CHAPTER 17

1640 Words

CHARISE MARIE Kakatapos lang naming mag-breakfast. Mag-e-eight na ng umaga. Last day na ng tour namin ngayon. After dito sa resort ay may ilang pasyalan pa kaming pupuntuhan bago tuluyang umuwi pabalik ng Maynila. Kasalukuyan kaming nakaupo at nagpapababa ng kinain. Kasama ko si Mylene sa mesa pero hindi ko siya kinakausap. Naiinis ako sa kanya dahil sa nangyare kagabi. Imbes kasing damayan ako sa nangyare sa akin ay mas pinili pa talaga nitong mag-stay kasama sina Evan kesa sundan ako pabalik ng cottage. Mas inuna nito ang kalandian ng dahil kay Rye. Nakarating na ako ng cottage pero hindi pa din ito dumadating. Mga ten minutes pa siguro ang lumipas bago ito pumasok ng cottage namin. Nagkukuwento ito pero ayokong intindihan. Nagtatampo ako sa kanya. At wala ako sa mood na kausapin siya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD