CHAPTER 24 - Grief

4013 Words
Nagising ako sa tawa ni Giana. Nakatulog pala ako pagkatapos kong umiyak at magdrama sa mga kaibigan ko. Bumangon ako sa kama at naupo. Ala sais na ng gabi. “Buti gising kana, buntis. Check mo itong trending post.” sabi sa akin ni Giana. Sinilip ko ang cellphone ni Giana at post iyon sa opening ng mall na pinuntahan ko kanina. Bidang bida kasi kami ni Tristan at sumunod noon ay picture naman nina Stefan. May pinakita din sa akin si Avery. Mula sa isang celebrity scoop ang post at ayon sa balita ay ‘Swap Partner’ daw. Umirap ako. “Bakit hindi mo sinabi sa akin ang tungkol sa opening na yan?” tanong ko kay Avery. “Honestly, hindi ko din talaga alam. Baka hindi nila pinarating sa akin.” Sagot niya. “So anong nakakatawa?” baling ko naman kay Giana. “Eh kasi sa comment section, mas bet nila si Tristan para sayo.” “Oo, tapos gumawa pa yan ng fake account at nakisali sa comment section. Kalokahan ng babaeng yan, inedit ang picture nyo ni Tristan na naka swimsuit at pinost sa comment section. Baliw!” Tawang sumbong ni Avery. Malakas na tumawa si Giana ng tingnan ko ito ng masama. “Anong trip mo?” “Chill. Pwede bang ikaw lang ang nasasaktan kakaselos? Humanda sa akin ang Stefan na yan.” sagot niya at tumawa. “True!” sang ayon ni Avery. Inirapan ko sila at binuksan ang aking social media. Shiiit! Sasabog ang notif ko. Isa isa ko itong tiningnan hanggang sa hindi ko na din namalayan na tumatawa ako sa mga comment ng mga taong hindi ko naman kilala. Nahampas ko tuloy ang likod ni Giana. “Tawang tawa?” “Sabi kasi nitong isa… Itabi mo Meghan, ako na.” natatawa kong sabi. “Galing mo mag edit ha? Parang totoo.” “Syempre, ako pa ba?” proud na sabi ni Giana. “Look, nagpost si Tristan.” sabat ni Avery saka tumayo mula sa computer chair niya at tumabi sa amin ni Giana sa kama. “Hindi ba yan yung bagong open na restobar sa tapat?” dagdag pa niya. “Para nga.” sabi ni Giana na nakatitig pa din ngayon sa cellphone ni Avery. “Tara? Asarin natin lalo ang mga ex nyo. Lintik lang ang walang ganti.” tawang sabi ni Avery. Umiling ako dahil wala din namang kwenta. Hindi nga nagselos kanina. “Don’t say no. Dyan lang yan sa baba. Magsuot ka ng sexy.” tumayo si Avery at kumuha ng mga damit sa closet nya. “Gusto ko yaaaarn!” tili ni Giana. Wala akong nagawa kundi pumayag nalang sa trip nila kahit alam ko naman na walang effect iyon. Sinuot ko ang backless dress ni Avery. Hindi ko alam na may ganito syang dress, para akong suman dito. Pagpasok namin sa restobar ay sinalubong agad kami ng mga mapagmatyag na mata ng kumpol ng kalalakihan. “Kapag sinuswerte ka nga naman.” bulong ni Giana sabay turo sa table nina Tristan at kasama niya ang mga kapatid niya. Hinila ako ng dalawa at doon kami umupo sa katapat nilang table. “Nakakahiya.” bulong ko sa dalawa. “Ano ka ba. Kami ang bahala.” Tumayo si Avery at naglakad tapos ay tumigil sa gilid ng table nina Tristan saka humarap sa amin. “Meghan, ano nga yung request mo?” malakas niyang tawag sa akin. Lumingon ako kay Avery at hilaw na ngumiti, “Ahmmm… I want pineapple juice.” sagot ko. “Hi Meghan.” kaway na bati ni Simon. Tumingin si Avery kay Simon tapos kay Tristan. “Hindi ba ikaw yung kasama ni Meghan kanina?” tanong ni Avery. Tumunghay si Tristan at tipid na tumawa, “Yes.” “I see. Kayo lang ba? We can join tables, tutal kami lang din naman.” alok ni Avery. “Yeah sure.” si Jake ang sumagot. “Cool. Follow up ko lang yung order namin.” sabi ni Avery saka umalis. Gaya ng alok ni Avery ay pinagdikit nina Simon at Jake ang table namin sa kanila. Uupo sana ako sa tabi ni Giana ng bahagya niya akong inipod sa upuan na katabi ni Tristan. Ngiting aso na lang ang nagawa ko bilang reaksyon. “How are you?” tanong ni Tristan. Pumaling ako sa kanya at ngumiti. “O-Okay pa naman ako.” He smirked tapos ay uminom ng beer. “Ikaw ba?” balik kong tanong sa kanya. Napalingon ako kay Giana at nakahawak ito sa kanyang cellphone. Malakas ang kutob ko na pinipicturan niya kami. “Same.” tipid niyang sagot. “Kailan pa kayo naging close?” mapanuring tanong ni Jake. Sabay kaming tumingin sa kanya. “Kanina lang.” si Tristan ang sumagot. “Are we missing something?” sabat ni Simon. “Shut up bro.” Hilaw akong ngumiti sa dalawa, buti nalang at dumating na si Avery. Umupo ito sa tabi ni Simon. Tumawag naman si Giana ng waiter. “Can you take us a picture?” tanong niya tapos ay tumingin sa salvador brothers, “Okay lang?” “Sure.” sagot ni Simon. Pinausod pa akong lalo ni Giana para daw kita sya sa camera kaya halos sumandal na ako kay Tristan. Pangiti-ngiti pa si Giana habang busy sa kanyang cellphone. Tawa naman ng tawa si Avery ng magbukas din ito ng cellphone. Sa sobrang curious ko ay tinignan ko na din ang cellphone ko. So… ayun na nga. Nag upload siya ng mga picture namin at mas madami ang stolen shots namin ni Tristan tapos si Avery at Simon na nagbibiruan kanina ay hindi din nakaligtas sa kanya. Nang magkayayaan umuwi ay pinilit nila akong ipahatid kay Tristan dahil delikado daw kung mag tataxi pa. Napapailing nalang ako sa mga kalokohan nila. Pagdating namin sa bahay ay agad kong namataan ang pamilyar na kotse sa harap ng bahay. Sasakyan iyon ni Stefan. Ano naman kaya ang ginagawa niya dito? Bumaba si Tristan at pinagbuksan ako ng pinto. Ngumiti ako sa kanya at nagpasalamat. “Thanks Tristan. Pasensya na sa mga makukulit kong kaibigan.” “It’s okay. Good night Meghan.” Aniya at ginulo ang buhok ko, “Don’t be hard to yourself, okay?” Ngumiti ako at tumango sa kanya, “Salamat. Ikaw din.” tumawa kami pareho. Nagpaalam na si Tristan. Muli akong lumingon sa kotse ni Stefan. Tinted kaya hindi ko alam kung may tao ba sa loob o wala. O baka nasa loob sya ng bahay? Nagmamadali akong pumasok sa loob, mabuti nalang at palabas si Sanya bitbit ang mga basura. “Nasa loob ba si Stefan?” “Wala po ma’am. Bakit po?” “W-Wala.” agad kong sagot saka tumakbo palabas ng gate. Too late dahil nakaadar na palayo ang sasakyan nya. Nalungkot ako kasi hindi man lang siya bumaba para kausapin ako. Kung alam ko lang na nandun sya sa loob kanina. Malungkot akong pumasok ng bahay. Wala din akong natanggap na text o tawag mula sa kanya. Bakit kaya siya nagpunta dito? ---- Maagang gumising sa akin ang tawag ni Dok Albert. Inaapura ako na gawan ko na ng paraan ang balikan si Stefan dahil nawawalan na daw sya ng pasensya sa akin. Dinala na daw kasi ni Stefan si Ellie sa family dinner nila. Ang aga ko din nag agahan ng sermon at mura mula sa kanya. Pinakilala na ni Stefan si Ellie sa angkan nya. Seryoso na talaga sya? Ang sakit naman. Aminado naman akong kasalanan ko ang lahat pero masisisi ba nila ako? Hindi ko kayang lokohin si Stefan habang buhay pero hindi pa din na aalis sa puso ko ang magtampo sa kanya dahil hindi niya ako pinaniniwalaan na buntis ako. Ang dami dami ko ng iniisip, kung hindi ko lalakasan ang loob ko baka mabaliw ako. “Uuwi ka na ba, anak?” untag sa akin ni Daddy. Hindi ko namalayan ang pagpasok niya sa opisina ko. Tumingin ako sa kanya at matamis na ngumiti saka ko siya sinalubong ng yakap. “Tapos na po ba ang meeting nyo?” “Oo. Dumaan ako dito dahil baka pauwi ka na din. Ang mommy mo daw ang magluluto ng hapunan mamaya.” imporma niya. “May okasyon po ba?” “Wala naman. Gusto nya lang daw tayo ipagluto kaya maaga akong umuwi. Sasabay kana ba?” lambing nitong sagot. “Walang nabanggit sa akin si Mommy. Spoiler kayo daddy. Baka mamaya nyan gusto pala niya akong isurprise.” Biro ko kay Dad. Malakas naman itong tumawa. “Oo nga no? Naku! Lagot ako nito sa mommy mo. Magkunwari ka nalang na walang alam.” tawa niyang sagot. Tumawa din naman ako saka kumalas sa kanya para ihanda ang gamit ko. Habang byahe kami pauwi ay nag chat sa akin si Avery: Girl, nandito sa Escajeda ang new Jowa ni Stefan. Nagmamaganda! I replied: Talaga? Balita ko ng pinakilala na sya ni Stefan sa angkan niya. Sunod sunod pa na crying emoji ang pinasa ko. Avery: Bitawan mo na Phina. Nahihirapan kana eh. Hindi mo na kaya. Baka makasama sa baby mo. Magsisisi din yan kapag nalaman niyang buntis ka talaga. Kung ako sayo hindi ko ipapakita ang bata! Mapait akong ngumiti: Kaya ko pa. Avery: Hanggang kailan? Ako: Hanggang kaya ko. Tumingala ako para pigilan ang luha ko na bumagsak.Saka sinundan ang reply ko kay Avery. Ako: Kakayanin ko. Malakas kaya ako. Tumingin ako sa bintana ng maramdaman ko ang mainit na likido sa aking pisngi na agad kong pinunasan. “Are you okay, anak?” “I’m okay, Dad.” mapait kong sagot saka yumakap sa kanya, “Okay lang po ako.” hagulgol ko. “Anak, if it is still about Stefan…” huminga ito ng malalim at hinalikan ako sa ulo, “Trusting him was the biggest mistake I ever made. Kung alam ko lang na masasaktan ka ng ganyan dahil sa kanya.” Hindi na ako sumagot. Pinilit kong tumahan agad dahil ayokong magalit sila kay Stefan. Tumingin ako kay Dad at pinilit na ngumiti. “Dad, promise okay lang po ako. Huwag po kayong magalit kay Stefan.” Hinaplos niya ang mukha ko at mapait na ngumiti. Wala man siyang sabihin ay kita ko sa mga mata niya na nasasaktan din siya para sa akin. Tinitigan niya ako ng punong puno ng pagmamahal na hindi ko kayang tagalan dahil ang sakit sa puso. Tingnan pa kaya niya ako ng ganoon kapag nalaman niya ang totoo at kung sino ako? Magkasunod kami ni Daddy na pumasok sa bahay. Malayo palang ako ay rinig ko na ang pamilyar na boses kaya naman laking gulat ko ng makita ko sa salas kung sino ang kausap ni Mommy. “Hi Meghan. Hello Tito Elmiro.” Bati sa akin ni Flora. Ngumit naman sa akin si Shandra. Kinakabahan akong tumingin kay Mommy. Sinabi kaya nila na buntis ako? “Mabuti naman at maaga kayong umuwi. Dinalaw ka ng mga kaibigan mo. Inalok ko na din sila na dito na maghapunan.” sabi ni Mommy. Naupo ako sa tabi ni Mommy pero tumayo naman siya para tulungan si Daddy na hubarin ang coat niya. “Aw! What a lovely couple.” kinikilig na sabi ni Flora. “I wish I can find a man like Tito Elmiro, yung hindi ka ipagpapalit.” segunda ni Shandra saka tumingin sa akin, “Diba, Meghan? Loyalty is very rare nowadays.” dagdag pa niya. Tumawa ang mag asawang mercedez, “Kaya kayo mga hija, piliin nyo talagang mabuti ang pag-aalayan nyo ng pagmamahal. Huwag padalos dalos.” sagot ni Mommy. “I agree with you Tita.” Sang ayon ni Shandra at muling tumingin sa akin na para bang nang aasar ito. Sa kanya pa talaga nang galing ang salitang loyalty? “Oo nga po Tita. Yung tipong akala mo loyal sya sayo, iyon pala ang bilis ka lang palang pinagpalit.” segunda naman ni Flora. Hindi ko alam kung pumunta lang ba sila dito para asarin ako. Ngumisi ako at tumango, “True. Yung akala mo kaibigan mo pa sila pero tinatraydor ka na pala? Hindi lang kasi sa love rare ang loyalty, sa friendship din super rare na. Diba girls?” ganti kong sabi. Ngumiti ang dalawa saka pasimpleng umirap sa akin. “I know. Noong kaedaran no ako, napakarami ko ding naging plastic na kaibigan.” “Really? Anong ginawa mo sa mga plastic friends mo, Mommy?” curious kong tanong. “I burned all my bridges. I was literally alone, depressed and still didn't know what I wanted in life at the age of 29 until I met my husband. There is a saying that pure gold is virtually indestructible and it will not burn. Kapag hindi ka nasunog sa tulay na sinunog ko, you are a real gold. So that is why I only have a very small circle of friends.” kwento ni Mommy, “Maiwan ko muna kayo ha? Kailangan ko ng pumunta sa kusina. Dito na kayo kumain Shandra at Flora?” “Sure, Tita.” seryosong sagot ni Shandra. Naiwan kaming tatlo sa salas, duda akong tumingin sa kanila. “Hindi pala alam ni Tita na buntis ka? For sure, hindi si Stefan ang ama nyan kaya hindi ka pumayag sa alok niyang kasal. Biruin mo yun? May konsensya ka pala?” pang aasar nito. Mabilis na kumalabog ang dibdib ko at tiningnan ang paligid dahil baka may nakarinig sa kanya saka ako matalim siyang binalingan. “Natatakot ka bang may makarinig? So sino ang ama nyan? Hindi mo alam no? Halipar0t ka kasi.” dagdag ni Shandra. Tumawa naman si Flora. “Get out of my house!” gigil kong utos sa kanila sa mababang boses, “Habang may natitira pa akong awa sa inyong dalawa.” banta ko. Tinawanan lang nila ako. “OMG! I’m scared, Shandra.” Pang-uuyam ni Flora. “Gusto ko pang matikman ang niluto ni Tita for us habang binabalita ko sa kanila na magkakaroon na sila ng apo. Kawawang bata, hindi kilala kung sino ba sa mga lalaki ng ina nya ang kanyang tunay na ama.” sagot ni Shandra saka muling humalakhak. Hindi ko na makontrol ang aking sarili. Sumugod ako sa kanya para sampalin ito pero hindi natuloy dahil sa boses ni Sanya. Nanatiling nasa ere ang kamay ko at nanlilisik ang mga matang nakatitig kay Shandra. Nagpipigil na umiyak. “Ito na po ang tsaa nyo mga madam.” ani Sanya. Dahan dahan kong binaba ang kamay ko at saka huminga ng malalim. Lumingon ako kay Sanya at ngumiti. “Salamat Sanya, Pwede ka ng umalis. Tulungan mo nalang si Mommy sa kusina.” Utos ko. Bumalik ako sa aking kinauupuan saka kumuha ng isang baso ng tsaa. “Sige po. Kapag may kailangan kayo, tawagin nyo lang ako.” paalam ni sanya saka umalis. “I’m curious, anong naging reaksyon ni Ste-” “Don’t you dare talk again kung ayaw mong ibuhos ko itong mainit na tsaa sa mukha mo.” banta ko sa sasabihin ni Shandra. Tumigil ito at ngumisi. Umirap ako sa kanya saka humigop ng tsaa. Baka sakaling mapakalma ako nito dahil sa totoo lang kanina pa akong nang gigigil sa kanilang dalawa! Habang nauubos ko ang tsaa ay magkakaibang kirot akong nararamdaman sa aking puson. Noong una ay akala ko dahil lang ito sa galit ko sa dalawang babaeng nasa harapan ko pero mas tumitindi ang sakit sa tuwing humihigop ako ng tsaa hanggang sa ilapag ko ang tasa sa lamesita at huminga ng malalim hawak ang aking puson. Mas lumala ang pagkirot ng puson ko. Para itong humihilab at sa tuwing titindi ang sakit ay nanlalambot ako. Tumulo ang malamig kong pawis mula sa aking noo hanggang sa namimilipit na ako sa sakit. “What’s wrong?” takang tanong ni Flora, “OMG! She’s bleeding, Shandra. May dugo!” Kinabahan ako ng sabihin ni Flora na may dugong lumabas mula sa akin, kinapa ko ang hita ko at ng tingnan ko ang aking daliri ay meron nga. Nahiyaw nalang ako sa takot habang si Flora naman ay nagpanic at tumakbo papunta sa kusina. Lumapit sa akin si Shandra at ngumisi. “Masakit ba? Don’t worry, I know how it feels. Ngayon naman it’s your turn. Damhin mo kung gaano kasakit ang mawalan ng anak.” Mariin nitong sabi. Binalot ako ng takot sa aking puso sa mga sinabi niya, hindi ko kinaya kaya naman nawalan na ako ng malay. Nagising akong hawak hawak ang tyan ko. Feeling ko may kulang sa akin kahit masakit ang katawan ko ay bumangon ako at naupo sa kama. Halos takbuhin naman ng mga magulang ko ang aking kama para yakapin ako. “We are so sorry, anak.” iyak ni mommy. “What do you mean? Yung baby ko? Okay lang sya diba? Nasa tyan ko pa sya?” naguguluhan kong tanong. Mas lalong umiyak ang mag asawang mercedez at paulit ulit na nag sorry sa akin. “Dad? Buhay pa ang baby ko diba?” iyak kong paling kay Daddy. Humagulgol ito at tumingala sa kisame saka malungkot na tumingin sa akin. “We tried to save our apo. Pero it’s too late. I’m really sorry anak.” Tumigil ang mundo ko sa sagot ni Daddy. Unti unting kumuyom ang mga kamay ko at malakas na umiyak. Ni hindi ko man lang nakita o na karga ang anak ko? Wala akong magawa kundi mag wala at umiyak hanggang sa mapagod ako at maging manhid kahit saglit sa sakit na nararamdaman ko. I am physically and emotionally drained and tired. Mas higit pa sa lungkot itong nararamdaman ko na pati buong katawan ko ay naapektuhan. May mas sasakit pa pala itong puso ko. May mas iwawasak pa pala ito? Wasak ng pinong pino. Ang sakit sakit! Sa sobrang sakit ay wala ng luha na lumalabas sa mga mata ko. Kasabay ng pagkaubos ng luha ko ay ang pag usbong ng galit at poot dito sa puso ko. “Anak, we tried to call Stefan pero hindi sya sumasagot.” sabi ni Mommy. “Then stop calling him. Huwag nyo na din ipaalam sa kanya ang nangyari.” malamig kong sagot. “Pero anak-” “Bakit? May magagawa pa ba siya kapag nalaman nyang may anak kami? Maibabalik ba niya ang buhay ng anak ko? Hindi naman diba?!” Asik ko, “Kung sana lang ay naniwala siya sa akin noon hindi mangyayari ito! Hindi sana maipananakot sa akin ni Shandra ang iparating sa inyo na buntis ako! Hindi sana namatay ang anak ko! Buhay pa sana sya! Nasa tyan ko pa sana sya! I am a failure mother! Hindi ko man lang sya naprotektahan. Hindi ko man lang siya nakita. Hindi ko man lang siya nahawakan! Kaya sabihin nyo sa akin kung may magagawa ba si Stefan kung malaman niya na totoong buntis ako?!” sigaw ko sa kanila. “Kaya nya bang alisin ang sakit dito sa puso ko? Kaya nya bang ibalik ang buhay ng anak ko?!” Hindi na nakapagsalita si Mommy. Tanging pag-iyak na lang ang naisagot niya sa akin saka ako niyakap. --- Madilim na ng muli akong magising. Natutulog si Mommy sa recliner habang si Daddy naman ay sa sofa. Matagal ko silang pinanood matulog. Kung ang pagkamatay ng anak ko ang naging karma ko, then I need to end this. I have to stop living as their daughter. Inalis ko ang nakatusok na swero sa aking kamay at marahan na bumaba sa kama upang hindi ito maglikha ng ingay. Dinampot ko ang aking bag na kasama sa mga dalang gamit ni Sanya kanina. Pumasok ako sa banyo para magpalit ng damit saka nagmamadaling nilisan ang aking kwarto. Sakay ng taxi ay nagtungo ako sa San Andres. Una kong pinuntahan si Sidney sunod ay si Poknat. Niyaya ko silang magbakasyon pero paraan ko lang ito para mailayo sila kay Dok Albert. Nauna ako sa kanila para mag withdraw ng pera habang sila naman ay inutusan ko na itakas si Jayjay. Sa Terminal na kami nagkita kita. Napaluha ako ng makita ko ang mga pasa ni Jayjay sa mukha at katawan. Sobrang payat na din niya. Mahigpit ko siyang niyaka at tinitigan. Napakahayop talaga ng aming ina! Sana ay sa mabuting pamilya na lang kami napunta. Ang daming gustong magkaanak pero hindi biniyayaan at sa halip ay sa masamang magulang pa kami napunta. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Ang sabi ko sa kanila ay bakasyon pero hindi ko alam kung saan. Doon sana sa hindi kami matutunton. Pinasadahan ng mga mata ko ang mga signage ng bus at nakita ko ang ‘Lucena’. Doon ko sila niyaya na sumakay. Mahigit limang oras ang binyahe namin hanggang pier. Hindi ko pa din alam kung saan ba kami patungo. Bahala na. “Manong saan papunta ang roro ngayon?” tanong ko sa lalaking nakasalubong namin. “Sa Mogpog.” sagot niya saka umalis. “Saan yun?” Curious na tanong ni Poknat. Ngiti lang ang sinagot ko sa kanila. Bumili ako ng ticket patungo ng mogpog at sa ticket ko lang nalaman na pa Marinduque pala kami. Bahala na talaga ang Diyos sa amin. Alam kong hindi niya kami pababayaan. Madaling araw na ng dumating kami. Nahihilo at nanlalambot ako sa gutom pero wala naman akong gana. Bumaba kami ng bus at nagtanong tanong ng pwedeng matutuluyan. Marami namang available na hotel sa malapit kaya hindi na ako nagdalawang isip nag magbook doon kahit mahal. “Nakakapagod. Ang haba ng byahe.” reklamo ni Sidney ng maihiga nya si Jayjay sa kama. Kanina pa kasi niya itong buhat. “Uy, Girl. Ang putla mo? Okay ka lang?” puna sa akin ni Poknat. Umupo ako sa kama at pagod na ngumiti sa kanila. “Okay lang ako. Pagod lang siguro.” “Sabagay. Magpahinga kana. Ako na ang mag-aayos nitong mga gamit natin.” alalang sabi ni Poknat at pinilit pa akong humiga saka kinumutan. Tanghali na ng magising ako at matinding gutom ang gumising sa akin. Pagmulat ng mga mata ko ay nakita ko kaagad si Jayjay na pinagmamasdan akong matulog. “Good Morning po Ate Meghan. May binili pong pagkain si Ate Poknat, kain na po kayo.” Bumangon ako at ngimiti sa kanya ng idulot niya sa akin ang pagkain na sinasabi niya. “Nasaan sila?” “Naglilibot po sila. Baka po pabalik na din sila.” “Ikaw ba? Kumain kana?” tanong ko habang inuumpisahan kainin ang kanin at porkchop. “Tapos na po kami.” masigla nyang sagot saka ako inabutan ng bottled water. “Ang ganda po dito. Sana po huwag na tayong bumalik. Ayoko na po kay nanay.” “Don’t worry. Hindi ko hahayaan na saktan ka pa ni Nanay.” sagot ko. Naluha ito at yumakap sa akin at pumikit. “Magsalita lang po kayo. Kaboses nyo po kasi si Ate Phina. Namimiss ko na po sya. Kapag naririnig ko po kayo parang kasama ko na din si Ate.” malungkot niyang sabi. “Wow! May dramahan na nagaganap.” Basag ni Sidney sa katahimikan. Sinabi ko sa kanila na may aaminin ako pero mas gusto nilang tapusin ko muna ang pagkain dahil namumutla na ako, tinignan ko din naman ang repleksyon ko sa salamin at totoo ngang maputla ako bumalik lang ang kulay ko ng matapos akong kumain. “So ano ang aaminin mo sizzy?” untag sa akin ni Poknat. Humarap ako sa kanila. Huminga ako ng malalim dahil hindi ko alam kung paano ko umpisahan na sabihin sa kanila kung sino ako. I am still grieving for my unborn baby but I think it's time to let them know the truth. “Uhmm… Kasi ano… Ah…” “E i o u?” biro ni Sidney. Ngumisi ako saka lumunok. “Ako si Phina.” pikit mata kong pag amin at ng imulat ko ang mga mata ko ay tumambad sa akin ang gulat nilang reaksyon. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD