“Hi, Meghan.” Bati sa akin ni Avery.
Unang araw niya sa Escajeda Corporation. Nakakapanibago ang formal attire niya at makeup na walang eyeliner. Bagay sa kanya, nag mukha siyang kagalang galang. Malayo sa Avery noon.
But still the Avery we know…
“Ganda natin ah!” puna ko sa bago niyang get up. Ngumisi ito at mahina akong pinalo sa braso.
“Ano ka ba! Ako lang ito. Tsaka kailangan kong magmukhang babaeng marangal. I need to impress everyone here.” Biro niya. Sabay naman kaming tumawa.
“Meg.” tawag ni William at papalapit ito sa amin ni Avery. May dala siyang kape, “Aga mo yata dito? May lakad kayo ni Stefan?” tanong niya ng makalapit siya sa amin saka niya binigay ang isang cup ng kape kay Avery.
“Thanks, William. Tamang tama, hindi pa ako nakapag kape.” pasalamat ni Avery saka ito agad na hinigop pero agad din itong dumaing ng mapaso siya dahil sa mainit pa ito.
“Mainit pa kasi.” agad nag abot si William ng tissue kay Avery.
Mataman ko silang pinanood. Ano kaya at sila ang magkatuluyan at hindi pala si Giana? Well, wala din namang something sa kanila ni Giana… Baka ako lang talaga itong malisyosa. Palihim akong natawa.
“Ah! Meghan.” untag sa akin ni William, “Alam mo na bang kayo ni Stefan ang ifi-feature ng The Love Storm Magazine next month?” nagsalubong ang mga kilay ko sa tanong ni William dahil hindi ito alam. Umiling din ako.
“You obviously didn’t know. Hindi pa pala nabanggit sayo ni Stefan. Ang alam ko sa isang araw ang interview nyo tapos next week ang photoshoot.” imporma sa akin ni Avery.
Hilaw akong ngumiti. Gusto kong matuwa sa ibinalita nila pero mas nangibabaw ang lungkot sa puso ko. Alam ko ang kwento sa likod ng The Love Storm Magazine… Yung pagmamahal ko kay Stefan ay totoo at iyon lang ang mananatiling totoo sa kwento ng buhay ko bilang si Meghan Mercedez… The rest are all fake, kahit ang mukha ko ay peke kaya hindi ko yata masisikmura ang i feature sa magazine na iyon. Parang mag-iiwan lang ako ng memorabila sa mga panloloko na ginawa ko kay Stefan.
“Okay ka lang, Meghan?” untag muli sa akin ni William.
Muli akong ngumiti sa kanila.
“Yes. Maiwan ko na muna kayo. Pupuntahan ko lang si Stefan sa opisina nya.” paalam ko sa dalawa saka naglakad patungo sa elevator.
Nakaupo si Stefan sa kanyang swivel chair kausap si Andy ng pumasok ako sa loob kaya nahinto ang seryoso nilang pinag-uusapan.
“I’m sorry.” Paumanhin ko sa biglaang pagpasok.
“No. It’s okay, Love.” Agad na sagot ni Stefan saka tumingin kay Andy, “Let’s continue this later.” aniya.
Tumayo si Andy at ngumiti muna sa akin bago siya lumabas ng opisina. Lumapit sa akin si Stefan at pinapak ako ng maliliit na halik.
“I’ve been busy lately so I cleared my schedule today for you. Nabanggit din kasi sa akin ng mga staff sa M.O.G na malimit mo daw ako puntahan sa opisina.”
Ngumisi ito at mas naging clingy sa akin, “Yes. I miss you like crazy and I want you like crazy… Preferably naked… in my bed.” pilyo itong ngumiti. Napailing nalang ako at ngumiti.
“Nakasalubong ko si Avery at William kanina sa lobby. Hindi mo nabanggit sa akin na tayo ang ifi-feature sa The Love Storm Magazine?” malamig kong tanong.
“Actually si Lola ang nag suggest noon. She wants us to be featured in the magazine next month. Bakit? Ayaw mo ba?”
Hindi agad ako nakasagot dahil hindi ko alam ang idadahilan.
“Uhm… H-Hindi naman sa ayaw ko… Kasi…” Umiwas ako ng tingin kay Stefan, “Kasi, diba pareho tayong busy tsaka isa pa-”
Hindi natapos ang sasabihin ko ng may kumatok.
“Come in.” turan ni Stefan saka siya kumalas sa pagka kayakap sa akin. Pumasok ang babaeng may bitbit na folder saka ngumiti sa amin ni Stefan.
“Good morning Sir Stefan.” Bati niya tapos ay tumingin sa akin, “Good morning Ma’am Meghan. Avery informed us na nandito nga daw po kayo kaya kinuha na namin itong chance para malaman ang available time nyo for the interview. Uhm… By the way I am Mitch Sandoval from The Love Storm Magazine.”
Napawi ang ngiti ko at tumingin kay Stefan. Hindi pa kasi kami tapos mag usap tungkol sa interview tapos ay tatanungin pa nila kami sa oras na pwede kami para dyan sa interview.
I sighed.
“Uhm… Mitch, right?” tugon ni Stefan, “Honestly, we are both busy until next month.” kumamot ito sa kilay niya, “We are not available for the interview. Don’t worry, ako na ang bahalang magsabi kay Lola. Maybe… after our wedding siguro, diba Love?”
Nanlaki ang mga mata ko sa huli niyang sinabi. Hindi talaga maitatago sa mukha ko ang pagkabigla.
“Wedding?” ulit ko pa.
“Yes. In the near future.” sagot nito.
“Wow. It will be a special magazine issue kapag nagkataon.” sabi ni Mitch.
“Yah. For sure. A wedding of the year.” sang ayon ni Stefan habang nakatingin sa akin.
Pilit akong ngumiti sa kanilang dalawa. Nakahinga lang ako ng maluwag ng magpaalam na sa amin si Mitch. Napapraning na yata ako.
“Love, kanina ka pang lutang. May problema ba?” basag ni Stefan sa katahimikan. Ngumiti ako sa kanya at sumubo ng roasted chicken.
“W-Wala. Madami lang akong iniisip tungkol sa company ni Dad. Alam mo naman na nangangapa pa ako sa palakad ng Mercedez Oil & Gas.” palusot ko.
“I see. If you need my help, just let me know. Ayokong na stress ka, Love.” malambing nitong turan saka marahan na pinisil ang aking kamay. Ngumiti ako sa kanya at hindi na muling nagsalita.
Napapraning talaga ako kapag napapag-usapan ang tungkol sa kasal. Of course gusto kong maikasal kay Stefan pero bilang Seraphina sana at hindi bilang Meghan.
Paulit-ulit ko nalang bang sasabihin iyon sa sarili ko?
Hindi kami pwedeng maikasal ni Stefan kahit iyon pa ang misyon ko. Alam ko din naman kung saan ako pupulutin kapag nalaman na nilang lahat ang totoo.
---
“Ma’am Meghan, gusto po kayong makausap ng Phil Gas tungkol sa delayed payment nila.” ani ng sekretarya ni Dad na ngayon ay ako na ang palaging kasama.
Tumigil ako sa ginagawa ko sa aking laptop at tumingin sa kanya saka ngumiti.
“Bakit kailangan na ako pa ang kausapin nila? Hindi ba dapat sa finance department na sila dumirekta? Unless it’s an emergency?” sagot ko sa kanya.
Pinagdikit nito ang kanyang mga labi saka lumapit pa sa akin.
“Iyon nga din po ang sinabi ko pero makulit siya at gusto na ikaw daw mismo ang makausap. Pero sa tingin ko ma’am ay gusto lang kayong pormahan ng anak ng may ari ng Phil Gas. Hindi nya po yata alam na kasintahan kayo ni Sir Stefan Escajeda.” kwento nito.
“Kung ganoon, sabihin mo ay busy ako at nasa meeting.”
“Sige po.”
“At next time kung magpumilit pa sya ay saka ko nalang siya haharapin.” pahabol kong sabi bago tuluyang lumabas si Haidee.
Bumalik ako sa aking ginagawa. Binabasa ko ang financial report last month ng tumunog ang cellphone ko at si Stefan ito. Sinagot ko ang video call niya.
“Hey. Are you busy?” bungad niya. Ngumiti ako at umiling.
“Hindi naman masyado, bakit?”
“Don’t forget our dinner later?” paalala niya.
“I will not. Susunduin mo ba ako?” kinikilig kong tanong. Saglit akong tumayo para abutin ang tumbler ko na nasa dulo ng aking mesa.
“Excuse me, why are you so f*cking sexy, love? That view is for my eyes only. Magpalit ka ng damit.”
Muli akong umupo at tinawanan siya. Hapit kasi ang dress ko at medyo maypa cleavage ito. Above the knee din ito kaya naman kitang kita ang makinis kong hita.
“Ito kasi ang ipinasuot sa akin ni Mommy, Love.” Paliwanag ko.
“Magpapadala ako ng damit dyan sa opisina mo. Huwag kang lalabas ng ganyang ang suot mo kung ayaw mong mabulag ang lahat ng lalaking staff ng kumpanya nyo.” pabiro nitong banta na tinawanan ko lang.
“Bakit biglaan yata ang dinner natin? Hindi ba dapat ay sa weekend pa?” curious kong tanong.
“Because I can’t wait until the weekend.” kumunot ang noo ko dahil kahapon lang naman ay magkasama kami. Sinadya ko siya sa opisina niya kahapon dahil sa utos ni Dok Albert.
“Why?” I smiled at him and teased him with my bo0bs.
“Stop it, Love.” saway nito sa akin pero mas lalo ko pa siyang inakit, “Damn! I really want to kiss you.” Kasabay ng pagkakasabi niyang iyon ay bumukas ang pinto kaya agad akong umayos.
“Aiden?” Sambit ko.
“Hi Meghan. Kanina pa ako kumakatok kaya binuksan ko na. Naistorbo ba kita?” Aniya saka tumingin sa cleavage ko. Awkward ko naman ito tinakpan ng kamay ko at hinila pataas ang aking dress.
“No. Have a seat.” turo ko sa sofa na nasa unahan ng aking desk. Hindi ko magawang tumayo dahil masama na ang tingin sa akin ni Stefan.
“Love, I’ll call you back.” paalam ko.
“No. I want to hear your conversation. Go ahead.” malamig niyang tugon.
Sinulyapan ko si Aiden at hilaw na ngumiti saka bumalik ng tingin kay Stefan habang nagkakabit ng ear phone sa aking tenga.
“Fix your dress. Takpan mo yan ng panyo.” utos pa nya. Napapikit nalang ako saka tumango para wala ng mahabang usapan. Kinuha ako ang panyo ko sa bag at pasimple na nagtakip ng dibdib saka muling tumingin kay Aiden na kanina pa akong pinapanood.
“Are you okay?” tanong nya.
“Huh? Uhm… Y-Yes. Don’t mind me. Bakit ka nga pala naparito?”
Ngumisi ito, “He’s so possessive huh?” aniya saka umayos ng upo, “Tinawagan ako ni Tito Elmiro kanina. Gusto niyang samahan kita sa mga Salvador para bisitahin ang kanilang planta.”
“Bakit?” agad kong sagot.
“They are my relatives. Gusto ni Tito na maayos ang unang bisita mo sa planta. Mga loko-loko din kasi ang mga pinsan ko kaya mas maganda kung sasamahan kita.” tugon nito.
“Don’t go with him. Ako na ang sasama sayo.” sabat ni Stefan. Huminga ako ng malalim at ngumiti kay Aiden.
“Kailan ba? Ngayon na ba?” sunod kong tanong.
“Yes. Unless you are busy?”
Muli akong ngumiti ng pilit, “May hinihintay lang akong damit. Okay lang ba?”
“Yah. Sure. Take your time.”
“May gusto ka bang inumin o kainin? Magpapakuha ako kay Haidee.”
“I’m okay. Thanks.”
“Love, I will cancel all my schedule today. Sasamahan kita sa planta ng mga Salvador.” ulit ni Stefan.
“Pero hindi ba importante ang meeting mo mamaya?” pabulong kong sagot.
“I don’t care. I’ll be there in a minute. Don’t turn it off.”
Bumuga ako ng malalim na hininga at saka tumango.
“Uhmm… Aiden, papunta kasi dito si Stefan… Isasama ko sya.” imporma ko sa kanya.
“Sure. No problem.” masigla niyang sagot at ngumiti sa akin.
Naunang dumating ang pinadalang damit ni Stefan. Nagpalit agad ako bago pa dumating si Stefan at sakto naman na paglabas ko ng banyo ay sya namang pagpasok ni Stefan sa opisina ko.
“Love.” tawag ko sa kanya para maputol ang masama niyang tingin kay Aiden. Lumapit ako sa kanya at humalik sa kanyang pisngi.
“Can we go now?” tanong ni Aiden.
“Sure. Let’s use my car.” sagot ni Stefan. Kumapit ito sa baywang ko.
---
Sinalubong kami ng mga Salvador pagkababa namin ng sasakyan. Napakalaki ng kanilang gas-fired power plant. Kaunti na lang ang laki nito sa aming plantasyon.
“Am I right? Si Stefan Miguel Escajeda?” rinig kong tanong ng matangkad na lalaki sa katabi niya.
“Pinsan.” Bati ng isa pang lalaki kay Aiden.
“Mga pinsan ko, Si Jake, Simon at Tristan Salvador.” Pakilala ni Aiden, “She’s Meghan Mercedez and Stefan.” pakilala naman niya sa amin.
“Hi Miss Beautiful. I’m Simon.” naglakad ito ng kamay sa akin.
“Can we just proceed to our purpose here?” Sabat ni Stefan at masama itong nakatitig kay Simon.
Kinabig ni Stefan ang baywang ko at tiim bagang na tumingin sa tatlong Salvador na para bang pinapamukha niya sa tatlo na ako ay pagmamay-ari niya.
“Sure. This way.” Si Tristan ang sumagot. Tinuro niya ang daan sa aming pupuntahan.
Ang mga Salvador ang bago naming susupplyan ng mga kemikal sa paggawa ng gas. Closed deal na ito noong isang linggo pa lang pero nais ni Dad na personal kong bisitahin ang plantasyon nila para ma expose na din ako sa iba’t ibang uri ng gas plantation sa bansa.
“May International Seminar on Gasification next year in Sweden. Ikaw ba ang aattend doon Ms. Meghan?” tanong ni Simon.
Tumango ako. Nabanggit na ito sa akin ni Daddy at gusto niya akong isama sa seminar na iyon.
“Yes. We already have a slot for that event.”
“Nice. We will be there too.” turan ni Simon na para bang inaasar nalang si Stefan.
Pagkatapos naming maglibot sa planta ay niyaya nila kaming kumain ng meryenda pero tinanggihan ko ito dahil pasado alas singko na din naman at may lakad pa kami ni Stefan.
“Saan ba tayo magdidinner?” tanong ko habang tinatahak namin ang daan patungo sa aming pupuntahan. Hindi ako pamilyar dito kaya nagtanong na din ako.
“We will be there in a bit.” sagot ni Stefan saka hinalikan ang kamay ko, “Do you have another meeting with the Salvador?” tumingin ako sa kanya.
“Hindi ko sigurado. Kami ang magiging supplier nila ng kemikal kaya baka may pagkakataon na magkita ulit kami.”
Kumunot ang noo nito at mahinang nagmura, “Bakit kasi ang ganda mo.” maktol niya.
“Love?” natatawa kong sabi, “Sayo naman ako.”
“Not yet.” tipid nitong sagot.
“What do you mean?”
Hindi na niya ako sinagot. Pinarada niya ang kanyang sasakyan sa ilalim ng puno. Kung hindi ako nagkakamali ay nasa mataas na bahagi kami ng syudad dahil tanaw ko dito ang nagtataasang mga building.
Bumaba ako ng pagbuksan ako ni Stefan ng pinto.
“Wow! Ang ganda dito!” Mangha kong sabi.
Napupuno ng mga christmas light ang mga puno dahil malapit na ang pasko. Hinawakan niya ang kamay ko at naglakad kami sa malawak na garden. Napakaganda talaga ng view dito. Ang sarap tumambay.
“Ang ganda talaga.” ulit ko pa.
“Yeah. I really like the view. It's so beautiful, just like you.”
Humarap ako kay Stefan na nakapwesto sa likuran ko. Inangkla ko ang mga kamay ko sa batok nya at matamis na ngumiti.
“Thank you for bringing me here, Love. I appreciate it.” malambing kong sabi.
Ngumiti sa akin si Stefan. Mukha siyang kinakabahan at hindi ko alam kung bakit. Kanina ko pa din napapansin na panay ang linga niya sa paligid. Muli akong humarap sa magandang view at huminga ng malalim. Niyakap naman niya ako ng mahigpit.
“Love.”
“Hmm?”
“Can we… I mean… Can I say something?”
Tumawa ako sa pagpapaalam niya, “Oo naman.”
“There is something I would like to say to you…”
Muli akong tumawa saka ko pinaling ang ulo ko sa gilid para tignan siya.
“Go on… Say it.”
“After we've been together for so long, I…I think I am ready. I want our relationship to take the next level. I want you to be fully mine.”
Kumakabog ang dibdib ko. Alam ko ang ibig niyang sabihin at natatakot akong ituloy pa niya iyon.
“Seryoso ka?” Kinakabahan kong tanong.
“Yes. I am dead serious, love.” bahagya siyang tumawa. “I know you're the only one I want to share the rest of my life with. I don't really know what I'm supposed to do if you say ‘no,’ so could you save us both the trouble and say ‘yes?’. Please, love… Will you marry me?”
Pakiramdam ko ay tumigil ang mundo ko. Nanuyo ang lalamunan ko habang basang basa na ng luha ang aking mga mata. Lumuhod si Stefan sa harapan ko at inilabas ang napakagandang singsing.
Pumikit ako at umiling ng paulit ulit.
Hindi ko kayang tagalan ang mga titig niya sa akin, ang mga sinsero niyang titig na punong puno ng pagmamahal. Mas lalo akong nasasaktan. Sobrang mahal na mahal ko si Stefan pero hindi na kaya ng konsensya ko ang lokohin pa sya. Hindi ko kayang lokohin siya habang buhay.
“No. I'm sorry… I… I can't. Hindi pwede. Sorry. Stefan sorry… H-Hindi ko na kaya…” Iyak ko saka tumakbo palayo.
“Congra- tulations!” rinig ko ang sigaw ni William mula sa masayang tono pababa pati na din ang pagsabog ng party poppers.
“Meghan.” habol sa akin ni Giana.
Binilisan ko ang pagtakbo ko hanggang makarating ako sa daan. Walang dumadaan na sasakyan kaya nagpatuloy ako sa paglalakad.
“Meghan. Ano ba?” muling tawag sa akin ni Giana saka niya ako hinila, “Kung may problema ka, I am willing to listen.” aniya.
Humagulgol ako at umiling. Hindi naman niya ako maintindihan at hindi ko din naman kayang sabihin sa kanya ang totoo. Walang nakakaintindi sa akin!
“Hindi mo ako maiintindihan.” sambit ko.
“I may not understand everything but I am all ears, Meghan. I’m always here to listen.”
“No… Just… Just leave me alone.” sagot ko at nagpatuloy na sa paglalakad.
Malayo na ang nilalakad ko ng may tumigil na sasakyan sa gilid ko at sasakyan iyon ni Stefan. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy pa din sa paglalakad. Narinig ko na bumukas ang pintuan niya at rinig ko din ang malakas na hampas ng isara niya ito.
“Let’s talk.” malamig niyang sabi.
Para akong bingi. Walang naririnig at hindi humihinto sa paglalakad. Gusto ko siyang yakapin at humingi ng tawad sa kanya pero hindi ko magawa. Rinig ko ang mga yabag ng mga paa niya na papalapit sa akin, hinila niya ang braso ko saka niya ako pilit na iniharap sa kanya.
“Talk to me!” sigaw niya, “What is wrong with you? May ginawa ba ako na hindi mo nagustuhan? Sabihin mo! Sabihin mo sa akin kung anong mali!”
Umiling ako at mas umiyak pa, “Ako yung may mali. Ako yung may ginawa.” iyak ko.
“I don’t f*cking care! Whatever it is, I don’t care… Just please… Please… Huwag ganito.” basag na boses niyang sabi.
“Hindi mo ako naiintindihan.”
“Edi ipaintindi mo sa akin. Ipaintindi mo sa akin kung ano ang problema dahil hinding hindi ako papayag na basta mo nalang akong iiwan ng wala man lang sapat na rason. Please, tell me.” pakiuasap niya.
“W-Walang rason. I… I just want to end this. Ayoko na.” iyak ko.
“I don’t believe you.” hinila ako ni Stefan at mahigpit na niyakap, “Tama na please. Ayusin natin ito. Love naman? Pipilitin kong magbago kung nasasakal na kita. Please? Don’t leave me like this. Hindi ko kaya.” iyak niya.
Ayoko mang gawin ito pero ito nalang kasi yung paraan na naisip ko para matigil na ang panloloko ko sa kanya. Tinulak ko siya saka muling naglakad sakto naman na may paparating na taxi kaya tumakbo ako para makasakay doon. Humabol si Stefan para pigilan akong umalis but it’s too late. Mabuti na lang mabilis ang driver at nakahalata sa sitwasyon.
Hindi lang pala kaligayahan ang mararamdaman mo kapag nagmahal ka ng totoo. Kahit anong hiling mo na sana palagi nalang masaya pero hindi pwede. Ang pagmamahal pala palaging may kakambal na sakit. Yung sakit na nagmumula sa takot... Yung takot na mawala si Stefan sa akin... Na wala ng pwedeng magmahal sa akin dahil ang gusto ko ay sya lang.
Yung takot na kapag nalaman ng mga mercedez ang totoo ay hindi ko na muling mararamdaman ang pagmamahal ng isang magulang sa anak. Yung takot na sa tuwing uuwi ako sa bahay ay hindi ako sigurado kung iyon pa ba ang bahay na dapat kong uwian. Yung takot na baka isang araw iyon na pala ang huling beses kong makikita ang mga taong minahal ko bilang si Meghan Elvira Mercedez.
---
Ilang beses ng tumutunog ang cellphone ko at si Dok Albert ito. Alam ko ang dahilan kung bakit siya tumatawag kaya naman wala akong gana para sagutin ito. Wala akong ibang gustong gawin ngayon kundi umiyak na lang dahil wala naman akong masasabihinan ng problema ko. Marami nga ang gustong makinig pero wala sa kanila ang maiintidihan ako dahil wala silang alam sa pinagdadaanan ko.
Kumatok ng dalawang beses si Sanya saka niya binuksan ang pinto.
“Ma’am Meghan.” aniya saka nakita ang pagkain na hindi ko man lang ginalaw. Malungkot itong tumingin sa akin saka lumapit para haplusin ang buhok ko, “Ma’am… Kanina pa po si Sir Stefan sa labas. Ayaw nya pong umalis hanggat hindi kayo nakakausap.” imporma nito sa akin.
Tumulo ang luha ko, “Hayaan mo sya.” tipid kong sagot.
“Kung ano man po ang problema nyo, sana maayos nyo po.” ani Sanya at hinaplos ang likod ko.
Tumango ako at humikbi saka ngumiti ng pilit sa kanya.
Sana nga…
“Salamat Sanya.” sabi ko bago siya lumabas ng kwarto.
Ilang araw ang lumipas… Wala ding araw na hindi naghintay sa akin si Stefan sa labas ng bahay para mag makaawa na harapin ko sya. Gustong gusto kong kausapin sya pero mas lalo ko lang syang masasaktan kung patuloy ko siyang lolokohin.
Maghapon siyang naghihintay sa akin hanggang dumating ang araw na mapagod sya. Mas lalo bumaon ang punyal sa puso ko pero hindi ba iyon naman ang gusto ko? Ang sumuko siya at hayaan na ako nalang ang masaktan at magdusa bilang kapalit ng panloloko ko.
Malungkot akong nahiga sa kama. Ilang araw na din akong nakakulong sa kwartong ito, walang ibang nakakausap kundi si Sanya at ang mag asawang mercedez na walang humpay sa pagbibigay sa akin ng pagmamahal na kailangan ko ngayon. Somehow, I am thankful for it.
“Ma’am, may bisita po kayo. Si Doctor Albert daw.”
Inaasahan ko na ang pagpunta dito ni Dok Albert dahil ilang araw na din na patay ang aking cellphone.
“Papasukin mo sya dito.” turan ko na ipinagtaka ni Sanya pero walang nagawa kundi sumunod.
Wala pang ilang minuto ay pumasok na si Dok Albert kasunod si Sanya.
“Iwan mo na muna kami, Sanya.” utos ko at agad itong tumalima sabay isinara ang pinto.
Malakas na sampal ang sinalubong sa akin ni Dok Albert. Sa lakas nito ay umugong ang tenga ko at pumaling sa kaliwa ang mukha ko.
“Ano ang pumasok dyan sa utak mo para tanggihan ang alok na kasal ni Stefan?!” mahina niyang sabi. Nag iingat pa din siya kahit papaano na may makarinig sa amin.
“Pinasukan ang utak ko ng konsensya na kahit kailan ay hindi ka magkakaroon.” Mariin kong sagot. Muli nya sana akong sasampalin pero nakita ko ang pagpipigil niyang saktan ako.
“Huwag mong subukan ang pasensya ko Phina!” Gigil niyang sabi saka niya ako sinakal, “Bumalik ka kay Stefan kung ayaw mong sikatan ka pa ng araw!” Banta nito.
“Mabuti pang patayin mo nalang ako kaysa gamitin mo laban sa kanya!” sagot ko na hindi niya nagustuhan kaya diniinan nito ang pagkakasakal sa akin.
Hirap na akong huminga pero hindi ako nanlaban para ipakita sa kanya na handa akong mamatay matigil lang ang pagiging sunod-sunuran sa kanyang maitim na balak sa mga Escajeda.
Nahalata niya ito at malakas akong tinulak sanhi ng pagkaka subsob ko sa kama. Hinabol ko ang hininga ko at umubo ng paulit ulit. Tumulo ang mga luha ko na agad ko ding pinunasan at pinilit na harapin siya.
“Patayin mo nalang ako dahil hinding hindi na ako papayag na maging puppet mo!” mahina kong sambit dahil hinahabol ko pa din ang hangin na nawala sa akin.
Tumawa ito na parang demonyo saka naupo sa aking sofa habang pinagmamasdan ang paghihirap ko.
“Sure. I will do that… Pero uunahin ko ang kapatid mong si Jayjay. Iisa-isahin ko ang mga mahal mo sa buhay and I will kill them one by one in front of you, Phina.” Humalakhak ito at pumalakpak, “Gusto mo bang sampolan kita ngayon? Isang tawag ko lang sa mga tauhan ko, sinisigurado ko sayo na paglalamayan na bukas ang bangkay ng kapatid mo.”
Gumapang ang takot sa buo kong katawan. Nanginig ako at umiyak.
“Wag! Pakiusap wag mong idamay ang kapatid ko!” hagulgol ko.
“Then do what I want.” Tumayo ito at lumapit sa akin. Hinila niya ang braso ko at pinisil ang mukha ko para ipakita sa akin ang seryoso niyang mukha, “Tapusin mo ang plano natin, Phina. Magpakasal ka kay Stefan at huminga ka ng 25% share sa Escajeda Corporation! Ayoko ng ginagag0 ako, Seraphina. Kayang kaya kong patayin lahat ng mga mahal mo sa buhay.” muli niyang banta saka ako inihagis sa kama.
“Bigyan mo lang ako ng konting oras. Konting oras lang para ayusin ang utak ko.” pakiusap ko.
“Ang dami ko ng oras na binigay sayo. Huwag mo akong inipin.” aniya saka niya nilisan ang aking silid.
Humagulgol ako ng iyak. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko hahayaan na ubusin ni Dok Albert ang mga importanteng tao sa buhay ko. Ang sakit sakit na ng puso ko... Pero, yung hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong gawin ang mas masakit.
Ilang oras akong tulala sa kwarto. Hindi ako sumasagot sa mga katok sa aking pinto. Pasado alas onse na ng gabi ng bumangon ako sa kama para buksan ang aking cellphone. Sunod sunod na pumasok ang mga text messages sa akin simula pa ng ito ay aking patayin hanggang ngayon. Nag pop up ang viber messenger ko at mula ito sa groupchat namin. Nabasa ko ang conversation nila at doon napag alaman na nasa bar sila ni Stefan para magpakalasing.
Chinat ko si William sa kanyang personal inbox para alamin kung kamusta si Stefan.
William: Pangatlong araw na niya itong paglalasing. Puntahan mo na.
Sagot niya. Agad akong gumayak para puntahan ang bar kung nasaan sila dahil kanina pa daw nakikipaglandian si Stefan sa kung sino sinong babae at napapaaway na din ito dahil daw may mga boyfriend ang nilalandi niya.
Pagkarating ko doon ay naabutan ko si William na humihingi ng tawad sa lalaking galit na galit at gustong sapakin si Stefan. Lumapit ako sa kanila at hinila si Stefan para ilayo. Nang marealize niya kung sino ako ay inalis niya ang braso niya sa kamay ko saka ngumisi ng nakakaloko.
“Stefan. Lasing kana. Umuwi-”
“I want to get so drunk hoping that I will never remember you again. So please? Leave me alone!” pang uuyam niya.
“Bro. Uwi na tayo.” ani William ng makalapit ito sa amin.
“No. Ayoko. Inom pa tayo.” sagot niya saka naupo sa upuan at inubos ang alak na laman ng baso. “Bakit ganun? Dumating siya bigla sa buhay ko ng hindi ko inaasahan at sa mga panahon pa na hindi ako handa tapos ay bigla nalang mang-iiwan ng walang sapat na dahilan. Aalis kung kailan kailangan ko sya. Lakas maka gag0!” maktol nito kay Stefan saka padabog na nilapag ang baso at tumawa.
“I’m sorry.” tangi kong nasabi. Pinipigil na umiyak.
“Alam mo ba kung gaano kasakit ang ginawa mo sa akin? Winasak mo ang puso ko at sobrang sakit sa tuwing humihinga ako. Ang sakit dito!” turo niya sa kanyang dibdib, “Hindi ko alam noon kung paano ang pakiramdam ng mainlove hanggang sa nakilala kita... Pero ngayon pati pagiging broken-hearted ay pinaramdam mo din sa akin.” patuloy nya.
“Bro. Tama na. Lasing kana.” Awat ni William.
“William, ikaw na ang bahala sa kanya. Alam ko na ayaw nya akong makita.” nanginginig kong sabi.
“Bakit kasi… Whatever. Yung totoo Meghan? Bumalik na ba ang alaala mo kaya basta mo nalang iniwan si Stefan?” prangka na tanong ni William.
Kung pwede lang na iyon ang idahilan ko. Huminga ako ng malalim at yumuko.
“Pakisabi na lang sa kanya na sorry.” Tangi kong naisagot saka umalis ng umiiyak.
Galit sa akin si Stefan.
Hindi ako pinatulog ng dahil sa mga sinabi ni Stefan sa akin kanina. Ramdam na ramdam ko ang sakit na dulot ko pati na din ang galit niya sa akin. Kinabukasan ay tulala ako sa harap ng hapagkainan. Wala pa ding gana na kumain.
“Anak, kumain ka na. Namamayat kana.” untag sa akin ni Mommy.
Ngumiti ako sa kanya, “opo.”
Gutom na gutom ako pero wala talaga akong gana kumain. Susubo palang ako nasusuka na ako. Naging ganito ako simula ng magkahiwalay kami ni Stefan. Ganito ba ang ma-broken hearted? Para ding inlove pero masakit nga lang, sobrang sakit kumpara sa inlove ka na puro saya at kilig lang.