"Ano?! Anong fired? May sunog ba?!" habol na tanong pa niya rito pero hindi na siya nito pinakinggan. Mabilis naman niya itong hinabol para itanong iyon dito. Akmang papasok pa lamang ito ng kwarto nito nang mabilis siyang humarang dito. "What?!" iritableng tanong nito. "Bakit ba galit na galit ka? Wala naman masama sa ginagawa ko—" "Get out of my f*****g way," mariing putol nito sa sinasabi niya. "Pero dok, wala naman ho talaga akong ginagawang masama para sabihin niyong sunog ako!" inis na sabi niya. "What?" Kunot-noong tanong nito. "Ang sabi mo kasi, you are fired! Hindi ba sa tagalog ang ibig sabihin niyon ay sunog ka!" pag-explain pa niya rito. Kita naman niyang hindi ito makapaniwala. "You are really something, Ms. Cantutay. Mababaliw ako ng tuluyan sa iyo. Now, if you wi

