Devyn
Nakasakay na ako sa kotse ni sir Voughn. 'grabe napaka ganda pala dito ngayon lang kasi ako nakasakay sa ganitong sasakyan.'
Pinag pipindot ko rin 'yung may ilaw, tapos may mga numero na nakalagay. nang biglang tumunog ito ng napakalakas.
"Waaahhh!" Napasigaw ako sa gulat.
"Tumahimik ka nga babae!" Sigaw rin ni sir at pinatay ang tugtog.
'Ang galing radiyo pala un,'
Nang makarating kami sa bahay ay bumaba na si sir sa kotse ako naman ay naiwan dito. Nataranta ako ng mamatay ang ilaw kaya kinatok ko ng malakas ang bintana.
"Sir 'wag niyo po akong iwan dito sir Voughn!" Natataranta kong sigaw, naiiyak na naman ako naalala ko 'yung parang gubat na sobrang dilim.
Biglang bumukas ang pinto, nagmadali agad akong lumabas. Matalim na nakatingin sa akin si sir Voughn.
"Hindi ka ba marunong magbukas?" Inis niyang sinabi saakin.
"Pasensya po ngayon, lang naman po ako nakasakay sa kotse. Ang nasasakyan ko pa lang po ay ang Jee--," Hindi ko na naituloy ang sinasabi ko ng nilayasan ako ni sir.
'Hmmp bastos talaga to si sir Voughn.' Napatingin ako kay aling Tessa na tumatakbo ng papalapit saakin.
"Jusko ka hija nag-alala ako saiyo, Maayos ka lang ba? saan ka ba ng galing?" Tanong nito.
"Huhuhu, manang galing po ako sa parang gubat. Nakakatakot po, sobrang dilim mabuti na lang po ay dumating si sir Voughn" Biglang iyak na kwento ko.
"Ano? si sir Voughn ang nakahanap saiyo?" Gulat na tanong ni aling Tessa.
"Opo aling Tessa."
Sa isip naman ni Tessa ay hindi nito akalain na ang mismong amo niya ang maghahanap kay Devyn. humingi siya ng tulong kay sir Voughn dahil alam niyang marami itong tao na pwedeng maghanap sa dalaga. May ngiting sumilay kay Tessa.
"Halika na at maglinis ka, napakadungis mo. sigurado ka bang maayos ka lang?"
"Opo,pero parang masakit po ang aking mga paa."
tinignan ni aling Tessa ang aking paa at nagulat ito nang makita na naka medyas na lang ako at butas-butas pa may matsa rin ng dugo.
"Hija! anong nangyari diyan" tanong nito
nang tignan ko ang mga paa ko nagulat ako ng nakamedyas na lang pala ako.
"Tumakbo po kasi ako aling Tessa, bigla po kasing may umi-stop na kotse sa akin kaya po sa sobrang takot ko nagtatakbo po ako. Hindi ko na po siguro ito napansin dahil sa takot na nararamdaman ko kanina."
"Siya halika na at gagamutin natin 'yan" Pumasok na kami ni aling Tessa.
* * *
Voughn
Bago pa ito dumaldal ay iniwan ko na siya. Pwede namang sumagot ng oo o hindi ang dami pang sinasabi.
Pagkarating ko sa pool area, nakita ko ang mga f*ckers na lasing na.
"Isay, tawagin mo si Jorge at iakyat ang mga 'to sa guest room,"
"O-Opo sir."
Papunta na ako sa aking kwarto ng makita ko si manang na may dalang first aid kit.
"Manang para kanino 'yan?" Tanong ko rito.
"Para po kay Devyn, marami po kasi itong sugat sa paa." Sagot nito, nagdilim ang aking tingin. 'hindi man lang nito sinabi na may mga sugat pala siya.' kinuha ko ito
"Ako na manang, paki ayos nalang ng mga kalat sa pool area" Tumalikod na ako at pumunta sa kwarto ng babae 'yun.
Nang makapasok ako wala ang babae, pero narinig ko ang lagasgas ng tubig kaya alam kong nasa bathroom ito.
Umupo ako sa kama at naghintay. Biglang bumukas ang pinto ng bathroom at lumabas itong nakatapis lang ng towel. Pinasadahan ko ng tingin ang katawan nito
'f**k!'
"waaahhh" tili nito
"ba-bakit po kayo n-narito sir" tinakpan pa nito ang dibdib
pero kahit takpan pa niya makikita padin ang kalahating dibdib nito
Nanatili akong kalmado habang nakatingin sa kaniya, kahit ba may nararamdaman akong kakaiba.
'Damn it, i'm getting hard! Lalo na ng mapansin ko ang kaniyang malaking hinaharap.
"Gagamutin ko ang sugat mo kaya.. magbihis ka na."
"Pe-Pero kaya ko naman na pong gamotin mag isa ang aking paa ko sir." Tinitigan ko ito ng malamig na nagsasabing hindi ito pwedeng tumanggi. Napangusoit at kinuha na lang ang kaniyang damit sa may silya at bumalik na sa bathroom.
'Calm down buddy.' Binuksan ko rin ang tatlong butones ng damit ko dahil nagiinit talaga ang pakiramdam ko..
* * *
Devyn
Bumalik ako sa banyo, at tumingin ako sa salamin, kitang-kita ang pagpula ng aking buong mukha. Nag damit na ako at ilang sandali ay lumabas na. Nakita ko si sir Voughn na seryoso lang itong nakatingin saakin.
"Sit here." Turo nito sa tabi niya.
* * *
Third Person POV
Nang makaakyat sina Isay at Lara, ay may narinig silang sa kwarto ng bagong maid na si Devyn.
"Ahhh!.. dahan-dahan lang po sir."
"Hindi naman ito masakit."
"Aahhh! Arayy ko sir Voughn, masakit po talaga ahhhh!"
"Shut your mouth, dadahan-dahanin ko lang. Sabihin mo kapag masakit titigil ako."
"OMG, Isay! si Devyn iyon at si sir Voughn!" Ani Lara. Gulat naman ang ekspresiyon sa mukha ni Isay.
"Hoy! Anong ginagawa niyo diyan?" Biglang dumating ni Jilian.
"Sshhh.. 'wag kang maingay, alam mo bang nandito si sir Voughn sa kwarto ni Devyn, at may naririnig kaming hindi inaasahan." Mahinang saad ni Lara. Tumaas ang kilay ni Jilian at idinikit ang tenga sa pintuan ng kwarto ni Devyn.
"Ahhhh! Aray ko po. Tama na sir masakit na talaga,"
"s**t malapit, na bakit ka gumalaw." Nanlalaki naman ang mata ni Jilian sa gulat ng marinig iyon.
"Sinabi ko na nga ba't painosente lang ang babae na 'yan. Malandi rin pala ang gaga!" Galit na sabi nito.
"Ha-Halina kayo, b-baka makita pa tayo ni s-sir." Naiiyak na sabi ni Isay hindi na lang niya ito pinahalata. Galit na umalis si Jilian naiwan naman si Isay at Lara.
"Huwag kang umiyak diyan bes, 'wag kang papayag na maagaw ni devyn ang atensyon ni sir mas nauna mong nakilala si sir voughn bago lang si devyn dito kaya huwag kang papayag bes laban lang! nandito lang ako." Ani Lara kay Isay na ngayon ay umiiyak.
* * *
Devyn
"Huhuhu ang sakit ang dami ko pa lang salubsob" Umiiyak na sabi ko.
"'Wag kang malikot isa na lang 'to." Binunot ni sir Voughn ng dahan-dahan ang salubsob sa paa ko. Ng matapos ay ginamot na niya ito at binalutan ng gasa ang paa ko. tinitigan ko naman ito.
'Grabe ang gwapo talaga ni sir Voughn, lalo itong gumagwapo kapag seryoso ang mukha niya. Masungit nga lang talaga pero hindi ko inaasahan na may tinatago pala itong Kabaitan.'
Bumilis na naman ang t***k ng aking puso. 'Bakit kaya ganito ang puso ko kapag nakatingin ako kay sir Voughn bumibilis ito, matanong nga kay aling Tessa.'
Bigla namang pumasok si aling Tessa. "Naku sir, ako na po diyan" Sabi nito at lumapit kay sir.
"No need, tapos na 'to," Tumayo siya at tumingin saakin.
"Magpahinga ka na," Seryosong sabi nito at basta na lang umalis.
"Kainis talaga si sir Voughn, hindi pa nga ako nakakapag-pasalamat eh." Nakangusong saad ko. Ngumiti naman si aling Tessa
"Gano'n talaga si sir Voughn, pero alam mo natutuwa ako sa inaasal ni sir ngayon."
"Bakit po aling Tessa?" Takang tanong ko. ngumiti lang ulit ito saakin at hindi na nag salita.
______
+Sorry for Grammatical Errors and Typos:) Enjoy Reading