Devyn Lumipas ang dalawang linggo ay naging masaya naman ako sa pagiging katulong ko rito. nakakausap ko narin sila Inay at Itay at natanggap ko na ang unang sahod ko kaya nakapagpadala na ako saamin. Naging malapit rin kaming magkaibigan ni Mabel siya ang laging nakakasama ko. Kay sir Voughn naman ay minsan mabait at minsan naman ay napakasungit. * * * Habang nagdidilig ako sa hardin ay narinig ko ang pagtawag saakin ni aling Tessa. "Devyn, pinapapunta ka nga pala ni sir Voughn sa kompanya at dalhin mo ang mga papeles na naiwan niya." "Eh pano po iyan, hindi ko po alam papunta roon aling Tessa." "Ihahatid ka ni Jorge pa punta sa kompanya ni sir kaya mag palit ka na ng damit hindi ka pwedeng nakaganyan. " "Opo akyat napo ako." Sinuot ko ang mahaba kong palda na umaabot sa buko

