Devyn
Alas kwatro ay nagising na ako nakaramdam din ako ng gutom. naligo muna ako medyo natagalan rin ako dahil sa masakit ang aking paa.
Nang matapos kinuha ko na ang bagong uniporme. Mabuti na lang dalawa ang binigay ni aling Tessa saakin, dahil napakadumi na ng uniporme ko kagabi at hindi ko na iyon na labhan pa.
Kapag tapos ko mag ayos ay bumaba na ako. dahan-dahan lang aking paglalakad. Ng makarating ako ng kusina ay nakita ko ang dalawang katulong.
"Magandang umaga po" Bati ko
"Magandang umaga rin ikaw diba ang bagong katulong" Sabi ng maikling buhok na babae
"Opo, ako po si Devyn pwede niyo po akong tawaging Dev" ngiting sabi ko
"Hello Dev ako pala si Mabel at siya naman si ate Donna." Ngumiti sila saakin at ganoon din ako, nakita ko si ate Donna mukang magluluto ito.
"Ahm.. ate Donna pwede po ba ako ang mag luto?"
"Oo naman, pero magluluto muna ako ng breakfast ni sir, bakit nagugutom ka ba may pandesal diyan at kape,"
"Ay, hindi po gusto ko po kasing lutuan si sir Voughn, pasasalamat ko po sa kaniya dahil siya po ang nakahanap saakin kagabi at siya rin po ang nag gamot ng sugat ko." masayang sabi ko. Gulat ang mababakas sa kanilang mukha.
"T-Teka, anong sinabi mo, si sir Voughn ang nakanap saiyo kagabi. Bakit ano ang nangyari sa'yo?" tanong ni mabel
"Naligaw po ako kagabi sa may parang gubat po. Gusto ko po kasing mag paload dahil tatawagan ko sina Inay at Itay tapos ayun po, mabuti na lang nahanap ako ni sir." kwento ko. Nagka-tinginan sina Ate Donna at Mabel.
"At ginamot ka ni sir?" tanong naman ni ate Donna.
"Opo, ang galing niya nga pong mag gamot kaso masakit 'yung sa pagtanggal niya ng salubsob ko sa paa ko."
"T-Talaga si sir Voughn mismo ang nagtanggal ng salubsob mo sa paa" namamanghang sabi ni Mabel. takang tinignan ko ang mga mukha nila ate Donna at Mabel.
"ahm ate donna ako na po ang magluluto ng almusal ni sir" ngiti kong sabi
"S-Sige" Alangan na sagot ni ate Donna ngunit hindi ko na lang ito pinansin.
"Ate Donna, may bahaw po ba diyan?"
"oo meron bakit?"
"isasangag ko po iyan."
"Naku devyn, kung iyon ang papakain mo kay sir hindi pwede , nagsaing ako diyan iyon na lang ang isangag mo, pero hindi rin kasi kumakain si sir ng kanin sa umaga palagi nga ay kape lang ang inaalmusal niya."
Nagtigilan ako sa pagluluto
"Talaga eh bakit ang laki ng katawan ni sir kung ang palaging inaalmusal niya ay kape? diba dapat papayat siya no'n kung iyon lang ang kanyang kinakain." Narinig kong nagtawanan sila ate donna at mabel
Pero hindi ko na sila pinansin, kinuha ko ang bahaw at dinurog.
"nakakatuwa ka Devyn" ngiting sabi ni Mabel,ngumiti lang ako at sinimulan ng mag luto ng kanin.
"Naku Devyn, baka magalit si sir kung iyang bahaw ang isasangag mo." kinakabang sabi ni ate Donna.
Katakot takot naman kasi kapag nagagalit ang kanilang amo.
"Hindi iyan ate Donna, at tsaka huwag tayong magsasayang ng pagkain, magagalit si papa jesus" sabi ko
napangiti naman ang dalawang katulong dahil kay Devyn dahil mukhang mabait din ito.
Natapos na akong magluto inilagay ko na ito sa tray ako narin ang nagtimpla ng kape ni sir.
"Oh Devyn ang aga mo at ikaw ang nag luto ng almusal ni sir?" gulat na tanong ni aling Tessa na kakagising lang.
"Opo aling Tessa." ngiting sagot ko.
"Eh nasaan na si Donna bakit ikaw ang nagluto? siya ang naka toka sa pagluluto. "
"Hindi po aling Tessa ako po ang nagpresinta,"
"Ah gano'n ba sige, ihatid mo na 'yan kay sir."
Umakyat na ako at nang makarating ako sa kwarto ni sir ay kumatok muna ako.
TOK!TOK!TOK!
binuksan nito ang pinto
"Magandang umaga sir eto na po ang almusal niyo" maganang sabi ko.
Pero natigilan ako ng makita ko itong nakahubad at mukang kakaligo lang basa pa ang buhok nito.
"Pasok" malamig na sabi nito. ng makapasok ako ramdam ko agad ang lamig sa buong kwarto. Inilapag ko na ang tray sa mesa nito ng mag salita ito.
"Ang coffee lang ang ilagay mo diyan."
Lumingon ako dito pero gano'n na lang ang gulat ko ng nasa tapat ko na pala si sir Voughn. Napatitig ako sa katawan nito
"Sir Voughn may pandesal karin po pala, sa mga artista sa t.v ko lang po iyan nakikita" ngiting sabi ko
naalala ko ang kwento ni Elena meron din daw pandesal ang jowa nito matigas daw iyon at masarap hawakan
"Ah sir Voughn pwede po ba akong pahawak ng pandesal niyo sabi kasi ni elena masarap daw 'yan hawakan, " nang tignan ko ito ay madilim ang mga mata nitong nakatitig saakin.
Kaya may takot akong naramdaman 'bat ba ang daldal mo devyn ayan tuloy mukang magiging tigre na si sir Voughn' kausap ko sa sarili ko.
"Sir kumain na po kayo ako po ang nagluto niyan pasasalamat ko nga pala sa pag gamot niyo po saakin," pilit ngiting sabi ko.
Hindi ito nagsalita at tumalikod papunta sa may parang kwarto paglabas nito ay naka parang jacket ito na mahaba 'basta parang tuwalya na jacket ganun'
"S-Sir labas na po ako. "
Naglakad na ako papunta sa pinto ng magsalita ito.
"Sinabi ko bang lumabas kana." malamig na sabi nito. lumingon ako dito.
"Lumapit ka dito at kumain,"
kunot noong nakatingin ako rito
"Eh, sir niluto ko po iyan para sa inyo."
"Alam kong hindi kapa nagbe-breakfast kaya sabayan mo akong kumain" seryoso padin nitong sabi.
Kamot ulong lumapit ako dito
"O-Ok p-po sir." umupo ako katabi nito
Nag simula ng uminon ng kape si sir Voughn. ako naman ay hindi alam kung anong unang gagawin ko.
"Tititigan mo na lang ba yan"
'Paano iyan isa lang ang kutsara tinidor,'
"Sir kukuha lang po ako ng isa pang kutsara."
"Hindi na....... subuan mo na lang ako" seryosong sabi nito.
Nanlaki ang aking mga mata sa sinabi nito
"S-Sir.... hindi naman na po kayo baby para subuan, hindi pa po ba kayo marunong gumamit ng kutsara't tinidor" gulat na tanong ko dito 'grabe malaki na siya malaki na nga ang katawan niya hindi parin pala siya marunong gumamit ng kutsara at tinidor kawawang sir Voughn' napailing pa ako, ngunit nagulat ako ng tumawa ito.
Natulala ako habang tinitigan ko si sir Voughn habang tumatawa parang isa itong anghel sa sobrang ka-gwapuhan 'at bakit ganun parang biglang kinikiliti ang tiyan ko .... hala baka may bulati na ako' ......
* * *
Voughn
Hindi ko akalain na gano'n ang magiging reaksyon nito.
Kaya napatawa talaga ako rito sabihin ba namang hindi daw ako marunong gumamit ng kutsara't tinidor
'So innocent'
Tignan ko ito ay nakanganga ito habang tulala kaya pinitik ko ito sa noo.
"Aray ko po, bakit namimitik na naman kayo sir." gusto ko mang tumawa pinigilan ko ito at pinaseryoso ang mukha.
"Subuan mo na ako at oo hindi pa ako marunong gumamit ng kutsara't tinidor" sabi ko
"Hala, talaga sir kawawa ka naman kaya sige susubuan kita, tapos sa susunod sir Voughn tuturuan naman kita. "
hindi ko napigilan ang pagsilay ng ngiti sa aking labi...
_____
Sorry for Grammatical Errors and Typos:) Enjoy Reading