CHARISE MARIE Hindi na ako nakahuma pa ng dumampi ang mga labing iyon sa labi ko sa sobrang pagkabigla. Hindi ko iyon inaasahan. Nagulat ako at nanlaki na lamang mata dahil sa ginawa ng walang modong lalaki na bigla na lamang sumulpot sa harap ko sabay hinawakan ang magkabilang pisngi ko saka ako hinalikan sa mga labi. Tumagal ata iyon ng ilang mga segundo bago nito tinanggal ang labi nito sa labi ko. Nawala ako saglit sa katinuan dahil sa nangyare. Hindi agad ako nakapag-react ni nakapagsalita pero natuon na ang mata ko sa mukha ng lalaki na may gawa niyon. Hindi ko masyado maaninag ang mukha nito sapagkat di gaano maliwanag. Ang liwanag na mula sa ilaw na nasa loob ng cottage na nakabukas ay hindi umaabot sa kinaroroonan namin. Hindi rin nakabukas ang ilaw sa labas. Ganun din ang mga

