe, bye! See you again," masayang sabi rin ni Ashley kay Chloe. "Bye, Ashley! Ingat kayo ng daddy mo." Nakangiting sabi rin ni Chloe rito habang kumakaway. "Mag-iingat kayo," sabi niya rin dito. Ilang sandali pa ay umalis na rin ang mga ito pero nang lingunin niya si Yago ay kita niyang nakasimangot ito kaya napa

