EVAN LEE "WOOH!" narinig kong hiyaw nina Leo at Brian habang minamaneho ang sasakyan ko. Si Brian ang kasalukuyang nasa manibela. Samantalang si Leo ay nasa tabi nito. Andito ako pumwesto sa likod sapagkat gusto kong umidlip muna. Naalimpungatan ako at muntikan pang malaglag sa pagkakahiga ko sa upuan. Sobrang bilis kasi ng patakbo nito. At may pag-gewang-gewang pa. Sabayan din ng sobrang lakas ng music na tumutugtog mula sa stereo ng sasakyan. Napapakanta pa ang mga ito sa tugtugin ng bandang Eraserheads. Dahilan para lalong ganahan ito. "Hoy, dahan-dahan naman, Brad! Baka mabangga tayo!" sigaw ko sa mga ito. Pinilit kong bumangon. Hindi pa ako nakakaupo ng ayos ng napapakapit naman ako sa kinauupuan ko. Paano ba naman ay bigla na lamang itong umover take sa nauna sa aming van at inag

