CHAPTER 4 - THE ENCOUNTER

1717 Words
CHARISE MARIE "Ano ba?" reaksyon ko ng makulong ako sa mga bisig na iyon. Sobra akong nagulat dahil dun. Pinilit kong magpumiglas para makawala pero hindi ko magawa. "Bitawan mo ako," galit kong sabi sa may gawa niyon. Pero parang wala itong narinig. Ni hindi ito natinag sa pagkakayakap sa akin. Sadyang sobrang lakas ng mga braso nitong nakapulupot sa katawan ko. Ramdam ko ang higpit ng yakap nito sa akin. Ang init ng katawan nito mula sa likod ko. Ang mahina nitong hikbi. Hindi ako makagalaw. Pero sino ito? Hindi ko siya kilala. Bakit niya ako niyayakap? Akala ko ako lang ang tao roon pero mukhang mali ako. May iba pang naroon maliban sa akin at hindi ko iyon napansin. "Love! Bumalik ka." Narinig kong usal nito habang marahan na humahangos kasabay ng paghikbi din nito. Sino si Love? Anong pinagsasabi nito? Bakit humihikbi ito? Hindi ko alam kung anong nangyayare pero parang may mali. Hinayaan ko lang saglit ang lalaki habang nakayakap pa din sa akin kahit na ako'y naguguluhan. Andaming tanong ang nabuo sa utak ko at kailangan ko ng sagot. Baka bigla na lamang niya akong itulak sa bangin at madeado ako ng wala sa oras pagnagkataon. Halos nasasaktan na ako sa sobrang higpit ng yakap nito. Naiipit na ang dibdib ko. At hindi na ako natutuwa sa ginagawa nito sa totoo lang. Halatang may malisya na ang yakap nito. Hindi na simpleng yakap lang iyon kundi nanantsing na ito sa akin. Nababastos na ako. Tumikhim ako para makaramdam man lang ito. "Mister, hindi na ako makahinga. Pwede ba bitawan mo na ako?" kalmado ko pa ding pakiusap. Pero wala akong narinig na response mula dito. Ni hindi pa rin lumuwag ang pagkakayakap nito sa akin. "I'm miss you so much, Love. Bakit ngayon ka lang bumalik? Saan ka galing? Pinag-alala mo ako ng sobra," sunod-sunod nitong sabi. Kumuno't ang noo ko sa mga narinig kong tinuran nito. May kakaiba talaga sa lalaki na hindi ko maintindihan. Ako ba ang tinatanong niya? Kung oo, ay hindi ko rin alam ang isasagot ko. San ba ako galing? Malamang sa bahay. San pa ba? Napasimangot ako dahil dun. "Anong pinagsasabi mo? Bitawan mo na nga ako. Wag mo akong dramahan para makatsansing ka lang. Lumang style na 'yan, ulol. Hindi mo ako mauuto, gago!" naiinis kong sabi. Medyo binalot na ako ng takot. Hindi ko kasi alam kung masamang tao ito at may binabalak itong gawin sa akin. Posible din kasi itong r****t o di kaya killer. At tanging dadalawa lang kami ang naroon. If ever na pagtangkaan niya ako walang pupuwedeng tumulong sa akin. Ayoko pang mamatay na virgin. Hindi ko pa nakikita si Mister Right ko. Kaya kahit na kabado at takot ay nagpumilit na akong nagpumiglas para makawala mula sa lalaki. Ubod lakas ko siyang siniko dahilan para lumuwag ang pagkakayap nito sa akin saka tuluyan itong mapahiga sa batuhan. Dahil dun ay tuluyan akong nakawala. Sinamantala ko ang pagkakataon na makaalis doon. Pinilit kong tumayo mula sa pagkakaupo kahit delikado para makalayo pero namali ako ng tapak dahilan para tuluyan akong ma-out of balance at tuluyan akong dumausdos pababa. Halos umalingaw-ngaw ang sigaw ko sa sobrang pagkabigla ko. Ito na yata ang katapusan ko. Goodbye, Earth! Napapikit na lang ako. Pero bago pa ako tuluyang mahulog pababa sa bangin na iyon ay isang kamay ang mabilis na humatak sa braso ko. Napamulat ako ng mata dahil doon. "Kumapit ka ng mabuti sa kamay ko. Wag kang bibitaw!" sigaw ng lalaki sa akin habang hawak nito ang braso ko. Napakapit ako ng mahigpit dito habang unti-unti niya akong inaangat mula sa baba. Kontodo kapit ako habang nakatingin sa mukha nito. Mababakas sa mukha nito ang kagustuhan nitong mailigtas ako mula roon. Halos buong lakas niya akong inaangat. Hanggang sa tuluyan niya akong maiahon mula sa bangin. Kapwa pa kaming napahiga sa batuhan sa sobrang pagod. Halos hingal kabayo kami pareho dahil sa makapigil-hiningang eksenang iyon. Buti na lang talaga at mabilis ang lalaki. Naagapan niya ang tuluyan kong pagbulusok sana sa pababa. Napatingin ako sa lalaki. Nakikita ko ang pag-angat ng dibdib nito sa bawat paghinga nito. Dinig na dinig ko din ang lakas niyon. Halos mamula ang mukha nito at namuo ang pawis nito sa sintido. Agad akong umiwas ng tingin ng mapansin kong lilingon ito sa direksyon ko. "Ayos ka lang?" Narinig kong tanong nito sa akin. "Oo," sagot ko habang naghahabol pa din ng hininga. "Ba't ka ba kasi nagpupumiglas?" muling tanong nito. Binalingan ko siya. "Aba, natural. Common reaction ko na iyon. Ikaw ba naman ang bigla-bigla na lang yayakapin ng hindi mo alam. Nang hindi mo kilala. Anong mararamdaman mo, aber? Pananantsing na kaya ang ginagawa mo sa akin, Mister. Hindi na yakap iyon. May malisya na," mahabang litanya ko sa sobrang inis. "Sorry, akala ko kasi..." Hindi nito natuloy ang sasabihin. Kasalukuyan itong nakatingin sa mukha ko. Nakatutok ang mga mata sa akin. "Wag mo nga akong tignan ng ganyan. Nakakaasiwa." sita ko sa kanya. "Hindi mo ba alam ang kasabihang "Staring is rude?" Tuluyan nitong inalis ang tingin sa akin. Mukhang nakuha naman nito ang ibig kong puntuhin. Mukhang na-realize na din nito na nagkakamali ito at hindi ako ang tinatawag nitong "Love." "I'm really sorry. I thought you we're my Love," seryoso nitong sabi. "Nagkamali ako. Patawarin mo ako. Hindi ko intensyon ang gulatin ka. Nadala lang ako. Pasensya ka na talaga," hinging paumanhin pa nito. Hindi ko pa din ma-gets kung ano at sino ang mga binabanggit nito. Nacu-curious na ako sa lalaking ito. "Sino ba 'yang "Love" na 'yan at kanina mo pa inuulit-ulit?" interesado kong tanong. "Someone who is very special to me," sagot nito habang nakatingala sa langit. "Bakit asan ba siya?" ulit ko pang tanong. Pero wala na akong narinig na sagot mula dito. Naging tahimik na ito. Staring blanky in the sky. Isang patak ng luha ang nakita kong tumulo sa gilid ng mata nito. Seems like a very special person he is referring to at halatang naalala nito iyon. Hindi ko alam kung ano mang pinagdadaanan nito at wala na akong pakialam dun. Nandito ako para i-enjoy ang nalalapit kong birthday. Akala ko pa naman perfect na to start the countdown ng birthday ko ang sunset pero sinira nito ang moment na iyon. Wala na talaga tuluyan nang wala ang araw. Lumubog na talaga ito. Ito din ang dahilan kung bakit muntikan pa akong matsugi ng wala sa oras. Dahil sa maling akala nito at pinagkamalan pa akong si "Love" keme nito. Kahit pa nga sabihin na ito ang nagligtas sa akin sa bingit ng kamatayan. Aba'y dapat lang siya din naman ang may kagagawan niyon kaya ako nawalan ng balanse at napunta sa alanganin kaya hindi ako magta-thank you sa kanya. Kung tutuusin ay dapat pa nga akong magalit sa kanya sapagkat nagpunta ako ng Mount Salvacion para salubungin ang pagdagdag ng edad ko at lalong hindi ang patigilin iyon. Akala ko pa naman magiging perfect ang lahat. Masosolo ko ang bundok na ako lang mag-isa roon pero may asungot na biglang sumulpot out of nowhere and turn it into disaster. Pero thankful pa din ako at buhay pa ako. Mae-experience ko pa ang nasa bucket list ko pero 'yun nga lang hindi katulad ng nauna kong plano na gawin iyon ng solo. Magbi-birthday pa ako bukas habang pinapanood ang sunrise at sea of clouds. Maswerte pa din ako. Thanks G! Tuluyan na akong bumangon. Samantalang ang lalaki ay nakahiga at nakatingala pa rin. Unti-unti nang nawawala ang liwanang. Kailangan ko nang mai-set up ang tent ko bago tuluyang dumilim. Hindi ko na siya inintindi pa at mabilis na lumapit sa gamit ko. EVAN LEE Nakahiga pa din ako. Naramdaman ko nang tumayo ang babae pero hindi pa din ako nag-abalang gumalaw. Nakatingala lang ako sa langit na unti-unti nang nagbabago ng kulay. Mukhang bigo na naman ako sa pagkakataong ito. Hindi pa din bumabalik si Cathy. At mali ako sa nadatnan ko. Akala ko si Cathy ang babaeng nakaupo sa batuhan malapit sa bangin exactly on the same spot at hinihintay ang pagdating ko. Mali pala ako. Today is the exact day nung nahulog at nawala si Cathy at hanggang ngayon ay wala pa ding balita sa kaniya. Wala pa ding katawan ang nari-recover. Ilang beses na akong nagpabalik-balik sa lugar na posibleng pinagbagsakan nito pero walang bakas na napunta ito roon sa baba. Every year ay nagpupunta ako dito ng mag-isa sa mismong araw at petsa nung nawala ito. Umaasa akong madadatnan ko siya dito pero for the third time wala pa din ito. Sa totoo lang nawawalan na ako ng pag-asa na makita pa si Cathy. Sa tagal na ng pagkawala nito ay hindi ko na alam kung buhay pa ba ito o patay na. Sinisisi ko ang sarili ko dahil dun. Wala man lang akong nagawa para iligtas siya. Napakawala kong silbi. Hindi ko man lang siya napigilan na wag mataranta. Napaka-iresponsable kong boyfriend niya dahil dun. Pero may isa pa akong dahilan kung bakit ayokong sumuko at patuloy pa din akong umaasa na makikita ko pa din at isang araw ay babalik na siya. Naalala ko kasi nung huling andito kami na magkasama. Nung mismong nag-propose ako sa kanya dun sa may batuhan malapit sa bangin ay saktong umihip din ang napakalakas na hangin at sinabayan pa ng nakakasilaw na liwanag na naging dahilan para mataranta si Cathy. Iyon na yata ang sighting na sinasabi ng mga nakakasaksi ng unexplained phenomenon na iyon. At malamang ay galing ang nakakasilaw na liwanag na iyon mula sa ilaw ng spaceship ng mga Alien at sila ang dahilan kung bakit nawawala si Cathy. Malakas talaga ang kutob kong kinuha nila si Cathy kaya hindi siya mahanap. In-abduct nila ito. Sakto din kasi na nawala ang malakas na ihip na hangin at ang nakakasilaw na liwanag sa pagkahulog ni Cathy sa bangin. Alam kong weird ang pinaniniwalaan ko pero posible. Kilala ang Mount Salvacion dahil sa mga supernatural events like Aliens and UFO kaya malaki ang posibilidad na totoo iyon at puwedeng maulit ulit. Malakas ang kutob kong mangyayare ulit iyon mamayang gabi. At umaasa akong tuluyan ng lilitaw at babalik si Cathy mamaya. Tuluyan na din akong bumangon para mag-set up ng tent ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD