Lumabas ako ng banyo ni Stefan suot ang kanyang tshirt at boxer short. Walang tao dito sa loob kaya naman minabuti kong tingnan ang mga naka display sa gamit ni Stefan na nasa console. Puro mga graduation pictures ang mga nakadisplay dito at isang family picture. Ang lungkot siguro kapag walang kapatid, wala kang kaaway o karamay.
Bumukas ang pinto at pumasok si Stefan na pinupunasan ang kanyang basang buhok. bagong ligo ito at towel lang ang saplot. Pumasok siya sa kanyang walk in closet at lumabas din naman agad suot ang pajama.
Oo. Pajama lang.
Edi sya na ang malaki ang katawan.
Tinutok nito ang cellphone niya sa akin habang nakangisi.
“Anong ginagawa mo?”
“I need to update our fans. Ang dami mo kayang fans ngayon sa aking IG.” proud niyang sabi.
“Talaga? Patingin.” nakangisi kong sabi saka lumapit sa kanya.
“Bakit ba ayaw mong buksan ang social media accounts mo?”
“Hindi ko nga alam ang password ng cellphone ko noon.” maktol ko.
“May kilala akong marunong dyan. Dalhin mo bukas sa school.” aniya at umupo sa sofa habang nagtitipa, “Kapag naretrieve na natin ang password ng cellphone mo ay idelete mo na ang account mo.” casual niyang utos sa akin, pinagtaasan ko ito ng kilay.
“At bakit?”
“Ang sakit sa mata ng mga pictures mo doon, puro mga naka bikini at mga nakakasukang pictures ninyo ni Rufus.” sabi nito at diring diri ang reaksyon ng kanyang mukha.
“Nakakasuka talaga? Selos ka lang eh.”
“Keep on dreaming.” aniya saka mapang uyam na ngumisi. Inilapag niya ang cellphone sa sofa saka tumayo para kumuha ng tshirt tapos ay lumabas ulit.
“Pahiram ng cellphone mo?” Sigaw ko.
“Sure.” sagot nya bago isara ang pinto.
Kampante na ipahawak sa akin ang cellphone nya ah! Pasalamat siya hindi ako kalahi ni Marites. Gusto ko lang makita ang IG ni Meghan at ang pinost niya.
Wearing his boyfriend’s clothes. i LOVE you.
Caption ng kanyang pinost. Talagang mas pinakita pa niya ang kama as background kaysa sa akin. Umiling ako at hinanap ang account ni Meghan.
Shookt!
Hubadera nga. Kulang nalang talaga maghubad. Tinitigan ko ang dibdib niya at kinapa ang akin. Infairness naman… Mas lamang ang size ng akin sa kanya pero ang curvy ng baywang niya. Makapag gym na din kaya?
Mas namilog pa ang mga mata ko sa mga picture nila ni Rufus. May sweet pero mas marami ang mahalay nilang picture. Grabe! Napa-istalk na din tuloy ako sa account ni Rufus at mas na shookt ako sa lumang mga post niya kasama si Meghan. Oh my gracious G! Puro sa kama ang venue!
Ewwww!
May isa pang picture dito na walang ibang suot na pang itaas si Meghan kundi kamay ni Rufus na nakatakip sa dibdib niya.
“Grabe! Bakit puro rated SPG!” maktol ko, “Hindi kita kaya Meghan! Ang wild mo! Hayop ka!”
“I told you.” sabi ni Stefan mula sa likod ko na ikinagulat ko napindot ko tuloy ang heart icon sa bagong post ni Rufus.
“The new Meghan hates the old Meghan.” dagdag pa nito. Lumunok ako at binasa ang post ni Rufus na quotes.
I miss you and it’s killing me.
Shiit. Na-i-heart ko pa gamit ang account ni Stefan. Inagaw niya ang cellphone sa kamay ko.
“Let’s go. Ihahatid na kita pauwi. Pinauwi na ni Daddy ang driver mo kanina pa.”
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, “Bakit?”
“Pabida kasi si Albert at nag suggest na dito kana matulog dahil masama daw siguro ang pakiramdam mo. They all agree at wala akong nagawa. They even call your parents to informed them about it.”
“Pumayag sila?”
“Unfortunately, yes. What do you expect? It will benefit them... their business, kaya huwag ka ng magtaka.”
Inirapan ko ito. Yabang! Kung si Dok Albert naman pala ang may suggestion na dito ako matulog eh… mukhang wala na akong karapatan na tumanggi.
“Pumayag naman pala eh, so saan ako matutulog?” Mas lumawak ang peke kong ngiti.
“You’re not sleeping here. Ihahatid kita!” giit niya.
“Huwag na, inaantok na din naman ako dahil sa gamot na ininom ko.”
“Meghan!” Asik nito saka ako hinawakan sa kamay, “You’re not sleeping here! Walang ibang babae ang pwedeng matulog dito, unless you become my wife.” aniya.
“Ah talaga ba?” mapang-asar kong sabi saka humiga sa kama ni Stefan, spreading my arms.
“Don't try me!”
“Good night, Love.” pang-aasar ko pa.
“Hinahamon mo ba talaga ako?”
“Hindi naman. Inaantok lang.”
“So are you ready to make season 2? I will set up my camera now.”
Mabilis pa sa alas kwarto ang pag bangon ko sa kama niya saka tumayo.
“Sige na. Ihatid mo na ako.” naiilang kong sabi saka nag martsa patungo sa pinto.
-----
Gaya ng sinabi ni Stefan kagabi ay dinala ko ang cellphone ni Meghan at binigay sa kanya. Ang sabi niya ay mamaya daw namin hapon dadalhin sa kakilala niyang hacker. Wala ito sa akin, dahil alam ko naman na wala akong mapapala sa cellphone ni Meghan. Baka mamaya pa niyan ay may scandal din sila ni Rufus.
Pagkatapos ng klase ay nagtungo na kami sa sinasabi ni Stefan na hacker daw. Kasama namin si William dahil pagkatapos nito ay may pupuntahan pa daw sila. As usual, sa club na naman ang diretso ng dalawang ito. Umirap nalang ako habang iniisip ang mga ito at nahuli iyon ni William.
“May problema?” tanong niya ng makapasok kami sa elevator.
Ang hacker na tinutukoy ni Stefan ay malamang na empleyado nila dahil nandito kami ngayon sa kumpanya ng mga Escajeda. Minabuti kong huwag nalang sagutin si William dahil wala din naman akong magandang isasagot.
Pumasok kami sa isang silid na madilim, may napakalaking screen monitor na napapalibutan ng mga computers at laptop. Sa ibang dako ng silid ay mga cubicle desk na may mga computers din. Lahat ng tao dito sa loob ay busy. Wala kang ibang maririnig kundi tunog ng keyboard at mouse.
“Sir Stefan. May kailangan po ba kayo?” salubong sa amin ng matangkad na lalaking naka suit and tie. Binasa ko ang logo na nangingibabaw sa silid na ito.
Escajeda Security Agency - Office of Intelligence and Analysis.
Woah! Sumulyap ako kay Stefan.
Ibang klase. Siya ang magmamana ng Multi-Billion company na ito? Siguro kahit apo sa ingrown ni Stefan ay hinding-hindi na maghihirap sa dami ng pera ng mga Escadeja. No wonder Dok Albert will do everything para lang makuha ang lahat ng yaman ng mga Escajeda.
“Where is Joco?” tanong ni Stefan sa lalaking lumapit sa amin.
“Nasa loob ng kanyang opisina, Sir.” sagot nito.
Nagpatuloy si Stefan sa paglalakad. Nilibot ko muli ng tingin ang paligid dahil wala naman na akong nakikitang pinto bukod sa main entrance. Tumigil sa harap ng malawak at itim na pader, may pinindot si Stefan na button at may lumabas na fingerprint scanner. Itinapat niya ang hinlalaki niya saka naman bumukas ang malaking pader sa harapan namin at mas namangha pa ako sa aking nakita. Napasulyap nalang ako sa dalawang lalaki na kasama ko sa sobrang amazed.
May panibagong malaking silid sa loob na puro monitor at computers. Mas malaki dito kaysa sa kabila at masasabi kong mas magaling ang mga tao dito kaysa sa kabila, para bang frontliner lang sila at ang mga nandito talaga ang gumagawa ng totoong trabaho.
“Mga secret agent ba ang mga nandito?” bulong ko kay William.
“Oo. Hindi ka ba nagtataka na malayang nakakagala si Stefan ng walang bodyguard? It’s because they are everywhere.” sagot nito.
Tumango-tango ako. Oo nga no?
“Stefan.” tawag sa kanya ng lalaking naka hoodie jacket na itim, boxer na may print ng minions at may mahabang medyas na itim. Literal ko itong pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. Siya lang kasi ang may ganitong kasuotan dito dahil halos lahat ay naka suit and tie.
“Hi Joco!” Bati ni William.
Ngumiti ito sa kanya at saka tumingin sa akin tapos ay ngumiti, pati ang mga mata niya ay ngumiti dahil sa singkit ito.
“Hi, Meghan.”
Ngiti lang ang sinagot ko sa kanya. Binalik nito ang atensyon kay Stefan habang pinagpatuloy ang pagkain sa hawak niyang doughnut.
“You know what to do.” sabi ni Stefan ng iabot niya ang cellphone ni Meghan.
Tinanggap niya ito at nag hand gesture na sumunod sa kanya. Nagtungo kami sa isa pang silid na sa tingin ko ay opisina niya. Malakat dito sa loob, ang damit mga nakadikit sa pader na hindi ko maintindihan dahil puro ito pictures. Gwapo sana itong si Joco ang burara lang dahil nagkalat dito sa loob ang mga gamit niya. Actually, halo halo na nga eh, may mga damit, kahon ng pizza, baso ng juice, coke at kung ano-ano pang kalat.
“Might want me to send you a cleaning service here?” diring sabi ni Stefan ng maapakan niya ang kahon ng pizza na may laman pang isang slice ngunit may kagat na.
“Sure.” sagot nito habang kinakabit ang cellphone sa chord saka siya nag-umpisang magtype ng kung ano-ano.
“Sayo ba ito Meghan?” tanong ni Joco.
“Yes.”
“I see.” muli itong nag tipa sa kanyang keyboard ng napakabilis, ilang click sa mouse at saka nito pinaikot ang kanyang upuan paharap sa akin, “Done.” Anito. Inilahad niya sa akin ang cellphone ne Meghan at agad kong kinuha dahil baka maunahan pa ako ni Stefan.
“Thanks Joco. That was fast.” Sabi ko at ngumiti.
“I know and you are welcome, Meghan.”
Ngumiti akong muli at pagkatapos ay tumingin kay Stefan, “Saan may Cr?” tanong ko dahil sa mga tingin na ipinukol sa akin ni Stefan ay parang nagsasabing ibigay ko sa kanya ang cellphone.
“There.” Turo ni Joco sa kanang bahagi ng kanyang opisina. Mabilis kong tinungo iyon at nilocked ng makapasok na ako sa loob.
Dahan dahan akong lumingon dahil kung madumi sa labas baka mas nakakadiri dito but to my surprise, it was not. Malinis dito, maputi at makintab ang mga tiles na para bang hindi ginagamit. Weird.
Naupo ako sa bowl at inumpisahan ng tingnan ang gallery ng cellphone ni Meghan. Inuna ko ang video.
Sheeet!
Naninindig ang balahibo ko. Ang laswa! Mabilis ko itong pinagbubura at itinira lamang ang dapat itira maging ang mga pictures. Walang wifi o data connection kaya sa bahay ko nalang buburahin ang mga laman ng social media account ni Meghan.
“Bilisan mo dyan dahil may lakad pa kami!” katok ni Stefan.
Tumayo ako at pinindot ang flash para kunwari ay ginamit ko talaga ito saka lumabas.
“Let’s go. Saan ba ang lakad natin?” nakangisi kong tanong.
“Hindi ka kasama.”
“Pwes! Isasama mo ako.”
“No way!” giit nito.
“Isusumbong kita kay Tita Stephanie kung hindi mo ako isasama.” banta ko.
Kumunot ang mga noo nito habang tumatawa naman sa likuran niya si William at Joco.
“May katapat na yata si Stefan.” sabi ni Joco.
Ngumiti ako kay Joco at tumango.
“Shut up!” anas nito saka naglakad na palabas. Sumunod naman si William.
“Bye Joco. Thanks ulit.” paalam ko at nilakihan ang mga hakbang para lang makahabol sa dalawa.
Nasa parking area na kami. Sabay naming hahawakan ni William ang pinto sa front seat saka kami nagkatinginan.
“Doon ka sa likod.” utos nito sa akin.
“No. Doon ka sa likod. Ikaw ba ang girlfriend?” asar ko sa kanya.
“Seriously? A fake girl-”
“Stop it! Sumakay na kayong dalawa!” saway sa amin ni Stefan. Mapang-asar ko itong dinilaan na parang bata saka ko binuksan ang pinto ng front seat. Inis naman na nagpaubaya si William.
Gaya ng inaasahan ko ay sa isang club sila nagpunta. Nasa isang private room kami ng bar at hinihintay ang ibang kaibigan nila dahil tatlo palang kami dito. Kaysa pakinggang kumanta si William na wala naman sa tono ay minabuti ko nalang na tingnan ang mga text messages sa cellphone ni Meghan. Inuna ko ang convo nila ni Rufus na ‘Baby’ ang naka save na pangalan.
“Sheet!” reaksyon ko ng mabasa ko ang mga ito.
Bago pala maaksidente si Meghan ay may matindi silang away ni Rufus to the point na nakikipag hiwalay na si Meghan at sa flow ng pagtatalo nila ay mukhang may third party na nahuli ni Meghan.
“That bastard.” Anas ni Stefan sa gilid ko. Nagbabasa na din pala ng hindi ko namamalayan.
Tumingala ako sa kanya, “Ano kayang ibig sabihin ni Rufus sa huli niyang text na… I’m sorry for what I’ve done. I didn’t want to harm you.” basa ko sa text na iyon.
“He’s obviously cheating on you.” sabi nito.
“Alam ko. Nabasa ko, Stefan pero para kasing may ibang meaning itong huling text ni Rufus kay Meghan.”
Tumingin sa akin si Stefan at pinakatitigan ako saka ko lang narealized ang sinabi ko. Hilaw akong ngumiti sa kanya.
“I mean… sa akin.” Bawi ko, “I didn’t want to harm you… Hindi kaya may kinalaman siya sa pagka aksidente ni… ko… Pagkakaaksidente ko?” hirap kong sabi.
Umayos ka Seraphina!
“Give me that.” inagaw nito ang cellphone sa kamay ko at kinalikot ang mga app nito. Walang internet connection iyon kaya binuksan niya ang hotspot sa cellphone niya at ikinonnect sa cellphone ni Meghan.
“You have a CCTV record saver app here.” Sabi nito at pinindot iyon. May nag-iisang video na nakasave doon, kinakabahan pa ako dahil baka scandal nila iyon ni Rufus. Naalala ko tuloy yung mga video na dinelete ko kanina.
He played the video and fast forwarded it. Tinigil lang niya ng may boses kaming marinig, since maingay si William ay dinampot ni Stefan ang remote ng TV para patayin ito.
“What the hell?!” reklamo ni William. Hindi namin ito pinansin at pinanood ang ulit ang video.
Dinig namin ang pagtatalo ni Rufus at Meghan. Puros murahan at sumbatan pagkatapos ay gumewang gewang na ang takbo ng sasakyan at base sa naririnig namin ay inagaw ni Meghan ang manibela ng sasakyan hanggang bumangga sila sa malaking poste at tumalsik ang katawan ni Meghan sa unahan ng hood ng sasakyan. Malamang hindi ito naka seatbelt.
“What the hell?” Muling reaksyon ni William habang nanonood ito sa aming pinapanood, “Kasama mo si Rufus noong maaksidente ka? Pero bakit ang sabi sa balita ay mag-isa ka lang daw at lasing pa?”
“Can you shut your f*cking mouth?” inis na saway ni Stefan dahil may naririnig pa kaming boses.
Gabi ng mangyari ang aksidente at walang katao-tao sa paligid ng pinangyarihan ng aksidente. Finast forward ulit ni Stefan ang video at tinigil lang ng may boses ulit kaming narinig. Iyak iyon ni Rufus, baka nawalan ito ng malay noong maaksidente sila tapos ay nagising nalang ulit.
“Please help me.” Iyak ni Rufus. May kausap ito sa kanyang cellphone at hinihingan niya ito ng tulong. Muling finastforward ni Stefan ang video at tumigil na naman ng may kotse na dumating at pinark pa ito sa unahan ng sasakyan nina Meghan. Bumaba ng sasakyan si Rufus at kinausap ang lalaki sa video.
Ang mas nakaka kilabot ay ng buhusan nila ng alak ang damit ni Meghan saka nila ito binuhat sa driver seat. Hindi masyadong basag ang salamin sa harap ng driver seat kaya binasag nila ito at doon na natapos ang video.
“All this time? Alam pala niya ang nangyari noong gabing iyon? Gag0 talaga ang lalaking iyon!” asik ni William.
Tama! Si Rufus ang pumatay ka Meghan! Kung sana ay dinala niya ito agad sa hospital ay baka naisalba agad siya. Nilihis pa niya ang imbestigasyon para lang hindi siya madawit dito.
Kinuyom ko ang aking mga kamay sa galit. Ang pesteng yun?! Hayop sya! May paiyak iyak pa siya na huwag ko siyang iwan samantalang isa pala siya sa dahilan kung bakit namatay si Meghan.
“Do you trust me?” tanong ni Stefan. Tumunghay ako sa kanya at tumango, “Then send me a copy of this video. Ako na ang bahala sa demonyong yon.” Muli akong tumango at ginawa ang sinabi niya.
----
Ngayon ang araw ng presentation ng aming ginawang group project. Maayos naman namin itong naipresenta lalo na ni Stefan dahil siya ang nag standout hindi lang sa grupo namin kundi sa lahat ng mga nag presenta.
Ito lang ang naging subject namin ngayong araw at puro vacant na ang lahat dahil wala ang mga professor namin, ang sabi ay may emergency meeting daw ang buong university kaya naman nagkayayaan ang buong klase sa bahay ng isa naming kaklase dahil birthday nito. Mamaya pa naman gabi iyon, may mga iba nga lang na nauna na.
“Babe.” Tawag sa akin ni Rufus at akmang aakbayan ako ng bigla namang sumingit si Stefan mula sa kung saan.
“Don’t you dare touch her with your filthy hands.” banta nito.
Ngumisi si Rufus at winaksi ang kamay niyang hawak ni Stefan saka ito masamang tumingin dito.
“You are just her temporary toy. Kapag bumalik na ang alaala niya ay babalik na din siya sa akin kaya huwag ka masyadong magpakasaya.”
Ngumisi si Stefan, “No. You are absolutely wrong. Hindi ba dapat kabahan ka pa kapag bumalik ang alaala niya?”
Sumeryoso ang mukha ni Rufus. Nag tiim bagang ito sa galit.
“Ano ang ibig mong sabihin?”
Lumapit si Stefan kay Rufus at inayos ang kwelyo nito, “What I am trying to say is, I know what you did last summer.” makahulugan nitong sabi saka humarap sa akin si Stefan at hinawakan ang kamay ko at isinama niya sa kanyang pag-alis.
Hindi ba horror movie iyong huling sinabi ni Stefan? Para din namang nakakita si Rufus ng multo sa narinig niya. Ang savage! Summer din kasi nangyari ang aksidente ni Meghan.
Nagtungo kami sa coffee shop kasama sina Avery at Giana. Umalis naman sina Stefan at William at babalik na lang daw mamaya. Nagbabasa ako ng mga notes ni Meghan noong 2nd year ito habang si Giana ay naglalaro sa kanyang cellphone, si Avery naman ay busy din sa kanyang cellphone.
“You deleted all your images in your social media?” tanong ni Avery.
“Yes. Ayos ba ang mga bago kong upload?”
“Much better. Mag upload ka minsan ng picture ninyo ni Stefan para naman legit ang pagpapanggap nyo.” tawang nitong sabi.
Tumango naman ako. Wala pa kasi akong picture na kasama si Stefan. Maybe soon.
“Hi Meghan.” Nag angat ako ng tingin sa lalaking nakatayo sa gilid ng aking sofa na inuupuan. Gwapo ito at matangkad ngunit ngayon ko lamang siya nakita.
“H-Hi.” Sagot ko dahil hindi ko alam kung paano ito iaaproach dahil hindi ko naman siya kilala. Napansin ko naman ang pagiging alerto nina Giana at Avery. Ganyan ang dalawang yan kapag may gwapo sa paligid.
“How are you? I am happy to see you again. Nabanggit ni Dad ang nangyari sayo while I was in State and believe me or not, I really wanted to fly back here kung hindi lang nagkaproblema ang kumpanya namin sa Los Angeles.” Paliwanag nito.
“Who is he?” hindi mapigilan na bulong ni Avery. Narinig ito ng lalaking nasa gilid ko at mas lumawak ang napaka attractive niyang ngiti. Ang ganda ng mga pantay at maputi niyang ngipin.
“I’m sorry. I am Aiden Elon San Juan.” Pakilala nito.
“Hi Aiden.” Sabay na bati ni Avery at Giana.
“May amnesia kasi itong si Meghan so she won’t recognize you. Are you one of her exes?” diretsahang tanong ni Avery. Pinanlakihan ko naman ito ng mata habang si Giana ay lihim na tumawa.
“No. But she’s my highschool sweetheart.” Pag amin nito.
“Oh! Really?” gulat na reaksyon ni Giana.
“What happened to us?” curious kong tanong. Bakit hindi na lang ito ang binoyfriend ni Meghan? Mukha itong desente at ang gwapo pa, “Have a sit, Aiden.” alok ko sa katapat kong sofa.
Naupo ito at ngumiti sa akin, “So, what happened to us?” muli kong tanong.
Ilang itong ngumiti sa akin saka kumamot sa kanyang batok, “You actually dumped me because you said that I am too good for you and that you can't give me the time, effort or commitment you know I want and deserve. You said that you aren't ready to become a better person for me.”
Hindi agad ako makahinga sa sinabi niya. Maging sina Avery at Giana ay ganun din ang reaksyon.
“Wow!” sambit ko, “I like you for being so honest and straightforward.”
Napakatanga mo naman Meghan! Ginto na itong si Aiden at sa tanso ka pa talaga bumagsak! Akala ko ba expensive taste kang gag@ ka!
Ugh! Gusto kong kurutin ang singit mo! Sumalangit ka nawa!
“Naistorbo ko ba kayo?” tanong ni Aiden.
“No.” Agad kong sagot.
Ako ang nanghihinayang sa pinakawalan mo Meghan!
“Baka ako ang nakakaistorbo sayo. Baka may lakad ka pa.”
“Ikaw talaga ang sadya ko kung bakit ako umuwi ng Pilipinas, I want to check on you, mabuti nalang at nakita kita dito. Papunta na sana ako sa opisina ni Tito Elmiro.”
“Baka naman kami ang nakaka istorbo sa inyo?” Sabat ni Avery, “Lipat lang kami ng upuan, we will give you guys some privacy to talk and reconcile.” dagdag pa nito saka pilit na pinalipat si Giana sa kabilang set ng mga sofa which is sa likod lang din naman namin.
“They are your new friends?” nakangiti niyang tanong.
“Oo.” tipid kong sagot.
“I see. What happened to Shandra and Mia and what was the name for the other one? Iyong madaldal?”
Hilaw akong ngumiti. Madami yata itong alam tungkol kay meghan. Baka malapit talaga sila sa isa’t isa.
“Si Flora.” sagot ko at mapait na ngumiti, “They are now my ex friends. Mas kinampihan nila si Rufus over me.”
Sumeryoso ang mukha nito ng marinig ang pangalan ni Rufus. He pursed his lips at pilit na ngumiti.
“Tinuloy mo ang pakikipag break kay Rufus, aren’t you?”
“Oo. Ang toxic niyang kasama.” sagot ko dahil hindi ko masabi sa kanya iyong mga nadiskubre ko kahapon.
“I know you can’t remember what we talked about before you got into an accident and I wanted you to know that I am still not giving up on you. I agreed to your offer but I think you don’t need me anymore since hiwalay na kayo ni Rufus.”
“Anong offer? I’m sorry, wala talaga akong maalala.”
“Noong malaman mong niloloko ka ni Rufus, I was there at the same club where you caught them. I was there for you hanggang sa malasing ka at.” tumigil ito at hindi alam kung itutuloy pa ang kwento nya.
“You were there with me and I was drunk? Do we do something… Like you know? S3x?” naiilang kong sabi. Hula ko lang naman dahil alam ko ang galawan ng Meghan na ito.
Marahan itong tumango. Shet! Parang ayoko ng humarap kay Aiden. Gusto ko ng umuwi.
“Pinilit ba kita?” muli kong kumpirma.
Tumango itong muli. Shet talaga! Kinabahan si Aiden sa dismayado kong reaksyon.
“I-I’m sorry. I know you were drunk but what can I do? I can’t help it. I’ve been in love with-” Hindi ko ito pinatapos sa kanyang sasabihin ng mag hand gesture ako ng STOP!
“So what did I offer to you?” Balik ko sa una kong tanong.
“To be your boyfriend. Hindi ako pumayag noong una dahil alam kong gagamitin mo lang naman ako para gumanti kay Rufus but when I was in LA I realized that you might offer it to some other dude kaya naman tinawagan kita para ipaalam na pumapayag na ako. Kailangan ko lang ayusin ang problema ng kumpanya but then I’ve heard the sad news about you. Honestly, umuwi ako ng Pilipinas and you’re in coma ngunit kailangan ko na namang bumalik noon sa LA dahil napakalaki ng problema na kinakaharap ng kumpanya namin.” kwento nito at base sa kinikilos niya ay mukha namang nagsasabi ito ng totoo.
Tinitigan ko si Aiden at napansin ko ang nunal nito sa sintido. Pareho ito ng nunal noong bata na kasama ni Meghan sa album na nilinis ko noong kamakailan.
“Magkababata ba tayo?” muli kong tanong.
“Yes. I’m glad you remember.” nakangiti nitong sagot.
“Hey! Anong level mo na?” narinig ko ang boses ni William, “Si Meg?” tanong pa nito.
“Eh si Stefan?” balik na tanong ni Avery.
“Nagpark lang. Papunta na yun dito. Pupunta ba kayo sa party ni Edmond?”
Ngumiti ako kay Aiden at saka ininom ang aking iced coffee.
“So… Your offer is still available, right?” nahihiya nitong tanong.
Hilaw akong ngumiti. Kung wala lang akong misyon eh baka OO ang isagot ko sa gwapong ito kaso… meron eh.
“Si Meghan?” narinig ko na tanong ni Stefan. Ngumiti naman bigla si Aiden at kumaway kay Stefan.
Wait! Magkakilala din sila?
“Bro!” tawag ni Aiden dito.
“Aiden.” Masigla nitong saad saka lumapit sa amin, doon lang din niya nalaman na ako ang kasama ni Aiden.
Tumayo si Aiden at nakipag bro hug ito. Close pa yata sila?
“How are you?”
“I’m good.” tipid nitong sagot saka tumingin sa akin, “Aalis na kami, sasama ka pa ba?” tanong nito sa akin.
“Oo naman. Uuwi lang ako para mag-bihis.” sagot ko.
Tumingin ako kay Aiden na naguguluhan sa aming dalawa ni Stefan.
“Wait. Are guys okay now? You don't hate each other now?” duda nitong tanong.
“Obviously.” sambit ni Stefan.
Curious na din talaga ako kung bakit mortal na magkagalit noon si Meghan at Stefan. Aalamin ko ito sa susunod na makausap ko itong si Aiden. Total ay madaldal din naman sya at willing na mag kwento. Magagamit ko siya.
“Uhm… Aiden, I need to go. May pupuntahan pa kasi kami.” paalam ko.
“Ihahatid na kita?” alok nito na agad kong tinanggihan.
“Huwag na, sasabay nalang ako kay Stefan. Lahat naman kami ay kay Stefan sasabay.” paliwanag ko.
“I have to go bro. See you around.” wala nitong ganang paalam saka naunang naglakad palabas.
“Can I get your new number? Hindi kasi kita macontact sa dati mong number.”
“Iyon pa din ang number ko. Kahapon ko lang narecover ang password. Sige na Aiden. Mauna na ako. Baka uminit na naman ang ulo ni Stefan kapag pinaghintay ko siya ng matagal.”
“Sure. I’ll call you. Ingat ka.” sagot nito.