CHAPTER 3 - Flashback To Present

1965 Words
EVAN LEE Katatapos ko lang i-set up ang tent namin. Samantalang si Cathy ay nagluluto ng kakainin namin. Kaming dalawa lamang ang naroon. Mabuti na lang talaga at wala kaming kasabay. Solong-solo namin ang lugar. We can spend time together. We have privacy at perfect ang moment para sa binabalak kong proposal. Yes, matagal ko nang pinaplano iyon and I think this the perfect time para gawin iyon. Lumabas ako ng tent. "Love, konti na lang maluluto na 'to," ani ni Cathy. "Don't rush it, Love. Hindi pa naman ako gutom. Need some help?" "Kaya ko na 'to, Love. Stargazing ka muna diyan." "Okay, Love." Napatingin ako sa kalangitan. Walang buwan pero nakakatuwa dahil halos mapuno iyon sa sobrang daming stars na kumikinang-kinang katulad ng mga diamonds. I enjoyed myself habang nakatingala. Kinuhanan ko din iyon ng pictures para remembrance. Everthing was in perfect setting. Medyo excited ako at kinakabahan at same time sa gagawin ko later. Kakatapos lang naming kumain and we decided na umupo sa may batuhan na malapit sa may bangin. Perfect spot kasi roon. Kitang-kita ang lahat. Malamig ang simoy ng hangin. Kaya niyakap ko palapit sa akin si Cathy para kahit paano ay may konting init. Humilig ito sa balikat ko. "Happy anniversary sa atin, Love," bati ni Cathy sa akin. "Happy anniversary," tugon ko at sabay halik sa noo niya. "Sana marami pa tayong anniversary na ma-celebrate para marami pa tayong bundok na maakyat together," muling sabi ni Cathy. "True, Love. Sana. Ay, wait..." sabi ko. Napilitan itong umalis sa pagkakahilig sa akin. Ito na ang pinakahihintay kong sandali. Kinuha ko ang maliit na box sa bulsa ko saka dahan-dahang binuksan iyon sa harap niya. Nanlaki ang mata ni Cathy ng tumambad ang lamang singsing niyon. Kumikinang pa ang bato niyon. It was a diamond ring na pinag-ipunan ko para sa kanya. Hindi agad ito nakapag-react. Halatang hindi nito ine-expect iyon. Ilang segundo siyang natigilan bago tuluyang nagsalita. "Love, what's this?" nasabi nito. Humugot muna ako ng malalim na hininga bago nagsalita. Tinitigan ko siya sa mata. I want her to hear and feel that I'm sincere sa bawat salita kong sasabihin. "I know it's been exactly two years today since we became lovers. Medyo matagal-tagal na din. Madami-dami na tayong pinagsamahan together. May mga times na di tayo nagkakaintindihan pero sabi nila normal lang naman iyon. Wala naman daw perfect realationship di ba?" At ngumiti ako ng alanganin. Nakatitig lang siya sa akin. Hinaplos niya ang pisngi ko. "But I want you to know how lucky and blessed I am having you as my girlfriend. I found my perfect pair in you at sigurado na ako na ikaw na ang babaeng gusto kong makasama for the rest of my life. Miss Catherine Magdayao Sevilla will you marry me?" Seryoso lang ito. Nagpalipat-lipat ang mata sa singsing at sa mukha ko. Hinintay ko ang magiging sagot niya. "Ano pa nga ba? Edi, yes!" nakangiti at masigla nitong sagot. "Talaga?" Hindi ako makapaniwala. Tumango ito. Dahil dun ay nayakap ko siya ng sobrang higpit. My heart was full of happiness. Finally, the moment and the words that I've been wanting to hear. This is it. "Yes! Yes! Yes!" Sigaw ko ng sobrang lakas. Halos nag-echo iyon sa buong lugar. Kami lang ang tao doon. Walang sisita kaya okay lang. I can shout at the top of my lungs kung gugustuhin ko. Dinaig ko pa ang nanalo sa lotto dahil sa sagot nito. "Sssh..." saway nito sa akin. "I'm just happy, Love. Thank you dahil pumayag ka." "You, deserve it." Kinuha ko ang kamay niya saka maingat na isinusuot ang singsing sa daliri niya ng bigla na lamang humangin ng sobrang lakas. Nayakap ko si Cathy dahil dun. Para na kaming tatangayin niyon. Napakapit ang isang kamay ko sa batuhan habang ang isa ay nakayakap kay Cathy. "Kumapit ka ng mabuti sa akin, Love." Sigaw ko sa kanya. Next thing we knew isang nakakasilaw na liwanag ang bigla na lamang tumapat sa pwesto namin. Yung tipong di na namin maimulat ang mga mata namin. Sa sobrang takot ni Cathy ay nataranta ito. Kumalas ito sa yakap ko at pinilit na tumayo. Hindi ko na siya nakita. Sunod ko na lamang na narinig ay ang sigaw nito. Tuluyan itong nawalan ng balanse at nahulog sa bangin. Hindi ko siya nahawakan at napigilan pa. Wala na akong nagawa pa kundi ang magsisigaw at umiyak. "Love! Love! Loveeeeeeeeee!" Hanggang sa tuluyan na din nawala ang nakakasilaw na liwanag at maging ang sobrang lakas na hangin. Pero wala na si Cathy. Tuluyan na siyang nawala. Wala akong nagawa para iligtas siya. Iyak ako ng iyak. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung buhay pa ba ito o hindi. Pinilit ko siyang hinanap sa posibleng pinagbagsakan nito. Kahit na malabo na makita ko siya. Kahit na pahirapan sapagkat sobrang dilim at masukal pa ang lugar. Hindi ako sumuko. Kahit pagod na ako at walang tulog pero sige lang. Ang importante makita ko siya. Halos nagkandaligaw-ligaw lang ako. Sobrang nag-aalala talaga ako para sa kanya. She needs my help pero bigo ako matagpuan siya. Sinisisi ko ang sarili ko dahil dun. Kasalanan ko iyon. Responsibilidad ko siya as her boyfriend na masigurong safe siya pero naging pabaya ako. Napaupo na lang ako habang lumuluha. Wala akong choice kundi ang hintayin ang lumiwanag. Umaasa akong makikita ko siyang buhay. Kahit na medyo kinakabahan ay tinawagan ko ang parents ni Cathy para ipaalam ang nangyare dito. Agad na nag-hysterical ang mga ito sa binalita ko. Puro mura ang natanggap ko mula sa tatay nito na isang general. Wala akong nagawa kundi ang tanggapin lahat iyon. Kung may dapat mang sisihin ako iyon. Wala nang iba ako lang. Kinabukasan ay isang search and rescue retrieval ang naganap. Kasama ang mga tauhan ng ama ni Cathy ay sumama din ako para galugarin ang gubat para mahanap ang katawan ni Cathy pero bigo kami. Walang Cathy na nakita. Ni bakas na pinagbagsakan nito ay wala. At sinisisi nila ako dahil dun. Halos isumpa nila ako dahil sa sobrang galit. Hindi ko naman sila masisisi. Napaka-iresponsable ko bilang boyfriend ni Cathy. Hindi ko namalayan na naluluha na pala ako habang nakatitig sa picture ni Cathy. It's been two years since nangyare ang aksidenteng iyon. At hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikita ang katawan niya. I miss her so much. Malakas ang kutob kong buhay pa din siya. Iniisip kong baka nga spaceship ng mga Alien ang nakakasilaw na iyon at ito ang nag-abduct kay Cathy kaya walang bangkay ng katawan nahahanap. Kaya every year ay naging panata ko na ang pumunta ng Mount Salvacion sa mismong araw at petsa na nawala ito. Hoping na makikita at madaratnan ko pa din siya doon. Na finally bumalik na ito at hinihintay akong umakyat ulit. Na magkikita kami ulit. Hindi pa din ako nawawalan ng pag-asa na mangyayare iyon. At three days from now ay ang araw na muli akong aakyat ng Mount Salvacion. CHARISE MARIE Madaling araw akong umalis ng bahay kanina. Bumiyahe ako ng mahigit dalawa't kalahating oras para maaga ako makarating. Sakto lang ang dating ko. Sarado pa ang baranggay hall kung saan magpapa-register at magbabayad para maka-akyat sa bundok. May ilang tindahan ang naroon at bukas na. Lumapit ako sa isa doon at nagtanong kung meron silang tindang kape. Sakto meron sila at meron ding kakanin na tinitinda. Bumili ako nun saka nagkape muna habang naghihintay. Habang kumakain ako ay bigla kong natanong ang aleng tindera. "Manang anong oras ho nagbubukas 'yung baranggay hall para sa registration?" "Bakit Ineng, aakyat ka ba ng Mount Salvacion?" tanong nito sa akin. "Oho," sagot ko saka ko inilapag ang kapeng kakahigop ko pa lang na nasa paper cup. "Mag-isa ka lang ba? Wala ka bang kasama?" Muli nitong tanong. "Bakit ho bawal po ba?" Nagtataka kong tanong sa kanya. Bigla akong naweirduhan sa tanong nito. "Hindi naman pero bakit?" Napatingin ako sa kanya. Hindi lang pala matanong 'tong si Manang mukhang usisera pa. "Wala ho. Trip ko lang saka matagal ko na po kasing gustong maakyat 'yung bundok," sabi ko sa kanya. "Alam mo naman siguro 'yung kwento-kwento diyan sa bundok." "Totoo po ba 'yung sabi nilang mga nakikitang UFO at mga Alien doon sa tuktok?" Interesado kong tanong. "Hindi ko rin alam. Sa tagal ko nang nakatira dito ay hindi ko pa naman naranasan na makakita ng mga UFO at Alien. At isa pa ayoko ring makakita baka kunin nila ako. Kawawa ang mga anak ko." "Ah, ganun po ba." Napatango na lang ako sa mga sinabi nito. "Basta mag-ingat ka na lang. Wag ka nang magpagabi doon sa tuktok. Mas mabuting bumaba ka bago dumilim. Medyo nakakatakot din kasi doon sa taas. Alam mo na mga maraming engkanto ganun." "Sige, ho manang. Salamat po sa paalala," nasabi ko at muling itinuloy ang kinakain kong kakanin. Matagal ko nang naririnig ang kwento-kwento tungkol dun sa bundok na pugad daw ng mga Alien at landingan ng mga UFO. Kaya na-curious ako kung totoo nga iyon. Pero wala pa namang nakakapagpatunay kung totoo nga iyon. Bago ako nagdesisyon na akyatin ang bundok ay nagresearch muna ako tungkol doon. Ilang articles ang nabasa ko. Iisa at pare-pareho lang ang sinasabi. Totoo at meron nga daw talaga. Ganun din sa mga larawan na nagkalat sa internet. Pero sabi naman ng iba ay puro edited lang daw iyon para lang sumikat ang bundok. Pero imbes na dayuhin ng mga mahihilig umakyat ay ayun mas kinatakutan at pinangilagan pa lalo na ng mga mountaineer. At tanging mga malalakas lang ang loob at desido ang nag-a-attempt na umakyat. Actually, bukas pa talaga ang birthday ko. Balak ko talaga na doon mag-overnight para salubungin ang birthday ko with beautiful sunrise at sea of clouds bukas ng umaga. Matagal ko na 'tong plano at nasa bucketlist ko. Gusto kong i-fulfill iyon na mag-celebrate ng birthday sa tuktok ng Mount Salvacion. I'm turning twenty seven years old tomorrow at hindi naman ako takot. Sa totoo lang mas na-excite ako na magawa iyon. Plus, pagnagkataon na may ganap na sighting ng mga UFO at Alien mamaya at makuhanan ko iyon. Another achievement iyon for me. Ako ang magiging patotoo that they really exist. Kanina pa ako roon at katatapos ko lang mag-register pero ni isa ay wala pang dumadating na katulad kong aakyat. Mas pabor iyon sa akin dahil maso-solo ko ang bundok. Pasado alas nuebe ng umaga ng magdecide akong magsimula nang umakyat. Medyo mainit na pero ayos lang. Hindi na din ako kumuha ng guide pa. I wanna do it solo. And isa pa I want to be alone. Para makapag-concentrate ako at mabilis makarating sa taas. Ilang oras akong naglalakad. Mabuti na lang at maganda ang panahon. Hindi masukal ang sinusundan kong trail kaya mabilis kong narating ang tuktok nun. Alas dos na ng hapon ng marating ko iyon. Halos mamangha ako sa nadatnan ko. Super ganda ng view. Sea of clouds. Tanaw na tanaw ang mga katabing bundok. Sumasayaw ang makapal na talahib sa ihip ng hangin. Super tahimik. Napaupo ako para namnamin ang sandaling iyon at e-enjoy ang mga nakikita. Nakakatuwa. Malayong-malayo sa sinasabing pugad ng mga Aliens at landingan ng mga UFO. Para na akong nasa baba ng langit sa ganda. Konting-konti na lang talaga. Para akong nasa top of the world. Finally, naakyat ko na siya ng mag-isa. I did it myself. Matiyaga kong hinintay ang sunset. Lumipat pa ako ng pwesto para sa mas maganda at maging exciting ang viewing experience ko. Nakaupo na ako sa may batuhan malapit sa may bangin. Inihanda ko din ang phone ko para kunan ang perfect na paglubog nang araw ng bigla na lamang may yumakap na mga bisig mula sa likod ko na labis kong ikinagulat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD