CHARISE MARIE "Brader!" Kapwa kami napalingon ni Rye ng marinig iyon. Isang nakangiting lalaki ang nakita naming papalapit mula sa parking area. Kasunod nito ang dalawa pang lalaki na nasa likod nito. Sinalubong ito ni Rye. "Uy! Mga brader. Kamusta?" ani Rye sa masayang tinig. Nagtapikan ang mga ito sa likod at nagyakapan. Ganun din ang dalawa pa. Halatang masaya ang mga ito na magkita-kita. "Ayos lang, brader. Kanina ka pa?" tanong ng lalaking tumawag dito na medyo may kahabaan ang buhok at may bigote. Infairness may itsura din si Kuya. Rugged handsome. Bagay ang bigote nito rito. "Medyo. Nakaka-dalawang bote na nga ako. Antagal niyo eh," sabi ni Rye. "Paano kasi antagal ni Brian. P*t*h ibang site visit pala ang sadya dito," singit ng isa pa na may itsura din na nasa likod. 'Yun n

