Devyn
'Ehh? Anong nangyari doon, bigla na lang umalis.'
Ininom ko na lang ang kape 'hmm sarap kahit malamig na' naalala ko no'n, inuulam ko ito dati.' Biglang naisip ko sina Inay at Itay.
"Jusko ka hija! Sinabi kong tignan mo ang niluluto ko, ano't tulala ka riyan." Biglang dating ni aling Tessa, nagmamadali itong tignan ang niluluto.
"Nako, mabuti hindi natuyo ang sabaw." Nakahinga naman ako ng maayos.
"Ah.. aling Tessa. Pwede po ba akong lumabas, kailangan ko lang pong magpaload dahil tatawagan ko po sila Inay at Itay" Ani ko.
"Eh baka naman maligaw ka, sa labas pa ang tindahan. Makitawag ka na lang saakin." Kinuha ni aling Tessa ang telepono niya sa kaniyang bulsa.
"Ay, wala na pala akong load hija tumatanda na talaga ako. Oh siya magpautos ka na lang sa gwardiya diyaan na i-load ka, sabihin mo ako ang nag utos."
"Opo" Sagot ko at umakyat sa kwarto para isulat ang aking numero, mabuti na lang may dalawang daan pa ako dito.
Lumabas na ako ng bahay dala-dala ang papel at pera.
"Hello po manong guard. Pinapautos po ni aling Tessa na loadan niyo daw po ako, heto ang number ko at ang pera sala--"
"Ang kapal mo naman hija. Hindi ba ikaw ang bagong katulong, bakit ako ang inuutusan mo. Kung pwede namang ikaw na lang" Masungit na sabi nito
"Eh manong guard, baka po maligaw ako. Ang sinabi ni aling Tessa pwede ko daw po kayong utusan" Sagot ko naman.
"Huwag mokong pinagloloko ko ha. Lumang style na 'yan, ganyan din ang ibang katulong dito, palagi akong inuutusan kesyo utos ni manang Tessa. Namumuro na kay" Galit na sabi ni manong guard
Ayoko naman talaga mag pautos. Iyon nga lang baka nga maligaw ako at padilim na. mamaya may multo palang sumusunod saakin.
"Ahm.. sige po manong pwedeng paturo na lang po saan pwedeng magpaload dito"
"Malayo, kailangan mo pang lumabas ng Village dahil walang tindahan dito mamayaman ang mga nakarita rito. pero pag labas mo naman ng village eh maraming ng tindahan do'n."
"Sige po salamat, kung hanapin man po ako ni sir pakisabi nagpaload lang po ako,"
"At bakit ka naman hahanapin hahaha! asa ka naman" malditong sabi nito kamot ulo na lang akong lumabas
Nagsimula na akong maglakad ng maglakad napakalayo pala. Pilit kong tinatandaan ang kalsada kung saan kanina dumaan ang sinakyan naming tricycle no'n ni aling Tessa.
Nakakaramdam na ako ng takot dahil sa bandang gawi dito ay madilim na ang madadaan ko. Puro puno ang nasa paligid at walang mga bahay ngunit kailangan kong maging matapang kailangan kong matawagan sila Inay at Itay kapag pinaabot ko pa ng bukas ay paniguradong magaalala sila.
Nang biglang may kotse na padaan napaka bilis nitong magpaandar ngunit nang malapit na ito sa akin, ay biglang bumagal ang pagmaneho at dahil sa takot ko kumaripas ako ng takbo, hindi ko na alam kung ano ang dinadaanan ko basta ang importante lang saakin ay makaalis doon.
Nang alam kong nakalayo na ako ay tumigil ako sa pagtakbo, at napaupo sa sobrang pagod.
Bigla akong natigilan at nilibot ang paligid parang nasa isang gubat ako puro puno ito at sobrang dilim.
Halos maiyak ako sa takot, biglang naalala kong dala ko pala ang telepono ko, binuksan ko ang flashlight nito mahina lang ang liwanag na lumalabas dito dahil sa keypad lang naman ang aking telepono. Pero kahit papano ay nakatulong ito. sinimulan ko nang maglakad pabalik.
* * *
Voughn
Iniwan ko doon ang bagong maid ko at umakyat.
hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng init sa aking katawan.
'Ganito ba ang pakiramdam kapag matagal ka ng walang s*x, pero hindi naman ako basta nagiinit sa isang babae na wala pang ginagawa' Noon hindi ako basta nakikipag s*x kapag wala pa akong libog na nararamdam sa katawan, kaya ang mga dumaan sa aking babae ay kailangan muna nilang painitin ang katawan ko bago may mangyari.
Naligo na lang ako para mawala ang init sa aking katawan. Halos mag iisang oras akong natapos sa pag ligo. Ng matapos ako nagtapis ako ng towel. nang may kumatok sa pintuan.
"Sir nandiyan na po ang mga kaibigan niyo" malanding sabi ng katulong kong si Jilian nakatingin pa ito sa katawan ko, kaya pabalibag kong sinara ang pintuan.
Padating ko sa pool area nandoon na ang mga f*ckers.
"Hey pare how are you?" tumatawang sabi ni Jairo.
"F*ckyou!" Sagot ko dito. Tumawa lang ito. tumingin ako kay Nicolo na tumutungga na ng bote tsk!
"Pare mamaya ka na magpakalasing, kakapunta pa lang natin ayaw namin mag alaga ng lasing" Awat ni Jairo kay Nicolo.
"You know what pare, first time kong makakita ng multo dito sa village niyo" Kwento ni jairo.
Tumaas ang kilay ko 'napakadaldal talaga nito parang si......nevermind' sinimulan ko naring uminom.
"Hindi 'yon multo tao 'yon idiot" Ani Hernan.
"Hahaha, nakakatakot naman kasi isipin mo pare siya lang ang mag isang naglalakad sa madilim na daan, paanong hindi ko iisipin na multo 'yon" Tumatawang sagot ni jairo
"Pero pare, parang isa 'yon sa mga katulong mo, parehas kasi ng uniform ng mga katulong mo dito, doon sa babaeng nakita namin. Tatanungin sana namin kaso biglang kumaripas ng takbo." hindi ko alam kung bakit biglang kumabog ang dibdib ko sa sinabi ni Hernan....
* * *
(Third Person Pov)
Umakyat na si Tessa sa kwarto ni Devyn, dahil nagtataka ito kung bakit hindi pa ito nakakabalik.
Pag akyat ni Tessa wala namang tao hindi, nito alam kung bakit may kaba siyang nararamdaman.
Dali-daling lumabas si Tessa ng mansion nang makarating ito sa gate laking gulat nito nang makita niya si Jose. Lumapit siya rito.
"Jose! Nasan na si Devyn ang bagong katulong? Sinabihan ko siyang utusan kang magpaload" Sabi rito ni Tessa.
napakamot sa ulo si Jose.
"Eh ayun lumabas, sinabi ko siya na ang magpaload akala ko kasi ay nagsisinungaling siya na ikaw ang nag-utos. Alam mo naman lahat ng katulong dito iyan ang palaging sinasabi kapag inuutusan ako."
"Nako! bakit hinayaan mo siya. baka naligaw na 'yon at gabi na nakakatakot na ang daan."
"Pasensya na" Sabi ni Jose. Napahawak na lang sa noo si Tessa at pinuntahan nito si Sir Voughn para sabihin ang nangyari kay Devyn.
* * *
Voughn
"Paano mo naman nasabi, lahat naman ata ng katulong ay gano'n ang mga uniporme," Seryosong saad ko.
"Sabagay." Sagot naman ni Hernan.
Napalingon ako ng makitang papalapit dito si manang Tessa.
"Ah.. Sir Voughn, pwede ko ho ba kayo makausap saglit" Ani manang Tessa, halata sa mukha nito ang takot at kaba.
tumango ako at lumayo kami sa mga kaibigan ko.
"Sir, iyong bago niyo pong katulong na si Devyn, ay hanggang ngayon wala pa"
"Anong sabi mo."
"Kasi sir gusto niya pong mag paload para matawagan ang mga magulang niya. kaya ang sabi ko sa kaniya ay pumunta kay Jose at iutos na lang pero..."
"Manang" Malamig na sabi ko
"Pe-Pero.. hindi pumayag si Jose at hinayaang umalis mag isa si Devyn. Nag-aalala na po ako sir, nangako po ako sa mga magulang niya na, babantayan ko siya dito sa Maynila." Naiiyak na sabi ni manang.
Makikita ang malamig na aura sa aking mukha. Lumakad na ako paalis, narinig ko pa ang pagtawag saakin ng mga kaibigan ko. Ngunit hindi ko na sila pinansin pa at umalis na.
Sumakay ako saaking sasakyan. Ng makarating ako sa gate ay binaba ko ang bintana at pinalapit ko si Jose. Kita sa mukha nito ang takot.
"You're fired" Malamig kong sabi at nag maneho na paalis
Hindi ko alam kung bakit may nararamdaman akong kaba. pero ang kailangan ko ngayon ay mahanap ang babae na 'yon.
Tinawagan ko na rin si Jorge, sinabi ko rito na magpakalat ng mga security guard para hanapin ang maid ko.
Nakailang beses na akong paikot-ikot pero hindi ko parin ito mahanap, ng biglang tumawag si Hernan.
"Pare nasaan kana ba, lasing na dito si Nicolo," Sabi nito.
"Nasaan niyo nakita ang babae?" Seryosong tanong ko.
"Babae? 'yung nakita namin sa daan, sa may mga puno at madilim na kalsada." Pinatayan ko na ito ng telepono, at agad na nagmaneho pa punta sa kaniyang sinabi.
'Napakadilim dito, paano niya nakayang maglakad mag-isa.'
Pinarada ko ang aking kotse at bumaba. binuksan ko ang aking flashlight gamit ang telepono. naglakad-lakad ako kahit napakadilim wala akong pakialam. Nakarating ako sa parang gubat at pumasok dito.
"Hoy babae nasaan ka!" Sigaw ko. Hindi alintana ang dilim. Habang naglalakad tinutok ko ang ilaw sa lupa ng may nakita akong isang tela. Ng makuha ko ito. Doon ko nalaman na ito ang isinusuot ng aking mga katulong na nakalagay sa kanilang uluhan.
'Ibig sabihin ay narito lang siya.'
"Devyn!" Sigaw ko.
* * *
Devyn
Naupo na lamang ako dahil pagod na aking nararamdaman. Hindi ko alam kung bakit, pero parang bumabalik lang ako.
Yumuko ako at umiyak ng mahina. Takot talaga ako sa dilim. Takot din ako sa multo. Nung una hindi naman talaga ako naniniwala sa multo, pero palagi kasi akong kinikwentuhan ni Elena ng mga nakakatakot.
Maa-maya ay parang naririnig akong may tumatawag sa aking pangalan. Lalo akong natakot at siniksik ang sarili sa puno.
Ng biglang makarinig ako ng yabag dahil narin sa mga tunog ng tuyot na dahon lalo akong naiyak. nakapikit ako at tinakpan ko ang mga tenga. Pero naririnig ko padin ang paglakad nito.
Papunta ito sa akin naginginig na ang aking katawan. parang hindi na ako makahinga sa sobrang takot.
Ng marami kong nasa tapat ko na ito dahil sa liwanag na nagmumula rito ay sumigaw na ako.
"Waaaaaahhhhh! parang awa muna wag mo akong kunin bata pa ako tutulungan ko pa sila Inay at Itay papagamot ko pa si Tonio Waaaahhhhh! parang awa muna!" Umiiyak na sigaw ko.
"Napaka inggay mo talaga babae." Ng marinig ko ang pamilyar na boses na'yon ay kumabog ng husto ang aking puso, sobrang bilis din ng t***k nito. Ng tumingin ako dito ay nasilaw pa ako dahil sa liwanag, ibinaba nito ang ilaw doon ko nakita si...
"Si-Sir? sir Voughn WAAAAAHHHHHH!" Sigaw ko at yumakap dito habang humahagulgol ako.
"Maraming salamat sir.. huhuhu akala ko po wala ng makakakita saakin, akala ko po kukunin na ako ng mga multo. Takot na takot po talaga ako huhuhu salamat po ulit talaga sir" Umiiyak na sabi ko rito.
"Ehem.. Pwede mo na akong bitawan" Seryosong saad nito. Binitawan ko na nga ito sa pagkakayakap ko.
"S-Sorry sir, sobrang saya ko lang po na nahanap niyo po ako" Nahihiyang ani ko.
"Hindi kita hinanap, nakiusap lang saakin si manang Tessa, na hanapin ka dahil nawawala ka raw" Aniya, hindi ko alam kung bakit biglang may kirot akong naramdaman. ngumiti na lamang ako rito.
"Ah gao'n po ba. pero salama--"
"Tama na ang pasasalamat mo, umuwi na tayo." Nauna itong maglakad kaya hinabol ko ito at dumikit rito. Tumingin ito saakin
"Natatakot po ako sir eh." nakayukong sabi ko. Nagulat ako ng bigla akong nitong hawakan sa balikat at inalalayang maglakad.
palihim akong ngumiti, natutuwa ang puso ko.
_____
+Sorry for Grammatical Errors and Typos:) Enjoy Reading