Devyn Hinila ako ni sir Voughn papunta sa may pintong bakal. "Sir, dahan-dahan naman po sa pag hila masakit po ang braso ko" nakangusong saad ko. Tumigil naman ito at tumingin sa aking braso, lalong dumilim ang mukha ni sir ng makita ang aking pasa. "f**k! saan galing 'yan?" sigaw nito. "Iyong dalawang guwardya po sir hinawakan po nila ng mahigpit ang mga braso ko kaya kinagat ko po sila." "Hahaha!" napatingin ako sa babaeng nakasunod saamin na tumatawa. "Tsk! let's go, gagamutin ko 'yan and Odette kunin mo ang first aid kit." utos nito sa babae. "Ok sir Voughn pero paano po ang meeti--" "Sundin mo ang utos ko." malamig na sabi nito. At pumasok na kami sa may pintong bakal halos lumabas ang puso ko sa kaba ng biglang gumalaw ito paangat, kaya napahawak tuloy ako sa braso ni s

