Habang nasa may daan sila ay wala siyang ibang ginawa kung hindi kulitin ito. "Kailan mo napagtanto na gusto mo rin ako?" pangungulit niya pa rito. "What?" "Kung sa bagay, sanay naman na ako. Sa ganda ko ba naman na ito," dagdag pa nito. "Woah. Maybe my car aircon is defective, medyo malakas kasi ang buga ng hangin," sabi nito. "Bakit, Ali ko? Hindi ka ba nagagandahan sa akin? Si Calvin nga ay gandang-ganda sa akin." Ngising sabi pa niya. "Really? Is he courting you?" seryosong tanong nito. "Ha? Anong court? Hindi naman ako marunong mag-basketball," seryosong sabi niya rito. Kita naman niyang napailing lang ito at napangiti pero hindi na ito nagsalita pa. Nang makarating sa pupuntahan ay tila namangha pa siya. Ngayon lang kasi siya nakakita ng ganitong klaseng restaurant. Tagong-t

