CHAPTER 5

1579 Words
CHARISE MARIE Nagsimula na akong mag-set up ng tent ko. Mula sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko na ding tumayo ang lalaki mula sa pagkakahiga sa batuhan. Natuon ang tingin ko sa lalaki na kasalukuyang naglalakad. Sinundan ko siya ng tingin kung saan ito pupunta. Nakita kong kinuha nito ang backpack na dala nito na nasa isang tabi. Napatingin pa ito sa gawi ko pero iniwasan ko itong salubungin iyon. Nagkunwari akong busy sa ginagawa ko. Hindi pa din ako kumbinsido at panatag sa presensya ng lalaki na bigla na lamang sumulpot kahit pa nga na sinagip niya ako kanina. Paano na lang kung isa iyon sa tactics nito pero may iba pa talaga itong binabalak na gawin sa akin. Ayokong maging praning pero sa mga naiisip ko andaming puwedeng maging motibo nito. Naglalaro ang mga kaisipang iyon sa utak ko. Hindi ko maiaalis na hindi mag-isip ng mga posibleng mangyare. I need to be prepared and protect myself. Kailangan ko lang maging mapag-matyag, maging alerto at maging matapang. Para pag nagkagipitan man kaya kong labanan ang lalaking ito. Muli kong ibinalik ang tingin ko sa lalaki. Nagsisimula na din itong mag-set up. At base sa ginagawa nito ay mukhang yaka din dito ang ginagawa. Pero siyempre di rin ako magpapatalo. Kaya ko rin na gawin iyon without the help of others. Maraming beses ko ng ginagawa 'yun ng mag-isa. At gamay na gamay ko na iyon. Unti-unti nang bumabalot ang dilim at halos sabay lang kami natapos mag set-up. Pagkatapos nun ay nagmadali na akong pumasok sa loob ng tent ko saka nahiga sa backpack ko bilang unan. Napagod ako today at ramdam ko na ang gutom ko. Tuluyan akong bumangon para kunin sa bag ang mga pagkain kong dala. Konti lang ang dala ko kasi overnight lang naman ako. Bukas ng umaga ay uuwi na din ako after kong mapanood ang sunrise at sea of clouds. I just want to cross this out sa bucket list ko. I'm just hitting three birds with one stone sa pag-akyat ko dito. Una, ay ang maakyat ang Mount Salvacion nang mag-isa. Pangalawa, ay ang magawa ito bilang salubong sa birthday ko and lastly, ay masolo sana ang bundok kaso may asungot na biglang sumulpot at sinira ang moment ko. Bonus na ang sunrise at sea of clouds plus an Alien or UFO sighting sana para mas bongga. Inilabas ko na ang mga pagkain kong dala. Meron akong nuts, chocolates, tinapay, saging at nilagang itlog na puro tira ko kanina nung kumain ako ng tanghalian ko. Ramdam ko na ang gutom at pagod na din ako. Pagkatapos kong kumain ay balak ko nang magpahinga. Kailangan kong magising ng maaga bukas para masalubong ko ang sunrise at ang paglitaw ng mga ulap. Nagsimula na akong lantakan ang mga pagkain ko. Inuna ko na ang natitirang dalawang piraso ng nilagang itlog. Halos mauubos ko na iyon ng maka-amoy ako ng masarap at nakakatakam na nilulutong pagkain mula sa labas. At sigurado akong ang lalaki ang nagluluto niyon. Feeling ko kasi hindi ako nabubusog parang gusto ko ng kanin kaso wala nga akong dala. Though sanay naman ako sa pagkain na karaniwang dala pag nagha-hiking kami but this time iba ang epekto ng naamoy ko mula sa labas. Mas lalo lang akong nagutom ng husto dahil dun. Parang gusto ko din ng niluluto nung lalaki. Binuksan ko ang tent ko at sumilip sa labas. Lalong pumasok ang nakakatakam na amoy na iyon mula sa niluluto ng kabila. Madilim na talaga pero may liwanag na nagmumula sa tent ng lalaki. Nakita ko ding nasa labas ito at nagluluto. Kahit na anong gutom at takam ko sa niluluto nito ay pinilit kong balewalain. Tuluyan kong sinarado ulit ang tent para hindi na pumasok ang amoy. Sa halip ay kinain ko na lang ang saging at tinapay para mawala at malabanan ko ang gutom ko. Para mawala din ang inggit ko sa kakainin nito. Naubos ko na ang saging maging ang tinapay pero feeling ko nagugutom pa din ako. Ininuman ko na din ng maraming tubig para mabilis akong mabusog pero walang epekto. May chocolates at nuts pa ako pero di ko sila bet kainin ngayon. Andun pa din kasi ang utak ko sa niluluto ng kabilang tent. Muli akong sumilip sa labas. Hindi pa din ito tapos magluto. Nahuli pa niya akong sumisilip ng mapatingin ito sa gawi ko pero nagmadali akong nagtago sa pabalik sa loob. "Miss, tara kain tayo!" Narinig kong alok ng lalaki. Hindi ako sure kung ako ba ang inaalok niya. Eh, ako lang naman ang nag-iisang babae roon. Dadalawa lang din kami dito. So, sino ang tinatawag nito? Napaisip ako. Hindi kaya baka may nakikita itong iba na kasama naming dito na hindi ko napapansin. Bigla akong kinilabutan sa naisip ko. Aminado ako na malakas ang loob ko sa mga akyatan kahit walang matinong trail na sinusundan pero mas takot ako sa momo. 'Yun ang biggest fear ko. Ang kahinaan ko at ayokong makakita nun. Baka nagtatakbo na ako ng wala sa oras. "Miss, ayaw mo ba? Andami ko pa namang niluto." Muli kong rinig. Na-curious na ako sa tinatawag nito kaya tuluyang kong binuksan ang tent ko para silipin ito. "Miss, kakain ka ba o hindi?" tanong nito ng makita ako at nagsalubong ang mga tingin namin. Kasalukuyan na itong kumakain. "Sino bang inaalok mo?" sigaw ko sa lalaki. "Ikaw! Sino pa ba?" "Ah, ako ba? Akala ko kasi..." "Akala mo ano? Mumo? White Lady? Ganun?" Nakadama ako ng takot sa pinagsasabi nito. May kung anong mga imahe na tuloy ang nabuo sa utak ko. Dahilan para hindi na ako makatulog mamaya. Buwesit talaga ang lalaking 'to. "Wag kang ngang manakot diyan!" naiinis kong sabi sa kanya. "Hindi kita tinatakot. Dadalawa lang tayo dito, Miss. Ewan ko lang kung may nakikita ka pang iba maliban sa atin." "Wala!" Nabuwesit na ako ng tuluyan sa lalaki. Muli kong isinara ang tent ko. "Uy, binibiro lang kita," sabi ng lalaki. "Pwes ako, hindi," sagot ko sa sobrang inis ko. "Ayaw mo ba talagang kumain?" "Kainin mo mag-isa mo. Isaksak mo pa sa baga mo." gigil kong sabi. "Ikaw na nga 'tong inaalok ng pagkain pero ikaw pa ang galit." "Talaga!" paninindigan ko. "Bahala ka nga. Basta ako kakain ako ng masarap at magpapakabusog ngayong gabi." "Mabulunan ka sana," mahina kong sabi. "Di katulad ng iba diyan ang lakas ng loob na umakyat ng Mount Salvacion ng mag-isa pero takot naman pala sa multo. Nag-over night pa," parinig pa nito. Nagpanteng ang tenga ko sa mga narinig kong sinabi nito. Ang lakas ng loob nitong pagsalitaan at paringgan ako ng ganun. Ni hindi nga niya ako kilala. Hinahamon niya talaga ako eh. Pwes makikita niya ang hinahanap niya. Napilitan akong labasin ito sa sobrang inis ko at pinagbabato ko sa kanya ang mga balat ng saging na pinagkainan ko. Kuntudo iwas ito na wag tamaan. "Ang kapal ng mukha mo. Wala kang pakialam kung anong trip ko sa buhay ko. Hindi mo ako kilala at lalong wala akong pakialam sayo. Mind your own business." Patuloy pa rin ako sa pagbato at saktong nasapol ko ito sa mukha. "Miss, nakakasakit ka na ha?" sabi nito at kinuha ang tumamang balat ng saging sa mukha nito. "Ah, masakit ba? Dapat lang sa'yo 'yan. Kala mo kung sino ka? Eh, di ikaw na ang matapang at walang kinatatakutan. Nakakahiya naman sa iyo." "Miss, ano bang problema mo? I'm just trying to be nice here. Inaalok pa kita ng pagkain pero ayaw mo naman. Tapos ngayon aasta kang nasaktan ang ego mo kasi sinabi kong duwag ka?" "So, ako pa ang may problema ngayon? Alam mo, Mister sa totoo lang okay sana ang lahat kung hindi ka na dumating. Everything is perfectly fine pero sinira mo ang lahat dahil sa presence mo. And for your information may kanya-kanya tayong kinatatakutan but it doesn't mean na duwag ka na nun. Anything can be conquer kaya nga kahit takot ako andito ako para harapin iyon mag-isa." "Wow! Really? Do I have to clap for you?" "Hindi ko kailangan ng kahit ano mula sa'yo. At lalong wala akong dapat na ipaliwanag sa iyo." "C'mon! Miss, ang hirap sa inyo di kayo marunong mag-admit na mahina kayo. Pinagpipilitan niyong kaya niyo kahit hindi naman. Ano bang gusto mong patunayan dito, ha? Miss?" "Na kung kaya mo, kaya ko din. That's all. Kahit babae ako kaya kong makipag-sabayan sa mga lalaking katulad mo na ubod ng hangin." "Correction, Miss. It's confidence not mahangin," pagtatama nito. "Over confident. Masyadong bilib sa sarili," kontra ko. "Mas bagay iyon sa katulad mo." "Whatever. I'm just being myself." "Being myself, being myself ka pang nalalaman diyan. Gago! Ganun din 'yun." At tuluyan ko na siyang tinalikuran. Galit na galit akong pumasok ng tent ko. Sumalampak ako ng upo. Grabe! Ang kapal ng mukha ng unggoy na iyon. Sa tanang buhay ko ngayon lang ako naka-encounter ng ganong klase ng lalaki. Sa dinami-dami ng mga nakakasama kong mga lalaki na kapwa ko mga hiker ay never pa akong nainsulto ng ganun. Na minaliit ang kakayahan ko dahil lang sa babae ako. Kung tutuusin ay bilib na bilib pa nga sila sa akin dahil tinatalo ko pa sila sa patibayan sa mga akyatan namin. I don't easily give up lalo na pag ginusto ko talaga. And I want to prove myself to everyone that I'm not just a girl but with strong and determined heart.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD