CHAPTER 25 - Slowly Dying Inside

3881 Words
“Ako si Phina.” Nag alinlangan na tumawa ang dalawa kong kaibigan habang si Jayjay ay nakatitig lang sa akin, hinihintay ang susunod kong sasabihin. “Okay ka lang sizzy? I mean… Oo kaboses mo sya and everything pero imposible naman yang sinasabi mo girl. Baka kulang ka lang sa tulog o nasobrahan ka sa porkchop?” ani Sidney saka tumawa, “Yung totoo? Anong tinira mo?” biro pa nya. “Nagsasabi ako ng totoo. Ako talaga si Seraphina. Tumakas ako noon ng aksidente kong napatay si tatay tapos nakilala ko si Doktor Albert. Niretoke niya ang mukha ko, ginamit niya ako sa maitim niyang plano… Hindi ko na kinaya kaya umayaw na ako pero binantaan niya akong papatayin nya kayo kapag hindi ako sumunod.” paliwanag ko. Tumakas ang luha sa mga mata ko na akala ko ay naubos na. Huminga ng malalim si Poknat. Halata na hindi pa din sila naniniwala sa akin. Sinabunutan ko ang sarili ko at nag-isip ng paraan para maniwala silang nagsasabi ako ng totoo. Nag martsa ako pabalik balik sa harap nila, pinipiga ang aking utak. “Kung ikaw si Ate Phina ko, ano ang sekreto natin na tayong dalawa lang ang nakakaalam?” seryosong tanong ni Jayjay. Tumigil ako at tumingin sa kanya. Saglit akong nag-isip. “Yung kawayan natin na alkansya.” sambit ko, “Dahil palagi yung sinusungkit ni nanay noon sa tuwing malapit ng mapuno, nilipat natin sya sa lata ng gatas na hiningi natin kayna aling marites tapos ay nilagyan natin ng pekeng halaman para magmukhang vase. Hindi sya napansin ni Nanay kaya nabili natin yung gustong gusto mong sapatos na umiilaw.” iyak kong kwento. Yumuko si Jayjay at umiyak. “Shuta!” Sambit ni Sidney. Tumingin ako kay Sidney. “Hindi ba bago ka tuliin noon hiniram mo yung mga magaganda kong palda na niregalo sa akin ni ninang Thelma? Sinabi mo pa sa akin na sa wakas makakapagpalda kana. Yung bulaklakan pa nga ang una mong sinuot at kahit nasasaktan ka ay rumampa ka pa din ng lumabas ka ng center dahil nakita mo kaming nag-aabang sayo ni Poknat.” Kwento ko, napatakip ng bibig si Sidney sa gulat saka naman ako tumingin kay Poknat. “Noong grade 3 tayo kaya ka tinawag na Poknat dahil sa akin. Naglalaro tayo noon ng parlor-parloran. Nag request ka na magpapagupit ka kunwari sa akin tapos ginamit ko yung gunting ni nanay, kunwari lang naman talaga kitang gugupitan noon pero dahil biglang dumating si Sidney at ginulat tayo na gupit ko ang buhok mo ng totoo. Isang buwan mo nga ako noong hindi pinansin eh. Nagkabati lang tayo noong nagkasabay tayong bumili sa tindahan ni aling puring. Bumili ako ng boy bawang at inalok ko sayo ang isa tinanggap mo naman tapos bati na tayo.” Namilog ang mga mata nila. Tumakbo naman sa akin si Jayjay ng umiiyak. Umiiyak na din ang dalawa kong kaibigan at nakiyakap na din. “OMG! Totoo nga na ikaw si Seraphina.” iyak ni Poknat. Kinuwento ko pa sa kanila ang buong detalye ng naging buhay ko bilang Meghan Elvira Mercedez pati na din ang pagkawala ng anak ko. Nagpapasalamat akong naiintindihan nila ako. Tumagal kami ng tatlong araw dito sa hotel bago namin naisipan na maghanap ng ibang mauupan na mas mura dahil baka maubos ang 200 thousand na winithdraw ko. “Phina, may nakausap ako kanina sa bayan. May ipinagbibili silang bahay 30 kyaw lang daw kasama na ang lupa. Hindi daw kagandahan ang bahay, kubo lang daw pero ok na yun para sa 30 kyaw. Malayo nga lang daw sa bayan at bukid na ang datingan. Kailangang kailangan daw kasi nila ng pera.” excited na balita sa akin ni Sidney. Pinuntahan namin yung sinabi niyang bahay. Tama nga na kubo lang ito, madami pang ipapaayos. Ang Cr ay nasa labas pa. Bukid na bukid din talaga ang lugar na ito, palayan ang nasa kabilang dako habang kakahuyan naman ang sa kabila. Huminga ako ng malalim at inabot ang bayad. Inabot naman nila sa akin ang deeds of sale. Dito namin balak magsimula ng panibagong buhay. Malayo sa lungsod, malayo kay Dok Albert na gusto kaming patayin. Pinagtulungan namin na ayusin itong kubo. Kinumpuni namin ang dapat at namili ng mga kailangan para sa bahay. Iisa lang ang kwarto pero kasya ang dalawang katre. Hinarangan namin iyon ng kurtina bilang partition. Si Jayjay at Sidney ang magkatabi habang kami naman ni Poknat. Masayang masaya kaming nakatingin sa aming munting bahay na pinaghirapan naming pagandahin. “Nagtext ako kay nanay. Ang sabi ko biglaan akong nagkaroon ng trabaho sa Dubai. Magpapadala na lang siguro ako buwan-buwan.” sabi ni Sidney. “Ako din. Ang sabi ko kay na nanay at tatay ay sumama ako sayo para maghanap ng trabaho sa Dubai.” Sabi naman ni Poknat. “Sorry ha? Kung hindi dahil sa akin-” “Ano ka ba. Ayaw din naman naming ma tegi boom boom no. Pabor pa nga kayna nanay na umalis ako mababawasan daw sila ng palamunin.” biro ni Sidney, “Ang problema ay si Jayjay. Nagwawala daw lagi ang nanay nyo dahil nawawala daw si Jayjay. Jusko, nawalan siguro ng punching bag.” dagdag pa niya. “Ayoko na pong bumalik kay Nanay. Dito lang po ako sayo Ate Phina.” nakanguso niyang sabat sa amin. “Oo naman. Hinding hindi ako papayag na saktan ka pa niya.” sagot ko at niyakap ang aking kapatid. --- Tuwing gabi binabangungot ako dahil sa takot at lungkot. Gabi gabi akong palihim na umiiyak at nagluluksa sa pagkawala ng aking anak. Sa pag-iwan sa mag asawang Mercedez na totoong napamahal na sa akin. Araw araw ko silang naaalala. Sobrang lungkot ko pero hindi ko ito pinapakita sa mga kasama ko dahil ayokong mag-alala sila sa akin. Sinikap ko na hindi maalala ang mga taong importante sa akin bilang si Meghan. Hindi na ako iiyak. Pagod na ako. Di ko na pipilitin ang taong hindi naman talaga siguro para sa akin. Makakalimutan ko din si Stefan. Pero... Bakit ganon? Kahit saan ako lumingon, sya pa din ang nakikita ko. ----- Ginamit ko ang mga natirang pera para magkaroon kami ng kabuhayan dito. Umupa kami ng pwesto sa bayan para tayuan ng salon ni Sidney habang ako naman ay kumuha ng pwesto sa palengke para magtinda kami ni Poknat ng mga isda. Tumutulong sa amin si Jayjay pero ng dumating ang pasukan ay inenroll ko siya para ipagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral ng Grade 5. Mabuti na lang pinakiusapan ko ang school nila na isusunod ko nalang ang dokumento ng kapatid ko. After 1 year… “Pupunta muna ako kay Sidney. Marami daw ang nagparebond kaya kulang siya sa tauhan.” Paalam sa akin ni Poknat. “Sige. Kaya ko na naman mag-isa. Uusapin ko nalang si Roger kung may kailangan na buhatin.” Sagot ko sa kanya. “Okay. Pero uuwi muna ako sa bahay. Magpapalit ako ng damit, nakakahiya naman sa mga customer ni bakla kapag naamoy ako.” Aniya saka umalis. “Hi my beautiful Phina. Pinabibigay ni mama.” biglang sulpot ni Roger sa unahan ng aking pwesto habang binubugaw ko ang mga langaw sa aking paninda. “Bigay ba talaga yan ni Aling Celia? O baka naman umaakyat ka pa din ng ligaw kahit binasted na kita? Naku! Tigil tigilan mo ako Roger. Wala akong panahon sa pag ibig na yan. Mas gusto ko pang tumandang dalaga.” pag tataray ko kay Roger. “Ito naman si Phina my loves, ang aga magsungit. Bigay nga yan ni Mama. Botong boto yun sayo dahil tiyak daw na mabibigyan ko siya ng magandang apo kapag ikaw ang naging asawa ko.” Patuloy nito. Sumimangot ako at binato siya ng nadampot kong maliliit na bloke ng yelo gaya ng palagi kong ginagawa sa kanya sa tuwing naiinis ako. Mabilis naman siyang nakaiwas. “Tigilan mo ako! Umalis ka dyan sa harapan, kaya walang lumapit na mamimili dito.” pagtataboy ko sa kanya, “Suki!” tawag ko kay Nanay Juana, ang aking number 1 suki. “May fresh tulingan po ako, ipinagtabi na kita dahil alam kong paborito nyo yon.” Tumawa si Nanay Juana at tumigil sa harapan ng aking pwesto, “Salamat Hija. Alam na alam mo talaga ang gusto ko. Pagbilhan mo din ako nitong ayungin, kalahating kilo lang.” “Dahil paborito ko kayong suki, palalabisan ko ng isang guhit itong tulingan nyo.” masigla kong sagot habang inaayos ang mga isdang binili nya. “Nanay Juana, pagbubuhat ko na po kayo.” alok ni Roger. “Hay Salamat Hijo.” aniya ng maibigay ang dala dala kay Roger, “Ang swerte mo dito sa kasintahan mo, napakabait at napaka sipag na bata.” aniya. Kumunot ang noo ko sa nakangiting mukha ni Roger saka ko siya inirapan at inabot ang sukli kay Nanay. “Hindi ko po sya Boyfriend nanay.” Tanggi ko, “There will never be an us!” panggagaya ko pa sa linyahan ni Sarah G. sa movie na ‘maybe this time’. --- NARRATION Mabilis na nakauwi ng bahay si Jayjay mula sa paaralan dahil isinabay siya ng tatay ng kanyang kaibigan sa motor. Gaya ng madalas niyang gawin tuwing tuwing hapon, nagpapakain siya ng mga alagang manok at bibe tapos ay gagawa na ng takdang aralin. Habang nagsusulat si Jayjay ay nalaglag ang kanyang lapis na gumulong sa ilalim ng kama ng kanyang Ate Phina. Dumapa ito sa lupa para abutin ang lapis at ng maabot niya ay agad na umagaw ng atensyon niya ang kahon na nasa ilalim ng kama. Hinila niya ito para tingnan. Mga lumang gamit ito ni Phina. Mga gamit ng kapatid niya bilang Meghan. Sa ilalim ng box ay nakita niya ang cellphone ng kanyang Ate. “Sabi ni Ate wala daw siyang cellphone. Sayang naman ito. Iphone pa naman.” Pinilit niya itong buksan pero ayaw kaya minabuti niyang icharge muna. May dalawang minuto lang siyang naghintay ng kusang bumukas ang cellphone. Sunod sunod na tumunog ang cellphone ng kanyang kapatid na kina-alarma niya kaya agad niya itong binitawan. Nang tumigil na ito sa pag tunog ay una niyang pinuntahan ang inbox. Stefan: I’m sorry. This might be the hundredth time you have read these two words, but still, I’m so sorry, Love. I am so stupid when I left you hanging, almost falling apart. I know you will curse me to death because I didn't believe you when you said that we were pregnant and It is so painful up until now that I lost both of you. I tried my best to fix what we had. The truth is, I tried, but I’m afraid I didn’t try hard enough. I will never give up looking for you, Love. Kahit hindi ganoon naintindihan ni Jayjay ang binasa niya ay kumikirot pa din ang puso niya ng basahin niya iyon. Muli siyang nagbukas ng message mula kay Stefan dahil alam niya kung sino si Stefan sa buhay ng kanyang kapatid. Stefan: I’m sorry. I was too blinded by my hatred and my f*cking ego. I broke your heart. We lost our baby and it's my fault. And it hurts me to an extent that I cannot even explain. I miss you so much, Love. I've been dying to see you. I hope I get the chance to once again hold the love of my life in my arms to comfort, kiss, and let you know how much you mean to me. I love you. Magbabasa pa sana ito ng ibang message ng may tumawag sa cellphone at pangalan ni Stefan ang rumihistro sa screen. Sa sobrang takot at kaba ni Jayjay ay pinindot niya ang red button pero muli itong tumawag. Huminga ito ng malalim at saka sinagot. “Hello po?” “Who are you? Can I talk to the owner of this phone?” "Kuya Stefan, si Jayjay po ito.” kinakabahan na sagot ng bata. “Jayjay?” Sambit ni Stefan, “Nasaan ang Ate mo?” “Wala po siya dito nasa tindahan po.” “Pwede mo bang sabihin kung nasaan kayo?” desperado niyang tanong sa bata. “Hindi po pwede. Bawal po. Magagalit po sa akin si Ate. Baka po matunton kami ng Doktor na gusto kaming patayin.” Mariin na nagmura si Stefan pero agad din na humingi ng pasensya sa bata. Nakiusap siya na huwag ibaba ang tawag dahil may gagawin lang siya at agad naman itong sinunod ni Jayjay. Makaraan ang ilang minuto ay nagpaalam na si Stefan pero laking gulat nalang ng bata makaraan ang tatlong oras ay may narinig siyang malakas na tunog ng makina na nagmumula sa himpapawid at ng lumabas siya nakita niya si Stefan na pababa ng chopper. Namangha ang bata sa nakita kaya tumakbo ito palapit para salubungin si Stefan. “Paano nyo po nalaman kung nasaan kami?” sigaw ng bata. “I installed a GPS tracker in your Ate’s mobile.” sagot niya, “Nandyan na ba sya?” Umiling ang bata, “Ano po yung GPS tracker? Baka po kasi isipin ni Ate na sinabi ko sa inyo.” “Isang application kung saan pwede kong malaman kung nasaan ang lokasyon ng gamit mong cellphone kanina. I am so thankful that you opened her phone. Hulog ka ng langit sa akin Jayjay.” masayang sagot ni Stefan. “Pero maiimpyerno po ako mamaya kapag nalaman ni Ate ang ginawa ko. Lagot ako sa kanya” maktol nito. “Sir, ito na po ang mga gamit nyo.” ani ng lalaking nakasuot ng itim na suit. Nilapag niya ang bag ni Stefan saka sila umalis. Namangha ulit si Jayjay ng muling panoorin ang paglipad ng chopper, hindi alintana ang malakas na hangin. “Wow! Sana makasakay din ako sa helicopter.” saad niya saka tumingin kay Stefan, “Pasok na po tayo sa bahay, madilim na po dito.” anyaya ng bata. Pinasadahan ng tingin ni Stefan ang bahay na nasa harapan niya maging sa loob ay sinuri niya. “Dito kayo nakatira?” punong puno ng awa ang boses ni Stefan. “Opo.” Sagot ni Jayjay saka niya inalis ang bag niya sa kawayan na upuan para paupuin ang bisita. “May gusto po ba kayong inumin? Tubig at kape lang po ang meron kami.” “It’s okay. I’m good. Salamat.” Napunta ang mga mata ni Stefan sa bintana at pinto na parang isang sipaan lang ay mapapasok na sila, “Hindi ba delikado dito? Hindi ba kayo nilooban?” tanong ni Stefan sa bata. “Hindi naman po. Mababait po ang mga tao dito.” Sagot ni Jayjay. Nakita niya na mag aalasais na kaya nagpaalam siya na magsasaing muna dahil baka pauwi na ang Ate niya. Tinulungan ni Stefan si Jayjay na gumawa ng apoy para makapag salang na ng sinaing. Natatawa pa si Stefan sa kanyang sarili ng marealize niyang bata pa ang nagtuturo sa kanya kung ano ang gagawin. --- “Nakapag saing na kaya si Jayjay? Matutuwa yun dyan sa binili mong inihaw na manok. Paborito nya yan eh.” Wika ni Phina habang naglalakad sila pauwi. “Malaki ang kinita ng Salon kaya deserved natin ang masarap na ulam today.” Ani Sidney. “Nakapag padala kana ba? Nagtext sa akin ang tatay mo kailangan daw nila ng pambili ng gamot sa rayuma.” sabat ni Poknat. “Yes. Kanina pa.” nakairap nitong sagot. Nasa bakuran na silang tatlo. Nakangising tinawag ni Sidney si Jayjay para ipaalam sa bata na masarap ang ulam nila kaya ng marinig iyon ng bata ay kumaripas na ng takbo at iniwan na si Stefan mag-isa sa abohan. “Wow!” Masayang sabi ni Jayjay ng tanggapin ang plastic na galing kay Sidney. “Tapos ka naba magsaing? Maghain-” natigilan si Sidney ng makita si Stefan. “Para kang nakakita ng multo dyan bakla?” Puna ni Poknat saka tumingin sa direksyon ng mata ni Sidney. Maging siya ay nagulat, “Shuta!” “Huy! Tulungan nyo naman ako dito sa balde! Gusto ko ng maligo.” Reklamo ni Phina. “Tumabi kayo sa pinto para kayong mga timang!” muli niyang reklamo ng ayaw kumibo ng dalawa niyang kaibigan. Nilapag niya ang mga bitbit at hinawi sa daan ang dalawa saka ito pumasok sa loob. Laking gulat niya ng makita si Stefan na nakatayo sa tabi ng mesa, topless at pawisan ang katawan. Nagsalubong agad ang mga kilay niya saka nanlilisik na tumingin sa mukha ng binata. “Anong ginagawa mo dito?!” Asik niya. “I-I’ve been looking for you and-” “Wala akong pakialam sa paliwanag mo! Lumabas ka sa pamamahay ko! Labas!” Sigaw niya. Kumakabog ang dibdib niya sa galit. Muling bumalik ang galit sa puso niya ng makita si Stefan. Parang muling nasugatan ang naghilom na niyang sugat. “I’m sorry, Please listen to me-” “Ang kapal ng mukha mong sabihin yan sa akin! Ilang beses ko yang sinabi sayo noon pero anong ginawa mo? Kaya wala kang karapatan na sabihan ako na pakinggan ka dahil hindi ko yan nakuha sayo noon! Umalis kana.” muling putol ni Phina sa sasabihin ni Stefan. Nag walk out si Phina bago pa tuluyang bumuhos ang kanina pang luha na nagbabadyang pumatak. Naglakad ito palayo dahil hindi niya matagalan ang titig ng binata. Mga mata na hinahanap hanap niya noon pa. “Love.” habol sa kanya ni Stefan. Mas bumuhos ang luha niya ng marinig niya iyon. Huminto siya saka huminga ng malalim at humarap kay Stefan. “I’m really really sorry. Alam kong galit na galit ka sa akin pero gagawin ko ang lahat para mapatawad mo ako.” Pag susumamo niya. “Hindi mo ako pinakinggan noon. Hindi ka naniwala sa akin kaya huwag mo akong sisihin kung bakit napagod na ako... Noong nawala ang anak ko, nawala na din ako ng gana sa lahat. Sumuko ako sa lahat ng pinaglalaban ko. Kaya tantanan mo na ako sa pag sorry sorry mo! Tama na ang naranasan kong sakit noon at ayoko ng maranasan ulit yon!” Iyak kong sabi sa kanya. Yumuko si Stefan at humikbi. Tagos na tagos sa puso niya ang mga sinabi ni Phina. Parang boomerang dahil noon sya ang sinusuyo ng dalaga. “I know. But I am still sorry. Sobrang pinagsisihan ko yon. Kinain ako ng galit ko sayo.” Pinunasan ni Phina ang basa niyang mukha saka muling huminga ng malalim. “Nakatulong ba nung lumayo ako? Hindi ba iyon naman ang gusto mo? Ang layuan kita.” Sumbat niya. Hindi agad sumagot si Stefan. Sinubukan niyang lumapit sa dalaga pero umaatras lang si Phina. Ni ayaw niyang dumampi ang kamay ni Stefan sa balat niya. Pumikit ito. “Umalis kana. Tahimik na ang buhay ko. Masaya na ako kaya pakiusap. Huwag mo ng guluhin!” mariin niyang sabi saka ito naglakad para bumalik sa bahay pero hinila siya ni Stefan at akmang yayakapin pero nagpumiglas si Phina at pinag hahampas si Stefan. Wala siyang pakialam kung saan tamaan ang binata. “I’m begging you. Please? Please? Give me another chance.” Lumuhod si Stefan at niyakap ang binti ni Phina para magmakaawa na bigyan sya ng pangalawang pagkakataon, “Please? Pangako… Gagawin ko lahat ng gusto mo. Please, Love? I’m begging you.” Hindi siya pinakinggan ni Phina. Kahit sobrang sakit pakinggan ang pagmamakaawa ni Stefan sa kanya ay mas pinili niyang huwag hayaan na mangibabaw ang awa. Tinulak niya si Stefan saka naglakad pabalik ng bahay. Sinara pa niya ang pinto at binantaan na huwag papasukin si Stefan. “Phina, Kawawa naman si Stefan. Nilalamok na sa labas.” ani Poknat. “Oo nga po Ate, wala na din po syang sasakyan pauwi ng maynila ng ganitong oras.” segunda ni Jayjay. “Hayaan mo siya! Kung gusto nyo, samahan nyo sa labas!” mataray niyang sagot saka nagkulubong ng kumot. “Tinirhan ka namin ng ulam. Hindi ka talaga kakain?” tanong naman ni Poknat. “Wala akong gana. Mas gusto kong matulog dahil maaga pa bukas.” pagmamatigas ni Phina. Hindi na siya kinulit ng mga kaibigan. Lumalalim ang gabi, maya’t maya din ang pagsilip nila sa bintana para tingnan ang nilalamok na si Stefan. Nakaupo ito sa labas ng bakuran at nakaupo sa kanyang maleta. Awang awa si Poknat at Sidney kaya hinintay nila na makatulog si Phina bago nila pinapasok sa loob si Stefan. “Pasensya ka na. Gusto mo bang kumain?” awang tanong ni Poknat dahil namumula si Stefan dahil sa kagat ng mga lamok sa labas. “I’m okay. I just need water.” malungkot nitong sagot. Agad siyang inabutan ni Sidney ng baso ng tubig, “Thanks.” “Welcome. Kung gusto mo ng magpahinga pwede ka ng mahiga sa loob.” Turo ni Sidney sa pinto ng kwarto. Nagulat naman si Poknat kaya hinila palayo ang kaibigan. “Ang landi mo! Baka gusto mong ganutan ka ni Phina.” bulong ni Poknat. “Sira! Sinabi ko bang sa akin sya tatabi? Doon ko sya patutulugin sa tabi ni Phina para magulat ng bonga ang lola mo.” humagikhik ito, “Kunwari lang yang galit pero miss na miss na talaga ni Phina ang jowa nya.” bulong ni Sidney. “Baklang to! Bida bida ka talaga! Basta labas ako dyan.” sabi ni Poknat saka sila humarap kay Stefan na kanina pa sila pinapanood. Alinlangan na ngumiti ang dalawa sa bintana, “So ayun nga, kung gusto mo ng matulog doon ka nalang sa tabi ni Phi… Ni Meghan. Kung gusto mo naman mag banyo, pumunta ka lang sa likod andun ang CR namin na walang bubong.” sabi ni Sidney. “Are you sure I’m gonna sleep beside her?” hindi makapaniwala na tanong ni Stefan. “Yes. Sure na.” “I’m okay sleeping here,” tukoy niya sa kawayan na upuan, “baka magalit kasi sya-” “Maraming surot dyan. Mas makati ang kagat nun kaysa dyan sa lamok kaya sige na. Inaantok na din kasi kami. Marami pa akong irerebond bukas.” pinal na sabi ni Sidney saka nagpaalam na matutulog na ganun din si Poknat. Pumasok si Stefan sa kwarto at pinagmasdan si Phina na mahimbing na natutulog. Kung pwede lang niya itong halikan at yakapin ay nagawa na niya. It's 2 am and he is still up thinking about her. Time flies so fast—it's already been more than a year since she walked out of his life. Sobrang pinagsisihan niya talaga iyon lalo na ng malaman niyang totoong nagdadalang tao si Phina at nawala din agad sa mundo ang anak nila ng walang kalaban laban. Kung pwede lang niyang patayin noon si Shandra ay nagawa na niya dahil sa matinding galit lalo pa nang bigla nalang nawala si Phina noon at hindi nila mahanap. Everyday he feels like he is slowly dying inside. Mahigit isang taon siyang nangulila sa dalaga at ngayon na nakita na niya ulit ito ay hinding hindi siya papayag na magkahiwalay pa sila. Kahit tumira pa siya dito sa bukid at kalimutan ang Escajeda Corporation ay gagawin niya makasama lang ang babaeng pinakamamahal niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD