CHAPTER 23 - Stay Away

4242 Words
“Wait… What?!” Bulalas ni Giana,  “May kakambal si Meghan?”   “Shut your mouth Giana. Let her speak.” Inis na saway ni Avery.   “Hindi kami kambal. Niretoke ako ni Dr. Albert para isakatuparan niya ang pagkuha ng yaman nina Stefan. Wala akong choice kundi sundin sya dahil ayokong makulong.” Kwento ko. Kinuwento ko sa kanila mula umpisa at kung paano ako napunta sa sitwasyong ito at kung gaano ko din pinagsisisihan ang mga desisyon ko. Pinilit ko din ang sarili ko na huwag masyadong maging emosyonal dahil masama ito sa aking baby. But… I just can’t… Ang hirap pigilan lalo na kung sobrang sakit nitong puso ko. “He is using you? What the hell!” Bulyaw ni Avery saka straight na ininom ang isang basong tequila.   “Sinasabi ko na nga ba eh! Noon palang wala na akong tiwala dyan kay Dr. Albert na yan.” Gigil na komento ni Giana.   “Same. That’s kind of bullsh*t! He is bullsh*t! Kaya pala ibang iba ka kay Meghan. So what happened to the real Meghan?” tanong ni Avery.   “She's already dead after her accident. Aparato na lang ang bumubuhay sa kanya kaya kinuha iyon na pagkakataon iyon ni Dr. Albert para sa maitim niyang plano. Sinunog nya ang katawan ni Meghan at pinalabas na ako iyon." kwento ko pa. “Screw him! Demonyo sya!” Gigil niyang sabi saka ako niyakap.   “Nandito lang kami for you, Seraphina.” Yakap ni Giana.   Humagulgol ako ng marinig ko na banggitin ni Giana ang pangalan ko. Ang tagal kong hindi narinig iyon. May konting saya dito sa puso ko, kaya pala nila akong intindihan. May nakakaintindi pala sa sitwasyon ko. Ang akala ko ay wala… Ang akala ko ay huhusgahan nila ako.  “Teka lang. Bakit kami lang yata ni Giana ang umiinom?” puna niya ng maka kalahati na sila ng margarita pero ang tequila ay hindi pa masyadong bawas. “I’m pregnant.” “What?” sabay nilang sabi. “Yes. Pero huwag nyo muna ipagsasabi kahit kanino.” babala ko sa kanila. “Fine. But you have to tell Stefan about it.  Malay mo iyan pala ang makapag-ayos sa inyo. Isa pa… Saksi kami sa love story nya kaya masasabi ko na mahal ka ni Stefan. Nasaktan lang yung tao kaya ganun sya sayo.” Wika ni Avery. “Pero ang bilis naman niya akong paltan.” “Eh... baka kasi way lang nya yun para maka cope up sa rejection na ginawa mo. Kahit naman sino mawawasak kung hindian ka sa alok na kasal ng taong pinakamamahal mo without any explanation. Ika nga ni Papa P, I deserve an explanation. I deserve an acceptable reason. I am not siding with him ha. Sobrang nasaktan talaga yun. Alam mo ba na sobrang excited sya sa pagpaplano ng wedding proposal nya sayo, dapat nga mas bongga pa doon ang plano nya kaso masyado siyang na excite at agad agad inexecute yung plano niya kahit hindi organize.” Kwento ni Giana. “Stop blaming her. Wala lang talagang syang choice diba?” Saway ni Avery saka tumingin sa akin, “Ang hirap ng sitwasyon mo. Basta nandito lang kami.” Tumango ako, “Sasabihin ko naman sa kanya ang tungkol sa pagbubuntis ko, hindi pa lang sa ngayon. Inuunahan kasi ako ng takot na kapag nalaman niya ang panloloko na ginawa ko ay kamuhian niya pati ang anak namin. Hindi ko kaya yun. O mas worst, baka kunin nya sa akin ang anak namin. Ikamamatay ko yun.” eksaherada kong sabi. “Ang sakit sa ulo. Wala akong maisip na solusyon kundi sakalin yang si Doktor Albert eh. Nang gigigil ako sa kanya.” maktol ni Giana. “Ganito nalang. Papupuntahin namin dito si Stefan, kunwari lasing ka at nagwawala na dito sa bar tapos ipapasundo ka namin tapos…” nag iisip ito ng sasabihin. “Tapos ano?” tanong ko, “Pero sa tingin ko walang epek yan. Hindi yan pupunta dito. Galit yun sa akin. Tsaka busy yun sa bago nya.” malungkot kong sabi. “Malay mo naman. Tawagan mo si William Giana. Basta umacting ka ha?” ani Avery. Kinuha ni Giana ang cellphone nya sa bag saka kinontak si William. “Ayaw sumagot eh. Ikaw nga.” nakanguso nitong sabi. Kinuha ni Avery ang cellphone niya at agad itong sinagot ni William. “Hayop ka William.” ngutngot ni Giana dahil tawag lang ni Avery ang sinagot nito saka inirapan ang cellphone. “Pwede bang tulungan mo akong papuntahin dito si Stefan? Lasing na kasi si Meghan. Nagwawala na kasi dito sa bar. Hindi na namin maawat ni Giana. Baka kasi mapaano pa ito, madamay pa kami.” ani Avery, “Sige. Thanks.”  Binalik na niya ang cellphone sa bag. “Ano pupunta?” tanong Giana. “Susubukan daw niya.”  Mag-isang oras din kaming naghintay ng tumawag si William para ipaalam na nasa labas na sila. Mabilis na ginulo ng dalawa ang buhok ko. Napasinghap din ako ng bigla nalang akong sabuyan ni Avery ng alak sa damit, ang lamig noon at tumagos sa balat ko. “Sorry. Para magmukhang legit.” Hindi na ako umagal dahil bumukas bigla ang pinto. Nataranta ako ng makita ko na pumasok si Stefan kaya pabagsak kong sinubsob ang mukha ko sa mesa. Medyo malakas yung impact ko kaya ngumibit ako at kagat labi na tiniis ang pagtibok ng noo ko. “Where is she?” malamig na tanong ni Stefan. Mas naamoy ko pa ang alak mula sa damit ko at pakiramdam ko ay umaakyat lahat ng kinain ko.  Shiit!  This pregnancy symptom again! Sinubukan kong pigilan ang masuka pero ng hawakan ni Stefan ang kamay ko para alalayan akong tumayo ay bumilis ang t***k ng puso ko kaya tumunghay ako sa gwapo niyang mukha at pilit pa din na pinigilan ang masuka. “Let’s go. Ihaha-” Hindi ko na napigil kaya naman sumabog ang suka ko sa damit ni Stefan. Mabilis akong tumunghay sa kanya at sumalubong sa akin ang iritado niyang mukha. “S-Sorry.” sambit ko. Taranta kong kinuha ang wipes ko sa bag at pinunasan ang damit niya pero hinawi niya ito. “You’re not drunk.” dismayado niyang sabi na ikinabilog ng mga mata ko. Akmang aalis na si Stefan pero mabilis ko siyang pinigilan hawak sa braso. “Let’s talk. Please?” pag mamakaawa ko. Hinila ni Avery si Giana at William palabas ng Vip room saka nila isinara ang pinto. Huminga ako ng malalim at tumingin sa kanya. “I’m really sorry. Can we please fix this?” Tumawa ito at umatras sa akin. “Just like that? Sinayang mo lang ang lahat! Did you ever love me? O baka naman bumalik na yang alaala mo at gumaganti ka ngayon? Sabagay, You love torturing me.” bakas sa boses niya ang galit. Pumikit ako para pigilan ang umiyak, “Wala akong ibang ginawa kundi mahalin ka, Stefan.” Muli itong tumawa, “I don't believe you!” Asik niya saka sinubukan na kumalma, “Where is that love? Sabihin mo na lang sa akin ang totoo. Bakit? Did you enjoyed the fame being with me?  Namiss mo ba kaya bumabalik ka? Wala ka bang napala kay Rufus?”  Nasaktan ako sa mga paratang niya. Hindi ko akalain na ganito pala kasama ang tingin niya sa akin. Hindi ba kapag mahal mo ang isang tao ay hindi mo ito pag-iisipan ng masama?  “Ang kapal ng mukha mo.” Mahina kong sambit. Nagsimula ng tumulo ang luha ko, “Minahal kita, Stefan. Sobra! Kung pwede ko lang sabihin sayo ang totoo, ginawa ko na! Kung hindi lang ako pinangunahan ng takot ko… Hindi naman kita iiwan dahil mahal na mahal kita!!! Alam kong sukdulan ang galit mo sa akin pero ang unfair naman kung paparatangan mo ako ng kung ano-ano!” Humikbi ako at pinunasan ang mga luha sa aking pisngi, “Kung wala lang akong pamilya na kailangan protektahan ay hindi na kita hahabulin dahil hiyang hiya ako sa ginawa ko sayo!” Hindi sumagot si Stefan. Mas dumilim pa lalo ang mukha nito.  “Pumunta ako dito dahil akala ko ay lasing ka. Pero mukha namang kaya mo pang uminom ng ilang bote. Ellie is waiting for me.” malamig niyang sabi humakbang palapit sa pinto. “I’m pregnant, Stefan.” Lakas loob kong sabi kahit na nanginginig ang boses ko.  Huminto siya at dudang tumingin sa akin. Mula ulo hanggang paa na para bang hinuhusgahan niya ang itsura ko. “Try harder.” inis niyang sagot, “Sobrang galit ako sa ginawa mo pero kahit anong gawin ko sobrang mahal pa din kita. Pero hindi ko hahayaan na gaguhin ako nitong pagmamahal ko sayo. So please, stay away from me.” Pinal niyang sabi saka lumabas ng kwarto. After what he said, I bled an ocean through my eyes. Umupo ako dahil nanlalambot ang buo kong katawan. Pumasok si Giana at Avery sa loob sanhi ng pag-iyak ko pang lalo. “What happened?” tanong ni Giana. “S-Sabi nya layuan ko na daw sya.” Sumbong ko. “Sabi ko na sayo, bad idea eh.” sisi ni Giana kay Avery. “I told him I’m pregnant at hindi sya naniniwala.”  “What?!” bulyaw ni Avery, “Akala ko ba hindi mo muna sasabihin? Of course he won’t believe you kung iniisip niyang uminom ka ng alak tapos ay sumuka ka pa.” sermon niya. “Nabigla kasi ako ng banggitin niya ang pangalan ng bago niyang karelasyon.” iyak ko. Huminga ng malalim si Avery, “I will talk to him.” akma itong aalis pero pinigilan ko. “Huwag na. Sarado na ang puso niya sa akin.” masakit kong sabi. “No! You have to try again. Huwag kang sumuko. Hahayaan mo bang walang ama yang baby nyo? Hindi ako papayag!” Angil niya. “Hayaan na muna natin sya.” malungkot kong sagot at humikbi pa.  Hinagod ni Giana ang likod ko, “Stop crying, Phina. Masama yan para sa baby. Baka kailangan lang siguro ni Stefan ng oras para makapag-isip, maaaring sa ngayon ay galit pa talaga siya sayo at sarado pa ang utak pero kapag natauhan naman yun ay baka pakinggan kana niya.”  Tumango ako at niyakap si Giana. Hindi dapat ako mawalan ng pag-asa. Kailangan ko itong gawin hindi lang para sa akin at sa baby namin kundi para sa buhay ni Jayjay at ng iba ko pang mahal sa buhay. Lulunukin ko ang natitira ko pang pride kung kinakailangan. --- Kung hindi pa ako uminom ng sleeping pills ay hindi ako makakatulog kakaisip sa mga sinabi ni Stefan sa akin kanina. Paulit ulit iyong rumihistro sa utak ko at paulit ulit ko ding sinasaktan ang sarili ko kaka imagine kay Stefan at sa bago niyang girlfriend na si Ellie. “Anak, okay ka lang ba?” alalang tanong ni Mommy ng sundan niya ako sa CR dahil sa aking morning sickness.  Tumingin ako sa kanya at ngumiti. “Opo.” “Tell me the truth, are you… Pregnant?” kinakabahan na tanong ni Mommy pero mas naging kabado pa ako sa kanya. Lumunok ako at muling ngumiti. “Hindi po. H-Hang over lang po ito.” palusot ko. “Are you sure? Nadadalas kasi.” duda nitong sagot. “Nadadalas din po kasi ang hangout namin ng mga kaibigan ko.”  “I see… Hinay-hinay lang anak. Alam kong may pinagdadaanan ka but please… alagaan mo pa din ang sarili mo ha?” paalala ni Mommy saka ako niyakap. Bumuga ako ng malalim na hininga ng sa tingin ko ay naniwala naman siya sa palusot ko. Pagkatapos mag agahan ay natungo na ako sa opisina para gawin ang aking trabaho. Mabuti nalang at walang asungot na si Rufus, kahit papaano ay peaceful ang maghapon ko.  Hindi pa din talaga mawala sa isip ko na hindi naniniwala sa akin si Stefan na buntis ako. Parang kailan lang gustong gusto niyang magkababy na kami tapos ngayon na meron na ay hindi naman niya ako pinaniniwalaan. Ang sakit! Tagos na tagos hanggang kaluluwa ko ang sakit.  Hindi ko siya pipilitin sa ngayon. Kailangan ko nalang muna sigurong kunin muli ang tiwala niya alang alang kay Jayjay. Gagawin ko ang lahat kahit magmukha pa akong tanga.  Pauwi na ako ng mamataan ko si Tristan na kausap ang head ng aming logistic department. Tipid niya akong nginitian ng mag-tama ang mga mata namin. Nilampasan ko siya pero huminto din ako ng nahagip ng mata ko ang hawak niyang envelop na may logo ng Escajeda Corp. Umatras ako para titigan pa ito. Mukha siyang invitation. Para saan naman? Walang nababanggit sa akin si Dok Albert pati na din si Avery. “Excuse me.” agaw ko sa atensyon ni Tristan. Sumulyap siya sa akin saglit at nagpaalam sa kausap saka lumapit sa akin “Yes, Ms. Meghan?” tanong niya. Nanatili ang mga mata ko sa hawak niyang invitation. “Uhmmm… Invitation ba yan?” curious kong tanong. Bahagya niyang tinaas ang kamay saka ipinakita sa akin. “Yes. Opening ng first franchise western mall under Escajeda Corporation bukas, ngayon ko lang kasi natanggap. Did they invite you?” pormal niyang sagot. “Talaga? H-Hindi eh.” “May ilang invitations kasi ang delay na dumating gaya nito.”  “I don’t think so.” inis kong sabi. Malamang hindi ako invited ni Stefan. Pero bakit hindi ito alam ni Avery? Huminga ako ng malalim at tumingin kay Tristan, “Pwede ba akong sumama sayo dyan sa opening?” kinapalan ko na ang mukha ko. Ngumisi si Tristan, “Are you sure?”  “Oo naman. K-Kung okay lang sayo.” ilang akong umiwas ng tingin sa mapungay niyang mata. “Fine. Then you’ll be my date tomorrow?” “Yes.” sagot ko at pilit na ngumiti, “Why not?”  “Okay. I’ll pick you up tomorrow.” “Sure. Pwede ko bang malaman kung ano ang attire bukas at anong oras?” “Festive attire. 9am at the Grove Skydome.”  “Noted. Thank you Tristan. Maiwan na kita, may pupuntahan pa kasi ako. See you tomorrow.” I said kahit wala naman talaga akong pupuntahan na. “Yeah. Sure.” tipid niyang sagot. Binigyan niya ako ng tipid na ngiti. Ngiting suplado, kung hindi lang siguro ako anak ng may ari nitong kumpanyang ay malabo niya akong pansinin. Pagkauwi ko ng bahay ay tumingin agad ako ng pinaka sexy na dress na pwede kong suotin bukas. Pwede bang ako lang ang masaktan dahil sa selos bukas. Dapat si Stefan din… pero sana nga magselos siya. 7am palang ay gising na ako. Hindi naman sa excited ako. Ang totoo nga kinakabahan ako kung anong mangyayari. Kung panibago bang kabiguan ang matatamo ko o baka this time makinig na siya sa akin. Ka-video call ko kanina si Sidney para magpa turo sa kanya mag makeup. 9am din kasi ang klase niya sa cosmetology kaya hindi ko na din siya inabala pang pumunta dito para ayusan ako. Nakaya ko naman pati na ang kulutin ang sarili kong buhok ay maayos ko naman na nagawa. “Ma’am Meghan. Nandyan na po sa ibaba si Sir Tristan.” Sabi ni Sanya. Tumingin ako sa kanya ng damputin ko ang aking clutch bag saka ngumiti. “How do I look?”  “Ma’am Meghan. Kahit po saang angulo napaka ganda ninyo. Kahit nga po bagong gising mahihiya ang nagmamaganda sa iyong kagandahan. Tutulo pa ang laway ng mga lalaki sa kasexyhan nyo.” Sagot niya. Humalakhak ako saka naglakad palapit sa kanya. “Thanks kahit ang lakas mong mangbola.” I said saka lumabas na. Kitang kita ko sa mga mata ni Tristan ang paghanga sa akin kahit hindi niya ito ipahalata.  “Let’s go?” yaya niya. Ngumiti ako at umangkla sa braso niya. Hindi ko inaasahan na ganito pala magiging opening ng mall na ito. May mga media pa talaga sa entrada ng mall para kuhanan ng picture ang bawat bisita na dumarating. Nilibot ko ng tanaw ang loob ng skydome. Napupuno ito ng bulaklak sa loob. Una kong hinanap si Stefan pero wala pa yata sila dito.  “I know you are here for Stefan.” mahinang sabi ni Tristan ng makaupo kami sa upuan na para sa amin. “It’s okay. I am here for my ex too.” “Sinong ex?” tanong ko. “Stefan’s new girl. Elizabeth Huevos.” Nanlaki ang mata ko ng malaman na ex pala niya iyong Ellie. Inilapit ko ang mukha ko sa kanya para walang makarinig sa aking sasabihi. “So… Nandito ka para pagselosin sya?”  Ngumisi ito, “Honestly, Yes. Hindi naman ako pupunta dito kung hindi kita kasama. Isn't it weird?” mahina itong tumawa. Pilit naman akong tumawa. Ang weird nga dahil parang nagpalit lang kami ng partner pero sa isang banda okay na din iyon dahil iisa lang ang rason namin sa pagpunta dito. “We can be a good team.” wika ko at ngumiti sa kanya, “Are you ready?”  “I’m always ready, Meghan. Mahal ko si Ellie kaya hindi ako papayag na mapunta siya sa iba.” sagot niya. Nakakainggit. Sana sinabi din yan ni Stefan para sa akin. Mapanakit ka Tristan! Mapapa sana all ka nalang talaga. “Bakit ba kayo nag break?” curious kong tanong. “I choose our company over her. We already plan traveling different countries pero hindi natuloy ng nagkasakit si Daddy. Bilang panganay, I need to manage the company dahil wala namang aasahan sa dalawa ko pang kapatid.” Kwento nito.  I scoffed at umiling, “Ang babaw.”  “Exactly.” “Mahal ka ba talaga nun?” duda kong sabi. “Yes. Magulo lang siguro ang isip niya kaya gumaganti siya sa paraang alam niyang masasaktan ako.”  Ako din nasasaktan. Sana all talaga. Ngumuso ako at umirap, “Nakaka inggit si Ellie.” Buntong hininga ko, “Sana ganyan din mag-isip si Stefan.” maktol ko. Ngumisi ito. “Bakit mo ba tinanggihan ang alok niyang kasal?” Kumunot ang noo ko dahil pati pala iyon ay alam niya.  “Complicated. Don’t worry, ikukwento ko sayo kapag pwede na.” wala kong ganang sagot. “You’re being unfair.” reklamo niya.  “Promise. Huwag muna ngayon. Basta matindi akong dahilan ko at hindi kasing babaw ng sa ex mong pinagpala sa babaeng lahat.” Humalakhak ito saka umiling. Sumulyap siya sa entrada ng skydome na nasa bandang likuran ko saka niya hinila ang upuan ko palapit sa kanya at inakbayan ako. “They are here.” bulong niya. Kinabahan naman ako bigla. Nagpapanic ang buong sistema ko. Kagabi ko pa iniisip ang magiging reaksyon ni Stefan kapag nakita niya akong mag kasama ding iba.  Pareho sila ni Ellie. Gumaganti siya sa paraan na masasaktan talaga ako.  Tumunog ang alarm ng cellphone ko kaya kinuha ko ito sa aking bag para patayin. Pinapanood naman ni Tristan ang bawat kilos ko. Oras na para inumin ko ang aking mga gamot sa pagbubuntis. “Kukuha lang ako ng tubig.” paalam ko. “Ako na.”  “Hindi, wag na. Pupunta din naman ako sa CR pagkatapos.” tanggi ko saka tumayo patungo sa buffet area para humingi ng tubig. Sunod sunod kong ininom ang mga gamot ko. Huminga muna ako ng malalim ng maglakad ako para pumunta sa CR. “Sorry.” Paumanhin ko sa nakabanggan ko. To my surprise… Si Ellie pala iyon. “Oh! Look who's here.” Bakas sa boses niya ang pagka-irita. Noong una ko siyang makita sa condo ni Stefan ay napaka bait niya pero ngayon parang nag-iba.  She sounds like she’s not happy to see me. Not happy to see me with Tristan o dahil alam niyang si Stefan ang pakay ko dito?  Inirapan niya ako at binangga ng lampasan niya ako. “Who do you actually think you are? Huh?” ganti ko sa irritable ding boses. Tumigil siya at muling humarap sa akin. “Oh…  Meghan.” pang-uuyam niya, Pinagtaasan pa ako ng kilay, “He doesn't love you anymore. Tigilan mo na ang paghahabol sa kanya.”  Hindi ko nagustuhan ang tabas ng dila ng babaeng ito. Ang sarap sabunutan! “Talaga? Eh si Tristan ba mahal ka pa?” ganti ko. Sumimangot ito. “Ako na ang mahal nya. Magsama kayo ni Tristan! Both losers!” Asik niya. Ngumisi ako.  “Really?” Pinipigilan ko ang huwag mapikon sa babaeng ito. Halata naman na nainis siya ng banggitin ko ang ex nya. “Bakit hindi mo itanong sa kanya? Siguraduhin mong handa ka sa isasagot nya sayo.” “Shut up!” pikon kong sabi. “You just used him at ng wala ka ng mapala ay bigla mo nalang iniwan. Tapos ngayon maghahabol ka na parang walang nangyari? Ano ang tingin mo kay Stefan, laruan na kapag sumawa ka na ay iiwan mo at babalikan nalang kung kailan mo gusto?” I clenched my jaw and my fist. Huminga ako ng malalim para kumalma.  Hindi ko kaya! T@ngina! “Hindi yan totoo! May dahilan ako kung bakit ko ginawa yon!” bulyaw ko sa kanya.   “Like what?” Nanlamig ako sa boses ni Stefan mula sa aking likod, “Tell me what was your reason? Siguraduhin mong kapanipaniwala yan.” Dugtong niya. Lumunok ako. Daig ko pa ang naging yelo dahil hindi ko na magawang makapagsalita ulit.   “See? Let's not waste our time with her, babe.” sabi ni Ellie saka ito umalis. Humarap ako kay Stefan. Nakita ko naman si Tristan na nasa likod ni Stefan. Kaya siguro nag walkout si Ellie. Masamang pinagmasdan ni Stefan ang suot ko. Kung nakamamatay lang ang mga tingin baka kanina pa akong walang buhay.  Yumuko ako. “Kapag sinabi ko ba ang totoo sayo maniniwala ka?” Pigil kong iyak, “Pakikinggan mo ba ako? Kaya mo bang tanggapin ang katotohanan? Mamahalin mo na ba ulit ako? Kasi kung hindi…  Kung hindi…  Mas magandang huwag mo na lang malaman.” Tuluyan ng tumulo ang luha ko.   “Don’t make me hate you.”  Bumuhos pang lalo ang luha ko. Iyon nalang kasi ang tanging paraan ko kung paano sagutin ang huli niyang sinabi.  “Manhid ka ba? Hindi mo ba nakikita na may iba na ako.” dagdag niya.   “O-Okay lang kung may iba kana. Makita lang kitang masaya kahit nasasaktan ako... masaya ako para sayo. Don't worry…  Darating din yung araw na magsasawa akong habulin ka at gaya mo…  Makakahanap din ako ng taong magpapasaya sa akin. Malay mo si Tristan na pala yun?” Hikbi ko. I wiped my tears using the back of my hand, “Sa ngayon, pagtiisan mo muna ang presensya ko. Hindi ko pa kasi kaya.” I bit my lower lips saka mapait na tumawa, “S-Sige, maiwan na muna kita.” I said at naglakad palayo. Palabas ng Skydome.  Sana kaya kong pawiin ang sakit dito sa puso ko gaya ng kung paano ko pawiin ang mga luha na umaagos sa aking mga mata. Nasa labas na ako ng may pumigil sa akin. Buong akala ko ay si Stefan iyon pero haplos palang ng kamay niya sa braso ko ay alam kong hindi siya iyon.  Hinila ako ni Tristan at niyakap. Ang gusto ko lang gawin ngayon ay ang sumigaw at umiyak. Gusto kong ilabas ang lahat ng sakit dito sa puso ko dahil para na akong pinapatay nito ng dahan-dahan. Hanggang sa loob ng sasakyan ni Tristan ay umiiyak pa din ako. Ganito ba kapag buntis? Triple ang pagiging emosyonal? Hirap na hirap na ako.  “Pwede mo ba akong ihatid sa condo ng kaibigan ko?” tanong ko kay Tristan saka ipinakita ang tinext na address ni Avery. Tumango lang siya bilang sagot. Masyadong tahimik dito kaya binuksan ko ang kanyang audio. Paubaya ang nagplay. “Pati ba naman music sa kotse mo gusto akong saktan.” iyak ko kaya pinatay ito ni Tristan. “I’m sorry.” tangi nalang nasabi ni Tristan habang nagmamaneho ng sasakyan. Pinagbuksan agad ako ni Avery ng mag doorbell ako. Humagulgol agad ako ng makita ko siya saka o siya niyakap. “What happened?” tanong niya.   “Si Phina na ba yan?” Tanong ni Giana. Naiiyak itong tumingin sa akin at sumali sa yakapan namin ni Avery. “Anong nangyari?” Pinapasok nila sa loob.  “Hindi na ako mahal ni Stefan. Ayaw na niya sa akin.”    “What?! Gago sya!” Bulyaw ni Avery.   “Ayaw na nya sa akin. Ang s-sakit ng mga sinabi nya sa akin kanina. Hindi ko kaya. Ang sakit!” Suminga ako sa tissue na inabot sa akin ni Giana. Hinagod naman ni Avery ang likod ko.  “Sige. Ilabas mo. lang yan. Umiyak ka. Huwag kang mahiya.” comfort ni Giana.   “Anong gagawin ko? Hindi ko kayang mawala si Stefan. Hindi ko din kaya na mawala si Jayjay. Kapatid ko sya!”    “Phina, take it easy.” sabi ni Giana.   “Anong take it easy? Easy? Baka take it hard! Hayaan mo. Pag planuhan natin ang dapat gawin. We have to do something. Kaibigan mo kami kaya tutulungan ka namin whatever it takes.” Sabi naman ni Avery na naiinis na, kung bakit ay hindi ko alam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD