NAPAINAT-INAT si Cat ng mga braso nang maalimpungatan. Pagmulat niya ay naabutan niya si Brix na nag-aayos ng mga dala nilang gamit. Napalingon ito sa kaniya at ngumiti. "We're leaving," anito saka lumapit pa sa gawi niya at humalik sa kaniyang noo. "So how's the stay? Did you enjoy it?" tanong pa nito. "Yah," maikling sagot niya dahil bigla siyang napahikab. Tumayo pa siya at nag-stretching para mapalagutok ang mga buto. Masakit ang ibang kasu-kasuan niya dahil sa makailang ulit na may nangyari sa kanila. Which she really enjoyed. "Let's go?" tanong na nito nang makapag-ayos na siya ng sarili niya. Tumango lang si Cat at jpinatong niya ang kamay sa nakalahad nitong palad at magkahawak-kamay nga silang bumaba ng yacht. Pagkalabas nila ng pantalan ay agad pumara si Brix ng taxi. Dumaa

