Bago ako pumasok ay dumalaw muna ako kay Shandra. Bitbit ko ang isang basket ng prutas at puting rosas.
“Meghan, mabuti at dumalaw ka. Palabas kasi ako para bumili ng gamot ni Shandra.” Salubong sa akin ng sa tingin ko ay ina ni Shandra dahil kawangis niya ito. Ngumiti ako at inabot ang mga dala ko saka ko sinulyapan si Shandra na mahimbing pang natutulog.
“Salamat, Hija. Maiwan muna kita. Saglit lang naman ako. Ikaw na muna ang bahala sa anak ko? Okay lang ba?”
“Opo.” Tipid kong sagot saka muling ngumiti.
Nagmadali niyang dinampot ang kanyang wallet sa mesa saka lumabas. Kinuha ko ang mga rosas na dala ko para ilipat sa vase na nasa gilid ng kama ni Shandra. Pagkatapos noon ay pinag balat ko siya ng orange at ipinaghiwa ng apple sakto naman na nagising siya.
“Mommy.” sambit ni Shandra pero ng ako ang mabungaran niya ay nagdilim ang paningin nito.
“What are you doing here?! Ang lakas ng loob mong magpakita pa sa akin pagkatapos mong patayin ang anak ko!” Asik niya.
Yumuko ako at pinatong ang mangkok na may lamang prutas sa gilid ng kama ni Shandra.
“I’m really sorry. Hindi ko ginusto ang nangyari. Patawarin mo ako.” naiiyak kong turan.
“Ang sabihin mo sinadya mo akong itulak para malaglag ang baby namin ni Rufus! Galit ka dahil ako na ang mahal ngayon ni Rufus!” Iyak niya, “How dare you! Ang kapal ng mukha mong magpakita sa akin!” pagwawala niya saka niya binato ang mangkok sa akin. Binato din niya ang vase sa sahig.
“Sorry. Hindi ko sinasadya.” iyak ko.
“Umalis kana dito! Ayokong makita ang taong pumatay sa anak ko! Murderer! I will sue you Meghan! At sisiguraduhin kong mabubulok ka sa kulungan!”
Pagkasabi niyang iyon ay nanginig ang buo kong katawan sa takot. Umatras ako at umiling ng paulit ulit habang paulit ulit din na binibigkas ang salitang ‘patawad’. Lalo pang lumakas ang sigaw niya kaya umagaw na ito ng atensyon mula sa mga nurse sa labas. Sinubukan siyang pakalmahin ng mga ito kaya ginawa ko na din na pagkakataon iyon para umalis.
Nakahinga lang ako ng maluwag ng nasa labas na ako mismo ng hospital. Huminga ako ng malalim pilit pinupunan ang mga nawalang hangin sa aking baga. Bumuhos ang luha ko dahil hindi mawala sa isip ko ang mukha ni Shandra. I can see her pain in her eyes. Paulit ulit din rumirehistro sa utak ko ang mga sinabi niya sa akin.
“Meghan?” Tawag ng pamilyar na boses.
Tumunghay ako at tumingin sa nag-aalala na mukha ni Aiden. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang braso ko.
“What happened?” tanong niya.
Umiling ako. Gusto ko man na magkwento pero walang lumalabas sa bibig ko kundi pag hagulgol. Hinila niya ako palapit sa kanya at niyakap.
Hinatid ako ni Aiden sa school. Alam ko na late na ako sa unang subject kaya sa library nalang muna ako titigil. Pinagbuksan niya ako ng pinto, pilit naman akong ngumiti ng makababa ako sa kanyang sasakyan.
“Salamat, Aiden.”
Ngumiti siya sa akin at inayos ang nagulo kong buhok, “Anytime. Kung ano man ang rason mo kanina kung bakit ka umiyak… Everything will be alright at the end. You’ll be alright.”
Ngumiti ako sa kanya at tumango. Pinisil pa niya ang pisngi ko bago siya nagpaalam. Kumaway ako at pinanood ang sasakyan niya na makaalis saka ako humarap sa mataas na hagdan patungong main building… pero hindi ko na nagawa pang humakbang ng makita ko si Stefan na nakatayo doon at matalim ang mga tingin nya na ipinukol sa akin.
“Love.” sambit ko. Tumalikod ito at naglakad palayo kaya mabilis ko siyang hinabol at pilit sinasabayan ang malaki niyang hakbang. “Love!” sigaw ko sa kanya, saka lang ito tumigil at tiim bagang na humarap sa akin.
“Are you flirting with him? Hindi ko gusto kung paano mo sya ngitian kanina. I hate it! Bakit mo siya kasama?” Anito. Ramdam ko na galit siya.
“I’m not flirting with him, Stefan. Ano bang sinasabi mo? Can you please calm down?” turan ko.
“I can’t when I think of you with him.” Malamig niyang sagot, “Bakit kayo magkasama?”
“Dumalaw ako kay Shandra sa hospi-”
“Bakit hindi mo sinabi sa akin na pupunta ka doon? I’ve been calling you. Don’t tell me kay Aiden ka pa nagpasama?” bintang niya. Kumunot at noo ko sa kanya.
“Hindi. Nagkita lang kami sa labas ng hospi-”
“At nagpahatid ka sa kanya? Sana sinagot mo ang tawag ko para ako na ang sumundo sayo.”
Huminga ako ng malalim.
“Mukha namang wala kang balak makinig sa akin. Para saan pa at tinanong mo ako?” saad ko naglakad na palayo dahil napapagod na akong magsalita. Ang dami ng tumatakbo sa utak ko at ayoko ng dagdagan pa.
Buong akala ko ay susuyuin ako ni Stefan pero hindi ko na siya nakita sa mga sumunod naming klase hanggang makauwi ako sa bahay ay hindi man lang ito nagparamdam. Hindi na din ako nag abala na magtext o tumawag sa kanya. Matira ang matibay sa amin.
Kinabukasan ay maaga akong pumasok. Kung noong nakaraan lang ay ako ang topic ng buong campus ngayon naman ay si Shandra na. Malungkot akong naupo sa aking upuan ng hindi ko nakita si Stefan. Naupo naman si Avery sa tabi ko at niyakap ang braso ko habang si Giana naman ay sa likuran ko na inaayos ang nagulo kong buhok.
Napansin siguro nila ang busangot kong pagmumukha.
“Mall tayo mamaya? Treat ko?” alok sa akin ni Avery.
Tipid akong ngumiti sa kanya at tumango.
“Karaoke tayo?” sabi ni Giana.
“Call!” sangayon agad ni Avery at nag appear pa sila.
“Si Stefan?” tanong ni William sa amin at kadarating lang niya. May iniinom pa itong banana milk. Hinagis niya ang kanyang bag sa kanyang armdesk at naupo unahan na armdesk ni Avery ng nakaharap sa amin. Tumitig ito kay Avery saka ngumisi, “May make up ka?” puna niya sa mukha ni Avery.
Tumingin kami ni Giana sa mukha ni Avery. Natural na mahaba ang pilikmata ni Avery pero mas nagkaroon ito ng volume ngayon, may kinang din sa talukap ng mata niya at mamula mula ang pisngi. Noon pa siya naglalagay ng liptint kaya hindi na ito bago sa amin. Naconcious siya sa mapanuri naming titig sa kanya kaya umubob ito sa lamesa.
“Para kayong ewan!” maktol nito.
“Naks! Dalaga na ang aming Avery.” kantyaw ni William.
Tumunghay si Avery at pinagpapalo ang braso ni William. Tumawa naman kami ni Giana at tinulungan si William sa pang aasar kay Avery.
“Wooow!” sabay sabay na sabi ng mga kaklase namin at lahat sila ay nakatingin sa amin.
Napawi yung ngiti ko ng mapunta ang atensyon ko sa lalaking nakatayo sa unahan. May bitbit siyang malaking bouquet ng kulay pulang rosas at nakatakip ito sa mukha niya. Kinikilig akong ngumiti ng mapagtanto kung sino ang lalaking iyon.
“Eeehh! Kilig yarn!” kantyaw ni Giana at sinundot pa ang tagiliran ko.
“Paki ligpit ng buhok, baka matapakan.” kantyaw ng isa pa naming kaklase.
“Love, I should never have doubted you. I felt terrible yesterday. I've had some time to cool down and I realized that what I did was wrong. I am really sorry, Love. Please forgive me and I swear to do better in the future.”
Nag-umpisa ng kiligin ang mga kaklase ko. Mas nauna pa sa akin pero walang tatalo sa kilig na nararamdaman ko ngayon dahil alam kong para sa akin ang mga salitang iyon.
“Iba talaga pag Escajeda. Ang romantic. Sana all!” Sigaw ni Amara.
“Ehem!” someone cleared his throat ng silipin ko ay si Sir Magnaye na pala, “Patawarin mo na Meghan para makapag simula na tayo ng klase.” patuloy ni Sir.
Hiyang hiya akong ngumiti kay Sir at sumenyas kay Stefan na maupo na.
“Forgive me?” ulit n Stefan.
“Oo na. Maupo kana.” nahihiya kong sagot.
“I love you, Mahal.” Sigaw pa nito bago ito lumapit sa akin. Hahalikan sana niya ako pagkatapos niyang iabot ang bulaklak ngunit umiwas lang ako dahil nakatingin ang lahat sa amin. Nakakahiya lalo na kay Sir Magnaye na mukhang hindi na natutuwa.
----
Ito ang araw ng meeting nina Stefan. Suot ang reading glass na may hidden camera ay mainam kong pinagmasdan ang aking sarili sa harap ng malaking salamin. Panibagong kasalanan na naman ang madadagdag ko ngayon kay Stefan. Kung pwede lang na huwag ko ng ituloy.
Malungkot akong sumakay sa kotse patungo sa pribadong building na pagmamay ari pa rin ng mga Escajeda. Nakangiti akong lumapit sa babaeng receptionist.
“Hi Ma’am, Good morning. Do you have any appointment here today?” bati niya.
“Yes. I’m Meghan Mercedez. I am here for Stefan Miguel Escajeda.” Nakangiti kong sagot.
“Oh! Yes Ma’am. I’m sorry, hindi kita agad nakilala. This way ma’am.” Tumayo ito at ngumiti saka naglakad patungo sa hallway na agad kong sinundan. Huminto siya sa tapat ng may pinakamalaking pinto at pinag buksan niya ako.
“Thank you.” Pasalamat ko ng makapasok ako.
“Have a sit Ma’am Meghan. Do you want anything?”
“No. Thanks. Si Stefan?” tanong ko ng libutin ko ng tingin ang malawak na silid. Walang tao dito kundi kami lang.
“He is currently in a meeting pero pababa na din siya. Maiwan ko na po muna kayo ma’am, If you need anything, just let me know. Nasa reception area lang po ako.” aniya saka ito nakangiting lumabas at isinara ang pinto.
Umupo ako sa kulay puting sofa. Akala ko ba ay 9am pa ang umpisa ng meeting pero bakit nag umpisa na yata sila? Malilintikan na naman ako nito kay Dok Albert. Sinilip ko ang cellphone ko at pasado alas otso pa lamang.
Maya maya pa ay bumukas ang pinto na agad ko ding nilingon. Pumasok si Stefan at nagpaiwan si Andy sa labas. Sinalubong ko sya at matamis na nginitian.
“Akala ko 9am ang umpisa ng meeting mo?” curious kong tanong.
“Yes. Hindi naman related sa negosyo ang meeting ko kanina.” sagot niya saka ako kinabig palapit sa kanya. Tinitigan niya ang mukha ko saka inalis ang aking suot na reading glass. “Hindi bagay sayo.” aniya saka hinagis yung salamin sa sofa na nasa likuran ko.
“P-Pero kasi-” hindi ko natapos ang sasabihin ko ng siilin niya ako ng nakakabaliw niyang mga halik. Gumapang ang mga kamay niya sa loob ng aking pencil skirt at marahan na pinisil ang aking pwet.
Hinawi ko ang kamay niya at tumigil sa paghalik.
“Baka may pumasok.” saway ko sa kanya.
Ngumisi ito at muli akong hinalikan, “I locked the door.” turan niya.
Muli niyang itinaas ang aking skirt habang bumababa ang kanyang mga halik sa aking leeg.
“M-Magsisimula na ang meeting mamaya.” hirap kong sagot dahil napapaungol ako.
“We still have 40 minutes. Let’s make it quick.” pilyo niyang sagot saka ngumisi ng kalasin niya ang botones ng aking blouse.
My gosh! Mababaliw na yata ako ng dahil kay Stefan. He is so needy.
“You’re my addiction.” bulong niya sa akin, “I want you badly.”
Giniya niya ako patalikod. Tinuon ko naman ang mga siko ko sa sandalan ng sofa saka niya tuluyang itinaas ang aking pencil skirt at binaba ang aking panty. Pigil hininga ako ng ipasok niya ang kanya sa akin. I moaned loud when he thrust it on me. Nang yumuko ako ay doon ko lang napasin ang ready glass na nakatutok sa akin.
Shiiit!
Mabilis ko itong tinakpan ng throw pillow. Shiiit! Naririnig na siguro ni Dok Albert ang mga ungol namin. Pinigilan kong huwag umungol pero hindi ko mapigilan ang sarili ko lalo pa at pabilis ng pabilis si Stefan habang mahigpit ang kapit niya sa aking baywang.
“F*ck!” mura ni Stefan ng matapos siya. Hinila niya ako paharap sa kanya at muling pinaulanan ng halik. “I just love your lips, Love... and I can’t get enough of them.” Anas niya.
Ngumiti ako at niyakap si Stefan. Gustong gusto ko talaga kapag ganito siya ka clingy sa akin.
“Stefan?” tawag ng pamilyar na boses mula sa labas.
Si Tito Miguel iyon. Humiwalay ako kay Stefan at mabilis na inayos ang aking damit. Tinulungan niya akong ibutones ang blose ko bago niya ayusin ang kanyang sarili. Hinalikan niya ako sa labi at hinimas ang aking pisngi.
“I love you.” aniya saka binuksan ang pinto.
“Dad? Magsisimula na ba tayo?” tanong ni Stefan ng makapasok si Tito Miguel sa loob kasama si Andy. Tumingin sila sa akin at ngumiti habang ako naman ay nanlalambot pa din ang mga tuhod dahil sa makamundong ginawa namin ni Stefan.
“E-Excuse me, CR lang ako.” Paalam ko sa kanila. Tumango si Stefan tinuro ang CR.
Halos takbuhin ko iyon para lang makaiwas sa mapanuring tingin ni Tito Miguel sa akin. Bumuga ako ng malalim na hininga ng makapasok na ako sa loob ng CR. Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin.
Tang*na!
Dapat kasi nag liptint nalang ako. Ang kalat ng lipstick ko, halatang nakipaghalikan… Pero bakit hindi ko ito napansin sa labi ni Stefan? Whatever!
Ugh! Nakakahiya!
Pinunasan ko ng tissue ang aking labi. Nasa labas ang bag ko kaya hindi ako makakapag retouch. It doesn’t matter. Ang dapat kong problemahin ay kung papaano haharap kay tito ng hindi nakakaramdam ng hiya. Kung ako lang ang masusunod… Uuwi na talaga ako!
Pinapakinggan ko sa pinto ang pinag-uusapan nila pero tahimik lang sa labas. Umalis na siguro sila?
Sana.
Lalabas na sana ako ng marinig ko ang malakas na tawa ni Tito Miguel.
“Hinay hinay lang anak. Humihingi na ba ng apo ang mommy mo?”
“Kahit hindi sya humingi Dad, bibigyan ko pa din kayo ng apo.” tawang sagot ni Stefan.
Humalakhak ang mag-ama habang ako ay umiinit na ang mukha. Ayoko ng lumabas dito! Humanda ka sa akin Stefan!
Hindi ko alam kung gaano na ako katagal dito, mahigit 30 minutes na siguro dahil kinatok na ako ni Stefan. Nakasimangot ko itong binuksan at tiningnan kung nasa labas ang ama niya. Nang makita kong wala ng ibang tao doon ay masama akong tumingin kay Stefan.
“Why?” taka niyang tanong.
“Why mo mukha mo! Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin na kalat ang lipstick ko kanina?” Bulyaw ko sa kanya.
Ngumisi ito at hinawakan ang kamay ko, “I’m sorry, Love. Nawala sa isip ko.”
“Sus! Ang sabihin mo ay sinadya mo para makita ni Tito Miguel.” inirapan ko siya saka ako lumampas sa kanya.
Inalis ko ang throw pillow kung saan nakalagay ang reading glass ko pero wala na ito doon kaya agad kong nilingon si Stefan.
“Yung reading glass ko?” kinakabahan kong tanong.
“Ah… About that. Sorry, Love huh? Naupuan kasi kanina ni Daddy kaya pinalabas ko muna si Andy para humanap ng eksaktong reading glass na iyon. Malabo na ba ang mata mo?” turan niya habang palapit sa akin.
Lumunok ako at tinalikuran sya.
Shiit! Lagot na talaga ako nito kay Dok Albert. Nagpapanic ang isip ko ngayon, hindi ko alam kung paano ito ipapaliwanag kay Dok… o kung anong palusot ang pwede kong sabihin na hindi niya ikagagalit. Huminga ako ng malalim at pumikit.
“Love?” untag sa akin ni Stefan saka hinaplos ang aking braso.
Humarap ako sa kanya at pilit na ngumiti, “Y-Yes?”
“Yes for what?” kunot noo niyang tanong sa akin, “Okay ka lang ba? Bakit bigla kang namutla?”
Muli akong lumunok at umiwas ng tingin, “W-Wala ito. Bigla lang akong nahilo. Tara na ba?”
Tumango siya at kinabig ang aking baywang para halikan ako sa noo saka kami lumabas ng silid na iyon.
Mataman akong nakinig sa kanila. Pasimple akong nag voice record saka ko tinago ang cellphone ko sa gilid ng upuan ko. Mabuti nalang at hindi ko katabi ngayon si Stefan dahil napaka maosyoso ng lalaking iyon tuwing hawak ko ang aking cellphone.
Walang kakaiba sa meeting nila. Ni hindi man lang nabanggit si Dok Albert o natatalakay man lang ang tungkol sa pagtatraydor niya. Para lang itong normal na meeting na may presentation kagaya ng una akong sumama noon kay Stefan sa kanyang meeting.
Pagkatapos ng meeting ay kumain kami ng lunch kasama si Tito Miguel sa isang private restaurant. Kasama din namin si Andy. Puro tungkol sa mga negosyo ang pinag uusapan nila kaya tahimik lang akong nakikinig sa kanila.
“May gusto ka bang puntahan o ihahatid na kita pauwi?” tanong ni Stefan habang palabas kami ng restaurant.
“Uuwi na lang ako.” Tipid kong sagot dahil hanggang ngayon ay namomroblema pa din ako dahil sa pesteng reading glass na yun!.
Pagkauwi ng bahay ay agad kong ibinalita kay Dok Albert ang lahat maging ang nangyari sa salamin. As usual, kung ano ano na naman ang masasakit na salita ang sinabi niya sa akin at sa tuwing pagsasalitaan niya ako ay hindi ko maiwasan na huwag itong damdamin. Napaka sensitive kong tao kaya napaka babaw din ng luha ko.
Dumaan ang mga araw mas lumala ang mga pinapagawa sa akin ni Dok Albert. Dumadating pa sa point na ako mismo ang inuutusan niyang mag transfer ng mga pera sa mga dummy account na ginawa niya dahil malaya akong nakakalabas at pasok sa opisina ni Tito Miguel at Stefan ng hindi ako pinagdududahan ng kahit na sino dahil kilala na naman nila kung sino ako sa buhay ng mga Escajeda.
Dumating din ang araw ng graduation namin. Masaya naman ako pero magiging mas masaya siguro ako kung pangalan ko ang nakasulat sa diploma na natanggap ko. Isa ito sa pangarap ko ang makapagtapos ng kolehiyo na akala ko noon ay hindi na matutupad at sa sitwasyon ko ngayon, hindi ko na talaga ito matutupad bilang si Seraphina.
“Party Party!” Sigaw ni William bitbit ang bote ng alak.
Sinagot ng Escajeda ang graduation party ng buong campus. Imbitado lahat ng mga graduates ngayong taon maging ang mga alumni ng school ay imbitado. Malaking party ang inorganisa nina Stefan. Pasasalamat na din daw nila ito sa school dahil top nocher si Stefan.
Nakipag cheers ako kay Avery at Giana at straight na ininum ang alak na nasa shot glass saka pabagsak na nilapag sa stand-up table. Ngumibit ako sa pait nito.
Pumulupot ang mga kamay ni Stefan sa aking baywang mula sa aking likuran saka niya hinalikan ang leeg ko.
“Love, that’s enough.” Bulong niya sa akin. Tumango lang ako bilang sagot.
“Stefan.” tawag sa kanya ni Avery, “Nagpasa ako ng resume sa Escajeda as a Product marketing, hugutin mo na yung papel ko.” nakangisi nitong sabi.
“I will.” sagot ni Stefan at mahinang tumawa.
“Yan ang gusto ko sayo eh. Mabilis kausap.”
“Kukunin ko si William bilang marketing manager sa Escajeda Land. You will be a good teammate.”
“Wow! Ako lang yata ang mapapahiwalay?” tampong sabi ni Giana.
“Mas magaling ako kay William. Baka maging sakit ko lang sya sa ulo.” biro ni Avery saka tumingin kay Giana, “Ito naman! Para ka namang mag-iibang bansa e ang kumpanya nyo lang naman ay nasa dulong street ng Escajeda. Ito ngang si Meghan sa kumpanya din nila magtatrabaho eh.” dagdag pa nya.
“Bakit ba nag apply ka pa? Bakit hindi ka nalang mag negosyo?” curious kong tanong.
“Ayoko. Tsaka hindi ko pa alam ang gusto ko sa buhay. Itong course ko ay mga magulang ko lang ang may gusto… Pero gusto talaga nila mag abogada ako, like duh? Si Avery mag lo-lawyer?” humalakhak ito, mukhang may tama na, “Hirap na hirap nga akong mag memorize tuwing exam natin.” Muli itong tumawa, “Gusto kasi nila, sumunod ako sa yapak nila. Gusto nila pasukin ko din ang maduming mundo ng pulitika. Sus! Eh hawak din naman sila ng mga oligarch… hawak nina Stefan.” Tumawa na naman sya, “Kaya kayna Stefan nalang ako papasok.”
“Alam mo lasing kana.” sabi ni Giana.
“Hindi ako lasing.” tanggi niya at uminom ulit ng panibagong shot glass na kinuha niya sa waiter na dumaan.
Nagpaalam sa akin si Stefan para makipag usap sa ibang bisita. Niyaya kami ni Avery na sumayaw pero hindi ako sumama at ganun din si Giana. Nanonood lang kami sa kanila habang bahagyang nakikipag usap sa ibang bisita kapag lumalapit sila sa pwesto namin.
“Hi Meghan. I’m Dennis. I’m sure hindi mo ako kilala pero last year malimit tayong makasama sa nightclub with same circle of friends before your accident.” ani ng matangkad na lalaki sa gilid ko.
“Really?” Hindi ko makapaniwalang sabi. Napapaisip tuloy ako kung isa ba siya sa lalaki ni Meghan. Ngumiti ako sa kanya at nakipag kamay. “Hi Dennis. I’m sorry, hindi ko kasi maalala.”
“It’s okay. I understand.” aniya saka hinimas ang balikat ko. “You look great. Mas sexy ka ngayon kaysa noon.” dagdag pa niya sakaa pinasadahan ng tingin ang katawan ko. Fit ang suot kong dress kaya mas visible ang kurba ng katawan ko. Ilang akong napangiti sa sinabi niya saka uminom ng juice.
“Thanks.” tangi kong nasabi.
“Can I get your number?” ani Dennis saka inilahad ang cellphone niya sa akin.
“Excuse me.” Singit ni Stefan mula sa gilid namin saka siya pumagitna sa amin ni Dennis. He grabbed my waist and kissed me. Humarap siya kay Dennis tapos ay pumwesto sa likod ko. Pinulupot niya ang mga kamay niya sa akin saka niya dinikit ang mukha niya sa aking leeg, “Who is he?” tanong niya sa akin saka ito tumingin sa lalaking nasa harap namin.
“I’m Dennis, we were friends before.” pakilala niya.
“Friends before?” ulit ni Stefan saka mapang uyam na tumawa, “I don’t think so... Sigurado ka?”
“Yes, Bro. We used to go-”
“Stop staring at her. She’s mine.” putol ni Stefan kay Dennis.
Tumango si Dennis at ngumisi, “Chill bro. Hindi ko naman sya aagawin sayo.”
“The way you look at her, I doubt it.. bro.”
Muling ngumisi si Dennis, “Masyado ka namang protective kay Meghan, bro. Ingat. Baka masakal yan.” aniya bago ito umalis.
Mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Stefan ng umamba itong susugod.
“Gag0! Bingi ka ba o mahina yang kokote mo?! Ano suntukan nalang?!!”
Lahat kami ay tumingin sa pinagmulan ng malakas na sigaw. Boses iyon ni William. Mabilis na kumalas sa akin si Stefan at nagtungo sa gitna ng umpukan. Sumunod naman agad kami ni Giana.
Nakita ko si Avery na nasa likod ni William. Sa harapan naman niya ay isang lalaking may malaking katawan na parang kay batista at mukhang lasing na.
“You’re not even his boyfriend. She’s willing to go with me.”
“You’re taking advantage of her. Gag0! Huwag mo nga akong ma english english!!”
Maglalakad sana ulit si Avery palapit doon sa lalaki pero muli siyang hinila ni William.
“Are you out of your mind?!” Singhal niya dito.
“Avery. Let’s go. Ihahatid kana namin.” sabi ko ng lapitan ko sya.
“Ako na ang maghahatid sa kanya. Huwag ka ng umepal.” sabat ng lalaking kanina pang nagpupumilit na maiuwi si Avery. Halatang halata kung ano lang ang habol niya sa aking kaibigan.
“No. Don’t you dare touch her!” bulyaw ko sa kanya.
“B*tch please? O baka gusto mo ikaw nalang ang sumama sa akin, tutal mas mukha ka namang masarap sa ka-”
Hindi na pinatapos ni Stefan ang sasabihin ng lalaki ng malakas niya itong sinuntok sa mukha. Hindi ito tinigilan ni Stefan at imbes na awatin siya ni William ay tinulungan niya pa ito. Hinila namin ni Giana palayo si Avery sa kanila. Maya maya pa ay naka paikot na ang mga bodyguards ni Stefan sa gitna ng crowd at ginawang pader ang kanilang mga sarili laban sa ibang kasamahan ng lasing na lalaki saka sila tinutukan ng mga baril.
Aawatin ko na sana si Stefan dahil duguan na ang mukha ng lalaki pero hindi ako hinayaan ng mga body guard niya na makalampas sa kanila.
“Awatin nyo na.” utos ko sa kanila.
“We can’t do that. I’m sorry.” sagot ng lalaking matangkad na sa tingin ko ay nasa 30’s palang at siya ang pinaka bata sa lahat.
“Huh? Anong pinagsasabi mo?” naguguluhan kong reaksyon sa sinabi nya.
“Hindi kami pwedeng makialam, maliban na lang kung dehado na sya sa kalaban. It’s his rule.” paliwanag nito.
“Rule nya para sa inyo kaya tumabi kayo dahil ako na ang aawat.” inis kong sagot.
“Hindi po talaga pwede, Ma’am Meghan.” Pagmamatigas niya.
“Stefan! Tama na yan!” Paulit ulit kong sigaw. Hindi ko alam kung naririnig ba niya ako o hindi, “Hindi mo ako makikita ng isang buwan kapag hindi ka tumigil!” pinal kong sigaw na may pagbabanta.
Maya maya pa ay humawi na ang mga tauhan niya saka ito naglakad palapit sa akin, duguan ang kamay at damit.
“Balak mo bang patayin ang lalaking yun?” bulyaw ko.
“Kung pwede lang.” tipid nitong sagot.
“My God! Let’s go. Umuwi na tayo.” dismayado kong sabi saka ko siya hinila palabas.