EVAN LEE A WHILE AGO Nakakatig-ilang bote na kami ng San Mig Light nina Rye, Brian at Leo. Medyo may tama na pero matino pa naman ang mga isip. Kayang-kaya pa ang isang round. We enjoyed drinking and talking a lot. Na-miss ko ang ganitong get together naming magbabarkada. Sapagkat bihira ang pagkakataon na magkakasama kami ng ganito --- buo. Hindi ko na matandaan kung kailan ang huli na nabuo kaming apat. Paano ba naman masyadong committed si Rye sa showbiz commitments nito. Though palagi namin siyang nakikita sa tv pero once in a blue moon lang talaga namin siya nakakasama ng personal at matagal. Kung magkita man ay saglit na saglit lang. Usually kaming tatlo lang nina Brian at Leo ang laging magkakasama. Kaya tuwang-tuwa ako na makasama uli sa Rye despite ng hectic schedule nito. M

