***
Akihara's POV
"WHAT?!" Hindi makapaniwalang usal sa akin ni Malia matapos kong ikuwento dito ang totoong nangyari. Pero matapos niya magka-violent reaction ay parang kinilig naman ito tapos hinampas pa ako sa braso ko.
"Omg ang lakas ng echos mo Akihara! Akalain mo yon?! Unang araw palang halikan na kaagad tapos paano pa kapag nagkita kayo ulit? Edi part 2 ng chukchakan niyo?" Napahawak siya sa labi niya na parang kinikiliti at pinakawalan ang tili.
Napamulahan naman ako sa sinabi niyang part 2 eklabush na mas inasar pa ako lalo. Parang nabaliktad ang sitwasyon namin. Parang kanina lang ay inaasar mo silangdalawa pero ngayon ako na ang nasa hot seat ng kaibigan ko.
"A-anong part 2 abnormal kaba? Baka nga hindi ko na makita yon." Nalungkot naman ako sa sarili kong salita at sabay kaming napabuntong hininga.
"Btw nakita mo si Kiffin diba? Anong itsura? Nakahubad ba? Anoooo?" Pangungulit niya sakin.
"Oo nakita ko siya. At siya ang unang nakakita samin. Nakakahiya nga eh." At imbis na pagaanin ang loob ko ay mas lalo pa niya akong tinawanan. Binatukan ko tuloy.
"Aray ha!" Reklamo niya at hinimas ang ulo kung saan dumapo ang kamay ko. "Pero seryoso, kung ako yon. Baka inuwi ko na silang dalawa." Hagikgik pa niya.
"Gaga kala mo ba hindi ko inisip yan ha?" Umirap pa ako pakunwari sakanya at sabay na kaming tumawa. Pareho talaga kami ng isip minsan eh.
"9:00 na. Wala kang pasok?" Biglang alala ko ng napatingin sa wall clock.
"11:30 pa pero mag-aayos na ko." Sabi naman niya kaya tumango lang ako bago ito tumayo sa kinauupuan at pumunta sa sarili nitong kwarto, sumunod naman ako pagkuwan dahil wala naman na akong gagawin.
"Ikaw? Wala kang pasok?" Tanong niya sakin habang nagsisipilyo at bukas ang pintuan ng banyo. Nakaupo lang ako sa kama niya at sumagot.
"Wala. Free day." Bagot na sagot ko at pabagsak na nahiga sa kama. Kahit kasi pareho kami ng school na pinapasukan dito ay magkaiba naman kami ng schedule.
"Ah. Pwede favor?" Tanong niya pagkuwan ng matapos siya sa pagsisipilyo kaya napalingon na ako sa kaniya.
"Anything. Basta malayo sa aso." Natawa naman siya sa tugon ko.
"Seriously? Kahit pala talaga sa ibang bansa dala mo pa din yung galit ng aso sa paligid no? Siguro nung nabubuhay ka dati ang sama sama mo sa hayop no?" Natatawang asar niya sa akin na sinimangutan ko.
"Ano ba kasi yung favor mo?" Tanong ko sa kaniya bago pa kung saan mapunta ang usapan namin. Kumuha naman ito ng isang papel at ballpen saka nagsulat pagkatapos ay inabot sa sakin ito. "Dami naman."
Reklamo ko ng makita ko na ang listahan niya pero dinilaan lang niya ako bago pumasok na sa banyo para maligo. Ako. naman ay tinatamad na bumangon at pumunta na din sa sariling kwarto. Nag-ayos muna ako ng higaan bago nagpasiyang maligo na din. Naghoodie lang ako na medyo malaki ang size na sakop hanggang hita ko at shorts tsaka nagsuot ng tsinelas. Hindi na yata mawawala sa pilipino yung nakatsinelas lang ng lumalabas sa bahay eh.
Bibili pa nga pala ako ng phone ko.
Naka-messy bun lang ang buhok ko, naglagay ako ng konting blush on at liptint na inibabawan ko ng lip gloss kaya medyo makintab iyon ng konti. Lumabas na ako sa kwarto ko at tinungo ang katapat niyon at malakas na kinalabog ang pinto.
"Ano?" Bungad sa akin ni Xeth na mukhang kagagaling lang din sa banyo dahil tumutulo pa ang tubig galing sa buhok niya. Nakangiti kong inilahad ang kamay ko sa kaniya na tinignan lang niya.
"Ano yan?"
"Kamay?" Inirapan lang niya ako sa pagkasarkastiko ko. "Peram susi mo." Aangal pa dapat siya sakin ng magsalita ako ulit. " May pinabibili si Malia sa Art Shop at malayo yun mula dito kaya bilisan mo na at ibigay sakin ang baby mo."
Para namang awtomatiko itong nawala sa harapan ko at pagbalik nito ay dala na ang susi ng kotse at walang alinlangan na inilapag sa kamay ko. Napailing-iling nalang ako ng isarado niya ang pinto. "Kunwari pa daw hindi magkakagusto, eh halata naman tsk tsk." Tinignan ko pa ng huling sandali ang pinto niya saka sumigaw. "Ang torpe mo!" Saka mabilis ng umalis doon at patakbong tumungo sa garahe.
Nang makasakay na ako sa sasakyan ay pinaandar ko na kaagad ito. Una muna akong pumunta sa isang Cell Shop para bumili ng bagong phone ko bago pumunta sa Art Shop.
Pagkatapos iparada ang sasakyan ay pumasok na ako kaagad sa shop. Medyo madami dami din kasi ang bibilhin ko dahil kailangan jo din mamili ng sarili kong materials maliban pa sa pinabibili sa akin ni Malia.
Nasa section ako na puro pintura at pangkulay habang hinahanap ang kailangan kong acrylic para sa ginagawa kong commission. Binabasa ko ang bawat nakalagay doon sa label bago ko ilagay sa basket na dala kapag nasigurong hazard free iyon. Ayaw ko din kasi sa sobrang matapang na amoy kapag ginagamit ko. Aabutin ko na sana ang isa pang pack na nakita ng mata ko ng biglang may kamay din na kukuha don kaya naman ang kamay ko nahawakan nito.
Kamay ito ng lalaki kaya naman naisip ko na galawang hokage na naman ito katulad nalang nung nakaraang bumili din ako dito.
"Oh boy, don't you dare flirt with me or else-" natameme ako sa sasabihin ko pa ng humarap ako sa taong iyon at mapagsino iyon.
"Hi." Masayang bati niya sakin pero hindi pa din ako nakapagsalita. Naalala ko na naman kasi ang nangyari sa bahay nila at ang nadatnan niya sa may gate. Parang biglang gusto ko nalang mawala ng parang bula ng bigla itong tumawa sa pamumula ko. "You're that girl right?" Pagkuwan ay paninigurado niya sakin.
Nahihiya man ay unti-unti pa din akong tumango. "Oh I'm sorry." Para namang napaso ito ng biglang bitawan ang kamay ko na agad mo ding itinago sa bulsa ng hoodie na suot ko.
Napaiwas ako ng tingin sa kaniya at kinuha na ang dapat kong kukunin pero hindi ako umalis doon. Nanatili ako dahil baka sabihin nito ay ang bastos ko namang kausap.
"What's your name?" Tanong niya sa akin at hinuhuli ang tingin ko. Napako sa kaniya ang mata ko at inexamine ang mukha niya. Hindi maikakailang may hawig siya sa kapatid niya, ang kaibahan lang ay ang buhok nitong medyo kulot, ang mata nitong bilugan at ang labi nitong medyo makapal.
"Am I mesmerizing?" Napakagat ako sa labi ko ng marinig ko ang pagtawa niya sa sariling biro.
"Aki." Mahinang sabi ko sa tanong niya.
"Ha?" Hindi siguro nito narinig ang sinabi ko dahil mahina nga naman ang pagkakasabi ko.
"Aki. That's my name." Mas malakas na sabi ko na sinalubong ang tingin niya sakin.
"Aw. That's a cute name. So? I heard your a fan?" Tumango lang ako bilang sagot dito dahil wala naman akong masasabi sa kaniya dahil nahihiya pa din ako. Baka akalain niya ay malandi ako. "Don't worry. I don't judge people." Parang nabasa naman nito ang nasa isip ko kaya agad akong napangiti.
"That's good to hear? I guess?" May pag-aalinlangan na sabi ko pero natawa lang siya ulit. "Ahm, why are you here btw? "
"Hmm, buying some stuff for someone." Naoatango nalang din ako ulit.
"How 'bout you?"
"Same." Tumango lang din siya at kumuha na ng kanina ay napag-agawan pa nilang pack. Akmang tatalikod na sana ito pero ewan ko ba sa sarili ko pero pinigilan ko siya at walang kapara-para ang bibig ko na nagsalita.
Ang pagiging fangirl side nalang ang nangibabaw sa akin ngayon kesa sa hiya. Malay ko ba kung hindi ko na ulit sila makita eh minsan lang to kaya susulitin ko na. Thou medyo nasobrahan sa part ni Kazuo.
"Can I hug you?" Nakagat ko ang labi ko upang mapigilan ang ang kung ano pa man ang susunod na sasabihin niyon dahil nakita mo ang pagtaas ng kilay niya sa akin.
***
Kiffin's POV
TUMAAS ANG GILID ng labi ko ng marinig ang sinabi niya. Hindi ko alam kung matatawa ako sa itsura niyang parang bata na nagaantay sa sagot ko o sa katapangan niya eh. Kaya naman sumilay ang mapaglarong isipan ko ng tanungin ko siya pabalik.
"Hug lang? Bakit si Kazuo hinalikan mo tapos ako hug lang? Unfair naman yata iyon." Mas lalo akong napangiti dahil mas namula pa ang mukha niya hanggang sa leeg. "Just kidding." Dugtong ko dahil baka sumabog na siya sa sobrang pula ng mukha niya.
Ibinuka ko ang braso ko na hudyat na pwede niya akong yakapin. Sumilay naman ang matamis niyang ngiti sa ginawa ko at parang bata na patakbong yumakap sa akin. Mahigpit iyon at parang ayaw na niya akong pakawalan at naramdaman ko pa ang pag-amoy niya dibdib ko.
That made me chuckles. Siguro ay nahiya siya sa ginawa kaya naman parang naiilang siya na kumawala at hindi makatingin ng deretso sa mata ko. Dumistansiya din siya ng kaunti sa akin na ikinatawa ko pa lalo. Para siyang isang bata na biglang nakonsensya pagkatapos makagawa ng isang kasalanan.
"Ahm, sige na pwede ka ng umalis." Sabi niya pa at muli na namang kinagat ang pang ibabang labi niya. Hindi maalis ang ngiti sa labi ko, no wonder kung bakit hindi napigilan ng kapatid ko at hinalikan nalang siya bigla.
Kahinaan pa naman iyon ni Kazuo pero depende sa babae at sa sitwasyon syempre. Tinaasan ko nito ng kilay ay nagtatakang tumingin sa kaniya. Marahil ay dahil hindi ako gumagalaw sa kinatatayuan ko kahit pa sinabi na nito na pwede na akong umalis.
"How about a coffee?" Pagkuwan ay tanong ko at nakita kung paano namilog ang mata niya dahil sa paanyaya ko. How cute.
***
Aki's POV
NANATILING NAKAPAMULAGAT ang mata ko dahil sa sinabi ni Kiff. Akalain mo nga naman, isa ako sa pinakamaswerteng fan ng magkapatid. Ang isa ay nahalikan ko na, nayakap naman ang pangalawa at ngayon inaaya pa akong mag-coffee? Oh no. Pwede na akong masiraan ng bait pag nagkataon.
"H-ha?" Usal ko na nautal pa dahil pakiramdam ko ay sasabog ang puso ko ng dahil sa sinabi niya. Mas lalo pa nga itong nagwala ng muli na namang ngumiti ang binata na para bang natutuwa siya sa nakikita niya.
"Sabi ko coffee? Libre ko." At kinindatan pa ako. Napakurap kurap pa ako, at ulit, at ulit hanggang sa namalayan ko nalang ang sarili na nagmamadaling kinuha ang mga dapat kong bilhin at aligaga sa pagpunta ng counter. Naramdaman ko namang nakasunod siya sa akin at tila ba naa-amaze na pinapanood ang ginagawa ko.
"No need to rush. Hindi naman ako aalis." Natatawang sabi niya sa akin at sinegundahan ko lang ng matamis na ngiti, pigil na pigil ang kilig na nararamdaman ko ngayon. Aba minsan lang mangyari na ayain ng isang idol ang fan niya sa isang coffee break no.
At proud na proud ako sa sarili ko dahil sa tuwa. Napansin ko naman siya na wala namang bitbit para bilhin samantalang sinabi niya sa akin kanina na may bibilhin ito para sa isang kakakilala. Ipinagsawalang bahala ko na lang iyon, ang importante magko-coffee kami ng hinahangaan ko.
Ipinasok ko na sa compartment ang mga binili ko at medyo marami-rami iyon kaya tinulungan ako na Kiff na mas lalong inilapad ng ngiti ko. Tignan mo nga naman, ni minsan sa isipan ko hindi sumagi na magaganap ang mga nangyayari ngayon.
"I know a place na malapit dito. Pwede mo munang iwan yung kotse mo tapos let's have a walk." Tumango nalang ako. Okay na din yun para mas matagal ko siyang makasama. Malay ko ba kung makakatagpo ko pa ulit ang taong noon lang ay sa mga videos ko lang napapanood.
Naalala ko pa kung paano nagsimula ang pagiging fan ko sa magkapatid. Sakto kasi noon na nabobored ako kaya nanonood lang ako ng kung ano-anong videos sa YouTube hanggang sa napadpad ako sa song cover nilang dalawa, naggi-gitara noon ni Kazuo at si Kiff naman ang kumakanta at paminsan minsan ay sumasabay si Kaz.
At para bang nahumaling na ako sa ganda ng boses ng dalawa at inalam ang impormasyon nila sa comment section doon. Hanggang sa mapagsino sila at sinearch sa google. Napagalaman ko na purong pilipino ang mga ito ngunit sa ibang bansa na pinanganak at lumaki. Akala ko nga ng una ay may lahi nga ito pero mali pala ako. Ayon sa profile ng dalawa, may dalawa pa itong kapatid na puro lalaki din, isang nakatatanda at isang bunso. Ang ina naman nila ay isang doctor doon at walang pagkakakilanlan sa ama nito.
Matapos kong mangalap ng impormasyon ay finollow ko lahat ng social media accounts nila at laging naka-turn on notifications para updated ako lagi.
Hanggang sa tumatagal mas lalong nilalamon ako ng pagiging fan girl ko lalo pa nga at napapanood ko ang mga sila sa mga videos na sa tingin ko ay mga boyfriend materials. Si Kiff nga ang lockscreen ko at si Kaz naman ang home screen dahil sa pagkabaliw ko sa kanila.
At doon nagsimula ang buhay ko bilang isang die hard fan, pero ni minsan hindi ami nakapunta sa mga tours nila sa iba't ibang bansa dahil nga nasa pinas ako at wala namang pera para doon. At sa magandang buhay ko nga naman, ngayon hindi ko na kailangan pang bumili ng ticket para lang makita sila dahil ngayon ay nasa harapan ko lang naman ang hinahangaan ko.
Naglakad na nga kami sa sinasabi niyang Café na mukhang mamahalin ang mga binebenta. Medyo nagalangan pa nga akong pumasok doon pero nginitian lang niya ako at marahang hinila sa pulsuhan papunta sa isang pandalawahang table. Nang makaupo ako ay tinignan niya ako at tinanong.
"Anong sayo?"
"Anything will do." Sagot ko dahil kahit ano naman pwede sa akin. Tumango siya bago pumasok sa loob. Nasa labas kasi ang pwesto na pinili namin, maganda ang pagkakaayos doon ng mga lamesa at sa gilid nito ay may nakaharang na mga halaman kaya may privacy pa din kahit paano kahit pa nasa labas nga kami. Nang makabalik ito ay umupo ito sa harapan ko habang may hawak na parang beeper.
Magtatanong pa sana ako kung para saan iyon pero tumunog ang hawak nito at kaagad din naman itong tumayo at bumalik doon. Napagkuwan ko na para iyon sa order namin habang pineprepare pa at tutunog iyon kapag tapos na at handa ng kunin ng bumili.
"Here." Sabi ni Kiff habang inalalapag sa mesa namin ang binili nito. Nginitian ko siya at natatakam na kinuha ang cappuccino na inorder niya para sa akin at isang slice ng pizza. Akmang hihigop na sana ako ng bigla siyang magsalita kaya nabitin iyon. " Would like to take a picture? I mean your background is nice and I'm just thinking if you would like to capture it." Napatingin naman ako sa likuran ko.
Oo nga, maganda ang naging pwesto namin dahil nasa likuran ko nakapalibot ang iba't ibang kulay ng rosas na nagpapatingkad ng kulay dahil sa berdeng berde na dahong nakapalibot dito. Pagkuwan ay napangiti, mukhang magandang ideya nga iyon lalo na at maganda din ang sikat ng araw na tumatama sa balat ko na hindi naman masakit. Ngunit ng maalala ko na nasa kotse nga din pala ang bagong bili kong cellphone kaya naman nag-aalangan akong tumingin sa kaniya.
"Ahm, I don't have my phone myself. Wag nalang." Sabi ko at bagsak ang balikat dahil sayang naman. May ipopost na naman sana ako sa ig ko pag nakataon pero wala naman akong dalang phone, hays ang malas.
"It's okay. You can use mine. If that was fine with you, isend mo nalang sa acc mo mamaya." Suwestiyon naman nito saka kinindatan pa ako. Kaya naman lumapad ang ngiti ko dahil ang considerate niya naman. Ang swerte naman ni Dyan, ang nachichismis na dina-date daw nito. May photographer na may boyfriend pa. Sana all nalang.
"Talaga? Sige." Excited akong ngumiti sa kaniya ng inilabas na niya ang cellphone niya at pinaayos na ako ng pustura para mapicturan. Habang nakatutok sa akin ang camera ay todo ngiti naman ako at kung ano anong posing ang ginawa ko na itinuturo lang din ni Kiff.
"Look." Binigay naman niya sakin ang cellphone para makita ko ang mga pictures ko. Natuwa ako dahil maganda ang pagkakuha ng mga iyon at saktong sakto sa anggulo na gusto ko. Magaling nga talaga siyang photographer.
Kinalikot ko ang cellphone niya at hinanap ang account ko sa messenger nito at doon isinend lahat. Pagkatapos ay binura ko na sa gallery nito lahat ng pagmumukha ko dahil nakakahiya naman at napuno ito ng pictures ko. Binalik ko na sa kaniya ang cellphone at mukha hindi naman siya nagulat ng makita niyang burado na lahat ng mukha ko doon at inilapag na sa lamesa saka nagsimula ng inumin ang inorder niya.
"That's Kaz favorite. A pizza and cappuccino. Sabi mo kasi anything will do kaya naisip ko na ibigay sayo yung gusto ng kapatid ko." Maya maya pang untag niya kaya naman nabulunan ako sa sinabi niya at napaubo-ubo. Nang makabawi ay napatitig ako sa kinakain.
So ito pala ang favorite food ni Kazuo Mori? Pagkuwan ay napangiti.
" Okay ka lang?" Mukhang nag-alala naman siya sakin kaya magiliw ko siyang nginitian at muling kinain ang pizza na hawak ko. Ganon na din naman ang ginawa niya.
Medyo napatagal din kami doon dahil marami siyang tinatanong sa sakin na bukal sa loob ko namang sinagot. Tinatanong lang naman niya kung bakit, paano, ano, ang dahilan ko sa pagiging fan nila. Sa totoo lang ay ayaw ko pang matapos ang oras na iyon pero may pupuntahan pa daw siya kaya nalungkot ako.
Masaya kasi sa pakiramdam ang presensya niya, hindi ko naramdaman na iniiwasan niya ako kahit pa nga alam niya na isa akong avid fan nilang dalawa. Parang kaibigan ang pakikitungo niya sa akin kaya mas lalo ko lang siyang hinangaan. Isa pa napaka-humble niya kahit pinupuri ko siya kanina habang magkausap kami. Nararamdaman ko din na totoo ang nga ngiti niya sakin na mas nakapagpagaan ng loob ko. Akala mo kasi dati ay masungit siya sa harap ng mga fans pero nagkamali pala ako.
"So? See you around?" Sabi niya sakin ng makabalik na kami sa kung saan nakaparada ang kotse ko at hinatid ako. Mataman akong ngumiti sa kaniya. Sana nga magkita pa kami ulit.
"Kung pwede?" Yun lang ang sinabi ko bago magpaalam na sa kaniya at sumakay na sa kotse. Kumaway pa ako sa kaniya ng pinaandar ko na ang sasakyan at habang minamasdan niya akong papaalis na ang dalawang kamay ay nasa dalawang bulsa ng pantalon na suot nito, na parang hinahatid ako sa pamamagitan ng tingin.
Ang sweet naman ni Kiffin. Sabi ko sa isipan at malapad ang ngiti na binagtas ko ang daan pauwi.
Nang makarating ako ay agad ko ng inilatad sa kwarto ni Malia ang pinabili niya sa akin at kasunod naman ang binili kong pansarili sa kwarto ko. Ako lang magisa sa bahay dahil siguradong nasa campus pareho ang dalawang kasama ko. Naramdaman ko ang pagod sa paglalakad namin kanina ni Kiffin kaya naman naisipan kong ayusin ang sarili at napagpasiyahan na umidlip muna.
**