Chapter 1

2784 Words
*** Aaliyah's POV MALALALIM ang paghinga na pinakawalan ko habang tumatakbo dahil may humahabol sa akin. Kanina kasi ay naglalakad ako sa isang mahabang kalsada at papasok na sana ako sa pinapasukan kong university ng may madaan akong bahay kung saan nandoon ang pinakaayaw kong makatagpo. Ang mga aso. Simula pagkabata pa kasi ay takot na takot na na talaga sa mga ito sa hindi ko malamang kadahilanan. Basta habang lumalaki na lang ako ay ilag na ilag na ako dito dahil kung minsan pa ay bigla nalang magagalit ang mga ito sa akin kahit wala naman akong ginagawa, kaya mas lalong nakadagdag ito sa takot ko. Pero kanina ang pinakahindi ko makakalimutang experience sa isang aso. Matiwasay lang kasi akong naglalakad noon ng mapansin kong nakaawang ang gate sa isang bahay pagkuwan ay biglang may sumulpot na aso doon. Para namang awtomatiko na gumalaw ang mga paa mo at tumakbo ng mabilis at mukhang wrong move ito dahil nga animal nature na ng mga aso na kapag may tumatakbo ay humahabol ang mga ito. Pero mas lalo pa akong kinabahan ng may iilang aso na din na humahabol sa akin at tumatahol na para bang may nagawa akong atraso sa mga ito. Napapamura nalang ako dahil wala akong makitang mapagtataguan at parami na ng parami ang aso na humahabol sakin. Nang lingunin ko ang mga ito ay mas lalong lumakas ang ang t***k ng puso niya ng makita na para bang naglalaway na itong lapain ako kapag naabutan nila. Hindi tumigil sa pagtakbo ang mga paa ko kahit hingal na hingal na ako at pagod na pagod na. Not now, not soon. Hindi pa ako handang malapa ng mga asong iyon. Mabuti na lamang at may isang gate hindi kalayuan sa akin ang umawang na mukhang may lalabas doon kaya mas mabilis pa sa alas-cuatro na tinungo ko iyon at itinulak papasok muli ang kung sino man ang lalabas. Hingal na hingal akong napasandal sa likod ng gate habang malalaki ang butil ng pawis na tumatagak-tak sa ulo at leeg. Sobrang lakas pa din ng pintig na puso ko kaya napaghawak ako doon habang hinuhugot ang lakas. Mabuti nalang at mukhang hindi na nag-abala pang hanapin ako ng mga asong nakasunod sa akin ng bigla akong pumasok dito at naramdaman ang mga yapak ng mga ito na umaalis na. Unti unting nakahinga ako ng maluwag. Nang makabawi ay bigla kong naalala ang taong itinulak ko paloob muli at natauhan sa pwesto namin. Halos isang dangkal nalang ang layo ng mukha namin at malapit na malapit sa isa't isa ang katawan habang ang kamay ko ay nakakuyom sa damit nito sa bandang dibdib na para bang takot na takot ako kahit pa takot naman talaga ako. Malalim pa din ang paghinga ko ng unti-unti ko ng bitawan ang damit nito at awkward na ngumiti. Pero hindi pa din maalis ang tingin ko sa mukha niya lalo na ng mapagsino ko ito kasabay noon ang panlalaki ng mata. Sa tanang buhay ko kasi ay ngayon ko lang nasilayan sa personal ang mukha ng taong nasa harap ko ngayon. Mahaba ang buhok nito na nakatali pataas at may naiwang hibla ng buhok sa noo pero mas lalong bumagay sa mukha nito, ang mga kilay nito na kapal at may kurba, ang mata nito na mala-kapeng nakakaakit na titig na titig sa akin ngayon, ang ilong ito na halos pwede ng pagulungan ng jolen sa tangos nito. Napako ang tingin ko sa labi nitong may pagka-heart shape na mamula mula pa na sa tingin ko ay masarap halikan. Matapos kong maeksamin ang mukha nito ay bumalik ang tingin ko sa mga mata niya, nanlaki pa lalo ang mata ko ng marealize ang ginawa ko. Itinulak ko siya nv bahagya pagkuwan ay tumikhim dahil sa kahihiyan na aking ginawa. "So-sorry." I muttered. Hindi pa din ako nakatingin ng deretso dito dahil hiyang hiya ako sa nangyari. Napakamalas ko naman dahil sa lahat ng araw ay ngayon pa talaga kami nagkita! At ngayon pa na ang hassle hassle ng itsura ko at hindi maayos ang suot kong damit! Aish. Kung alam ko lang sana ay nagdamit ako ng maganda ngayong araw. For god's sake nasa harap ko lang naman ang idolo ko! Si Kazuo Mori na isang sikat na vlogger at influencer sa buong mundo at sa tanang araw ay ngayon pa?! Sa hindi inaasahang araw pa! Nagngingitngit ako sarili kong isipan. Kagat-kagat ko ang pangibaba kong labi dahil sa guilt na nararamdaman ko. Mukhang naabala ko pa yata siya sa kung anong gagawin niya dahil nakadamit ito ng pang-alis ng itulak ko siya pabalik. Napatingin naman aki sa damit nito at mas lalo akong naguilty dahil nalukot ito kanina dahil sa pagkakahawak ko. Ano ba naman tong ginawa mo Akihara! Galit ko sa aking isipan dahil sa kahihiyang nagawa. "You're wearing my merch." Natauhan naman ako sa binitawan nitong salita at napatingin din sa suot ko. Oh well. Mukhang hindi naman pala ganon kasama ang araw ko dahil napansin niya ang suot ko. Wala sa sariling napangiti naman ako, atleast napansin nito. "Yeah. Actually I got it a little customised by putting my name on the back." Pagmamalaki ko at tumalikod pa para ipakita kung nasaan iyon at narinig ko naman ang mahina nitong pagtawa dahil sa ginawa ko kaya mas lalo akong napangiti. Na-starstruck ako pero hindi ko palalagpasin ang pagkakataon na ito. Baka mamaya ay hindi na maulit iyon at hindi na kami magkita pa ulit!Mahirap na. "That's so cute of you." And then I heard him chuckles. Kaya naman mas kinilig pa ako lalo, ang sarap kasi sa tainga marinig ang tawa nito lalo na sa personal. Nang umikot ako ulit ay pinamulahan ako ng pisnge dahil napako ang tingin nito sa mga mata ko. Shit ang pogi niya talaga! Bulong ko sa sarili ko at sinarili nalang ang kilig na nararamdaman. Hindi ko dapat ipahalatang patay na patay ako sa kaniya unlike sa ibang fans nito dahil baka maturn-off siya sakin. Nabasa ko kasi minsan sa Myday niya sa ig na na ayaw niya ang masyadong intimidating na fans kaya pinigilan ko talaga ang sarili kong magwala sa harap niya sa sobrang kilig na nararamdaman. "Btw, what happened? You look pale awhile ago." Para namang nag-aalalang tanong niya sa akin kaya mas lalo akong kinilig kahit alam ko naman na ganon siya sa kanit kaninong fans na nakakausap niya. Huwag kang ganiyan baka iuwi kita diyan! Natawa nalang ako sa sarili kong banat at sumagot. "Ahm, I actually... Ahm, it's something disgusting... And I... Ahm... I was—" hindi ko na natuloy pa ang sinasabi ko dahil bigla nalang akong napatili at napapikit ng mata at tinakpan ang mukha ng biglang may lumabas na tumatakbong husky palapit sa kinaroroonan ko. Tingnan mo nga naman, umiiwas akong malapa sa labas pero dito pa pala ako malalapa. At ng alaga pa ni Kazuo! Handa na sana ako sa pagdama ng ngipin nitong lalapa sakin ng ilang minuto na ang lumipas ay wala pa din akong naramdaman na kahit anong kumakagat sa katawan ko. Unti-unti kong tinanggal ang pagkakatakip ng palad mo sa mukha at ng masilip sa gilid ng puwang na daliri ang mata ng husky na nakatingin sa akin at namimilog ay tinakip ko ulit ang kamay ko sa mata ko. Pero naisip ko, wala namang ginagawa samin ang husky kaya naman tuluyan ko ng tinanggal ang takip sa mata at nakipagtitigan sa aso na nakaupo sa harap ko at nakatingin sa akin. Para akong tangang nakatingin dito at inaantay ang gagawin sa akin ng bigla itong tumayo, kaya naman nagulat ako at hindi agad nakagalaw. Yun pala ay inilapit nito ang mukha sa kamay ko at dinilaan pa iyon na para bang naglalambing ito. Namangha naman ako sa ginawa nito at wala sa loob na inilapit ang kamay sa ulo nito. Nangangatog man ay nilabanan ko ang takot at kagat labing hinaplos ang ulo nito. Natuwa ako ng pinikit pa nito ang mata na para bang ang sarap sa pakiramdam nito ang hagod na ginagawa ko. Mas nasiyahan pa ako ng dalawang kamay na ang humahawak sa balahibo nito at napahiga pa ito dahil siguro nasarapan kaya naman napaupo din ako at tuwang tuwa na hinahawakan ito. Oh god this is so good. First time kong makahawak ng isang aso sa tanang buhay ko. Lagi nalang kasi silang pinangungunahan ng galit at kaya naman natatakot akong humawak sa kahit anong uri ng aso. Pero iba ang husky na nasa harapan ko, sobrang kasiyahan ang nararamdaman ko dahil pakiramdam ko ay may isang hayop na nakaintindi sakin. Dahil sa sobrang kasiyahang nararamdaman agad kong kinapa ang bulsa upang kunin ang cellphone at picturan ang nasa harap ko ngunit wala akong nakapa at napabuntong hininga nalang. Shit. Naihulog ko yata iyon kanina ng tumatakbo ako. Nalungkot ako dahil doon. Minsan na nga lang mangyari iyon ay hindi ko pa makukuhanan ng litrato para may remembrance manlang sana ako. Ipinagpatuloy ko na lang ang pag kiliti dito na nakalabas pa ang dila at natutuwa sa ginagawa ko. Nawala na sa isipan ko kung nasaan ako ng biglang makuha ang atensiyon ko ng isang boses na nagsalita. "I think I know what happened." Sabi nito na mukhang napin point ang nagyari sa akin kanina lang. Malungkot akong napangiti at ibinalik ang tingin sa asong nasa harapan ko. "And I think my Oli likes you." Komento nito pagkuwan na nagpangiti sa akin. A genuine smile. "So Oli pala ang pangalan mo? Ang sweet mo naman. Sa lahat ng aso katulad mo, ikaw lang yung nakilala kong mabait." Sabi ko dito habang hinahagod ito. "He's not sweet at all. He's not like that on all people. Actually it's the first time he played like that with a woman. I don't know but even my girl friends terrifies him. I'm glad you're not." Mas lalo akong natuwa sa sinabi ni Kazuo. Mukhang pareho pala kami ni Oli ng kalagayan. Katulad ki, first time din pala niyang mapalagay sa isang babae. Kaya siguro pareho naming nahanap ang kasiyahan sa isa't isa. Tumayo na ako dahil baka masanay ako sa isang aso at makalimutan na mas marami pa din ang galit sa akin. Na hindi lahat ay tulad ni Oli na tanggap ang presensya ko. Napatingin ako sa banda kung saan nakatayo si Kazuo na mataman din akong tinitignan. "May I borrow your phone? Ahm, I think I drop mine while running away with those dogs." Naiirita ako ng maisip na nawala na naman ang phone ko dahil na naman sa aso. Lagi nalang kasi nahuhulog ang phone ko kapag natataranta na ako at wala na sa sarili dahil sa pagtakas sa mga ito. "I'll just call someone to pick me up." Dugtong ko pa. Dahil baka matakot ito na may makita ako sa phone nito kapag pinahiram niya ako. Kaya naman kumabog ng malakas ang dibdib ko ng matamis niya akong nginitian at nawala pa ang mata nito ng ginawa niyang iyon. Kinuha nito ang phone sa bulsa at lumapit sa akin saka inabot iyon. Naiilang na nga ako dahil halos lahat ng gawin ko ay nakatingin lang siya pero hindi ko nalang pinahalata. Pero bago ang lahat hinawakan ko si Oli sa baba nito at pinicturan. Ipapasa ko nalang mamaya kapag dumating na ang sundo ko. Pagkatapos ng ilang take ay tinipa ko na ang numero na tatawagan ko. Ilang ring din ang ginawa ko bago nito sinagot ang tawag ko. "Oh god Xeth! Mabuti naman at sinagot mo na!" Napalagay na ang loob ko ng sagutin niya ako. Dahil kasi siguro hindi naman niya kilala ang numero noon kaya naiintindihan ko rin. Ang hindi ko lang maintindihan ay ang pagtaas ng kilay ni Kazuo ng banggitin ko ang pangalan ni Xeth pero hindi ko nalang pinansin, baka namalikmata lang ako. "Sunduin moko dito sa ahm," nagtatanong na tinignan ko si Kazuo kaya naman sinabi niya sakin ang eksaktong lugar. "Yeah... I'm okay don't worry... As usual... Yeah... Okay see you... Bye bye..." Pagkatapos ay binaba ko na ito. Binasa ko ang labi ko at namula na naman ang pisngi ng makitang nakatingin doon ang binata bago ulit ako tinignan sa mga mata. Naiilang na ibinigay ko sa kaniya pabalik ang phone niya at umiwas ng tingin ng abutin niya na iyon at nagtama ang kamay namin. Parang may kuryenteng dumaloy doon, oh god napakaattracted ko masyado sa kaniya! "You know what." Umpisa nito kaya wala sa sariling napatingin ako sa labi nito habang nagsasalita siya. "Stop bitting your lips." Nagtataka naman ako sa sinabi nito kaya muli kong kinagat ang labi ko dahil hindi ko naman alam ang isasagot dito. I heard him groaned. At bago pa man ako makagalaw ay inisang hakbang na nito ang pagitan namin at inilapit sa aking mukha ang mukha nito. Nanlaki naman ang mata ko dahil sa pagkabigla. "You know it attracts men." He whispered. At sasagot pa sana ako ng bigla nitong nilapat ang labi niya sa labi ko. Hindi ko alam ang gagawin, nanayo ang balahibo ko sa batok lalo na ng hawakan nito iyon upang palalimin pa ang halik. Parang wala naman sa sariling tinugon ko iyon at walang alinlangan na ibinuka ang bibig upang mas magkaroon pa ito ng access sa labi ko. Tounge to tounge. Lips to lips. Parang nawala na ako sa sarili dahil sa sarap na nararamdaman ko. Ang sarap angkinin ng labi niya. Para bang may sariling isip ang kamay ko at napulupot ko ito sa leeg niya habang naramdaman ko ang likod ko na dumampi sa malamig na metal. Nakasandal na kami sa gate at hindi pa din napuputol ang halik na pinagsasaluhan namin. "O my god guys! Kazuo is kissing someone! Flirt alert!" Natauhan ako bigla ng may sumigaw at may makakita sa amin. Tumigil ako sa paghalik dito pero parang wala naman itong pakialam kaya marahan ko itong itinulak. Siguro ay napansin niya ang pagaalinlangan ko kay nag-angat ito ng tingin sa akin pagkuwan ay matalim na pinukol ng tingin kung sino mang istorbo na iyon. Yes istorbo. Kaagad kong pinakawalan ang hiningang kanina ko pa pala pinipigilan at napahawak sa braso ni Kazuo na nakahawak na pala sa beywang ko at hindi ko man lang naramdaman. Para bang hinahabol ang puso ko lalo na ng mapagtanto yung posisyon namin. Sobrang lapit namin sa isa't isa at nakapulupot pa din ang kamay ko sa leeg niya na kaagad kong tinanggal. Marahan ko ding tinanggal ang kamay niya sa beywang ko. Mas kinapitan pa ako ng hiya ng mapagsino ang sumigaw kanina. At ito lang naman ang kapatid ni Kazuo na si Kiffin na tulad din ng kapatid ay sikat din na vlogger at influencer. At mukhang nagv-vlog pa ito ng mahuli niya kami dahil may hawak itong camera sa kamay nito at nakalolokong nakangiti sa kapatid niya. Oh s**t nakakahiya ka Akihara! Parang gusto ko nalang lamunin bigla ng lupa sa kahihiyang nararamdaman ko. O my god this is so awkward! Mabuti nalang at may narinig na akong busina na hudyat na nandoon na ang sundo ko. Kaya naman walang pasabi na mabilis pa sa alas-cuatro na umalis ako doon at binuksan ang gate at patakbong sumakay sa kotse ng sundo ko. Namataan ko pa nga si Kauzo na sinundan pa ako pero sinabi ko na kay Xeth na umalis na kami doon at agad naman itong tumalima. Kumakabog man ang dibdib ay may sumilay na ngiti sa labi ko. Ngiting tagumpay. Mas lalo pa akong napangiti na para bang mapupunit na ang labi sa lawak ng sakop niyon. Did I just kiss the ultimate Kazuo Mori? 'cause it's so fricking good! Hiyaw ko na kinikilig sa isipan ng maalala ang halik na pinagsaluhan namin. Ni hindi sumagi sa isipan ko na balang araw ay mahahalikan ang idolo ko. Sa totoo nga niya eh inggit na inggit pa ako sa mga napapanood na video kung saan niyayakap nila ang bawat fans nila. Pero parang lahat ng inggit na naramdaman ko ay napalitan ng pagmamalaki. Sino ba naman hindi? Eh sila yakap lang, eh ako nahalikan ko pa! Mas lalo nalang akong natuwa dahil sa naisip mo. Hindi na mawala yung ngiti sa labi ko. Para akong lumulutang sa alapaap ng biglang nagsalita ang epal kong sundo. "First time kong makita kang masaya na may lalapa sayong batalyon na aso." Takang tanong nito sa akin kaya mas lalo akong natawa sa sinabi nito. Eh kasi nga ibang aso yung lumapa sakin.At masarap lumapa iyon. Bulong ko sa sarili bilang sagot sa tanong nito at tumingin sa bintana upang sariwain ang nangyari kanina lang habang naroon pa din sa labi ko ang ngiti. **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD