CHARISE MARIE Kasalukuyan kaming nagpapahinga at nakaupo ako sa ugat ng isang puno. Tumigil muna kami saglit sa paglalakad. Ilang oras na din kasi kaming walang tigil sa paglalakad. Kanya-kanyang pahinga ang lahat para uminom ng tubig, hilot ng mga binting pagod na at nananakit, ayos at check ng mga dalang gamit at siyempre para bumawi ng lakas. Ang aga kasi naming gumising at nagpack-up kaninang umaga para maghike. Wala pa ding nakakaalam kung gaano katagal pa bago namin mararating ang pinaka-peak ng Mt. Malinghot. Pero sa tantiya ko ay malapit-lapit na din kami. Baka nga bandang tanghali o hapon ay naroon na kami. Sana lang talaga ay mapabilis ang lakad namin. Excited na akong makita ang ganda kapag nasa taas. Napadako ang tingin ko sa grupo nina Evan, Brian at Lei. Nag-uusap ang mga i

