Pagkatapos ng klase ay sabay kaming naglakad ni Stefan palabas ng building habang kasunod naman namin sina Giana, Avery at William. Alam na nila na nagpapanggap lang kami na ikinadismaya ni Giana.
Nagbibiruan pa kami habang pababa ng hagdan ng matigilan ako ng makita ko si Daddy at ang assistant niya na nakatayo sa harap ng building. Hindi ko alam kung bakit siya nandito pero masama ang kutob ko. Kinakabahan akong tumingin kay Stefan at ganong din siya sa akin.
“Opps… Meet the Father.” bulong ni William at mahinang tumawa.
Hilaw akong ngumiti kay Daddy at lumapit sa kanya.
“Daddy, W-What are you doing here?” kabado kong tanong.
“I am here for Stefan Escajeda.” aniya saka tumingin kay Stefan, “Can I talk to you hijo?”
Napalunok ako at salitan silang tiningnan.
“Sure.” kalmado naman nitong sagot.
“And I will talk to you later, Meghan. Sana ay inamin mo na noon palang ang kalokohan mong ginawa para hindi ako nagulat sa mga sinabi ng magulang ng kasintahan mo!” aniya at medyo may diin ang mga salita nito. Dumagundong ang puso ko sa kaba lalo na ng pumasok si Stefan at Daddy sa kotse para mag-usap.
Hinimas ni Giana ang aking likod habang kumapit naman sa braso ko si Avery.
“It’s okay. Hayaan mong gisahin yang si Stefan ng Daddy mo tutal siya naman itong may pakana nyan.” sabi ni Avery.
Tumango ako bilang pag sang-ayon pero hindi mawala wala ang kaba ko lalo na kapag naiisip kong kakausapin ako ni Daddy mamaya tungkol doon sa pesteng scandal ni Stefan. Ano na lang ang palusot na isasagot ko?
Mga ilang minuto bago lumabas si Stefan at pagkatapos noon ay umalis na ang sasakyan ni Daddy ng hindi man lang nagpaalam sa akin.
“A-Anong sabi ni Daddy?”
“Oo nga bro? Buti hindi ka sinapak.” biro ni William.
“Huwag nyo ng itanong. Let’s go. Sasabay ka ba sa akin?” tanong nito kay William.
“Hindi mo ba isasabay ang girlfriend mo?”
Tumingin sa akin si Stefan at ngumisi, “Bilin ni Mr. Mercedez ay huwag na huwag ko daw siyang iaangkas sa motor. Tara na.”
“Naks. Ibig sabihin ba nito ay boto sayo ang Daddy ni Meghan?” muli niyang biro.
“Tigilan mo ako! Sumunod ka kung sasabay ka.” naglakad na siya palayo. Sakto naman na tumigil sa harapan namin ang aking sundo.
“Bye. Meghan. Goodluck sa Daddy mo.” mapang-asar na sabi ni Avery. Nag wave naman sa akin si Giana at hindi na nagawang makapagsalita dahil puno ng tinapay ang bibig.
----
Pagkarating ko sa bahay ay kinausap ako ni Daddy bago kami nag hapunan. Ang buong akala ko ay sesermonan niya ako pero hindi. Pinayuhan lang niya ako at pagkatapos ay puro na papuri ang sinabi niya tungkol kay Stefan. Boto siya kay Stefan at masaya siyang nasa mabuting lalaki daw ako.
Di ka sure Dad.
Gusto kong isingit ito kanina habang sinasabi niya kung gaano daw kabuting bata si Stefan. Kung naririnig iyon ni Stefan ay sigurado akong pumapalakpak na ang tenga nun sa tuwa. Napaisip tuloy ako kung ano ang pinag-usapan nila kanina.
Hindi ako mapakali kakaisip kung ano iyon kaya tinext ko si Stefan pero hindi ito sumasagot. Nag chat na din ako sa Viber niya pero wala pa din akong sagot na nakukuha mula sa kanya kaya minabuti kong i-video call ito para mabulabog ko siya sa kung ano man ang ginagawa niya, unfair kung ako lang itong nasisiraan ng ulo kakaisip.
Wala pang ilang ring ay sinagot na niya ito. Maingay sa kabilang linya at tunog nasa club, nakumpirma ko ito ng itapat niya sa mukha niya ang camera.
“What?” sagot niya. Nakangisi ito at mapungay na ang mga mata.
“Lasing ka?” tanong ko, “Nasaan ka? Huwag mong sabihin na balak mo gumawa ng season 2 ng scandal mo! Sinasabi ko sayo Stefan hindi na kita pagtatakpan!” Sermon ko sa kanya. Tumawa lang ito.
“I’m not drunk. I am just having fun!” hirap nitong sagot.
May babaeng lumapit sa kanya at hinalikan ito sa labi saka sila sabay na sumayaw sa gitna ng crowded people. Tumalikod pa ang babae kay stefan at gumiling sa harap niya.
Pakiramdam ko umakyat ang dugo ko sa ulo. Napukaw ang galit sa dibdib ko at gusto kong kaladkarin ang babaeng higad gamit ang kanyang brown na buhok.
“Nasaan ka?!” bulyaw ko sa kanya.
“Bakit ba?!” Sagot nya gamit ang parehong tono na ginamit ko.
“Makikipag break ako sayo kapag hindi mo sinabi!” banta ko sa kanya.
Ngumisi ito at humugot ng malalim na hininga saka sinabi ang club kung nasaan siya. Nagbihis ako ng damit at mabilis na pinuntahan si Mang Jun sa maids quarter para magpasama. Pagkarating ko doon ay hinanap ko kaagad si Stefan, mabilis ko naman siyang nakita dahil nasa gitna ito ng dance floor habang kaliwa at kanan ang babaeng kasayawan.
Lumapit ako sa kanila at tinulak ang dalawang babae. Inirapan nila ako at muling bumalik sa tabi ni Stefan. Ang isa ay kumapit sa braso at ang isa ay kinabig ang baywang ni Stefan habang gumigiling.
Sa sobrang inis ko ay dumapot ako ng dalawang baso ng beer sa kung kaninong mesa at ibinuhos sa dalawang babae. Tumili sila sa gulat dahil malamig ang beer saka masamang tumingin sa akin.
“Ano bang problema mo?! Sino ka ba?!” sigaw sa akin ng babaeng napuruhan ko.
“Kanina ka pa!” sabi naman ng isa pang babae at akma akong sasampalin pero hindi ito natuloy dahil sinalo ni Stefan ang kamay nito.
“Enough.” mariin nitong sabi saka binitawan ang kamay ng babaeng masama pa din ang tingin sa akin. “She’s my girlfriend.”
Humarap ito sa akin at ngumisi saka ako inakbayan, “Wanna have fun with me, Love?”
Nagsalubong ang mga kilay ko ng lumandas ang kamay niya sa baywang ko at hinigit ako palapit sa kanya. Ang baho nya amot pinaghalong alak at pabango ng mga babaeng higad. Gusto kong masuka.
“Bitawan mo ako kung ayaw mong sikmuraan kita.” banta ko sa kanya at nakangisi niya akong sinunod.
Hinila ko siya palayo sa mga sumasayaw dahil nababangga nila kami. Malapit na kami sa entrada ng club ng bumagsak si Stefan sa likod ko. Nakasabit ang mukha nito sa balikat ko kaya hindi ko na nagawang gumalaw. Pinulupot pa niya ang kamay niya sa aking baywang sanhi ng pagwawala ng ulirat ko.
“I’m tired.” Bulong niya. “And sleepy.”
Mas hinigpitan pa nito ang pagyakap sa akin dahilan ng pagkakahinto ng paghinga ko. Ang mainit na buga niya ng hininga na tumatama sa leeg ko ay nagpapatindig ng balahibo ko. Para akong nakukuryente.
“Hey! You’re blocking our way!” sigaw ng dalawang lalaki sa amin.
Dahan dahan akong humarap kay Stefan upang alalayan ito sa paglalakad. Napakabigat niya kaya hirap na hirap ako sa bawat hakbang na gagawin ko, mabuti nalang at may nag magandang loob na tulungan akong dalhin si Stefan sa sasakyan. Tulog na tulog na ito ng maisakay namin. Wasted!
“Ma’am Meghan, Saan po natin siya ihahatid?”
“Alam mo ba ang bahay ng mga magulang nya?”
Hindi ko kasi alam kung ang password ng condo ni Stefan kaya mas magandang sa bahay nalang ng mga magulang niya para na din masermonan siya. Makabawi man lang.
Tumigil kami sa malaking gate. Ang daming security kaya hindi agad kami nakapasok dahil inispection pa nila ang aming sasakyan pati na din ang sakay sa loob. Nang makita nila si Stefan ay saka lang nila kami pinapasok. Malayo ang mansion nila mula sa gate, tumigil kami sa mismong harap ng modern mansion at sinalubong ng mga lalaking naka suit and tie.
“Magandang gabi po ma’am.” Bati nila ng pagbuksan nila ako ng pinto kaya bumaba na ako.
“Pwede nyo bang buhatin si Stefan papasok sa loob? Lasing na kasi.” sabi ko at para silang mga robot na sumunod sa iniutos ko.
Pinanood ko silang buhatin si Stefan patungo sa entrada ng mansion at doon ko lang nakita ang ina ni Stefan na nakangiti sa akin kaya naman gumanti ako ng ngiti at lumapit sa kanya.
“Good evening po tita.” bati ko at nakipag beso-beso. Ito ang unang itinuro sa akin noon, dahil ito daw ang way ng mga mayayaman kapag bumabati.
Inimbitahan niya ako sa loob ng mansion. Naghain ang mga katulong ng tsaa at cake para sa aming dalawa ni Mrs. Escadeja.
“Pagpasensyahan mo na ang aking anak. Mahilig talaga yan sa mga night party. Mabuti at dito mo siya naisipan na iuwi.” sabi nito.
“Wala din naman po akong choice dahil hindi ko alam ang password ng condo ni Stefan.” pag-amin ko na ikinagulat ng ginang.
“I’m surprise that you didn’t know. Hayaan mo at pagsasabihan ko ang batang yan bukas.”
Ngumiti ako sa kanya at ininom ang mapait na tsaa. Turo din ito sa akin ng instructor ko tungkol sa proper etiquette. Kahit hindi mo gusto ang mga inihain sa iyong pagkain ay kailangan mong bawasan man lang unless wala kang tiwala sa tao.
“We have a family dinner tomorrow and I hope you can join us. Nabanggit ko na ito kay Stefan, gusto ka din kasing lubos na makilala ng lolo at lola ni Stefan.” Nakangiti nitong sabi.
“Sure. I’d love to! Asahan nyo po ako bukas.” nakangiti kong sagot.
Nagkwento si Mrs. Escadeja ng mga nakakatawang bagay na ginawa ni Stefan noong kabataan nito. Nag-enjoy akong kausap ang ina ni Stefan at gusto ko pa sanang makakwentuhan siya ng matagal pero lumalalim na ang gabi kaya nagpaalam na ako.
---
Kinabukasan pagkatapos ng klase ay maaga akong umuwi para maghanda sa dinner kasama ang angkan ni Stefan. Iniisip ko pa lang yun ay kinakabahan na ako. Pinili ko ang pinaka maganda at desenteng dress mula sa closet ni Meghan at iyon ang sinuot. Hindi ako sanay magsuot ng may takong na sandals pero kailangan. Naglagay din ako ng konting makeup na natutunan ko noon kay Sidny.
Tumunog ang cellphone ko at si Mommy ito kaya sinagot ko na agad kaysa tapusin ang paglalagay ko ng kilay.
“Yes, Mom?”
“Naideliver na ba dyan ang inorder kong Tea and wine na dadalhin mo mamaya sa mga Escadeja?” tanong nito.
“May binili po kayo?” gulat kong tanong, balak ko pa naman sana na dumaan mamaya sa mall para bumili ng pwede kong dalhin sa kanila.
“Yes, hija. Hindi pwedeng mapahiya ang pamilya natin sa kanila. I bought a set of teas and wines na galing pa sa London. Ibigay mo ang mga iyon sa kanilang lahat.” paliwanag nito, “The gold box is for your future lola.” biro pa niya at kinikilig na tumawa.
“Mommy?” hindi ko makapaniwalang reaksyon.
“Pasasaan ba at doon din naman ang bagsak nyo. Escajeda are known to be sweet lovers at sobrang faithful ng mga yan kaya sigurado akong hindi kana pakakawalan ni Stefan.” dinig ko ang halakhak ni mommy.
“Sige na po. I need to go.” paalam ko.
Umiling ako ng tapusin ko ang tawag. Sana nga doon ang bagsak ko, ang maikasal kay Stefan para matapos na itong misyon ko… pero… Bakit hindi ako masaya?
Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin.
Sino ba ang magiging masaya sa ganitong set up?
Humugot ako ng malalim na hininga saka ipinagpatuloy ang aking pagkikilay.
Pagpatak ng alas sais ng gabi ay nagtungo na ako sa mansion ng mga Escadeja. Sinalubong ng mga naka uniporme ang aking pagdating. Tutulong sana ako sa pagbubuhat ng sawayin ako ni Mang Jun. Narinig ko naman ang boses ni Stefan kaya lumingon ako sa kanya. Naka polo ito ng puti at itim na slacks.
Bakit ang gwapo at sexy nya sa mga mata ko ngayon?
I mean, gwapo at hot na talaga sya noon pa pero iba ngayon. Parang may kinang sa mga mata ko.
Shiiiit!
No way!
Hilaw akong ngumiti sa kanya.
“Hey.” Aniya ng makalapit sa akin, “Thank you for the last night. Nang dahil sayo sermon ni Mommy ang agahan ko.” casual nitong sabi. Pigil naman akong ngumiti.
“Good to know, LOVE.” sagot ko ng may diin. Ngumisi ito sa akin.
“Let’s go. They are waiting for you.” aniya at inabot ang kamay nya sa akin. Nag aalangan pa akong tanggapin ito kaya hinila na lang niya ang kamay ko palapit sa kanya saka bumulong, “Galingan mo.”
Pumasok kami sa loob, nandoon na daw silang lahat sa dining area kaya dumaretso na kami doon. Una kong nakita si Dok Albert na nakangiti sa akin. Lumapit siya para salubungin ako.
“Hi Meghan.” bati niya at umamba akong hahalikan sa pisngi para makipag beso pero mabilis na kinabig ni Stefan ang baywang ko at iniiwas sa kanya.
“Just a simple Hi is enough, Albert.”
Ngumisi si Dok Albert at itinaas ang kamay bilang pagsuko saka tumango, “Sorry.” aniya.
Narinig kong tumawa ang magandang babae mula sa likuran ni Dok at kumapit sa braso nito.
“Ang seloso.” sabi nito ng nakangiti saka tumingin sa akin, “Hello, I’m Anika.” dagdag nito at inilahad ang kamay sa akin.
Ngumiti ako at tinggap ito, “Meghan Mercedez.” pakilala ko.
Dinala na ako ni Stefan sa loob ng kanilang dining room. Ipinakilala niya ako sa mga Tito at Tita niya maging sa mga bata nitong pinsan na ang sabi ay 2nd cousin na daw niya. Si Dok Albert at Anika naman ang first cousin nito. Magiliw naman nila akong tinanggap lalo na ang lola ni Stefan na gustong gusto ako dahil ang gaan ko daw kausap, walang halong kaartehan at natural daw kung kumilos.
Mukha ko lang talaga ang peke.
Pero masaya akong marinig ang mga papuri nila. Nakakagaan ng loob at nakakawala ng kaba. Pagkatapos maghapunan ay nagkaroon ng extension ang kwentuhan sa kanilang family area. Ang hirap nila minsan kabonding dahil puro patalasan ng utak ang labanan, mabuti nalang at hinila ako ng mga bata para makipaglaro sa kanila.
“She loves kids?” dinig kong sabi ni Dok Albert.
“Yeah. She’s doing a feeding program every month in San Andres on her own. She personally hosted it too.” proud na sabi ni Stefan, lumingon ako sa kanya at ngumiti saka muling ibinalik ang aking atensyon sa mga bata na pilit inaayusan ang aking buhok.
“Really? Wow!” sabi ni Anika.
“I told you, Tita. She’s one of a kind. Kaiba sa mga alta sociedad na kababaihan na nakilala ko.” ani Dok Albert.
“I know, Hijo. I like her so much for you, Anak and I am happy you chose the right partner.”
Uminit ang mukha ko sa mga papuri ni Mrs. Escajeda.
“Why are you blushing, Ate Meghan? You’re so cute.” Puna ng batang si Sabrina.
Tinakpan ko ang mukha ko dahil nakatingin sila sa akin lahat.
“Why don’t you bring her to our family vacation next month?” Suggestion ni Dok Albert.
“You are coming with us Kuya Albert?” tanong naman ni Anika.
“Why not?”
“Whoa! It’s so new. Dahil ba isasama ni Stefan si Meghan?” biro pa nito.
“What the hell, Anika?” sabat ni Stefan.
“I’m just kidding. Tita oh! Ang taray ng anak nyo. Kanino ba nagmana yan!”
Tumawa ang mga ito lalo na ng guluhin ni Stefan ang buhok ni Anika.
“Wow! You’re so pretty Ate Meghan. You look like a princess.” sabi ni Sabrina habang nilagyan naman ako ng korona ng pinsan niyang mas bata sa kanya.
“Yeah. She needs a prince.”
“Oh! You’re right. How about we get Kuya Stefan? Wait for me here.” ani Sabrina at tumakbo palapit kay Stefan at hinila ito palapit sa akin saka nila nilagyan ng korona. “Yehey! She have a prince charming.” tuwa nilang sabi.
“A handsome and hot prince charming” sabi pa ni Stefan.
“Yes.” sang ayon ng dalawang bata.
Si Stefan naman ngayon ang inayusan nila ng buhok na kunwari ay nasa salon. Ang cute nilang panoorin dahil panay reklamo ni Stefan. Ang daya nga dahil ayaw nya akong pahawakin sa buhok nya. Gusto ko sanang sabunutan.
Pagkatapos naming makipaglaro sa mga bata ay nag isolate muna kami sa mga relatives niya at sa pool tumambay. Nakababad ang mga paa namin habang inienjoy ang masarap na smoothie na ginawa ng Mommy ni Stefan para sa akin.
“I like your mom.” sabi ko na ikinagulat niya. Nabilaukan pa sa iniinom na beer, “I mean ang bait nya. Kalmado.” paliwanag ko, “Mabait din naman ang Daddy mo, parang ikaw.”
“What do you mean?”
“You are just like your Dad. Yung kilos at kung paano siya magsalita, nakaka intimidate and he’s so dominant… just like you.”
“You are giving me a cringe.”
“Seryoso.” Tumingin ako sa kanya at doon ko lang napansin na kanina pa pala ito nakatingin sa akin. Nawala tuloy ang sasabihin ko. Mabilis nag-init ang mukha ko kasabay ng kabog ng dibdib ko. Binalik ko ang aking mga mata sa tubig.
“101304” bumalik ang mga mata ko kay Stefan na ngayon ay nakayuko na.
“Tataya ka ba sa jueteng o winning number yan sa lotto?” naguguluhan kong tanong. Bigla nalang kasing nagbibigay ng numero.
Humalakhak ito saka pinisil ang pisngi ko. Shiiit! Yung puso ko! Bakit parang gusto ng lumabas. Bakit gwapong gwapo ako ngayon kay Stefan lalo na kapag nakangiti ito sa akin?
“That’s my passcode in my condo.” sabi niya. Hilaw akong ngumiti.
101304. Madali lang naman imemorize dahil birthday ko iyon except sa year dahil 1999 ako ipinanganak.
Wait! What?!
“Bakit 101304? Birthday mo?” tanong ko dito.
“Hindi. Pinaka memorable date yan sa akin at huwag mo ng itanong kung bakit.”
“Okay. Birthday ko kasi yon.” Napakagat ako sa aking labi saka hilaw na ngumiti kay Stefan.
Pucha! Bat ka nadulas Phina!
Huminga ako ng malalim, “I mean, tama ba birthday ko yon? Hindi ko kasi maalala.”
Tumawa ito at muling pinisil ang pisngi ko, “Keep on dreaming.”
Tumawa na lang din ako saka uminom ng strawberry smoothie. Ang awkward.
“Kung hindi ka si Stefan Miguel Escajeda, ano ka sana ngayon? Ang ibig kong sabihin ay ano ang pangarap mo?” Tanong ko sa kanya para mawala ang awkward moment na likha ko.
Hindi ito agad sumagot. Uminom muna ito ng beer habang nag-iisip.
“Oo nga no? Ano nga ba ang gusto ko? Lumaki kasi akong nakaplano na ang lahat para sa akin.” sabi niya.
Iba talaga pag mayaman. Lahat ng gusto nila kaya nilang makuha. Kahit nga siguro pag-ibig ay kaya nilang bayaran ng pera. Isa lang ang alam kong walang katumbas na halaga. Ang oras ng kamatayan.
“Actually, I don’t know.” Aniya at tumingin sa akin, “You hit me a realization today. Ikaw ba?”
“Ako? Simple lang.”
Kung si Seraphina pa ako, simple lang talaga ang pangarap ko. Ang magkaroon ng masaya at buong pamilya. Maramdaman ang tunay na pagmamahal ng aking mga magulang. Sa tingin ko naman ay natupad ko na ito bilang si Meghan Mercedez kaya naman kung magkaroon ako ng pangarap bilang si Meghan Mercedez ay…
“Pangarap kong maging sikat na beauty queen o kaya naman ay dancer.”
Tumawa si Stefan sa sagot ko, “You are a good dancer, gusto mo bang sumikat? May kilala akong producer.” Alok nito.
“Wala ka bang kilala sa mga beauty pageant dyan?” biro ko sa kanya.
“Huwag ka ng mag beauty queen.”
“Bakit naman? Maganda naman ako at sexy ah? Basag trip ka.” inis kong sabi dito.
“I just don’t like it.” medyo inis niyang sabi.
“Bakit ikaw? Eh ako naman ang may gusto, tsaka hindi ko naman hinihingi ang opi-” hindi natapos ang sasabihin ko ng sabuyan niya ako ng tubig mula sa pool. “Ah! Basaan ang gusto mo?” sabi ko saka gumanti.
“What the hell?” nakangisi nitong sabi saka tumingin sa nabasa niyang polo, “Akala mo ba magpapatalo ako?” may pagbabanta sa boses nito saka hinubad ang kanyang polo.
Peste! Ang mga mata ko parang nag ningning sa mga perfect sculptured abs nya. Bumaba ito sa pool at saka ako hinila. Wala akong nagawa kundi tumili ng malakas kaya naman sinilip kami ng mga nasa family room kung saan tanaw kami mula sa bintana.
“She’s okay.” sigaw ni Stefan.
“Bakit hindi kayo nagpalit muna ng damit bago maligo dyan?” tanong naman ni Lola.
“Hayaan nyo na, Mama. Nag eenjoy lang ang dalawa.” sabi naman ni Tita Stephanie.
Hinampas ko si Stefan sa dibdib at masamang tumingin sa kanya. Mabuti na lang hanggang dibdib ko lang ang tubig.
“Gag0 ka! Ang ginaw.” singhal ko sa kanya. Humalakhak ito.
Hinawakan niya ang kamay ko at dahan dahan na hinila sa malalim kaya umatras ako.
“Hindi ako marunong lumangoy! Sira ba ang ulo mo!”
Ngumisi ito saka ako muling hinila, “Tuturuan kita. Kailangan mong matutong lumangoy ulit dahil magbabakasyon ang mga Escadeja sa Mariana Island sa isang buwan.”
“Isasama mo ako?” I'm excited.
“Why not? They want you there.”
“Hindi ba Mariana ang pangalan ni Lola?” tanong ko ulit kay Stefan.
“Yes. It’s her Island. Wedding gift sa kanya ni Lolo.”
Bumilog ang bibig ko sa pagkamangha. Ibang klase talaga magregalo ang mayayaman. Mapapa sana all ka nalang.
“Binili ni Lolo ang islang iyon noong kabataan niya dahil korte itong heart. Not perfectly a heart shape pero ginawa niya itong perfect heart shape ng makilala niya si Lola. Doon sila unang nag date at doon din nila ginawa si Dad.” kwento niya, “Ang tinik nga ni lolo, unang date pa lang bumigay na agad si Lola kaya naman ng malaman ni Lolo na nabuntis nya si lola, he proposed to her and they got married on Mariana Island.”
“Ang romantic naman.” sabi ko.
“Alam mo ba kung bakit nabuo si Dad?” tawa niyang tanong.
Tang@ ka ba Stefan. Malamang nag s3x sila kaya nabuo ang ama mo!
Gusto kong ibulyaw sa kanya iyon kaso ayokong masira ang moment niya sa pagkukwento.
“Pabalik na talaga sila noon sa Manila, hinihintay na lang nila ang Chopper. Pero dahil biglang sumama ang panahon ay hindi dumating ang hinihintay nila. Kubo palang noon ang meron sa islang iyon. Doon sila nagpalipas ng gabi… And that’s the story behind The Love Storm Magazine under Escajeda Corporation.”
Tumango ako, “Yung sikat na love magazine?” tanong ko pa.
Bumili ako noon ng magazine na iyon dahil na-i-feature nila ang sikat na loveteam na gustong gusto ko. Sinungkit ko pa ang alakansya ko ng dahil doon.
“I hate storms but my Lolo loves when it storms.”
“Bakit nga ba takot ka sa kulog at kidlat?” tanong ko sa kanya.
Hindi siya sumagot at sa halip ay hinila nalang ako papunta sa malalim na parte ng pool kaya kumapit ako ng mabuti sa kanyang batok.
“Patay ka sa akin kapag ako nalunod!” banta ko sa kanya.
“Bumitaw ka sa akin! Paano ka matututo lumangoy!” saway naman nito, hawak ang aking mga baywang.
“Ayoko! Natatakot ako!” angil ko at mas hinigpitan ang pagkapit sa batok niya. Halos idikit ko na ang sarili ko sa kanya.
“You are seriously making me uncomfortable. Move.” Utos niya.
“Ayoko nga!”
Tumingin ako sa dibdib ko na sobrang nakadikit na kay Stefan saka ako tumingin sa mapulang mukha ni Stefan. Unti-unti kong kinalas ang kamay sa batok niya at dumistansya. Sapat lang na distansya para hindi na dumampi ang dibdib ko sa kanya.
Saka naman niya ako binitawan kaya lumubog ako sa ilalim.
Hayop ka Stefan! Papatayin kita!
Pinilit kong umahon sa tubig pero muli akong lumulubog. Dalawang beses ko itong ginawa hanggang sa kabigin ulit ni Stefan ang Baywang ko mula sa ilalim. Kumapit ako sa batok nito at hinabol ang aking hininga.
“Hayop ka!” sigaw ko sa kanya ng makabawi ako sa hangin na nawala sa akin.
Tumawa lang ito at tinulungan akong umahon sa pool. Nanlalambot akong naubo sa gilid.
“You want me to teach you again?” tanong nito habang malawak ang pagkakangiti.
“Ewan ko sayo!” Umirap ako sa kanya.
Nasa kabilang dulo na kami ng pool at maraming puno ang bandang ito. Tumayo ako at piniga ang aking dress hanggang sa may maramdaman akong pumatak sa aking dibdib.
Putangin@!
Caterpillar!
Malakas akong tumili kaya naman mabilis akong nilapitan ni Stefan.
“Alisin mo! Alisin mo!” Tili ko.
Nag hanap ng stick si Stefan at habang ginagawa niya iyon ay gumapang ang caterpillar paakyat kaya mas lumakas pa ang tili ko.
Mas takot pa ako sa mga ganitong klaseng nilalang kaysa sa ipis. Mahihimatay yata ako kapag dumampi ito sa balat ko.
“Bilisan mo!” iyak ko saka muling tumili.
Muling gumapang ang caterpillar sa damit ko at tuluyan na itong dumampit sa balat ko. Tumayo ang mga balahibo ko at nagtatalon sanhi ng pagkalaglag ng caterpillar sa loob ng aking dibdib. Puta! Ramdam kong ang pag gapang nito sa dibdib ko kaya sa sobrang takot ko ay nagtatalon ako habang hinuhubad ang dress ko sa tulong ni Stefan. Kinalas niya ang Zipper nito sa likod.
“What happened?” tanong ni Tita Stephanie.
Tuluyan kong hinubad ang dress ko at inalis ang ceterpillar na nasa gitna ng aking dibdib at hinagis isa sa kung saan saka kinilabutan at nandiri sa sarili kong kamay.
“Are you okay?” tanong ni Dok Albert.
Niyakap ko ang sarili ko ng narealize ko na naka panty at bra lang ako habang nakatingin sila sa aking lahat. Nilapitan ako ni Stefan at itinago sa likod niya.
“S-She’s okay. It’s just a caterpillar that she’s afraid of.” sabi ni Stefan.
“I see. Don’t worry hija, bukas ay palalagyan ko ng net ang bandang iyan.” sabi ni Tita, “Manang Elma, please get her a towel.” utos nito sa katulong.
Bumalik na sila sa loob habang ako ay nangangatog sa ginaw at sa takot. Humarap sa akin si Stefan at pinasadahan ng tingin ang almost naked body ko.
“Stop staring at me!” Saway ko sa malilikot niyang mga mata.
“I am just checking on your skin if there’s a rash.” aniya.
Hindi ko na naisip iyon kanina dahil sa takot. Ngayon ko nararamdaman ang kati ng aking dibdib at kamay. Inalis ko ang kamay ko na nakaharang sa aking dibdib at sinilip ito.
Shiiit! Ang daming rashes.
“Sir, Ito na po ang towel.” Inabot ng katulong kay Stefan ang towel.
Binalot sa akin ni Stefan ang towel at inalalayan niya akong pumasok sa loob.
“She has rashes, Do we have antihistamine?” tanong ni Stefan sa mga tao sa family room nila.
“I have.” sabi ni Anika.
“Are you alright, hija? Nasaan?” alalang tanong ni Tita.
Pinakita ko sa kanya ang kamay ko.
“Mas marami sa dibdib.” sabi ni Stefan.
“I have an ointment for it. Kukunin ko lang sa kotse ko.” sabi ni Dok Albert saka umalis.
“Iakyat mo muna si Meghan sa kwarto mo para makapag bihis siya. Ipapadala ko na doon sa taas ang mga gamot na kailangan niya.” Utos ni Tita Stephanie na agad sinunod ni Stefan.
His room was extremely huge and clean. Mas malaki ito kaysa sa aking kwarto. Pinaupo niya ako sa sofa saka ito nagtungo sa kanyang walkin closet para kumuha ng damit at bathrobe.
“Wear this.” Utos niya.
Kating kati na ako at gustong gusto ko ng kamutin ang aking dibdib. Peste! Mabilis kong sinuot ang roba at bumalik sa pagkakaupo.
“Here’s the ointment and the antihistamine.” sabi ni Dok Albert saka inabot sa akin, “You want me to help you?”
“F*ck you!” sabi ni Stefan sa kanya saka ito tinulak, “Leave.” utos niya.
“Thank you Dok Albert.” sabi ko saka tumayo.
“Just call me Albert. Hindi naman nagkakalayo ang mga edad natin.”
“Leave us alone, Albert.” muling utos ni Stefan. Naiirita ito sa tuwing lalapit sa akin si Dok Albert.
Nagseselos kaya siya?
Ayiiie!
“Okay. Fine.” sabi ni Dok albert at makahulugan pa itong tumingin sa akin at alam ko kung para saan ang tingin na iyon.
I can’t!
Lumabas ito saka sinara ang pinto. Tumingin naman ako kay Stefan.
“Nasaan ang banyo mo?” tanong ko bitbit ang mga damit na binigay niya kanina. Tinuro niya ang pinto sa tabi ng kanyang closet.
Mala hotel ang loob ng banyo ni Stefan. Natalo niya ang luwang ng aking banyo. Kumikintab ang mga tiles sa sobrang linis. Pwede na yatang matulog dito.
Hinubad ko ang aking roba at pinagmasdan ang mapula kong dibdib. Grabe! Ang kati! Naligo muna ako bago ko lagyan ng ointment ang aking dibdib at kamay. Kinusot ko naman ang underwear ko gamit ang bodywash ni Stefan na amoy panlalaki talaga saka ko ito pinatuyo sa blower. Buti nalang may blower siya dito.