***
Kazuo's POV
"STOP IT KIFF!" Singhal ko sa kapatid ko na kanina pa ako kinukulit dahil sa naabutan niya kanina. Magfi-film dapat ito ng content tungkol sa what's on my house challenge kaya lang ay nawala na daw ito ng gana kaya next time nalang.
Sure naman ako na kukulitin lang niya ako kaya ito tumigil sa ginagawa niya. At mas lalo akong nainis dahil kahit ako ay tinatanong din ang sarili kung sino ba iyong babae na hinalikan ko kanina lang.
Tanga ka kasi. Hindi mo tinanong yung pangalan. Galit na sabi ng isipan ko at napahilot nalang sa sintindo ng maalala na naman ang mukha ng babaeng hindi ko naman kilala.
"Napakainit naman." Reklamo ko saka binuksan ang bintana.
"Bro? May sakit kaba? May I remind you na nasa New York tayo at malamig ang klima dito. Bat tagaktak yang pawis mo?" Hindi ko alam kung nag-aalala ba talaga siya o hindi dahil naroon sa labi niya ang paguunyang ngiti. Inirapan ko lang siya at winaksi ang mukha niya sa harap ko na abang na abang sakin.
"Get lost Kiffin. I don't need your f*****g presence here." Pagsukong sabi ko dito na tinawanan lang naman nito.
Ipinikit ko ang mata ko ng mariin at napamulat na naman ng pumasok na naman sa isipan ko ang mukha ng babae kanina. Naiinis akong tumayo sa kinauupuan at pumunta sa kusina saka kumuha ng tubig sa ref at kaagad iyong ininom.
Naramdaman ko namang sumunod na naman sa akin ang baliw kong kapatid pero hindi ko na lang ito pinansin.
"Bakit bro? Mainit ba?" Nanunuksong tanong niya sakin saka tumawa. "Pero seryoso. Ang ganda nung babae kanina. Hindi mo talaga natanong yung pangalan? Kapag nakita ko yun ulit akin nalang ha?" Hindi naman ito mukhang nagpapaalam sakin dahil kahit ng tinignan ko siya ng masama ay parang seryoso nga siya sa sinasabi niya.
"f**k you Kiff." My jaw clinched.
"Oh bat ka nagagalit? May I remind you na may Liana ka na? Ayusin mo muna relasiyon niyo bago ka lumandi tanga," Sabi nito sakin saka ako iniwan doon na naktunganga. Para naman akong natauhan sa sinabi ni Kiff.
How the f*ck did I forget? He have Liana for god's sake!
Napasabunot nalang ako sa sarili kong buhok at ginulo iyon. Kahit ako ay naguguluhan na din sa sarili ko. Marahas akong napabuntong hininga at iwinaglit na sa isipan ang babae kanina.
Mabuti na din siguro iyong hindi ko natanong ang pangalan non. At napabuntong hininga muli.
***
Akihara's POV
Maaga akong nagising kinabukasan at naisipang magluto ng agahan. Naghu-hum pa ako habang naghahanda ng pagkain ng pumasok sa kusina ang kaibigan kong si Malia.
"Wow, mukhang maganda ang gising mo ah." Tukso naman niya sakin na binigyan ko lang ng matamis na ngiti. Si Malia ay kababata ko at pareho kaming nakuha bilang exchange student ng university na pinapasukan namin sa pilipinas kaya kami nandito sa New York.
Dahil sa opportunity ay hindi na kami nagdalawang isip pang tanggapin iyon. Maliban sa isang taon lang naman ang gugugulin namin dito ay sayang din ang experience at kaalaman na matutunan namin na kapag tinanggihan namin ay sayang ang mga pwede naming ibahagi sa iba kapag nakabalik na kami sa pilipinas. Pareho kaming Fine Arts ang kinukuha at sa good karma nga ay maayos naman na ang pangalan namin pagdating sa larangan ng arts.
Sa totoo nga niyan ay napagkakakitaan naming pareho ang talento namin kaya naman hindi na kami nahirapan pa ng makarating dito sa ibang bansa dahil stable naman na ang kalagayan namin. Siguro nga ganoon talaga kapag mahal mo at gusto mo ang ginagawa mo.
"Mind to share?" Tanong sa akin ni Malia ng matapos ko na ang paghahain ng makakain sa lamesa. Putaheng pinoy ang inihanda ko dahil namiss ko din ito dahil nga puro meat ang halos pagkain dito kaya naman naisipan kong magluto ng paborito naming pagkain sa pinas.
"Kain kana baby ko." Natatawang sabi ko dito na hindi pinansin ang tanong nito. Napailing nalang si Malia sa pag-iiba ko ng usapan kaya ikinatawa ko na rin.
"Goood morning babies!" Bati sa amin ni Xeth ng pumasok na ito sa kusina at umupo na sa pwesto nito. Agad din nitong nilagyan ang plato nito at sumubo ng pagkain. Napapikit pa ito na para bang ninanamnam ang kinakain niya.
"Gutom na gutom lang Xeth?" Masungit na sita dito ni Malia dahil sunod sunod ang pagkain nito na akala mo hindi nakakain kahapon.
"Paki mo. Aga aga Malia sinunungitan mo ko. Eh masarap yung luto ni babi kesa sayo no." Sabi pa nito saka umirap. Heto na naman ang dalawa at parang bata na nag-uumpisa na naman magbangayan. Natuwa naman ako sa puri ng kapatid ko kaya naman kinampihan ko siya ngayong araw.
"Oo nga naman Malia. Minsan naiisip ko nalang siguro kayo yung magkakatuluyan kasi alam niyo na, the more you hate the more you love?" Halos humagalpak naman ako sa katatawa ng biglang sabay din halos mabulunan ang dalawa at pinag-agawan pa ang baso na may lamang tubig kaya mas inasar ko pa sila.
Napatigil nalang ako kahit nagngingitngit pa na kumawala ang tawa sa lalamunan mo ng sabay akong tignan ng masama ng dalawa.
"Yan? Babi? Yang mukha na yan? Yuck!" Nanlalaki ang mata ng tignan ako ni Xeth at parang diring diri na kunwari pa ay nasusuka ng makabawi ito. Agad namang sinigundahan ni Malia ang sinabi nito at alam kong hindi na naman magpapatalo ang kahit na sino sa dalawa.
"Eh yang mukhang garapa na yan? Papatulan ko? Hello? Hindi pa ako baliw para mangyari yon no! At if ever na mabaliw man ako hindi ako magkakamaling magkagusto sa kapatid mo! Iww." Nandidiring umirap pa si Malia at ngumiwi kaya hindi ko na napigilan ang nagbabadyang tawa ko at pinakawalan ko na.
"TUMIGIL KA NGA AKIHARA LEVARES!"
"TUMIGIL KA NGA AKIHARA LEVARES!"
Sabay na na bulyaw sa akin ng dalawa at kahit na nangingitngit na naman ang tawa ko ay para akong pusa na umayos ng upo dahil pareho ng nag-uusok ang tainga ng mga kasama ko. Tahimik ko nalang na inumpisahan ang pagkain ko at hindi na pinansin pa ang dalawa kahit alam kong nagtatagisan na naman ito ng tinginan. Nang matapos na kami sa pagkain ay agad na umalis na ang kapatid ko.
"Tignan mo yon ang antipatiko talaga ng kapatid mo no? Buti natagalan mo yan." Naiiritang usal sa akin ng kaibigan ko. Nangiti na naman ako sa reaksiyon nito.
"Eh bakit ba kasi ang init ng dugo mo sa Xeth Xeth ko ha?" Natawa ako sa sarili ko dahil sa sinabi kong 'ko' parang ang possessive naman non.
"Ay basta di ko gusto ugali niya! Tignan mo nga hindi man lang tayo tulungan linisin tong bahay niya!" Angal pa nito.
"Eh kasi nga nasa bahay niya tayo nakikitira?" Natatawa kong bawi dito at mas lalong nalukot ang mukha nito ng marealize ang sinabi ko.
"Whatever." Sabi nito at umirap na saka tinulungan na akong maghugas ng pinagkainan namin.
Dito na kasi sa New York nakatira si Xeth simula ng mamatay ang magulang namin. Ginamit niya ang insurance na pinaghatian namin ng mawala ang mga magulang namin sa hindi kanais nais na paraan.
Nagulat na nga lang kami ng biglang sumiklab ang balita at sa isang iglap ay wala na kaming magulang dahil pareho kaming nasa paaralan ng mangyari iyon. At dahil masalimuot ang naging memorya sa lugar namin, mas pinili ni Xeth na makipagsapalaran sa ibang bansa at hinangaan ko siya dahil sa edad na dise-siete ay alam kong mahirap ang pinagdaanan niya dito pero nagawa pa din nitong magtagumpay.
Maswerte nga ako at siya ang naging kapatid ko dahil sa sobrang bait niya sakin at todo protekta kahit pa nga ako ang mas matanda dito ng dalawang taon na hindi lang halata. Hindi rin niya ako hinayaang maghirap ng maiwan ako sa pilipinas, lagi niya akong kinukumusta at sinasabihang dito nalang din manirahan kasama niya pero ako lang ang umaayaw. Mas gusto ko pa din kasi doon kahit na ganoon ang nangyari samin.
"Spacing out na naman ang echos ni mader." Untag sa akin ni Malia na tapos na palang banlawan ang hinuhugasan namin. "So ano nga? Kwento mo naman mung bakit ang ganda ganda ng ngiti mo ha sisteret ko?"
Pinanglakihan niya ako ng mata at inuusig naman ako ng konsensya ko na hindi sabihin dito ang nangyari. Parang kapatid ko na din kasi ito sa tagal ng pagkakaibigan namin. Kaya naman wala na akong nagawa kundi ang magkwento dito.